Isang Gabay sa Fundamental Analysis ng Cryptocurrency
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang fundamental analysis (FA)?
Ang problema sa fundamental analysis ng crypto
Mga on-chain na sukatan
Mga sukatan ng proyekto
Mga pampinansyal na sukatan
Mga indicator, sukatan, at tool ng fundamental analysis
Pagsasama-sama ng mga sukatan at paggawa ng mga indicator ng FA
Mahahalagang indicator at sukatan ng FA
Ratio ng Network Value to Transactions (NVT)
Ratio ng Market Value to Realized Value (MVRV)
Stock-to-flow na modelo
Mga halimbawa ng mga tool sa Fundamental Analysis
Baserank
Bayarin sa Crypto
Glassnode Studio
Mga pangwakas na pananaw
Isang Gabay sa Fundamental Analysis ng Cryptocurrency
Home
Mga Artikulo
Isang Gabay sa Fundamental Analysis ng Cryptocurrency

Isang Gabay sa Fundamental Analysis ng Cryptocurrency

Intermediya
Na-publish Sep 21, 2020Na-update Nov 11, 2022
21m

TL;DR

Kasama sa fundamental analysis ng crypto ang malalim na pagsisiyasat sa available na impormasyon tungkol sa isang pampinansyal na asset. Halimbawa, puwede mong tingnan ang mga sitwasyon nito sa paggamit, ang dami ng mga taong gumagamit nito, o ang team sa likod ng proyekto.

Ang iyong layunin ay maabot ang isang konklusyon sa kung ang asset ay overvalued o undervalued. Sa yugtong iyon, puwede mong gamitin ang iyong mga insight para matukoy ang iyong mga posisyon sa pag-trade.


Panimula

Ang pag-trade ng mga asset na kasing-volatile ng mga cryptocurrency ay nangangailangan ng ilang kasanayan. Ang pagpili ng diskarte, pag-unawa sa malawak na mundo ng pag-trade, at pagiging bihasa sa technical at fundamental analysis  ay mga kasanayang unti-unting natututuhan.
Pagdating sa teknikal na pagsusuri, puwedeng makuha ang ilang kahusayan mula sa mga legacy na pampinansyal na merkado. Maraming trader ng crypto ang gumagamit ng mga teknikal na indicator na katulad ng nakikita sa Forex, stock, at mga commodity trading. Sinusubukan ng mga tool na tulad ng RSI, MACD, at Bollinger Bands na hulaan ang gawi ng merkado anuman ang asset na tine-trade. Kaya naman napakasikat din ng mga tool na ito para sa teknikal na pagsusuri sa mundo ng cryptocurrency.

Sa fundamental analysis ng cryptocurrency, bagama't ang diskarte ay katulad ng ginagamit sa mga legacy market, hindi ka talaga makakagamit ng mga subok nang tool para magsuri ng mga crypto asset. Para makapagsagawa ng wastong FA sa mga cryptocurrency, kailangan nating maunawaan kung saan nagmumula ang halaga ng mga ito.

Sa artikulong ito, susubukan naming matukoy ang mga sukatan na puwedeng magamit sa paggawa ng iyong mga sariling indicator.


Ano ang fundamental analysis (FA)?

Ang Fundamental analysis (FA) ay isang diskarteng ginagamit ng mga mamumuhunan para maitakda ang 'tunay na halaga' ng isang asset o negosyo. Sa pamamagitan ng pagtingin sa ilang panloob at panlabas na salik, ang kanilang pangunahing layunin ay matukoy kung overvalued o undervalued ang nasabing asset o negosyo. Pagkatapos, puwede nilang gamitin ang impormasyong iyon para madiskarteng pumasok o lumabas sa mga posisyon.

Nagbibigay rin ang technical analysis ng mahalagang data sa pag-trade, pero nagreresulta ito sa iba't ibang insight. Naniniwala ang mga user ng TA na mahuhulaan nila ang mga paggalaw ng presyo sa hinaharap batay sa dating performance ng mga asset. Naaabot ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pattern ng candlestick at pag-aaral sa mahahalagang indicator.
Sa pangkalahatan, tinitingnan ng mga tradisyonal na fundamental analyst ang mga sukatan ng negosyo para malaman ang totoong halaga nito ayon sa palagay nila. Kasama sa mga ginagamit na indicator ang earnings per share (magkano ang kikitain ng isang kumpanya para sa bawat outstanding share), o ang price-to-book ratio (ano ang halaga ng kumpanya para sa mga mamumuhunan kumpara sa book value nito). Halimbawa, puwede nila itong gawin para sa ilang negosyo na nasa isang niche, para malaman kung kumusta ang inaasahan nilang pamumuhunan kung ihahambing sa iba.
Para sa isang mas komprehensibong panimula sa fundamental analysis, tingnan ang Ano ang Fundamental Analysis?


Ang problema sa fundamental analysis ng crypto

Hindi talaga masusuri ang mga network ng cryptocurrency sa paraang katulad ng sa mga tradisyonal na negosyo. Kung mayroon man, ang mga mas desentralisadong alok tulad ng Bitcoin (BTC) ay mas malapit sa mga commodity. Pero kahit sa mga mas sentralisadong cryptocurrency (tulad ng mga inisyu ng mga organisasyon), wala gaanong masasabi ang mga tradisyonal na indicator ng FA.

Kaya, kailangan nating ilipat ang ating pansin sa ibang mga framework. Ang unang hakbang sa prosesong iyon ay ang pagtukoy sa malalakas na sukatan. Kapag sinabing malakas, ang ibig naming sabihin ay mga sukatang hindi madaling mamanipula. Halimbawa, malamang na hindi magandang sukatan ang mga follower sa Twitter o user sa Telegram/Reddit, dahil madaling gumawa ng mga pekeng account o bumili ng pakikipag-ugnayan sa social media.

Mahalagang tandaan na walang iisang sukatan ang makakapagbigay sa atin ng buong larawan ng network na sinusuri natin. Puwede nating tingnan ang bilang ng mga aktibong address sa isang blockchain at makitang malaki ang itinataas nito. Pero wala ito gaanong sinasabi sa atin. Ang alam natin, posibleng iisang tao ito na naglilipat ng pera papunta at pabalik sa kanyang sarili gamit ang mga bagong address sa bawat pagkakataon.
Sa mga sumusunod na seksyon, aalamin natin ang tatlong kategorya ng mga sukatan ng FA ng crypto: mga on-chain na sukatan, sukatan ng proyekto, at pampinansyal na sukatan. Hindi kumpleto ang listahang ito, pero dapat itong makapagbigay sa atin ng sapat na pundasyon para sa mga susunod na paggawa ng mga indicator.


Mga on-chain na sukatan


Ang mga on-chain na sukatan ay mga sukatang puwedeng maobserbahan sa pamamagitan ng pagtingin sa data na ibinigay ng blockchain. Puwede nating gawin ito mismo sa pamamagitan ng pagpapagana ng node para sa gustong network at pagkatapos ay pag-export sa data, pero puwedeng makaubos ito ng panahon at baka mahal. Partikular na kung pamumuhunan lang ang isinasaalang-alang natin, at ayaw nating magsayang ng oras o mga mapagkukunan sa pagsisikap.
Ang mas madaling solusyon ay ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga website o API na partikular na idinisenyo para sa layuning makagawa ng matatalinong desisyon sa pamumuhunan. Halimbawa, nagbibigay sa atin ang on-chain na pagsusuri ng Bitcoin ng CoinMarketCap ng napakaraming impormasyon. Kasama sa mga karagdagang mapagkukunan ang Mga Data Chart ng Coinmetrics o mga ulat sa proyekto ng Binance Research.


Bilang ng transaksyon

Ang bilang ng transaksyon ay isang magandang panukat ng aktibidad na nangyayari sa isang network. Sa pamamagitan ng paglalagay ng numero para sa mga nakatakdang yugto ng panahon (o sa pamamagitan ng paggamit ng mga moving average), makikita natin kung paano nagbabago ang aktibidad sa paglipas ng panahon.

Tandaan na ang sukatang ito ay dapat tratuhin nang may pag-iingat. Tulad ng mga aktibong address, hindi namin matitiyak na hindi lang isang partido ang naglilipat ng mga pondo sa pagitan ng kanilang sariling mga wallet para mapadami ang on-chain na aktibidad.


Halaga ng transaksyon

Ang halaga ng transaksyon, na hindi dapat mapagkamalang bilang ng transaksyon, ay nagsasabi sa atin kung magkano ang halaga ng mga naging transaksyon sa loob ng isang yugto ng panahon. Halimbawa, kung may kabuuang sampung transaksyon sa Ethereum ang ipinadala sa iisang araw, at nagkakahalaga ang bawat isa ng $50, sasabihin nating $500 ang pang-araw-araw na dami ng transkasyon. Puwede nating sukatin ito sa isang fiat na currency tulad ng USD, o puwede nating sukatin ito sa katutubong unit ng protocol (ETH).


Mga aktibong address

Ang mga aktibong address ay ang mga address ng blockchain na aktibo sa isang partikular na panahon. Ang mga diskarte sa pagkalkula nito ay magkakaiba, pero ang isang sikat na paraan ay ang bilangin ang parehong nagpadala at tatanggap ng bawat transaksyon sa mga itinakdang tagal ng panahon (hal., mga araw, linggo, o buwan). Sinusuri din ng ilan ang bilang ng mga natatanging address nang sama-sama, na nangangahulugang sinusubaybayan nila ang kabuuan sa paglipas ng panahon.


Nabayarang bayarin

Siguro ay mas mahalaga para sa ilang crypto asset kaysa sa iba, sinasabi ng nabayarang bayarin ang tungkol sa demand para sa block space. Puwede nating isipin ang mga ito bilang mga bid sa isang auction: nakikipagkumpitensya ang mga user sa isa't isa para maisama ang kanilang mga transaksyon nang mabilis. Makikita ng mga nag-bid nang mas mataas na nakumpirma (namina) nang mas maaga ang kanilang mga transaksyon, samantalang kailangang maghintay nang mas matagal ang mga nag-bid nang mas mababa.
Para sa mga cryptocurrency na may bumababang iskedyul ng emission, magandang sukatan ito para pag-aralan. Nagbibigay ang mga pangunahing Proof of Work (PoW) na blockchain ng reward ng block. Sa ilan, binubuo ito ng block subsidy at bayarin sa transaksyon. Pana-panahong bumababa ang block subsidy (sa mga event na tulad ng Bitcoin halving).

Dahil malamang na tumaas ang gastos sa pagmimina sa paglipas ng panahon, habang unti-unting nababawasan ang block subsidy, makatwiran lang na tumaas ang bayarin sa transaksyon. Kung hindi, malulugi ang mga minero at magsisimulang magsialisan sa network. May epekto ito sa seguridad ng chain.


Hash rate at ang halagang na-stake

Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga blockchain ng maraming iba't ibang algorithm ng consensus, na bawat isa ay may sariling mga mekanismo. Dahil may mahalagang papel na ginagampanan ang mga ito sa pagpapanatiling ligtas ng network, kapaki-pakinabang para sa fundamental analysis ang pagsusuri sa data na nauugnay sa mga ito.

Madalas na ginagamit ang hash rate bilang sukatan ng kalagayan ng network sa mga Proof of Work na cryptocurrency. Kapag mas mataas ang hash rate, mas mahirap magtagumpay sa pag-mount ng 51% pag-atake. Pero ang pagtaas sa paglipas ng panahon ay puwede ring tumukoy sa tumataas na interes sa pagmimina, malamang na bilang resulta ng mga murang overhead at mas malalaking kita. Sa kabaligtaran, ang pagbaba ng hash rate ay tumutukoy sa mga minerong nag-o-offline ("pagsuko ng minero") dahil hindi na sila kikita pa sa pagkuha sa network.

Kabilang sa mga salik na puwedeng makaimpluwensya sa pangkalahatang gastusin sa pagmimina ay ang kasalukuyang presyo ng asset, ang bilang ng mga transaksyong naproseso, at ang binabayarang bayarin, at marami pang iba. Siyempre, ang direktang gastusin sa pagmimina (kuryente, computing power) ay mahalaga ring isaalang-alang.

Ang Pag-stake (sa Proof of Stake, halimbawa) ay isa pang nauugnay na konsepto na may game theory na kapareho ng sa PoW na pagmimina. Pero pagdating sa mga mekanismo, iba ang paggana nito. Ang pangunahing ideya ay sine-stake ng mga user ang mga hawak nila para sumali sa pag-validate ng block. Kung gayon, puwede nating tingnan ang halagang na-stake sa isang partikular na panahon para masukat ang interes (o ang kawalan ng interes).


Mga sukatan ng proyekto


Kapag nauugnay ang mga on-chain na sukatan sa naoobserbahang data ng blockchain, gumagamit ang mga sukatan ng proyekto ng qualitative na diskarte, na tumitingin sa mga salik na tulad ng performance ng team (kung mayroon), whitepaper, at paparating na roadmap.


Ang whitepaper

Lubos na inirerekomendang basahin mo ang whitepaper ng anumang proyekto bago mamuhunan. Isa itong teknikal na dokumento na nagbibigay sa atin ng pangkalahatang-ideya ng proyekto ng cryptocurrency. Dapat tukuyin ng isang mahusay na whitepaper ang mga layunin ng network at bigyan tayo ng insight sa:

  • Ginagamit na teknolohiya (open source ba?)
  • (Mga) sitwasyon ng paggamit na nilalayon nitong matugunan
  • Roadmap para sa mga pag-upgrade at bagong feature
  • Scheme sa supply at pamamahagi para sa mga coin o token

Mainam na i-cross reference ang impormasyong ito sa mga talakayan ng proyekto. Ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol dito? Mayroon bang mga natukoy na red flag? Mukha bang makatotohanan ang mga layunin?


Ang team

Kung may partikular na team sa likod ng network ng cryptocurrency, maisisiwalat ng mga track record ng mga miyembro nito kung nagtataglay ang team ng mga kinakailangang kasanayan para magkaroon ng resulta ang proyekto. Nakagawa na ba noon ng matatagumpay na venture sa industriyang ito ang mga miyembro? Sapat ba ang kanilang kaalaman at kakayahan para maabot ang mga inaasahang milestone? Nasangkot na ba sila sa anumang kaduda-dudang proyekto o scam?
Kung walang team, kumusta ang komunidad ng developer? Kung may pampublikong GitHub ang proyekto, tingnan kung gaano karaming contributor at kung ilang aktibidad ang naroon. Mas nakakapanghikayat ang coin na may tuloy-tuloy na pag-unlad kaysa sa coin na may repository na hindi pa na-update sa loob ng dalawang taon.


Mga kakumpitensya

Dapat mabigyan tayo ng isang mahusay na whitepaper ng ideya sa sitwasyon ng paggamit na tina-target ng crypto asset. Sa yugtong ito, mahalagang matukoy ang mga proyektong kinukumpitensya nito, pati na rin ang lumang imprastrakturang hinahangad nitong palitan.

Dapat ring masinsin ang fundamental analysis ng mga ito. Puwedeng magmukhang kaakit-akit ang isang asset kung titingnan nang hiwalay, pero kapag inilapat ang parehong mga indicator sa mga katulad na crypto asset, posibleng madiskubreng ang amin ay mas mahina kaysa sa iba.


Tokenomics at inisyal na pamamahagi

Gumagawa ang ilang proyekto ng mga token bilang solusyong naghahanap ng problema. Hindi naman ito nangangahulugang hindi kapaki-pakinabang ang mismong proyekto, pero baka hindi partikular na kapaki-pakinabang ang nauugnay na token nito sa kontekstong ito. Kaya naman, mahalagang malaman kung may totoong gamit ang token. At kung mayroon, ang gamit ba na iyon ay kikilalanin ng mas malawak na merkado, at gaano nito malamang na pahahalagahan ang gamit na iyon.
Isa pang mahalagang salik na dapat isaalang-alang sa bagay na ito ay kung paano unang ipinamahagi ang mga pondo. Sa pamamagitan ba ng ICO o IEO, o puwede itong kitain ng mga user sa pamamagitan ng pagmimina? Kung ang una, dapat ibalangkas ng whitepaper kung magkano ang itinatabi para sa mga tagapagtatag at team, at kung magkano ang magiging available sa mga mamumuhunan. Kung ang huli, puwede nating tingnan ang ebidensya ng paunang pagmimina (pagmimina sa network bago ito inanunsyo) ng gumawa ng asset.
Ang pagtuon sa pamamahagi ay puwedeng magbigay sa atin ng ideya tungkol sa anumang panganib na mayroon. Halimbawa, kung karamihan ng supply ay pagmamay-ari lang ng iilang partido, puwede nating masabing mapanganib na pamumuhunan ito, dahil sa huli, puwedeng manipulahin ng mga partidong iyon ang merkado.


Mga pampinansyal na sukatan


Kapaki-pakinabang sa fundamental analysis ang lahat ng impormasyon tungkol sa kung paano kasalukuyang tine-trade ang asset, kung sa anong halaga ito nate-trade dati, liquidity, atbp. Gayunpaman, ang iba pang mahahalagang sukatan na puwedeng mapailalim sa kategoryang ito ay iyong mga may kaugnayan sa ekonomiya at mga insentibo ng protocol ng crypto asset.


Market Capitalization

Ang market capitalization (o halaga ng network) ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply sa supply na nasa sirkulasyon sa kasalukuyang presyo. Sa madaling salita, kinakatawan nito ang hypothetical na gastos para bilhin ang bawat available na unit ng crypto asset (na ipinagpapalagay na walang slippage).

Kung titingnan ito nang hiwalay, posibleng nakakalinlang ang market capitalization. Sa teorya, madaling mag-isyu ng isang walang silbing token na may supply na sampung milyong unit. Kung kahit isa lang sa mga token na iyon ang ma-trade sa halagang $1, ang market cap ay magiging $10 milyon. Malinaw na mali ang valuation na ito – sa kawalan ng isang matibay na value proposition, malabong maging interesado sa token ang mas malawak na merkado.

Bukod pa rito, imposibleng malaman talaga kung ilang unit ang nasa sirkulasyon para sa isang partikular na cryptocurrency o token. Puwedeng ma-burn ang mga coin, mawala ang mga key, at makalimutan na lang ang mga pondo. Sa halip, ang nakikita natin ay mga pagtatantya na sinusubukang i-filter ang mga coin na wala na sa sirkulasyon.

Gayunpaman, malawakang ginagamit ang market capitalization para alamin ang potensyal na paglago ng mga network. Nakikita ng ilang mamumuhunan sa crypto ang "mga small-cap" na coin na mas malamang na lumago kumpara sa mga coin na "large cap". Naniniwala ang iba na ang mga large-cap ay may mas matitinding epekto sa network, at, samakatwid, may mas magandang tsansa kaysa sa mga hindi pa kilalang small-cap.


Liquidity at dami

Ang liquidity ay isang sukatan ng kung gaano kadaling mabili o maibenta ang isang asset. Ang liquid na asset ay isang asset na maibebenta sa trading price nito nang walang problema. Nauugnay ito sa konsepto ng liquid na merkado, na isang kumpetitibong merkado na punong-puno ng mga ask at bid (na humahantong sa mas maliit na bid-ask spread).

Isang problemang puwede nating makaharap sa isang hindi liquid na merkado ay hindi natin maibenta ang ating mga asset sa isang 'patas' na presyo. Ibig sabihin, walang mamimiling handang gumawa ng trade, na nagbibigay sa amin ng dalawang pagpipilian: babaan ang ask o maghintay na tumaas ang liquidity.

Ang dami ng pag-trade ay isang indicator na makakatulong sa atin na malaman ang liquidity. Puwede itong sukatin sa ilang paraan at ginagamit ito para ipakita kung gaano kalaking halaga ang nai-trade sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon. Karaniwan nang ipinapakita ng mga chart ang pang-araw-araw na dami ng pag-trade (na naka-denominate sa mga katutubong unit o sa dollar).

Kapaki-pakinabang ang kaalaman sa liquidity pagdating sa fundamental analysis. Sa huli, nagsisilbi itong isang indicator ng interes ng merkado sa isang prospective na pamumuhunan.


Mga mekanismo ng supply

Para sa ilan, ang mga mekanismo ng supply ng isang coin o token ang ilan sa pinakainteresanteng katangian mula sa pananaw ng pamumuhunan. Sa katunayan, sumisikat ang mga modelong tulad ng Stock-to-Flow (S2F) ratio sa mga tagapagtaguyod ng Bitcoin.
Magagamit ang maximum na supply, supply na nasa sirkulasyon, rate ng inflation para makagawa ng matatalinong desisyon. Binabawasan ng ilang coin ang dami ng mga bagong unit na ginagawa nito sa paglipas ng panahon, na nakakapanghikayat sa mga mamumuhunan na naniniwalang madaraig ng demand para sa mga bagong unit ang availability ng mga ito. 
Sa kabilang banda, puwedeng makita ng ibang mamumuhunan na nakakapinsala ang mahigpit na ipinapatupad na cap sa katagalan. Ang gayong mga alalahanin ay posibleng dahil mawawalan ng gana ang mga user sa paggamit sa mga coin/token sa halip na i-hoard ang mga ito. Isa pang kritisismo ay hindi nito makatwirang binibigyan ng reward ang mga naunang gumamit, samantalang mas patas para sa mga baguhan ang isang hindi nagbabagong patakaran para sa inflation.


Mga indicator, sukatan, at tool ng fundamental analysis

Binigyang-kahulugan na natin ang mga sukatan bilang quantitative at minsan qualitative na data na ginagamit sa basic na pagsusuri. Pero kung ang mga sukatan lang na ito ang gagamitin, madalas na hindi masasabi ng mga ito ang buong kuwento. Para makakuha ng mas malalalim na insight sa mga fundamental ng coin, dapat nating tingnan ang mga indicator.

Madalas na pinagsasama-sama ng indicator ang maraming sukatan gamit ang mga formula na pang-istatistika para makagawa ng mga ugnayang mas madaling masuri. Gayunpaman, marami pa ring overlap sa pagitan ng sukatan at indicator, kaya hindi masyadong organisado ang pagtukoy. 

Bagama't mahalaga ang bilang ng mga aktibong wallet, puwede nating isama ito sa iba pang data para makakuha ng mas malalalim na insight. Puwede mo itong kunin bilang porsyento ng kabuuang wallet o hatiin ang market cap ng coin ayon sa bilang ng mga aktibong wallet. Makukuha mo sa kalkulasyon ang average na halagang nasa bawat aktibong wallet. Magbibigay-daan sa iyo ang dalawang ito na makabuo ng mga konklusyon sa aktibidad ng network at kumpyansa ng mga user sa paghawak sa asset. Sisiyasatin natin ito nang mas malalim pa sa susunod na seksyon.

Pinapadali ng mga tool sa fundamental analysis ang pagkuha sa lahat ng sukatan at indicator na ito. Bagama't puwede mong tingnan ang raw na data sa mga blockchain explorer, mas makakatipid ka ng panahon sa paggamit ng aggregator o dashboard. Nagbibigay-daan sa iyo ang ilang tool na gumawa ng sarili mong mga indicator gamit ang mga napili mong sukatan.


Pagsasama-sama ng mga sukatan at paggawa ng mga indicator ng FA

Ngayong pamilyar na tayo sa pagkakaiba ng mga sukatan at indicator, pag-usapan natin kung paano natin pagsasama-samahin ang mga sukatan para mas maunawaan ang pampinansyal na kalagayan ng mga asset na pinapangasiwaan natin. Bakit dapat itong gawin? Gaya ng ibinalangkas natin sa mga nakaraang seksyon, may mga pagkukulang sa bawat sukatan. Bukod pa rito, kung tumitingin ka lang sa isang koleksyon ng mga numero para sa bawat proyekto ng cryptocurrency, maraming mahalagang impormasyon ang hindi mo mapapansin. Pag-isipan ang sumusunod na sitwasyon:


Coin A

Coin B

Market Capitalization

$100,000,000

$5,000,000

Bilang ng transaksyon (6 na buwan)

20,000,000

40,000,000

Avg. na halaga ng transaksyon (6 na buwan)

$50

$100

Mga aktibong address (6 na buwan)

30,000

2,000


Kung nakahiwalay, walang sinasabi sa ating mahalagang bagay ang mga aktibong address kung ikukumpara natin ang dalawang alok. Siguradong masasabi nating mas maraming aktibong address ang Coin A sa nakalipas na anim na buwan kaysa sa Coin B, pero malayo iyan sa isang komprehensibong pagsusuri. Paano nauugnay ang bilang na ito sa market cap? O sa bilang transaksyon?
Ang mas maingat na diskarte ay ang paggawa ng ilang uri ng ratio na mailalapat natin sa ilan sa mga istatistika ng Coin A, pagkatapos ay ikumpara ito sa parehong ratio na ginagamit sa mga istatistika ng Coin B. Sa ganoong paraan, hindi natin basta na lang ikinukumpara ang mga indibidwal na sukatan ng bawat coin. Sa halip, makakagawa tayo ng pamantayan sa pagbibigay ng halaga sa mga coin nang hiwalay. 
Halimbawa, puwede nating pagpasyahang mas maraming maibibigay na impormasyon ang ugnayan ng market cap at bilang ng transaksyon kaysa sa market cap lang. Sa ganitong sitwasyon, puwede nating hatiin ang market cap ayon sa bilang ng transaksyon. Para sa Coin A, nakakuha tayo ng ratio na 5, at para sa Coin B, ang ratio natin ay 0.125.
Kung ang ratio lang na ito ang isaalang-alang, puwede nating isiping mas mahalaga ang Coin B kaysa sa Coin A dahil mas mababa ang nakalkulang bilang. Ibig sabihin, mas maraming transaksyon ang nauugnay sa market cap sa Coin B. Kung gayon, mukhang mas nagagamit ang Coin B, o overvalued ang Coin A
Wala sa mga obserbasyong ito ang dapat ituring na payo sa pamumuhunan – isa lang itong halimbawa ng kung paano tayo makakakuha ng maliit na bahagi ng mas malaking larawan. Kapag hindi mo naiintindihan ang mga layunin ng proyekto at ang paggana ng mga coin, hindi mo matutukoy kung ang mas maliit na bilang ng transaksyon sa Coin A ayon sa pagkukumpara ay isang positibo o negatibong pag-unlad.
Ang isang katulad na ratio na naging sikat din sa mga merkado ng cryptocurrency ay ang NVT ratio. Ang ratio ng network value-to-transaction, na terminong mula sa analyst na si Willy Woo, ay tinawag na "ang ratio ng price-to-earnings sa mundo ng crypto." Sa madaling salita, sangkot dito ang paghahati sa market capitalization (o halaga ng network) ayon sa halaga ng transaksyon (karaniwan sa isang pang-araw-araw na chart).

Isa lang itong panimulang pagsilip sa mga uri ng mga indicator na puwedeng magamit. Ang fundamental analysis ay tungkol sa pagbuo ng isang sistemang magagamit para tukuyin ang halaga ng mga proyekto sa pangkalahatan. Kung mas marami tayong maisasagawang de-kalidad na pananaliksik, mas maraming data ang magagamit natin.


Mahahalagang indicator at sukatan ng FA

Napakaraming mapagpipiliang indicator at sukatan. Para sa isang baguhan, magsimula muna sa ilan sa mga pinakasikat. Isang bahagi lang ng kuwento ang sinasabi ng bawat indicator, kaya gumamit ng iba't ibang indicator sa iyong pagsusuri.


Ratio ng Network Value to Transactions (NVT)

Kung narinig mo na ang ratio ng price-to-earnings na ginagamit para suriin ang mga stock, nagbibigay ng parehong pagsusuri ang indicator ng halaga ng transaksyon sa network (araw-araw). Kinakalkula ito sa pamamagitan lang ng paghahati sa market capitalization ng coin ayon sa dami ng transaksyon araw-araw. 

Ginagamit namin ang pang-araw-araw na dami ng transaksyon bilang katumbas ng tunay na halaga ng coin. Gumagana ang konseptong ito sa palagay na kapag mas maraming transaksyon ang umiikot sa system, mas malaki ang halaga ng proyekto. Kung tumataas ang market cap ng coin habang bumababa ang pang-araw-araw na dami ng transaksyon, puwedeng pumasok ang merkado sa bubble territory. Tumataas ang mga presyo nang walang katugmang pagtaas sa pinagbabatayang halaga. Sa kabaligtaran, puwedeng manatiling stable ang presyo ng isang coin o token habang dumarami ang transaksyon araw-araw. Puwedeng magpahiwatig ang sitwasyong ito ng pagkakataong bumili.

Kapag mas mataas ang halaga ng ratio, mas malamang na magkaroon ng bubble. Madalas na makita ang puntong ito kapag mas mataas sa 90-95 ang ratio ng NVT. Isinasaad ng bumababang ratio na hindi na gaanong overvalued ang crypto. 


Ratio ng Market Value to Realized Value (MVRV)

Bago natin suriin ang istatistikang ito, kailangan nating maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng realized value para sa isang crypto asset. Sa madaling salita, ang market value, na kilala rin bilang market cap, ay ang kabuuang supply ng mga coin na na-multiply sa kasalukuyang market price. Sa kabilang banda, binabawasan ng realized value ang halaga ng mga coin na nawala sa mga hindi na ma-access na wallet. 

Ang mga coin na nanatili sa mga wallet ay binibigyan na lang ng halaga gamit ang market price noong huli itong gumalaw. Halimbawa, nagkakahalaga na lang ng humigit-kumulang $400 ang isang Bitcoin na nawala sa isang wallet mula noong Pebrero 2016.

Para makuha ang ating MVRV na indicator, hahatiin lang natin ang market cap ayon sa realized cap. Kung mas mataas ang market cap sa realized cap, makakakuha tayo ng relatibong mataas na ratio. Ipinapahiwatig ng ratio na lampas sa 3.7 na puwedeng magkaroon ng sell-off dahil kinukuha ng mga trader ang kanilang mga kita dahil sa overvaluation ng coin. 

Ipinapahiwatig ng numerong ito na baka overvalued ang coin sa kasalukuyan. Makikita mo ito bago ang dalawang malaking sell-off ng Bitcoin noong 2014 (MRVR na halos 6) at 2018 (MRVR na humigit-kumulang 5). Kung masyadong mababa ang halaga at wala pang 1, undervalued ang merkado. Posibleng magandang bumili sa ganitong sitwasyon dahil napapataas ng pressure sa pagbili ang presyo.


Stock-to-flow na modelo

Ang stock-to-flow na indicator ay isang sikat na indicator ng presyo ng isang cryptocurrency, kadalasan nang may limitadong supply. Para sa modelo, ang bawat cryptocurrency ay naka-fix at mahirap makuha kagaya ng mga mamahaling metal o bato. Dahil alam na limitado lang ang supply at walang nakikitang mga bagong mapagkukunan, ginagamit ng mga mamumuhunan ang mga asset na ito bilang store of value.

Kinakalkula namin ang indicator sa pamamagitan ng pagkuha sa kabuuang supply na nasa sirkulasyon sa buong mundo at paghahati nito ayon sa halagang nakukuha bawat taon. Sa Bitcoin, magagawa mo ito gamit ang mga bilang ng sirkulasyon na madaling makita at ang data sa mga bagong naminang coin. Humahantong sa mas mataas na ratio ang pagbaba ng mga return mula sa pagmimina na nagpapakitang hindi ito madaling makuha, kaya nagiging mas mahalaga ang asset. Dahil pana-panahong dumaraan ang Bitcoin sa halving ng reward, makikita natin ito sa daloy ng mga bagong coin sa merkado.


Gaya ng makikita mo, ang stock-to-flow ay isang makatwiran at magandang indicator ng presyo ng Bitcoin. Naka-superimpose ang presyo ng Bitcoin sa 365 araw na average ng ratio at nagpapakita ng magandang tugma. Gayunpaman, may ilang problema sa modelo. 

Halimbawa, sa kasalukuyan, may stock-to-flow na ratio ang ginto na humigit-kumulang 60, ibig sabihin, aabutin nang 60 taon para imina ang kasalukuyang supply ng ginto sa kasalukuyang daloy. Halos papunta na ang Bitcoin sa pagkakaroon ng ratio na 1600 sa loob ng humigit-kumulang 20 taon, kaya naging mas mataas na kaysa sa kasalukuyang yaman ng mundo ang mga hula sa presyo at market cap. 

Nagkakaproblema rin ang mga stock-to-flow na modelo kapag nagkaroon ng deflation, dahil magsasaad ito ng minus na presyo. Dahil naiwawala ng mga tao ang mga key ng kanilang mga wallet at wala nang nagagawang Bitcoin, makakakita tayo ng negatibong ratio. Makikita nating papunta sa infinity ang stock-to-flow na ratio at pagkatapos ay nagiging minus kung ipapakita natin ito sa graphical na paraan.

Kung interesado kang matuto pa tungkol sa modelo, tingnan ang aming gabay sa Bitcoin at Stock to Flow na Modelo.


Mga halimbawa ng mga tool sa Fundamental Analysis

Baserank

Ang Baserank ay isang platform sa pananaliksik para sa mga crypto asset na nagsasama-sama ng impormasyon at mga pagsusuri mula sa mga analyst at mamumuhunan. Nakakatanggap ang crypto ng kabuuang score na mula 0 hanggang 100 pagkatapos kunin ang average na score ng bawat pagsusuri. Bagama't may ilang premium na pagsusuri para sa mga subscriber, puwede pa ring makakita ang mga libreng user ng komprehensibong pangkalahatang-ideya ng mga pagsusuring idinetalye sa mga seksyon, kasama ang team, paggamit, at panganib sa pamumuhunan. Kung gahol ka na sa oras at kailangan mo ng maikling pangkalahatang-ideya ng isang proyekto o coin, ang isang aggregator na tulad ng Baserank ay angkop para sa gawain. Gayunpaman, dapat lagi kang magsiyasat nang malalim sa mga proyekto kung saan ka interesado bago mamuhunan.


Bayarin sa Crypto

Gaya ng nahulaan mo mula sa pangalan nito, ipinapakita sa iyo ng tool na ito ang bayarin sa bawat network para sa nakalipas na 24 na oras o pitong araw. Madaling gamitin ang sukatang ito kapag sinusuri ang trapiko at paggamit ng isang network ng blockchain. Karaniwang nakakaranas ng malaking demand ang mga network na may malaking bayarin.

Gayunpaman, hindi mo dapat tingnan ang sukatang ito ayon lang sa nakikita mong halaga. Binuo ang ilang blockchain para sa mababang bayarin, kaya nagiging mahirap ang paghahambing sa iba pang network. Sa ganitong mga sitwasyon, pinakamagandang tingnan ang numero kasama ng halaga ng transaksyon o iba pang sukatan. Halimbawa, ang mga coin na may malaking market cap tulad ng Dogecoin o Cardano ay mababa sa kabuuang mga chart dahil sa kanilang murang bayarin sa transaksyon.


Glassnode Studio

Nag-aalok ang Glassnode Studio ng dashboard na nagpapakita ng malawak na hanay ng mga on-chain na sukatan at data. Tulad ng karamihan ng mga iniaalok na tool, batay ito sa subskripsyon. Gayunpaman, ang dami ng libreng on-chain na data na iniaalok nito ay angkop para sa mga amateur na mamumuhunan at medyo detalyado. Mas madaling mahanap ang lahat ng impormasyon sa iisang lugar sa halip na tipunin mo mismo ang mga ito gamit ang mga blockchain explorer. Ang pangunahing kalakasan ng Glassnode ay ang malaking bilang ng mga kategorya at subcategory ng sukatan na maba-browse mo. Gayunpaman, kung interesado ka sa mga proyekto ng Binance Smart Chain, masyado kang malilimitahan dito.

Para sa sinumang gustong isama ang kanilang mga sukatan sa technical analysis, may built-in din na TradingView ang Glassnode Studio na naglalaman ng lahat ng tool nito sa pag-chart. Karaniwan para sa mga mamumuhunan at trader na pagsama-samahin ang maraming uri ng pagsusuri kapag gumagawa ng mga desisyon. Isang bentahe ang paggawa ng lahat ng ito sa iisang lugar.


Mga pangwakas na pananaw

Kapag nagawa nang tama, makakapagbigay ang fundamental analysis ng mahahalagang pagsusuri sa mga cryptocurrency, na hindi magagawa ng technical analysis. Ang kakayahang maihiwalay ang market price sa 'totoong' halaga ng isang network ay isang magandang kasanayan kapag nagte-trade. Siyempre, may mga bagay na puwedeng matukoy ng TA na hindi mahuhulaan gamit ang FA. Ito ang dahilan kung bakit maraming trader ang gumagamit ng kumbinasyon ng dalawang ito sa kasalukuyan.

Gaya ng maraming ibang diskarte, walang one-size-fits-all na playbook ang FA. Gayunpaman, umaasa kaming natulungan ka ng artikulong ito na maunawaan ang ilan sa mga salik na dapat isaalang-alang bago pumasok o lumabas sa mga posisyon sa mga crypto asset.