Ano ang Limit Order?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Limit Order?

Ano ang Limit Order?

Baguhan
Na-publish Dec 10, 2018Na-update Mar 20, 2023
7m

TL;DR

Ang limit order ay isang order na ilalagay mo sa order book na may partikular na limit price. Ikaw ang tutukoy ng limit price. Magkakaron lang ng pag-trade kung aabot ang market price sa iyong limit price (o mas mataas pa). Samakatuwid, puwede kang gumamit ng mga limit order para bumili sa mas mababang presyo o magbenta sa mas mataas na presyo kaysa sa kasalukuyang market price.

Hindi tulad ng mga market order, kung saan agad na nakakapag-trade sa kasalukuyang market price, ang mga limit order ay inilalagay sa order book at hindi ipinapatupad kaagad. Sa karamihan ng mga sitwasyon, nagreresulta ang mga limit order sa mas mababang bayarin dahil nagte-trade ka bilang maker sa halip na taker.


Panimula 

Nahihirapan ka bang magpasya kung aling uri ng order ang gagamitin kapag bumibili ng bitcoin (BTC) o ether (ETH)? Puwedeng maapektuhan ng iba't ibang uri ng order ang iyong mga pag-trade sa iba't ibang paraan, kaya mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng mga ito bago ka maglagay ng order. Kung gusto mong magkaroon ng mas malaking kontrol sa iyong mga pag-trade, puwede mong pag-isipang gumamit ng mga limit order para limitahan ang buying o selling price ng coin. 


Ano ang limit order?

Ang limit order ay isang order na may partikular na buy o sell price. Para maglagay ng limit order, kailangan mong magtakda ng maximum o minimum na presyo na handa mong bayaran para bumili o magbenta ng asset. Pagkatapos, ilalagay ang iyong order sa order book at ipapatupad lang kung umabot ang market price sa limit price (o mas mataas pa). 

Hindi tulad ng mga market order, kung saan nakakapag-trade agad sa kasalukuyang presyo, nagbibigay sa iyo ang limit order ng higit pang kontrol sa presyo ng pagpapatupad. Dahil naka-automate ang mga limit order, hindi mo kailangang bantayan ang merkado nang 24/7 o mag-alala na mapalampas ang isang pagkakataong bumili o magbenta habang natutulog ka. 

Gayunpaman, walang garantiya na maipapatupad ang iyong limit order. Kung hindi talaga umabot ang market price sa limit price, mananatiling hindi napupunan sa order book ang iyong trade. Kadalasan, puwedeng ilagay ang limit order nang hanggang ilang buwan, pero depende ito sa palitan ng crypto na ginagamit mo.


Paano gumagana ang limit order?

Kapag naisumite ang isang limit order, ilalagay ito kaagad sa order book. Pero hindi ito mapupunan maliban na lang kung umabot ang presyo ng coin sa partikular na limit price (o mas mataas pa). Halimbawa, gusto mong magbenta ng 10 BNB sa halagang $600, at ang kasalukuyang presyo ay $500. Puwede kang maglagay ng sell limit order ng BNB na $600. Kapag umabot ang presyo ng BNB sa target na presyo o mas mataas pa, ipapatupad ang iyong order depende sa liquidity ng merkado. Kung may iba pang sell order ng BNB na nauna sa iyo, ipapatupad muna ng system ang mga order na iyon. Pupunan ang iyong limit order pagkatapos nito gamit ang natitirang liquidity.

Ang isa pang bagay na dapat isaalang-alang kapag naglalagay ng limit order ay ang petsa ng pag-expire ng order. Sa pangkalahatan, puwedeng tumagal nang hanggang 90 araw ang mga limit order. Maliban na lang kung babantayan mo nang maigi ang merkado, baka humantong ka sa pagbili o pagbebenta sa hindi magandang presyo dahil sa volatility ng merkado. Halimbawa, ang kasalukuyang market price ng BNB ay $500, at naglagay ka ng sell limit order na 10 BNB sa halagang $600. Pagkatapos ng isang linggo, umakyat sa $700 ang presyo ng BNB. Dahil lumampas sa limit price na itinakda mo ang market price, ipinatupad ang iyong order sa halagang $600. Sa sitwasyong ito, nalimitahan ang iyong mga kita ng target na presyong itinakda mo isang linggo ang nakalipas. Kaya naman, inirerekomendang pana-panahong suriin ang iyong mga bukas na limit order para makasabay sa pabago-bagong kundisyon ng merkado.


Stop-loss order vs. limit order

May iba't ibang uri ng mga order na magagamit mo kapag nagte-trade ng crypto, tulad ng mga limit, stop-loss, at stop-limit order.

Ang stop-loss order ay isang market order na nati-trigger kapag umabot ang merkado sa iyong stop price. Isa itong order para bumili o magbenta ng coin sa market price kapag naabot ng presyo ng coin ang stop price na itinakda mo.

Kapag na-trigger, nagiging market order ang isang stop-loss order at ipapatupad ito sa kasalukuyang market price. Kung hindi naabot ang stop price, hindi ipapatupad ang iyong order. Magagamit ang mga stop order sa pagbebenta para mabawasan ang mga posibleng pagkalugi kung sakaling gumalaw ang merkado nang salungat sa iyong posisyon. Magagamit din ang mga ito bilang “take-profit” order para umalis sa posisyon at protektahan ang mga unrealized na kita. Magagamit din ang mga buy stop order para pumasok sa merkado sa mas mababang presyo.

Ang pagkakaiba ay, ipapatupad ang limit order sa limit price na itatakda mo (o mas mataas pa), habang ipapatupad naman ang stop-loss order (bilang market order) sa kasalukuyang market price. Pero tandaan, kung masyadong mabilis magbago ang market price, puwedeng punan ang iyong order sa presyong malayo sa trigger price.


Stop-limit order vs. limit order

Pinagsasama ng stop-limit order ang mga feature ng stop order at limit order. Kapag naabot ang stop price, awtomatiko itong magti-trigger ng limit order. Pagkatapos, maipapatupad ang order kung tumugma ang market price sa limit price o mas mataas pa. Kung wala kang oras para subaybayang maigi ang iyong portfolio, puwede mong pag-isipang gumamit ng mga stop-limit order para limitahan ang mga pagkaluging puwedeng magmula sa isang pag-trade.

Kapag naglalagay ng stop-limit order, kailangan mong tumukoy ng dalawang presyo: ang stop price at ang limit price. Ang pagkakaiba ay, sa mga stop-limit order maglalagay lang ng limit order kung maabot ang stop price, samantalang sa mga limit order, ilalagay agad ang limit order sa order book.

Halimbawa, kung tine-trade ang BNB sa halagang $600 at naglagay ka ng sell stop-limit order na may stop price na $590. Ibig sabihin, kung bumaba ang BNB sa $590, awtomatikong magse-set up ang system ng sell limit order na may limit price na tinukoy mo (halimbawa, $585). Gayunpaman, walang garantiya na mapupunan ang iyong mga order. Kung masyadong mabilis gumalaw ang merkado, may pagkakataong mananatiling hindi napupunan ang iyong order.


Stop-limit order vs. stop-loss order

Nati-trigger ang mga stop-limit at stop-loss order batay sa iyong stop price. Gayunpaman, pagkatapos ma-trigger, gagawa ng limit order ang stop-limit order, habang gagawa ng market order ang stop-loss.


Kailan gagamit ng limit order?

Puwede kang gumamit ng limit order kapag:

  • Gusto mong bumili o magbenta sa isang partikular na presyo bukod pa sa market price;
  • Hindi ka nagmamadaling bumili o magbenta kaagad;
  • Gusto mong mag-lock ng mga unrealized na kita o mabawasan ang mga posibleng pagkalugi;
  • Gusto mong hatiin ang iyong mga order sa mas maliliit na limit order para maabot ang dollar-cost-averaging (DCA) na epekto.
Tandaan na kahit maabot mo ang limit price, baka hindi laging mapunan ang iyong order. Nakadepende ang lahat ng ito sa mga kondisyon ng merkado at sa pangkalahatang liquidity. Sa ilang sitwasyong, baka bahagya lang na mapunan ang iyong limit order.


Paano maglagay ng limit order sa Binance?

Sabihin nating gusto mong bumili ng BNB sa presyong mas mababa kaysa sa kasalukuyang bid. Puwede kang maglagay ng buy limit order at tumukoy ng maximum na presyo na handa mong bayaran.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Mag-trade] sa navigation bar sa itaas. Piliin ang [Classic] o [Advanced] na page sa pag-trade. Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang [Classic].
2. Mag-navigate sa search bar sa kanan ng iyong screen at ilagay ang “BNB.” Piliin ang pares ng BNB na gusto mong i-trade. Pipiliin namin ang [BNB/BUSD].


3. Mag-scroll pababa sa kahong [Spot] at piliin ang [Limit]. Pagkatapos, itakda ang presyo at halaga na gusto mong bilhin. Puwede mo ring itakda ang halaga ng pagbili sa pamamagitan ng pag-click sa mga button ng porsyento, para madali kang makakapaglagay ng limit buy order para sa 25%, 50%, 75%, o 100% ng iyong balanse. I-click ang [Bumili ng BNB] para kumpirmahin.


4. Makakakita ka ng pop-up na kumpirmasyon sa kanan ng screen, at ilalagay ang iyong limit order sa order book. 

Para pamahalaan ang iyong mga bukas na order, mag-scroll pababa sa [Mga Bukas na Order]. Maipapatupad lang ang limit order kung aabot ang market price sa iyong limit price. Kung hindi umabot ang market price sa itinakda mong presyo, mananatiling nakabukas ang limit order.


Mga pangwakas na pananaw

Ang limit order ay puwedeng maging magandang tool sa pag-trade kapag gusto mong bumili o magbenta ng coin sa isang partikular na presyo. Puwede mo itong gamitin para ma-maximize ang mga unrealized na kita o limitahan ang mga posibleng pagkalugi. Pero bago pumili ng uri ng order, dapat mong maunawaan ang iba't ibang opsyon at suriin ang papel ng bawat isa sa iyong pangkalahatang portfolio at diskarte sa pag-trade. Kung interesado kang matuto pa tungkol sa iba't ibang uri ng order, tingnan ang aming Pag-unawa sa Iba't ibang Uri ng Order.