TL;DR
Ang bid-ask spread ay ang pagkakaiba sa pagitan ng pinakamababang presyong hiniling para sa isang asset at ang bid na may pinakamataas na presyo. May mas maliit na spread ang mga liquid asset na tulad ng Bitcoin kaysa sa mga asset na may mas mababang liquidity at dami ng pag-trade.
Nangyayari ang slippage kapag nag-settle ang isang trade sa isang average na presyo na iba sa unang hiniling. Madalas itong nangyayari kapag nagpapatupad ng mga market order. Kung walang sapat na liquidity para kumpletuhin ang iyong order o volatile ang merkado, puwedeng magbago ang pangwakas na order price. Para labanan ang slippage gamit ang mga asset na may mababang liquidity, puwede mong subukang hatiin ang iyong order sa mas maliliit na bahagi.
Panimula
Kapag bumili at nagbenta ka ng mga asset sa isang palitan ng cyrpto, direktang nauugnay ang mga market price sa supply at demand. Bukod sa presyo, kasama sa iba pang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang ang dami ng pag-trade, liquidity ng merkado, at mga uri ng order. Depende sa mga kondisyon sa merkado at sa mga uri ng order na gagamitin mo, hindi mo laging makukuha ang presyong gusto mo para sa isang trade.
Tuloy-tuloy ang negosasyon ng mga mamimili at nagbebenta na bumubuo ng spread sa pagitan ng dalawang panig (bid-ask spread). Depende sa halaga ng asset na gusto mong i-trade at sa volatility nito, puwede ka ring makaranas ng slippage (idedetalye pa mamaya). Para maiwasang magulat, kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng ilang pangunahing kaalaman tungkol sa order book ng palitan.
Ano ang bid-ask spread?
Mga market maker at bid-ask spread
Mahalaga ang paggawa ng liquidity, pero hindi lahat ng merkado ay may sapat na liquidity mula lang sa mga indibidwal na trader. Halimbawa, sa mga tradisyonal na merkado, nagbibigay ang mga broker at market maker ng liquidity kapalit ng mga kita sa arbitrage.
Puwedeng samantalahin ng isang market maker ang isang bid-ask spread sa pamamagitan lang ng pagbili at pagbebenta ng asset nang sabay. Sa pamamagitan ng pagbebenta sa pinakamataas na ask price at pagbili sa pinakamababang bid price nang paulit-ulit, puwedeng kunin ng mga market maker ang spread bilang kita sa arbitrage. Kahit ang maliit na spread ay puwedeng magbigay ng malaking kita kung makakapag-trade nang marami nito sa buong araw. Mas maliit ang spread ng mga asset na may mataas na demand dahil nakikipagkumpitensya ang mga market maker at pinapaliit nila ang spread.
Mga chart ng lalim at bid-ask spread


Gaya ng nabanggit namin kanina, may ipinapahiwatig na kaugnayan ang liquidity at ang mas maliliit na bid-ask spread. Ang dami ng pag-trade ay isang karaniwang ginagamit na indicator ng liquidity, kaya inaasahan naming makakita ng mas maraming pag-trade na may mas maliliit na bid-ask spread bilang porsyento ng presyo ng isang asset. Mas malaki ang kumpetisyon ng mga trader na gustong samantalahin ang bid-ask spread sa mga cryptocurrency, stock, at iba pang asset na palaging ginagamit sa pakikipag-trade.
Porsyento ng bid-ask spread
Para ikumpara ang bid-ask spread ng iba't ibang cryptocurrency o asset, dapat natin itong suriin ayon sa porsyento. Simple lang ang kalkulasyon:
(Ask Price - Bid Price)/Ask Price x 100 = Porsyento ng Bid-Ask Spread
Kunin nating halimbawa ang BIFI. Noong isinusulat ito, may ask price ang BIFI na $907 at bid price na $901. Nagbibigay sa atin ang pagkakaibang ito ng bid-ask spread na $6. Kung hahatiin ang $6 sa $907, pagkatapos ay imu-multiply sa 100, magkakaroon tayo ng pinal na porsyento ng bid-ask spread na humigit-kumulang 0.66%.

Ipagpalagay ngayon na may bid-ask spread na $3 ang Bitcoin. Bagama't kalahati ito ng nakita natin sa BIFI, kapag ikinumpara natin ang mga ito ayon sa porsyento, 0.0083% lang ang bid-ask spread ng Bitcoin. Kapansin-pansin ding mas mababa ang dami ng pag-trade sa BIFI, na sumusuporta sa palagay nating madalas na mas malaki ang mga bid-ask spread ng mga asset na hindi gaanong liquid.
Ano ang slippage?
Ang slippage ay isang karaniwang pangyayari sa mga merkadong may mataas na volatility o mababang liquidity. Nangyayari ang slippage kapag nag-settle ang isang trade sa presyong iba sa inaasahan o hiniling.
Halimbawa, ipagpalagay na gusto mong maglagay ng malaking buy order sa merkado sa halagang $100, pero walang kinakailangang liquidity ang merkado para punan ang iyong order sa presyong iyon. Bilang resulta, kakailanganin mong kunin ang mga sumusunod na order (mas mataas sa $100) hanggang sa ganap na mapuno ang iyong order. Dahil dito, magiging mas mataas sa $100 ang average na presyo ng iyong pagbili, at tinatawag natin itong slippage.
Ibig sabihin, kapag gumawa ka ng market order, awtomatikong itutugma ng palitan ang iyong pagbili o pagbebenta para limitahan ang mga order sa order book. Itutugma ka ng order book sa pinakamababang presyo, pero magsisimula kang tumaas sa chain ng order kung hindi sapat ang dami para sa gusto mong presyo. Dahil sa prosesong ito, pupunan ng merkado ang iyong order sa mga hindi inaasahan at magkakaibang presyo.
Positibong slippage
Ang slippage ay hindi naman nangangahulugang makukuha mo ang presyong mas mababa kaysa sa inaasahan. Puwedeng mangyari ang positibong slippage kung bumababa ang presyo habang ginagawa mo ang iyong buy order o tumataas ang presyo kung gumagawa ka ng sell order. Kahit na hindi karaniwan, puwedeng mangyari ang positibong slippage sa ilang merkado na mataas ang volatility.
Slippage tolerance

Ang halaga ng slippage na itatakda mo ay puwedeng magkaroon ng epekto sa tagal ng pag-clear sa order mo. Kung itatakda mo sa mababa ang slippage, puwedeng tumagal bago mapunan ang iyong order o hindi na talaga ito mapunan. Kung itatakda mo ito nang masyadong mataas, baka makita ng isa pang trader o bot ang nakabinbin mong order at i-front run ka.
Sa ganitong sitwasyon, nangyayari ang front-running kapag may isa pang trader na nagtakda ng mas mataas na bayad sa gas kaysa sa iyo para siya ang unang makabili sa asset. Pagkatapos, maglalagay ang front runner ng isa pang trade para ibenta ito sa iyo sa pinakamataas na presyong handa mong bayaran batay sa iyong slippage tolerance.
Pagbabawas sa negatibong slippage
Bagama't hindi mo laging maiiwasan ang slippage, may ilang diskarte na puwede mong magamit para subukang bawasan ito.
1. Sa halip na gumawa ng malaking order, subukang hatiin ito sa mas maliliit na block. Bantayang maigi ang order book para ikalat ang iyong mga order, at tiyaking hindi ka naglalagay ng mga order na mas malaki kaysa sa available na dami.
2. Kung gumagamit ka ng decentralized exchange, huwag kalimutang isama sa kalkulasyon ang bayarin sa transaksyon. Malaki ang bayarin sa ilang network depende sa trapiko ng blockchain na puwedeng umubos sa anumang kinita mo, habang iniiwasan ang slippage.
Mga pangwakas na pananaw
Kapag nagte-trade ka ng cryptocurrency, huwag kalimutan na puwedeng baguhin ng bid-ask spread o slippage ang pinal na presyo ng iyong mga trade. Hindi mo palaging maiiwasan ang mga iyon, pero mahalagang isaalaang-alang ang mga iyon sa mga desisyon mo. Para sa mas maliliit na trade, puwedeng maliit lang ito, pero tandaan na sa maraming order, ang average na presyo bawat unit ay posibleng mas mataas kaysa sa inaasahan.
Para sa sinumang nag-eeksperimento sa decentralized finance, ang pag-unawa sa slippage ay isang mahalagang bahagi ng mga pangunahing kaalaman sa pag-trade. Kung wala kang pangunahing kaalaman, malaki ang panganib na mawawalan ka ng pera dahil sa front-running o labis na slippage.