Isang Gabay sa PancakeSwap
Isang Gabay sa PancakeSwap
HomeMga Artikulo

Isang Gabay sa PancakeSwap

Baguhan
Published Sep 23, 2020Updated May 10, 2021
6m

TL;DR 

Isa na namang DeFi protocol na may temang pagkain?` Tama ka. Ang PancakeSwap ay isang DEX na nakabatay sa Binance Smart Chain na inilunsad ng mga hindi nagpakilalang dev na mahilig sa mga pagkaing almusal at mga kuneho.

Bahagyang katulad ito ng SushiSwap ng Ethereum (pamamahala sa komunidad, ang kakayahang mag-farm ng mga token ng tagapagbigay ng liquidity), pero nagsasama rin ito ng marami pang ibang feature na binibigyang-daan kang kumita.


Panimula

Pinukaw ng sikat na pag-farm na batay sa pagkain ang atensyon ng mga kalahok sa larangan ng crypto nang ilang buwan. Sa pinakahuling pangkat ng mga DeFi protocol, nakakita tayo ng maraming bagong platform na nagbibigay-daan sa mga user na i-stake ang kanilang mga pondo kapalit ng mga token ng protocol.

Ang karamihan sa aktibidad na ito ay nakatuon lang sa blockchain ng Ethereum. Bilang isa sa mga pinakaunang blockchain na sumusuporta sa mga smart conract, may malawak itong komunidad ng mga user, developer, at mga tool para sa pagbuo ng mahuhusay na desentralisadong application.
Sa artikulong ito, titingnan natin ang PancakeSwap – isang desentralisadong palitan na binuo sa Binance Smart Chain (BSC).


Ano ang PancakeSwap?

Ang Pancake Swap ay isang desentralisadong palitan para sa pag-swap ng mga BEP-20 token.

Ang UI ng Palitan ng PancakeSwap.

Pamilyar ka ba sa Uniswap o SushiSwap? Kung ganoon, wala kang magiging problema sa pag-intindi sa PancakeSwap – halos parehas lang ang pangunahing disenyo ng mga ito.


Ang palitan ng PancakeSwap

Gumagamit ang PancakeSwap ng modelong automated market maker (AMM). Nangangahulugan iyon na bagama't puwede kang mag-trade ng mga digital na asset sa platform, walang order book kung saan itinutugma ka sa ibang tao. Sa halip, magte-trade ka laban sa isang liquidity pool.

Ang mga pool na iyon ay puno ng mga pondo ng ibang mga user. Idedeposito nila ang mga ito sa pool at tatanggap sila ng mga token ng tagapagbigay ng liquidity (liquidity provider o LP) bilang kapalit. Puwede nilang gamitin ang mga token na iyon para i-claim ulit ang kanilang share, kasama ang isang bahagi ng bayarin sa pag-trade. 

Sa madaling salita, puwede kang mag-trade ng mga BEP-20 token, o magdagdag ng liquidity at kumita ng mga reward. May iba pang mga feature na tatalakayin natin mamaya.

Makikita mo ang mga LP token na ito na may iba't ibang flavor – halimbawa, kung nagdagdag ka ng BUSD at BNB sa pool, makakatanggap ka ng BUSD-BNB na mga LP token bilang kapalit. BETH at ETH? Makakatanggap ka ng BETH-ETH na LP token.


Pag-farm at pag-stake sa PancakeSwap

Sandali, mayroon pa! Binibigyang-daan ka rin ng PancakeSwap na i-farm ang governance token nito – ang CAKE.

Ayos.

Sa farm, puwede mong ideposito ang iyong mga LP token at i-lock ito sa isang proseso na magbibigay sa iyo ng CAKE bilang reward. Anong mga LP token ang puwede mong ideposito? Mahaba ang listahan pero narito ang ilan sa mga sikat na token:

  • CAKE – BNB LP
  • BUSD – BNB LP
  • BETH – ETH LP
  • USDT – BUSD LP
  • USDC – BUSD LP
  • DAI – BUSD LP
  • LINK – BUSD LP
  • TWT – BNB LP

Hindi nagtatapos dito ang mga reward! Puwede kang kumita ng higit pa sa pamamagitan ng pag-stake ng iyong CAKE sa mga SYRUP pool.

Halimbawa, nagdeposito ka ng mga pondo para makatanggap ng mga token ng LP, at ginamit mo ang mga ito para mag-farm ng CAKE. Mula roon, puwede mo nang i-stake ang iyong CAKE at kumita ng ibang mga token sa pamamagitan ng mga espesyal na pool ng pag-stake.

Ang pinakamalaking SYRUP pool ay para sa CAKE, kung saan puwede mong i-stake ang iyong CAKE para kumita ng mas maraming CAKE! Pero maraming iba pang token ang puwede mong kitain sa pamamagitan ng pag-stake ng CAKE kaya subaybayan ang page ng SYRUP pool.


Paggamit ng PancakeSwap

Kung bibisita ka sa https://pancakeswap.finance, mapapansin mong maraming feature ang hindi mo magagamit hanggang sa i-click mo ang I-unlock ang Wallet. I-click mo ito at may makikita kang mga opsyon: MetaMask, Trust Wallet, WalletConnect, Binance Chain Wallet at iba pa. 

Pero sandali, tanong mo ba na "hindi ba isang Ethereum wallet ang MetaMask?"

Oo, tama, pero dahil sa arkitektura ng Binance Smart Chain, puwedeng magamit ang MetaMask para makipag-ugnayan sa mga DApp na nakabase sa BSC. Kung pipiliin mong gamitin ang MetaMask, iminumungkahi naming tingnan mo ang aming gabay na Pagkonekta ng MetaMask sa Binance Smart Chain.

Kapag na-set up mo na ito, puwede mo nang ma-unlock ang iyong wallet para magpakita ng karagdagang impormasyon. Ang iba't ibang token ng LP ay nangangako ng iba't ibang return. Kaya paano ka magdadagdag ng liquidity?


Pagdaragdag ng liquidity

Kung gumamit ka na dati ng AMM, hindi ito masyadong nagkakaiba. Para mag-farm ng CAKE, kailangan mo munang magdagdag ng liquidity sa palitan.

Pumunta sa Mag-trade sa sidebar sa kaliwa, i-click ang Liquidity, i-click ang Magdagdag ng Liquidity, at piliin ang pares ng token na gusto mong ideposito. Tiyakin ding alam mo ang tungkol sa pansamantalang pagkalugi bago magdagdag ng liquidity sa isang pool.

Pagdaragdag ng liquidity sa PancakeSwap


Pag-farm

Okay, ngayong mayroon ka nang mga LP token, panahon na para i-stake ang mga ito para kumita ng CAKE. Pumunta sa tab na Mga Farm at piliin ang opsyon na tumutugma sa iyong mga token ng LP token.

Gaya sa mga ERC-20 token, kakailanganin mong aprubahan ang paggalaw ng mga BEP20 token –  ito ang nagbibigay-daan sa kontrata na i-withdraw ang mga ito sa ngalan mo. Kapag nag-click ka sa "Aprubahan ang Kontrata", may lalabas na popup na hihilingin sa iyong kumpirmahin ang transaksyon at ipapakita nito ang singil.

Kapag nakumpirma na ang transaksyon, piliin lang ang halagang gusto mong i-stake at kumpirmahin ito. Puwede kang umalis sa page na ito at bumalik anumang oras para tingnan kung magkano ang kinita mong CAKE – kung gusto mo nang anihin ang iyong mga reward sa anumang punto, i-click ang Anihin at kumpirmahih ang transaksyon.


Pag-stake

Kapag mayroon ka nang CAKE, puwede mo na itong i-stake sa mga SYRUP pool. Pumunta sa tab na Mga Pool at makikita mo ang mga pool kung saan puwede mong i-stake ang iyong CAKE.

Mga SYRUP pool – mag-stake ng CAKE, kumita ng mga bagong token.

Muli, kailangan mong aprubahan ang pag-withdraw ng iyong mga token. I-click ang Aprubahan ang CAKE para gawin iyon. Kapag naaprubahan na iyon, kakailanganin mong piliin ang halaga ng CAKE na gusto mong i-stake.

Ngayong naka-stake na ang CAKE, kikita ka na ng token na reward ng pool na iyon nang walang ginagawa. Kung gusto mong i-cash out ang iyong mga reward, i-click ang Anihin.


Lottery

Maganda yan! Pero ano pa ang puwede mong gawin sa iyong CAKE? Puwede kang tumaya sa Lottery sa PancakeSwap.

Subukan ang iyong suwerte sa lottery sa PancakeSwap.

Ang bawat sesyon ng lottery ay tumatagal nang 6 na oras. Ang bawat tiket ay nagkakahalaga ng 10 CAKE, na magbibigay sa iyo ng isang random na kumbinasyon ng 4 na digit na numero sa pagitan ng 1 at 14, halimbawa 12-8-4-3. Para mapanalunan ang jackpot (50% ng kabuuang pool ng lottery), kailangang tumugma ang mga numero sa iyong tiket sa lahat ng apat na numero sa parehong posisyon sa panalong tiket.

Paano kung hindi ka tumugma sa lahat ng apat na numero? Huwag mabahala. Mananalo ka pa rin ng mga reward kung may dalawa o higit pang numero na parehas ang posisyon sa mga numero sa panalong tiket.


Mga NFT

Teka, ibig sabihin marami ka pang puwedeng gawin sa PancakeSwap? Oo, puwede kang manalo ng mga espesyal na NFT.

Manalo ng ilan sa mga pinaka-cute na NFT sa BSC.

Kung mananalo ka ng NFT, pwede mo itong i-trade sa value ng CAKE na kinakatawan nito o itago ang cutie na sa iyong wallet bilang collector's item.

Paano ka puwedeng sumali? Kailangan mong magrehistro para sa tsansang manalo, at random ang pagpili ng mga mananalo. Subaybayan ang page ng NFT para sa mga paparating na oportunidad.


Mga Koponan at Profile

Naghahanap ka ba ng iba pang gamification? Nasa mga koponan at mga profile ang iyong tsansa. Puwede mong ipakita sa isang pampublikong profile ang iyong stats at sumali sa isa sa mga koponan para lumahok sa paligsahan para sa mga koponan!


Mga IFO

Ang mga Initial Farm Offering (IFO) ay isang paraan para mapasakamay ng mga user ang mga bagong lunsad na token gamit ang pag-farm ng yield. Sa PancakeSwap, puwede mo itong gawin sa pamamagitan ng paglalaan ng mga LP token mula sa isang sinusuportahang pool para magkaroon ng access sa pagbebenta ng bagong lunsad na token.
Puwede mong tingnan ang mga kasalukuyang aktibong IFO sa PancakeSwap sa page ng IFO.


Ligtas ba ang PancakeSwap?

Ang PancakSwap ay na-audit na ng CertiK.

Ibig sabihin ba nito ay ganap na ligtas na itong gamitin? Hindi. Laging may panganib ng mga bug ang pagdeposito ng mga pondo sa isang smart contract, kahit para sa mga na-audit at mapagkakatiwalaang proyekto. Huwag na huwag magdeposito nang higit sa kaya mong mawala.


Mga pangwakas na pananaw

Ang PancakeSwap ay ang pinakamalaking proyekto ng AMM sa Binance Smart Chain (BSC) na may mga inobatibong feature. Puwede mo ring sundan ang marami sa mga metric nito sa https://pancakeswap.info/.

Posibleng Ethereum nga ang nag-umpisa ng trend ng DeFi pero ang mga inisyatiba tulad ng PancakeSwap ay nagpapahiwatig na ang yugto ng inobasyon ay nakatadhanang lumaganap sa ibang mga chain.