Paliwanag Tungkol sa Leading at Lagging Indicators
Home
Mga Artikulo
Paliwanag Tungkol sa Leading at Lagging Indicators

Paliwanag Tungkol sa Leading at Lagging Indicators

Intermediya
Na-publish Oct 7, 2019Na-update Jan 31, 2023
5m

Ano ang mga leading at lagging indicator?

Ang mga leading at lagging indicator ay mga kasangkapan sa pagtimbang sa mga kalakasan at kahinaan ng mga ekonomiya at financial market. Sa madaling sabi, nagbabago ang mga leading indicators bago ang economic cycle o market trend. Salungat naman nito, ang mga lagging indicator ay base sa mga nakaraang kaganapan at nagbibigay ng makabuluhang impormasyon tungkol sa mga nakaraang datos ng isang partikular na merkado o ekonomiya.

Maari ring sabihin na nagbibigay ang mga leading indicator ng mga predictive signal (bago mangyari ang isang kaganapan o trend), at nagbibigay ng signal ang mga lagging indicator base sa isang nagaganap nang trend. Ang dalawang klase ng mga indicator na ito ay malawakang ginagamit ng mga investor at trader na gumagamit ng technical analysis (TA), kaya’t nagiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa stock, Forex, at cryptocurrency trading. 

Sa mga financial market, may mahabang kasaysayan ang mga TA indicator na abot pa hanggang sa mga unang dekada ng ika-20 siglo. Ang ideya sa likod ng mga indicator na ito ay nag-ugat sa pagkakabuo ng Dow Theory, na nangyari sa kalagitnaan ng mga taong 1902 at 1929. Kung susumahin, sinasabi sa Dow Theory na hindi basta-basta ang paggalaw ng presyo, kaya mahuhulaan ito sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa mga nakaraang paggalaw sa merkado.

Bukod pa doon, ginagamit ang mga leading at lagging indicator sa pagmamapa ng economic performance. Dahil dito, hindi sila laging kaugnay ng technical analysis at market prices, kundi maging sa ibang economic variable at indexes.


Paano gumagana ang mga leading at lagging indicator?

Mga leading indicator

Tulad ng nabanggit, makapagbibigay ang mga leading indicator ng impormasyon tungkol sa mga trend na pausbong pa lamang. Samakatuwid, magagamit ang mga indicator na ito sa paghula sa potensyal na recession o pagbangon. Halimbawa, pagdating sa performance ng stock market, retail sales, o mga building permit.

Samakatuwid, madalas mas nangunguna sa paggalaw ang mga leading indicator kaysa sa mga economic cycle at sa pangakalahatan ay naaangkop sa short at mid-term analyses. Halimbawa, ang mga building permit ay maituturing na uri ng leading economic indicator. Maari silang maging hudyat ng hinaharap na demand para sa construction labor, at mga investment sa real estate market.


Mga lagging indicator

Salungat sa mga leading indicator, ginagamit ang mga lagging indicator sa pagtukoy sa mga umiiral na trend na maaaring hindi agad nakikita kung mag-isa. Kaya naman, ang ganitong uri ng indicator ay gumagalaw sa hulihan ng mga economic cycle. 

Madalas, ginagamit ang mga lagging indicator sa long-term analyses, base sa kasaysayan ng economic performance o mga nakaraang datos sa presyo. Sa madaling sabi, lumilikha ng signal ang mga lagging indicator base sa isang market trend o kaganapang pinansyal na nasimulan o naitatag na.


Mga coincident indicator

Bagamat hindi gaanong kilala sa mundo ng cryptocurrency, mayroong ikatlong klase ng mga indicator na dapat banggitin. Kilala ang mga ito bilang coincident indicators. Ang mga indicator na ito ay tila nasa gitna ng dalawang iba pang uri. Gumagana sila nang nasa oras, at nagbibigay ng impormasyong tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya.

Halimbawa, maaaring mabuo ang coincident indicator sa pamamagitan ng pagsukat sa oras ng trabaho ng isang grupo ng mga empleyado o ang bilis ng produksyon ng isang partikular na industriyal na sektor tulad ng manufacturing o minahan.

Ganunpaman, dapat tandaan na ang kahulugan ng mga leading, lagging, at coincident indicator ay hindi laging malinaw. Napapabilang sa ibang kategorya ang ibang mga indicator depende sa paraan at konteksto. Karaniwan itong nasasabi sa mga economic indicator tulad ng Gross Domestic Product (GDP).

Nakasanayan na ituring ang GDP bilang isang lagging indicator dahil ang kalkulasyon nito ay base sa datos sa kasaysayan. Ganunpaman, sa ibang mga kaso, maaaring repleksyon ito ng biglang pagbabago sa ekonomiya kaya ito nagiging isang coincident indicator.


Mga gamit sa technical analysis

Tulad sa nabanggit, bahagi rin ng financial markets ang mga economic indicator. Maraming mga trader at chartist ang gumagamit ng mga kasangkapan sa technical analysis na maaaring tukuyin bilang leading o lagging indicator.

Kung tutuusin, nagbibigay ng predictive na impormasyon ang mga leading TA indicator. Kadalasang base sila sa market prices at trading volume. Nangangahulugan ito na maaari silang indikasyon ng paggalaw sa merkado na maaaring mangyari sa nalalapit na hinaharap. Ngunit tulad ng anumang indicator, hindi sila laging tama.

Ilan sa mga halimbawa ng leading indicator na ginagamit sa technical analysis ang Relative Strength Index (RSI) at ang Stochastic RSI. Maaaring sabihin na kahit ang mga candlestick ay maituturing na isang uri ng leading indicator dahil sa binubuo nilang mga pattern. Ang mga pattern na ito ay makapagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa mga hinaharap na kaganapan sa merkado.
Sa kabilang banda, base ang mga lagging TA indicator sa nakaraang mga datos na nagbibigay sa mga trader ng makabuluhang impormasyon tungkol sa tapos nang kaganapan. Ganunpaman, kapaki-pakinabang pa rin ang mga ito sa pagtukoy sa simula ng bagong mga market trend. Halimbawa, kapag tapos na ang isang uptrend, at bumaba ang presyo sa moving average, may potensyal itong maging indikasyon ng simula ng isang downtrend.
Sa ibang mga kaso, ang dalawang uring ito ng mga indicator ay maaaring makita sa iisang chart system. Halimbawa, ang Ichimoku Cloud ay binubuo ng parehong leading at lagging indicators.

Kapag ginamit para sa technical analysis, parehong may benepisyo at limitasyon ang mga leading at lagging indicator. Sa pamamagitan ng paghula sa mga hinaharap na trend, tila pinakamaganda ang oportunidad na ibinibigay ng mga leading indicator sa mga trader. Ganunpaman, problema na madalas nagbibigay ng nakapanlilinlang na signal ang mga leading indicator.

Samantala, mas madalas maaasahan ang mga lagging indicator dahil malinaw silang inilalarawan ng mga nakaraang datos sa merkado. Ganunpaman, kapansin-pansing kahinaan ng mga leading indicator ang nahuhuli nilang reaksyon sa mga paggalaw sa merkado. Sa ibang mga kaso, nahuhuli ang kanilang mga signal para sana makapagbukas ang isang trader ng isang paborableng posisyon na siyang nagreresulta sa mas mababang potensyal na kita.


Gamit sa macroeconomics

Bukod sa pagiging kapaki-pakinabang sa pagtimbang sa mga presyo sa market trends, ginagamit din ang mga indicator sa pagsusuri ng mga macroeconomic trend. Iba ang mga economic indicator sa mga ginagamit sa technical analysis, ngunit maaari pa ring uriin sa leading o lagging na klase.

Dagdag sa mga naunang nabanggit na halimbawa, kabilang sa iba pang leading economic indicator ang retail sales, housing prices, at mga lebel ng manufacturing activity. Sa pangkalahatan, ipinagpapalagay na ang mga indicator na ito ay makapagtutulak sa hinaharap na aktibidad sa ekonomiya o kaya makapagbigay man lang ng impormasyong makakahula. 

Other two classic examples of lagging macroeconomic indicators include unemployment and inflation rates. Along with GDP and CPI, these are commonly used when comparing the development levels of different countries - or when assessing the growth of a nation in comparison to previous years and decades.


Pangwakas na ideya

Gamitin man sa technical analysis o macroeconomics, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga leading at lagging indicator sa maraming uri ng pag-aaral tungkol sa pananalapi. Pinapadali ng mga ito ang interpretasyon ng iba’t ibang uri ng datos, at madalas pinagsasama ang iba’t ibang konsepto sa iisang instrumento.

Dahil dito, maaaring kalaunan ay mahulaan ng mga indicator na ito ang mga hinaharap na trend at makumpirma ang mga nagaganap na. Bukod pa doon, kapaki-pakinabang din sila sa pagtimbang ng economic performance ng isang bansa base man sa nakaraang mga taon o kumpara sa ibang mga bansa.