Pag-unawa sa Iba't Ibang Uri ng Mga Order
Home
Mga Artikulo
Pag-unawa sa Iba't Ibang Uri ng Mga Order

Pag-unawa sa Iba't Ibang Uri ng Mga Order

Baguhan
Na-publish Oct 22, 2020Na-update Dec 28, 2022
5m

TL;DR

Kapag nagte-trade ka ng stocks o cryptocurrency, nagkakaroon ka ng interaksyon sa merkado sa pamamagitan ng paglalagay ng order:

  • Ang market order ay isang tagubilin para agad na bumili o magbenta (sa kasalukuyang presyo ng merkado).
  • Ang limit order ay isang tagubilin para maghintay hanggang sa umabot ang presyo sa isang limitasyon o sa mas mataas na presyo bago ito ipatupad.

Iyan ang maikling paliwanag sa mga order. Ang bawat isa sa dalawang kategoryang ito ay may mga bersyong gumagawa ng iba't ibang bagay, depende sa kung paano mo gustong mag-trade. Interesado? Ipagpatuloy ang pagbabasa.


Panimula

Nag-sign up ka ba para sa isang palitan, at iniisip mo ba kung ano ang nagagawa ng iba’t ibang button? O baka naman tapos mo nang panoorin ulit ang Wall Street, at sinusubukan mong intindihin nang mas mabuti kung paano gumagana ang mga stock market?
Sa susunod na artikulo, hihimayin natin ang mga order: ang mga tagubilin na ipinapadala mo sa isang palitan para bumili at magbenta ng mga asset. Tulad ng makikita natin maya-maya, may dalawang uri ito: limit order at market order. Gayunpaman, ang mga ito ay katangian lang na ginagamit para ilarawan ang magkakaibang utos. 

Talakayin natin ang mga ito.


Market order vs. limit order

Ang mga market order ay mga order na inaasahan mong maipapatupad agad. Sa madaling salita, sinasabi ng mga ito na sa kasalukuyang presyo, gawin mo ang x. Ipagpalagay na nasa Binance ka, gusto mong bumili ng 3 BTC, at ang Bitcoin ay nagte-trade sa $15,000. Ayos lang sa iyong magbayad ng $45,000 para sa mga coin at ayaw mo nang maghintay na bumaba pa ang presyo, kaya maglalagay ka na ng isang buy market order.
Sino ang nagbebenta ng mga coin? Kailangan nating tingnan ang order book para malaman ito. Dito inilalagay ng palitan ang isang malaking listahan ng mga limit order, mga order na hindi agad ipinapatupad. Puwedeng sinasabi ng mga ito na sa presyong y, gawin mo ang x.

Para sa halimbawang ito, puwedeng naglagay nang mas maaga ang ibang user ng order na nagsasabi sa palitan na magbenta ng 3 BTC kapag umabot ang presyo sa $15,000. Kaya, kapag naglagay ka ng market order, itinutugma ito ng palitan sa limit order ng libro.

Ibig sabihin nito, hindi ka pa nakagawa ng order – sa halip, pinunan mo ang isang kasalukuyang order, kaya matatanggal ito sa order book. Dahil dito, nagiging isa kang taker dahil kinuha mo ang ilang liquidity mula sa palitan. Ang ibang user naman ay isang maker dahil nagdagdag sila rito. Kadalasan, makakakuha ka ng mas mababang bayarin bilang maker, dahil nagdadala ka ng pakinabang sa palitan.
Ang relasyon sa pagitan ng dalawang player na ito ay mas detalyado pang tatalakayin sa Pagpapaliwanag tungkol sa Mga Market Maker at Market Taker. Tingnan ito kung gusto mong mas maintindihan kung paano gumagana ang mga palitan.


Ano ang mga dapat mong malaman tungkol sa mga market order

Ang mga pangunahing uri ng market order ay ang buy order at sell order. Inuutusan mo ang palitan na magsagawa ng transaksyon sa pinakamagandang available na presyo. Tandaan na ang pinakamagandang presyo ay hindi laging ang kasalukuyang halagang ipinapakita – depende ito sa order book, kaya puwede kang humantong sa pagpapatupad ng iyong trade sa bahagyang naiibang presyo.

Ang mga market order ay maganda para sa mga agarang (o malapit sa agarang) transaksyon. Ito na ang mga iyon. Ang bayarin na maipapataw dahil sa slippage at ng palitan ay nangangahulugang ang parehong trade ay posibleng naging mas mura kung ginawa gamit ang limit order.



Mga karaniwang uri ng order

Ang pinakasimpleng mga order ay ang mga buy market order, sell market order, buy limit order, at sell limit order. Gayunpaman, kung dito ka lang nakatuon, posibleng malimitahan ang iyong karanasan sa pag-trade. Sa halip, puwede mong dagdagan ang mga ito para samantalahin ang mga kondisyon sa merkado, panandalian man o pangmatagalan ang setup.

Mga stop-limit order

Ang mga stop-limit order ay magagandang tool para limitahan ang mga posible mong pagkalugi sa isang trade. Sa ganitong uri ng order, makakapagtakda ka ng stop price at limit price. Kung nagte-trade ang BTC sa $10,000 at nag-set up ka ng stop-limit order sa stop price na $9,900 at limit price na $9,895, maglalagay ng limit order sa $9,985 kapag bumaba nang $10 ang presyo.

Gayunpaman, tandaan na ilalagay lang ang order pagkatapos maabot ang stop price. Mayroon pa ring panganib na hindi makabawi ang presyo, at sa ganitong sitwasyon, wala kang proteksyon kung patuloy itong babagsak nang mas mababa sa $9,985, at posibleng hindi mapunan ang order.

Mga one-cancels-the-other (OCO) na order

Ang "one cancels the other" (OCO) na order ay isang sopistikadong tool na nagbibigay-daan sa iyong pagsamahin ang dalawang kondisyonal na order. Sa sandaling ma-trigger ang isa, makakansela ang isa. Kung gagawin nating halimbawa ang $10,000 na presyo ng BTC, puwede kang gumamit ng OCO order para bumili ng Bitcoin kapag umabot ang presyo sa $9,900 or ibenta ito kapag umakyat ang presyo sa $11,000. Isa sa dalawang ito ang unang maipapatupad, ibig sabihin, awtomatikong makakansela ang ikalawa.


Ano ang time in force?

Isa pang mahalagang konseptong dapat maintindihan pagdating sa mga order ay ang time in force. Ito ay isang parameter na itatakda mo kapag nagbubukas ng trade, na nagdidikta ng mga kondisyon sa pag-expire nito.


Good ‘til canceled (GTC)

Ang good ‘til canceled (GTC) ay isang tagubiling nagsasabing ang trade ay dapat manatiling bukas hanggang sa ito ay maipatupad o manu-manong kanselahin. Sa pangkalahatan, ang mga platform ng pag-trade ng cryptocurrency ay naka-default sa opsyong ito. 

Sa mga stock market, ang karaniwang alternatibo ay isara ang order sa pagtatapos ng araw ng pag-trade. Pero dahil buong araw ang operasyon ng mga merkado ng crypto, mas laganap ang GTC.


Immediate or cancel (IOC)

Ang immediate or cancel (IOC) ay nagsasabi na anumang bahagi ng order na hindi agad napunan ay dapat kanselahin. Ipagpalagay na nagsumite ka ng order para bumili ng 10 BTC sa $10,000, pero makakakuha ka lang ng 5 BTC sa execution price na iyon. Sa kasong ito, kapag binili mo ang 5 BTC na iyon, ang nalalabing order ay isasara.


Fill or kill (FOK)

Ang mga fill or kill (FOK) order ay agad na mapupunan, o sila ay papatayin (makakansela). Kung inutusan ng iyong order ang palitan na bumili ng 10 BTC sa $10,000, hindi ito bahagyang mapupunan. Kung ang kabuuang order ng 10 BTC ay hindi agad available sa presyo na iyon, ito ay makakansela.


Mga pangwakas na pananaw

Mahalaga sa matagumpay na pag-trade ang pagiging bihasa sa mga uri ng order. Gusto mo mang gumamit ng mga stop order para limitahan ang potensyal na pagkalugi, o mga OCO order para magplano batay sa iba’t ibang resulta, mahalagang maging maalam ka sa mga tool sa pag-trade na puwede mong gamitin. 

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.