Ano ang OCO Order?
Ano ang OCO Order?
HomeMga Artikulo
Ano ang OCO Order?

Ano ang OCO Order?

Baguhan
Na-publish Aug 22, 2019Na-update Sep 23, 2022
3m
Tandaan: Lubos naming inirerekomendang basahin ang aming mga gabay sa mga limit at stop-limit order bago magpatuloy.


Ang OCO, o “One Cancels the Other (Kakanselahin ng Isa ang Isa pa)” order ay nagbibigay-daan sa iyong maglagay ng dalawang order nang magkasabay. Pinagsasama nito ang isang limit order, at isang stop-limit order, pero isa lang sa dalawa ang maisasagawa.

Sa madaling salita, kapag napunan na nang bahagya o buo ang isa sa mga order, awtomatikong makakansela ang isa pang natitira. Tandaan na kapag manu-manong kinansela ang isa sa mga order, makakansela rin ang isa pa.

Kapag nagte-trade ka sa Palitan ng Binance, puwede kang gumamit ng mga OCO order bilang pangunahing anyo ng pag-automate ng trade. Nagbibigay sa iyo ang feature na ito ng opsyong maglagay ng dalawang limit order nang magkasabay, na puwedeng maging kapaki-pakinabang sa pagkuha ng kita at pag-minimize sa mga potensyal na pagkalugi.


Paano gumamit ng mga OCO order?

Pagka-log in sa iyong account sa Binance, pumunta sa interface ng Pangunahing Palitan at hanapin ang bahagi para sa pag-trade gaya ng ipinapakita sa ibaba. Mag-click sa “Stop-limit order” para magbukas ng dropdown na menu at piliin ang “OCO.”


Sa Binance, puwedeng ilagay ang mga OCO order bilang pares ng mga order sa pagbili o pagbebenta. Makakakita ka ng higit pang impormasyon tungkol sa mga OCO order sa pamamagitan ng pag-click sa markang “i”.


Pagkatapos piliin ang opsyong OCO, may maglo-load na bagong interface sa pag-trade, gaya ng ipinapakita sa ibaba. Sa interface na ito, makakapagtakda ka ng limit at stop-limit order nang magkasabay.

Limit order

  • Presyo: Ang presyo ng iyong limit order. Makikita ang order na ito sa order book.

Stop-Limit

  • Stop: Ang presyo kung saan mati-trigger ang iyong stop-limit order (hal., 0.0024950 BTC).
    Limit: Ang aktwal na presyo ng iyong limit order pagkatapos ma-trigger ang stop (hal., 0.0024900 BTC).
  • Halaga: Ang laki ng iyong order (hal., 5 BNB).
  • Kabuuan: Ang kabuuang halaga ng iyong order.


Pagkalagay ng iyong OCO order, puwede kang mag-scroll pababa para i-visualize ang mga detalye ng dalawang order sa seksyong “Mga Bukas na Order.”

Bilang halimbawa, ipagpalagay nating kakabili mo lang ng 5 BNB sa halagang 0.0026837 BTC dahil naniniwala kang malapit ang presyo sa isang pangunahing support zone at ipinagpapalagay na tataas ito.

Sa ganitong sitwasyon, puwede mong gamitin ang feature na OCO para maglagay ng order na kukuha ng kita sa halagang 0.0030 BTC kasama ng stop-limit order sa halagang 0.0024900 BTC.


Kung tama ang iyong hula at tumaas ang presyo hanggang 0.0030 BTC o lumampas ito rito, ipapatupad ang iyong sell order, at awtomatikong makakansela ang stop-limit order.

Sa kabilang banda, kung lalabas na mali ka pala at bumagsak ang presyo sa 0.0024950 BTC, mati-trigger ang iyong stop-limit order. Sa pamamagitan nito, posibleng ma-minimize ang pagkalugi mo, kung sakaling bumagsak pa ang presyo.

Tandaan na sa halimbawang ito, ang Stop Price ay 0.0024950 (trigger price) at ang Limit Price ay 0.0024900 (ang trading price ng iyong order). Ibig sabihin nito, mati-trigger ang iyong stop-limit order sa sandaling maabot ang markang 0.0024950. At 0.0024900 ang aktwal na order price na ilalagay bilang limit order. Sa ibang anggulo, kung babagsak ang BNB/BTC sa 0.0024950 o mas bababa pa ito rito, maglalagay ng limit sell order sa halagang 0.0024900. Gayunpaman, kung magiging mas mababa ang presyo kaysa sa 0.0024950, may panganib na hindi mapunan ang limit order. 

Ang feature na OCO ay isang simple pero mahusay na tool, na nagbibigay-daan sa iyo at sa iba pang user ng Binance na mag-trade sa mas ligtas at versatile na paraan. Magagamit ang ganitong espesyal na uri ng order sa pag-lock ng mga kita, paglimita sa mga panganib, at kahit sa pagpasok at paglabas sa mga posisyon. Gayunpaman, mahalaga pa ring maunawaan nang mabuti ang mga limit at stop-limit order bago gumamit ng mga OCO order.