Mga Nilalaman
- Panimula
- Ano ang dollar-cost averaging?
- Bakit dapat gumamit ng dollar-cost averaging?
- Mga halimbawa ng dollar-cost averaging
- Calculator ng dollar-cost averaging
- Ang sitwasyon laban sa dollar-cost averaging
- Mga pangwakas na pananaw
Panimula
Ano ang dollar-cost averaging?
Ang ideya ay sa pamamagitan ng pagpasok sa merkado sa ganitong paraan, posibleng hindi gaanong maapektuhan ng volatility ang pamumuhunan kaysa kung namuhunan nang minsanan (ibig sabihin, minsanang pagbabayad). Bakit? Kapag bumibili nang may regular na agwat, nagiging mas maayos ang average na presyo. Sa katagalan, binabawasan ng ganoong diskarte ang negatibong epekto sa iyong pamumuhunan na puwedeng maibigay ng maling pagpasok. Tingnan natin kung paano gumagana ang DCA at kung bakit gugustuhin mong ikonsiderang gamitin ito.
Bakit dapat gumamit ng dollar-cost averaging?
Kung hahatiin mo ang iyong pamumuhunan sa mas maliliit na bahagi, mas malamang na makakuha ka ng mas mahuhusay na resulta kaysa sa pamumuhunan ng parehong halaga ng pera nang minsanan. Napakadali lang bumili sa maling panahon, at puwede itong humantong sa hindi gaanong magagandang resulta. Bukod pa rito, maaalis mo ang ilang bias sa iyong pagpapasya. Kapag ginamit mo ang dollar-cost averaging, ang diskarte ang magpapasya para sa iyo.
Gaya ng natalakay na natin, talagang napakahirap maghanap ng tamang tiyempo sa merkado. Kahit ang pinakamalalaking beterano sa pag-trade ay nahihirapan kung minsan na tumpak na basahin ang merkado. Dahil dito, kung ginamit mo ang dollar-cost average para makapasok sa isang posisyon, baka kailangan mo ring pag-isipan ang iyong plano sa paglabas. Ibig sabihin, isang diskarte sa pag-trade para lumabas sa posisyon.
Ngayon, kung may natukoy ka nang target na presyo (o hanay ng presyo), medyo madali na lang ito. Hahatiin mo ulit ang iyong puhunan sa pantay-pantay na bahagi at sisimulang ibenta ang mga iyon kapag malapit nang maabot ng merkado ang target. Sa ganitong paraan, mababawasan mo ang panganib ng hindi paglabas sa tamang panahon. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay nakasalalay sa iyong indibidwal na system ng pag-trade.

Performance ng Dow Jones Industrial Average (DJIA) mula noong 1915.
Bagama't may mga panandaliang panahon ng pagbagsak ng ekonomiya, tuloy-tuloy ang pagtaas ng trend ng Dow. Ang layunin ng diskarteng bumili at mag-hold ay ang pagpasok sa merkado at pananatili sa posisyon nang matagal-tagal hanggang sa hindi na maging mahalaga ang tiyempo.
Halimbawa ng dollar-cost averaging
Puwede nating hatiin ang $10,000 sa 100 tig-$100. Bawat araw, bibili tayo ng Bitcoin na nagkakahalaga ng $100, anuman ang presyo. Sa ganitong paraan, papalawakin natin ang ating pagpasok sa isang yugto ng humigit-kumulang tatlong buwan.
Gagamit ba tayo ng parehong diskarte? Malamang na hindi. Mas malaki ang saklaw na panahon ng portfolio ng pamumuhunan na ito. Kailangan nating maghanda para mailaan ang $10,000 na ito para sa diskarteng ito sa loob ng susunod na ilang taon. Kaya, ano ang gagawin natin?
Puwede ulit nating hatiin ang puhunan sa 100 tig-$100. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, bibili tayo ng Bitcoin na nagkakahalaga ng $100 bawat linggo. May humigit-kumulang 52 linggo sa isang taon, kaya maisasagawa ang buong diskarte sa loob ng kulang-kulang dalawang taon.
Sa ganitong paraan, makakabuo tayo ng pangmatagalang posisyon habang bumabagsak ang trend. Hindi tayo mahuhuli sa biyahe kapag nagsimula ang papataas na trend, at nabawasan din natin ang ilang panganib ng pagbili sa pababang trend.
Pero tandaan, puwedeng maging mapanganib ang diskarteng ito – dahil bumibili pa rin tayo sa pababang trend. Para sa ilang mamumuhunan, mas magandang maghintay hanggang sa makumpirma ang dulo ng pababang trend at pagkatapos ay magsimulang pumasok. Kung maghihintay sila, malamang na mas mataas ang average na halaga (o presyo ng share), pero nabawasan naman ang maraming panganib.
Calculator ng dollar-cost averaging
Makikita mo sa ibaba ang performance ng iyong pamumuhunan kung bumili ka ng Bitcoin na nagkakahalaga lang ng $10 bawat linggo sa nakalipas na limang taon. Hindi gaanong malaki ang $10, hindi ba? Hanggang Abril 2020, nakapuhunan ka na sana ng humigit-kumulang $2600 sa kabuuan, at nagkakahalaga na ng humigit-kumulang $20,000 ang stack ng mga Bitcoin mo.

Performance ng pagbili ng $10 ng BTC bawat linggo sa loob ng nakalipas na limang taon. Source: dcabtc.com
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Ang sitwasyon laban sa dollar-cost averaging
Bagama't puwedeng maging isang kapaki-pakinabang na diskarte ang dollar-cost averaging, may mga nagdududa rin dito. Hindi maikakailang pinakamahusay ang performance nito kapag nakakaranas ang mga merkado ng malalaking pag-swing. Tama naman ito, dahil dinisenyo ang diskarte para mabawasan ang mga epekto ng mataas na volatility sa isang posisyon.
Gayunpaman, ayon sa ilan, napapalampas ng mga mamumuhunan ang mga kita kapag maganda ang performance ng merkado dahil dito. Bakit? Kung tuloy-tuloy na nasa bull trend ang merkado, puwedeng ipagpalagay na magkakaroon ng mas mahuhusay na resulta ang mga namuhunan nang mas maaga. Sa ganitong paraan, puwedeng magkaroon ng negatibong epekto ang dollar-cost averaging sa mga kita kapag papataas ang trend. Sa ganitong sitwasyon, posibleng maungusan ng pamumuhunan nang minsanan ang dollar-cost averaging.
Karamihan sa mga mamumuhunan ay walang malaking pera na available para ipuhunan nang minsanan. Gayunpaman, baka magawa nilang mamuhunan ng maliliit na halaga sa mahabang panahon – sa ganitong sitwasyon, posibleng angkop na diskarte pa rin ang dollar-cost averaging.
Mga pangwakas na pananaw
Ang dollar-cost averaging ay isang ligtas na diskarte sa pagpasok sa isang posisyon habang binabawasan ang mga epekto ng volatility sa pamumuhunan. Kasama rito ang paghahati sa puhunan sa maliliit na bahagi at pagbili nang may mga regular na agwat.
Ang pangunahing benepisyo ng diskarteng ito ay ang sumusunod. Mahirap mahanap ang tamang tiyempo sa merkado, at ang mga taong hindi gustong aktibong subaybayan ang mga merkado ay puwede pa ring mamuhunan sa ganitong paraan.
Gayunpaman, ayon sa ilang nagdududa, dahil sa dollar-cost averaging, puwedeng mapalampas ng ilang mamumuhunan ang mga kita sa panahon ng mga bull market. Pero, ang pagpapalampas ng ilang kita ay hindi ang katapusan ng mundo – puwede pa ring maging isang maginhawang diskarte sa pamumuhunan ang dollar-cost averaging para sa marami.