TL;DR
Panimula
Sa anumang uri ng palitan (Forex man, stocks, o cryptocurrency), itinutugma ang mga nagbebenta sa mga bumibili. Kung wala ang mga ganitong tagpuan, kakailanganin mong i-advertise ang iyong mga alok para mag-trade ng Bitcoin kapalit ng Ethereum sa social media at umasang may interesado.
Pag-usapan natin ang liquidity
Ang isang ounce ng ginto ay isang napaka-liquid na asset dahil madali itong maite-trade kapalit ng cash sa loob ng maikling panahon. Sa kasamaang palad, ang isang istatwa ng CEO ng Binance na nakasakay sa kalabaw na sampung metro ang taas ay isang napaka-illiquid na asset. Bagama't magiging maganda ito sa hardin sa harap ng bahay ng kahit sino, ang katotohanan ay hindi lahat ay magiging interesado sa ganoong item.
Sa kabaliktaran, hindi nagpapakita ng alinman sa mga katangiang ito ang isang illiquid na merkado. Kung gusto mong magbenta ng asset, magkakaproblema ka sa pagbebenta nito sa patas na presyo dahil wala masyadong demand. Bilang resulta, kadalasang mas mataas ang bid-ask spread ng mga illiquid na merkado.
Okay! Ngayong natalakay na natin ang liquidity, oras na para magpatuloy sa mga maker at taker.
Mga market maker at market taker
Gaya ng nabanggit, ang mga trader na pumupunta sa isang palitan ay kumikilos bilang mga maker o mga taker.
Mga Maker
Sa mga Maker (Post Only) Order gaya ng inilarawan, kinakailangan mong ianunsyo nang maaga ang mga intensyon mo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga ito sa order book. Isa kang maker dahil “ginawa” mo ang merkado, kahit papaano. Ang palitan ay parang grocery store na naniningil ng bayad sa mga indibidwal para makapaglagay ng mga produkto sa mga istante, at ikaw ang taong nagdaragdag ng sarili mong imbentaryo.
Pangkaraniwan sa malalaking trader at institusyon (gaya ng mga may espesyalisasyon sa napakadalas na pag-trade) na kumilos bilang mga market maker. Puwede ring maging mga maker ang maliliit na trader, sa pamamagitan lang ng paglalagay ng mga partikular na uri ng order na hindi ipinapatupad agad.
Tandaan na hindi ginagarantiyahan ng paggamit ng limit order na magiging maker order ang iyong order. Kung gusto mong matiyak na mapupunta sa order book ang order bago ito mapunan, piliin ang “Post only” kapag inilalagay mo ang iyong order (kasalukuyang available lang sa bersyon sa web at sa bersyon sa desk).
Mga Taker
Kung itutuloy natin ang analohiya, siguradong ilalagay mo ang iyong imbentaryo sa mga istante para may makabili nito. Iyon ang taker. Pero sa halip na kumuha ng de-latang sardinas sa tindahan, ang kukunin nila ay ang ibinibigay mong liquidity.
Kung nakapaglagay ka na ng market order sa Binance o sa iba pang palitan ng cryptocurrency para mag-trade, kumilos ka na bilang taker. Pero tandaan na puwede ka ring maging taker gamit ang mga limit order. Ang lagay: isa kang taker sa tuwing pinupunan mo ang order ng ibang tao.
Bayarin ng maker-taker
Nakukuha ng maraming palitan ang malaki-laking bahagi ng kanilang kita sa pamamagitan ng paniningil ng bayarin sa pag-trade para sa pagtutugma ng mga user. Ibig sabihin, sa tuwing gagawa ka ng order at ipinatupad ito, magbabayad ka ng maliit na halaga ng bayarin. Pero iba-iba ang halagang iyon sa bawat palitan, at puwede rin itong mag-iba depende sa laki ng pag-trade at tungkulin mo.
Mga pangwakas na pananaw
Para sa mga palitang gumagamit ng modelong maker-taker, mahalaga ang mga maker sa pagiging nakakaengganyo nito bilang venue ng pag-trade. Sa pangkalahatan, binibigyan ng mga palitan ang mga maker ng mabababang bayarin bilang reward habang nagbibigay sila ng liquidity. Sa kabaliktaran, ginagamit ng mga taker ang liquidity na ito para madaling makabili o makapagbenta ng mga asset. Pero kadalasang mas mataas ang bayarin nila para dito.