Mga nilalaman
Ano ang financial risk?
Sa madaling sabi, ang financial risk ay ang panganib sa pagkawala ng pera o mahahalagang asset. Sa konteksto ng financial market, maaari nating tukuyin ang risk bilang laki ng pera na maaaring mawala ng isang tao sa trading o investing. Samakatuwid, ang risk ay hindi ang mismong pagkawala kundi kung ano ang maaaring mawala.
Sa ibang salita, maraming mga pinansyal na serbisyo o transaksyon ang may dalang likas na risk of loss, at ito ang tinatawag nating financial risk. Magagamit ang konseptong ito sa maraming sitwasyon, tulad sa financial market, pangangasiwa ng negosyo, at mga namamahalang ahensya.
Ang proseso ng pagsuri at pagtrato sa mga financial risk ay kadalasang tinatawag na risk management. Samakatuwid, bago lumusong sa risk management, mahalagang magkaroon muna ng pangunahing mga kaalaman tungkol sa financial risk at sa maraming uri nito.
May ilang paraan sa pag-uuri at pagtukoy sa financial risks. Kabilang sa mga kilalang halimbawa ang investment risk, operational risk, compliance risk, at systemic risk.
Mga uri ng financial risk
Tulad ng nabanggit, may iba’t ibang mga paraan sa pagkategorya sa mga financial risk, at ang kanilang mga pakahulugan ay malaki ang pagkakaiba depende sa konteksto. Nagbibigay ang artikulong ito ng maikling pangkalahatang ideya tungkol sa mga investment, operation, compliance, at systemic na risk.
Investment risk
Base na rin sa pangalan, ang mga investment risk ay ang may mga kaugnayan sa mga aktibidad sa investing at trading. May iba’t ibang uri ng investment risk, ngunit karamihan sa kanila ay may kaugnayan sa pabagu-bagong presyo sa merkado. Maaari nating ituring ang market, liquidity, at credits risks bilang bahagi ng mga uri ng investment risk.
Market risk
Nagsisimula ang pangangasiwa ng market risk sa pagsasaalang-alang kung gaano kalaki ang maaaring mawala kay Alice kapag gumalaw ang presyo ng Bitcoin laban sa kanyang posisyon. Ang susunod na hakbang ay ang pagbuo ng istratehiya na siyang magdidikta kung paano kikilos si Alice bilang tugon sa paggalaw sa merkado.
Karaniwan na nahaharap ang mga investor sa parehong direkta at hindi direktang market risks. Ang mga direktang market risk ay may kinalaman sa kawalan ng trader na maaaring maranasan mula sa malaking pagbabago sa presyo ng isang asset. Ang nabanggit na halimbawa ay naglalarawan sa direktang market risk (ang pagbili ni Alice ng Bitcoin bago bumagsak ang presyo).
Sa kabilang banda, ang hindi direktang market risk ay may kaugnayan sa isang asset na may pangalawa o mas mababang risk (halimbawa: mas hindi halata). Sa mga stock market, ang interest rate risk ay kadalasang hindi direktang nakaaapekto sa presyo ng stocks, kaya ito ay matatawag na hindi direktang risk.
Halimbawa, kung si Bob ay bumili ng shares ng isang kumpanya, ang kanyang mga holdings ay maaaring hindi direktang maimpluwensyahan ng pabagu-bagong interest rates. Mahihirapan ang kumpanya na palaguhin ito o gawing mas kapaki-pakinabang dahil sa tumataas na interest rate. Maliban doon, ang mataas na interest rate ay humihikayat ng ibang namumuhunan para magbenta ng kanilang mga share. Madalas nila itong ginagawa para magamit ang pera sa pagbayad ng kanilang mga utang na ngayon ay mas magastos nang panatilihin.
Ganunpaman, dapat tandaan na parehong may direkta at hindi direktang epekto ang interest rates sa financial markets. Habang direktang naaapektuhan ng rates ang mga stock, nagdudulot ito ng direktang epekto sa mga bond at sa ibang fixed-income securities. Kaya naman, depende sa asset, ang interest rate risk ay maaaring ituring na direkta o hindi direktang risk.
Liquidity risk
Halimbawa, isipin na bumili si Alice ng 1,000 na unit ng cryptocurrency sa halang $10 bawat isa. Ipagpalagay natin na napanatili ang presyo pagkatapos ng ilang buwan, at ang cryptocurrency ay nakapako pa rin sa $10.
Sa isang high-volume at liquid na market, madaling maibebenta ni Alice ang kanyang $10,000 na bag dahil may sapat na dami ng mga buyer na gustong magbayad ng $10 para sa bawat unit. Ngunit, kung ang market ay hindi liquid, mayroon lamang iilang buyers na gustong magbayad ng $10 para sa bawat share. Kaya naman, posibleng ibenta ni Alice ang malaking bahagi ng kanyang mga coin sa mas mababang presyo.
Credit Risk
Ang credit risk ay ang panganib na pagkawala ng pera ng isang nagpapautang dahil sa hindi pagbabayad ng counterparty. Halimbawa, kung humiram ng pera si Bob kay Alice, si Alice ay nahaharap sa credit risk. Sa madaling salita, may posibilidad na hindi bayaran ni Bob si Alice, at ang posibilidad na ito ay tinatawag nating credit risk. Kapag hindi nakapagbayad si Bob, mawawalan ng pera si Alice.
Kung babalikan ang dati, nagkaroon ng milyon-milyong halaga ng na-offset na mga transaksyon ang mga bangko sa US sa daan-daang counterparties. Nang hindi nakapagpayad ng utang ang Lehman Brothers, mabilis na lumawak ang credit risk sa buong mundo, na siyang dahilan ng pagkakaroon ng pinansyal na krisis na humantong sa Great Recession.
Operational Risk
Ang operational risk ay ang panganib ng pagkawala ng pera dulot ng pagpalya ng internal na mga proseso, sistema, o pamamaraan. Ang mga pagkabigong ito ay madalas na dulot ng aksidenteng pagkakamali ng tao o dahil sa intensyonal na akto ng pandaraya.
Marami nang insidente ng hindi magandang pangangasiwa ng mga empleyado na nagawang gamitin ang pondo ng kanilang kumpanya para sa hindi awtorisadong trades. Ang ganitong aktibidad ay kadalasang tinatawag na rogue trading, at nagdudulot ng malaking financial losses sa mundo -- lalo na sa loob ng industriya ng pagbabangko.
Ang mga operational failure ay maaaring dulot din ng mga kaganapan sa labas na hindi direktang nakaaapekto sa pagpapatakbo ng kumpanya, tulad ng lindol, bagyo, at iba pang kalamidad.
Compliance Risk
Kung ang isang service provider o kumpanya ay hindi tumupad, maaari silang mapasara o maharap sa mabigat na multa. Maraming investment firm at mga bangko ang naharap na sa kaso at parusa dahil sa hindi pagsunod (tulad ng pag-operate nang walang lisensya). Ang insider trading at korapsyon ang ilan sa mga karaniwang halimbawa ng compliance risks.
Systemic Risk
Ang mga systemic risk ay makikita sa mga kumpanyang may matatag na ugnayan na bahagi ng parehong industriya. Kung ang Lehman Brothers firm ay hindi ganoong kalalim ang kaugnayan sa pangkalahatang sistemang pinansyal ng America, hindi gaanong magiging malaki ang epekto ng kanyang pagkalugi.
Isang paraan para madaling matandaan ang konsepto ng systemic risk ay ang pagpapalagay sa domino effect, kung saan ang pagbagsak ng isang piraso ang magdudulot ng pagbagsak ng iba pa.
Systemic kumpara sa systematic risk
Hindi dapat malito sa pagitan ng systemic risk at systematic o aggregate risk. Ang huli ay mas mahirap na ilarawan at may kaugnayan sa mas malawak na uri ng mga panganib -- hindi lamang pinansyal.
Ang systematic risk ay maiuugnay sa ilang pang-ekonomiko at sosyo-politikal na kadahilanan tulad ng inflation, interest rates, giyera, kalamidad, at malaking pagbabago sa polisiya ng gobyerno.
Sa madaling sabi, ang systematic risk ay may kaugnayan sa mga kaganapan na may epekto sa bansa o lipunan sa maraming larangan. Maaaring kabilang dito ang mga industriya ng agrikultura, konstruksyon, pagmimina, manufacturing, salapi, at iba pa. Kaya habang ang systemic risk ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pagsasama ng hindi gaanong magkakaugnay na assets, ang systematic risk ay mapipigilan sa pamamagitan ng portfolio diversification.
Pangwakas na ideya
Dito napag-usapan natin ang maraming uri ng financial risk, kabilang ang investment, operational, compliance, at systemic risk. Sa investment risk, ipinakita ang konsepto ng market risk, liquidity risk, at credit risk.
Pagdating sa financial markets, imposibleng maiwasan ang lahat ng mga panganib. Ang pinakamagandang magagawa ng isang trader o investor ay pigilan o i-kontrol ang mga panganib na ito. Samakatuwid, ang pag-intindi sa ilan sa mga uri ng financial risk ay isang magandang unang hakbang patungo sa pagbuo ng epektibong istratehiya sa pangangasiwa ng panganib.