TL;DR
Sa pag-trade ng crypto, tumutukoy ang leverage sa paggamit ng hiniram na kapital para makapag-trade. Gamit ang leverage, puwedeng madagdagan ang kakayahan mong bumili o magbenta, na magbibigay-daan sa iyong mag-trade ng mas malalaking halaga. Kaya kahit maliit ang iyong inisyal na kapital, magagamit mo ito bilang collateral para makapag-trade nang may leverage. Bagama't mapaparami ng leveraged trading ang mga potensyal mong kita, mataas din ang panganib nito - lalo na sa volatile na merkado ng crypto. Mag-ingat kapag gumagamit ng leverage para mag-trade ng crypto. Puwede itong humantong sa malaking pagkalugi kung gagalaw ang merkado nang salungat sa posisyon mo.
Panimula
Puwedeng maging nakakalito ang leverage trading, lalo na sa mga baguhan. Pero bago ka mag-eksperimento sa leverage, napakahalagang maunawaan kung ano ito at paano ito gumagana. Pagtutuunan ng artikulong ito ang leverage trading sa mga merkado ng crypto, pero marami sa impormasyon ang totoo rin para sa mga tradisyonal na merkado.
Ano ang leverage sa pag-trade ng crypto?
Tumutukoy ang leverage sa paggamit ng hiniram na kapital para makapag-trade ng mga cryptocurrency o iba pang pampinansyal na asset. Dinaragdagan nito ang kakayahan mong bumili o magbenta para makapag-trade ka gamit ang mas malaking kapital kaysa sa kasalukuyang mayroon ka sa iyong wallet. Depende sa palitan ng crypto kung saan ka nagte-trade, puwede kang humiram ng katumbas ng hanggang 100 beses ng balanse ng iyong account.
Inilalarawan ang halaga ng leverage bilang ratio, gaya ng 1:5 (5x), 1:10 (10x), o 1:20 (20x). Ipinapakita nito kung ilang beses minu-multiply ang iyong inisyal na kapital. Halimbawa, isipin mong mayroon kang $100 sa iyong account sa palitan pero gusto mong magbukas ng posisyong nagkakahalaga ng $1,000 sa bitcoin (BTC). Sa 10x leverage, ang $100 mo ay magkakaroon ng kakayahang bumili na katulad ng $1,000.
Puwede kang gumamit ng leverage para mag-trade ng iba't ibang derivative ng crypto. Kasama sa mga karaniwang uri ng leveraged trading ang margin trading, mga leveraged token, at mga futures contract.
Paano gumagana ang leveraged trading?
Bago ka makahiram ng mga pondo at makapagsimulang mag-trade nang may leverage, kailangan mong magdeposito ng mga pondo sa iyong account sa pag-trade. Ang ibibigay mong inisyal na kapital ang tinatawag nating collateral. Nakadepende ang kinakailangang collateral sa leverage na gagamitin mo at sa kabuuang halaga ng posisyong gusto mong buksan (na kilala bilang margin).
Ipagpalagay na gusto mong mamuhunan ng $1,000 sa Ethereum (ETH) nang may 10x leverage. 1/10 ng $1,000 ang kinakailangang leverage, ibig sabihin, kailangan mong magkaroon ng $100 sa iyong account bilang collateral para sa mga hiniram na pondo. Kung gagamit ka ng 20x leverage, mas mababa pa ang kinakailangan mong margin (1/20 ng $1,000 = $50). Pero tandaan na kung mas mataas ang leverage, mas mataas ang mga panganib na ma-liquidate.
Maliban sa inisyal na deposito ng margin, kakailanganin mo ring magpanatili ng threshold ng margin para sa iyong mga trade. Kapag gumalaw ang merkado nang salungat sa iyong posisyon, at mas bumaba ang margin kaysa sa threshold ng maintenance, kakailanganin mong magdagdag pa ng mga pondo sa iyong account para maiwasan mong ma-liquidate. Kilala rin ang threshold bilang maintenance margin.
Puwedeng ilapat ang leverage sa mga long at short na posisyon. Kapag nagbukas ka ng long na posisyon, ibig sabihin, inaasahan mong tumaas ang presyo ng isang asset. Sa kabaliktaran, kapag nagbukas ka ng short na posisyon, ibig sabihin, naniniwala kang babagsak ang presyo ng asset. Bagama't mukha itong regular na spot trading, sa pamamagitan ng paggamit ng leverage, makakabili o makakapagbenta ka ng mga asset batay lang sa iyong collateral at hindi sa mga hawak mo. Kaya naman kahit wala kang asset, puwede mo pa rin itong hiramin at ibenta (puwede kang magbukas ng short na posisyon) kung sa tingin mo ay bababa pa ang merkado.
Hallimbawa ng may leverage na long na posisyon
Isipin mo na gusto mong magbukas ng long na posisyon na $10,000 na halaga ng BTC na may 10x leverage. Ibig sabihin nito, gagamit ka ng $1,000 bilang collateral. Kung tataas ang presyo ng BTC nang 20%, kikita ka ng net na tubong $2,000 (na babawasan ng bayarin), na di-hamak na mas mataas kaysa sa $200 na kinita mo sana kung na-trade mo ang iyong $1,000 na kapital nang hindi gumagamit ng leverage.
Gayunpaman, kung bababa ang BTC nang 20%, malulugi nang $2,000 ang iyong posisyon. Dahil $1,000 lang ang iyong inisyal na kapital (collateral), kapag nagkaroon ng 20% pagbaba, magkakaroon ng liquidation (magiging zero ang balanse mo). Sa katunayan, puwede kang ma-liquidate kahit na 10% lang ang ibaba ng merkado. Nakadepende ang eksaktong halaga ng liquidation sa palitang ginagamit mo.
Para maiwasang ma-liquidate, kailangan mong magdagdag pa ng mga pondo sa iyong wallet para lumaki ang collateral mo. Kadalasan, papadalhan ka ng margin call ng palitan bago mangyari ang liquidation (hal., email na nagsasabi sa iyong magdagdag pa ng mga pondo).
Halimbawa ng may leverage na short na posisyon
Ngayon, isipin mo na gusto mong magbukas ng $10,000 na short na posisyon sa BTC na may 10x leverage. Sa ganitong sitwasyon, manghihiram ka ng BTC sa ibang tao at ibebenta mo ito sa kasalukuyang market price. $1,000 ang iyong collateral, pero dahil nagte-trade ka nang may 10x leverage, makakapagbenta ka ng $10,000 na halaga ng BTC.
Kung ipagpapalagay na $40,000 ang kasalukuyang presyo ng BTC, nanghiram ka ng 0.25 BTC at ibinenta mo ito. Kung bababa ang presyo ng BTC nang 20% (para maging $32,000), puwede mong bilhin ulit ang 0.25 BTC sa halagang $8,000 lang. Magbibigay ito sa iyo ng net na tubong $2,000 (na babawasan ng bayarin).
Gayunpaman, kung tataas nang 20% ang BTC para maging $48,000, kakailanganin mo ng dagdag na $2,000 para mabili ulit ang 0.25 BTC. Mali-liquidate ang iyong posisyon dahil $1,000 lang ang balanse ng iyong account. Muli, para maiwasang ma-liquidate, kakailanganin mong magdagdag pa ng mga pondo sa iyong wallet para lumaki ang collateral mo bago maabot ang liquidation price.
Bakit dapat gumamit ng leverage para mag-trade ng crypto?
Gaya ng nabanggit, gumagamit ng leverage ang mga trader para palakihin ang kanilang posisyon at mga potensyal na kita. Pero gaya ng inilalarawan ng mga halimbawa sa itaas, puwede ring humantong ang leveraged trading sa mas malalaking pagkalugi.
Isa pang dahilan para gumamit ng leverage ang mga trader ay gawing mas liquid ang kanilang kapital. Halimbawa, sa halip na humawak ng 2x na leveraged na posisyon sa isang palitan, puwede silang gumamit ng 4x leverage para mapanatili ang parehong laki ng posisyon nang may mas mababang collateral. Sa pamamagitan nito, magagamit nila ang ibang pera nila sa ibang lugar (hal. pag-trade ng isa pang asset, pag-stake, pagbibigay ng liquidity sa mga decentralized exchange (DEX), pamumuhunan sa mga NFT, atbp.).
Paano pamahalaan ang mga panganib sa leveraged trading?
Sa pag-trade nang may mataas na leverage, baka kailangan ng mas maliit na kapital na pagsisimulan, pero pinapalaki nito ang tsansang ma-liquidate. Kung napakataas ng iyong leverage, puwedeng humantong sa malalaking pagkalugi kahit ang 1% paggalaw sa presyo. Kung mas mataas ang leverage, magiging mas maliit ang iyong tolerance sa volatility. Sa mas mababang leverage, mas malaki ang margin of error mo sa pag-trade. Ito ang dahilan kaya nilimitahan ng Binance at iba pang palitan ng crypto ang maximum na leverage na available sa mga bagong user.
Nakakatulong ang mga diskarte sa pamamahala ng panganib gaya ng mga stop-loss at take-profit order na i-minimize ang mga pagkalugi sa leveraged trading. Puwede kang gumamit ng mga stop-loss order para awtomatikong isara ang iyong posisyon sa isang partikular na presyo, na talagang nakakatulong kapag gumalaw ang merkado nang salungat sa iyo. Mapoprotektahan ka ng mga stop-loss order laban sa malalaking pagkalugi. Kabaliktaran ang mga take-profit order; awtomatikong nagsasara ang mga ito kapag umabot ang iyong mga kita sa isang partikular na halaga. Sa pamamagitan nito, mase-secure mo ang iyong mga kita bago mag-iba ang kondisyon ng merkado.
Sa puntong ito, dapat maging malinaw sa iyo na ang leverage trading ay isang double-edged sword na puwedeng makapagpalaki ng iyong mga kita at pagkalugi. May kasama itong mataas na antas ng mga panganib, lalo na sa volatile na merkado ng cryptocurrency. Sa Binance, hinihikayat ka naming maging responsable sa pag-trade sa pamamagitan ng pag-ako sa iyong mga pagkilos. Nag-aalok kami ng mga tool gaya ng abiso kontra sa pagkalulong at function na panahon ng pahinga na makakatulong sa iyong magkaroon ng kontrol sa mga trade mo. Dapat lagi kang gumamit ng matinding pag-iingat, at huwag mong kalimutang mag-DYOR para maunawaan mo kung paano gumamit ng leverage nang tama at planuhin ang iyong mga diskarte sa pag-trade.
Paano gumamit ng Margin Trading sa Binance?
Puwede kang gumamit ng leverage para mag-trade ng mga cryptocurrency sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance. Ipapakita namin sa iyo kung paano magsimula sa Margin Trading, pero makikita rin ang konsepto ng leverage sa iba pang uri ng pag-trade. Bago tayo magsimula, kakailanganin mo ng Margin account. Sundin itong artikulo ng FAQ para magbukas nito kung hindi mo pa iyon nagagawa.
1. Pumunta sa [Mag-trade] - [Margin] mula sa navigation bar sa itaas.
2. Mag-click sa [BTC/USDT] para hanapin ang pares na gusto mong i-trade. Ang pares na BNB/USDT ang gagamitin natin.
3. Kakailanganin mo ring maglipat ng mga pondo sa iyong Margin Wallet. I-click ang [Maglipat ng Mga Collateral] sa ibaba ng candlestick chart.
4. Piliin ang wallet kung saan maglilipat ng mga pondo, ang destinasyong margin account, at ang coin na ililipat. Ilagay ang halaga at i-click ang [Kumpirmahin]. Sa halimbawang ito, maglilipat tayo ng 100 USDT sa Cross Margin account.
5. Ngayon, pumunta sa kahon sa kanan. Piliin ang [Cross 3x] o [Isolated 10x]. Pinaghahati-hatian ng iyong mga Margin account ang margin sa Cross Margin mode, habang hiwalay ang margin sa Isolated Margin mode para sa bawat pares sa pag-trade. Makakapagbasa ka pa tungkol sa pinagkaiba ng dalawa mula sa artikulo sa FAQ na ito.
6. Piliin ang [Bumili] (long) o [Magbenta] (short) at ang uri ng order, gaya ng market order. I-click ang [Manghiram] at mapapansin mo na ang 100 USDT na inilipat natin sa Cross Margin account ay na-multiply na ngayon nang 3x para maging 300 USDT.
7. Makakabili ka ng BNB gamit ang leverage sa pamamagitan ng paglalagay ng halaga ng USDT ayon sa [Kabuuan], o ng halaga ng BNB para bumili ayon sa [Halaga]. Puwede mo ring i-drag ang bar sa ibaba para piliin ang porsyento ng available na balanse na puwedeng gamitin. Pagkatapos, makikita mo ang halagang hinihiram mo para sa trade na ito. I-click ang [Margin Buy BNB] para buksan ang posisyon.
Tandaan na hindi mo magagamit ang lahat ng iyong available na balanse dahil kailangan mong magbigay ng bayad sa pag-trade. Awtomatikong papanatilihin ng system ang halaga ng bayad sa pag-trade depende sa iyong antas bilang VIP.
Mga pangwakas na pananaw
Sa pamamagitan ng leverage, madali kang makakapagsimula sa mas mababang inisyal na puhunan at sa potensyal na makapagdala ng mas matataas na tubo. Gayunpaman, sa pamamagitan ng leverage kasama ng volatility ng merkado, puwedeng mabillis na magkaroon ng mga liquidation, lalo na kung gumagamit ka ng 100x leverage para mag-trade. Laging mag-trade nang may pag-iingat at suriin ang mga panganib bago ka magsagawa ng leveraged trading. Hinding-hindi ka dapat mag-trade ng mga pondong hindi mo kayang mawala sa iyo, lalo na kapag gumagamit ka ng leverage.