12 Tanyag na Candlestick Patterns na Gamit sa Teknikal na Pagsusuri
12 Tanyag na Candlestick Patterns na Gamit sa Teknikal na Pagsusuri
HomeMga Artikulo

12 Tanyag na Candlestick Patterns na Gamit sa Teknikal na Pagsusuri

Intermediya
2d ago
7m

Mga nilalaman


Panimula

Ang Candlestick charts ay isa sa karaniwang gamit na teknikal na kasangkapan sa pagsusuri ng mga pattern sa presyo. Ilang siglo na itong ginamit na ang mga ito ng mga trader at investor sa para hanapin ang mga pattern na maaaring indikasyon kung saan patungo ang mga presyo. Tatalakayin ng artikulong ito ang ilan sa mga kilalang candlestick na pattern kasama ang mga iginuhit na halimbawang nito.
Kung nais munang maging pamilyar sa pagbabasa ng mga candlestick chart, basahin ang Gabay Para sa Mga Nagsisimula sa Mga Candlestick Charts.


Paano gamitin ang mga candlestick pattern

Hindi mabilang ang mga candlestick pattern na magagamit ng mga trader para tukuyin ang mga bahaging nakakapukaw ng interes sa isang chart. Maaari silang gamitin para sa day trading, swing trading, at maging sa longer-term na position trading. Bagamat ang ibang mga candlestick pattern ay makapagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa balanse sa pagitan ng mga buyer at seller, ang iba ay maaring indikasyon ng pagbaliktad, pagpapatuloy, o kawalan ng pag-aalinlangan.

Mahalagang tandaan na ang mga candlestick pattern ay hindi agad nangangahulugang sinyales sa pagbili o pagbenta. Sa halip, paraang ang mga ito para tignan ang istruktura ng market at ang potensyal na indikasyon ng isang paparating na oportunidad. Dahil dito, laging kapaki-pakinabang kung titignan ang mga pattern na ito nang may konteksto. Maaaring ito ay konteksto ng teknikal na pattern sa chart, ngunit pati rin ang mas malawak na market environment at iba pang mga sanhi.
Sa madaling salita, tulad ng iba mga kasangkapan sa pagsusuri ng merkado, pinaka-kapaki pakinabang ang mga candlestick pattern kapag ginamit kasama ng ibang mga technique. Maaring kabilang dito ang Wyckoff Method, ang Elliott Wave Theory at ang Dow Theory. Maaari ring kabilang dito ang mga technical analysis (TA) indicator, tulad ng Trend LinesMoving Averages, ang Relative Strength Index (RSI)Stochastic RSIBollinger BandsIchimoku CloudsParabolic SAR, o ang MACD.


Mga bullish na reversal pattern

Hammer 

Ang candlestick na may mahabang lower wick sa ibaba ng isang downtrend, kung saan ang lower wick ay hindi bababa sa doble sa sukat ng katawan.

Ipinapakita ng hammer na kahit na mataas ang selling pressure, itinutulak ng bull ang presyo pabalik sa itaas malapit sa open. Ang hammer ay maaaring pula o berde, ngunit ang mga berdeng hammer ay maaaring indikasyon ng isang malakas na bull reaction.



Inverted hammer

Kilala rin bilang inverse hammer, tulad din ito ng isang hammer ngunit may mahabang wick sa itaas ng katawan kaysa sa ibaba. Tulad sa hammer, ang upper wick ay dapat hindi bababa sa doble sa sukat ng body. 

Ang inverted hammer ay nangyayari sa ibaba ng isang downtrend na maaring indikasyon ng potensyal na pagbaliktad paitaas. Ang upper wick ay nagpapakita na ang ay presyo tumigil sa patuloy nitong paggalaw paibaba, kahit na ang mga seller ay kalaunang nagagawang itulak ito pababa malapit sa open. Dahil dito, maaaring indikasyon ang hammer na malapit nang makuha ng mga buyer ang kontrol sa market. 



Three white soldiers

Ang three white soldiers na pattern ay binubuo ng tatlong magkakasunod na berdeng candlestick na lahat ay nagbubukas sa loob katwang ng nakaraang candle, at malapit sa lebel na lagpas sa high ng nakaraang candle. 

Dapat sana, ang mga candlestick ay walang mahabang lower wick, na indikasyon na ang patuloy na buying pressure ay nagtutulak sa presyo pataas. Ang sukat ng mga candle at haba ng mga wick ay magagamit para husgahan ang tiyansa ng pagpapatuloy o ang posibleng pag-ayos.



Bullish harami

Ang bullish harami ay isang mahabang pulang candle na sinundan ng mas maliit na berdeng candle na ganap na nasa loob ng katawan ng nakaraang candle.

Ang bullish harami ay maaaring magpakita pagkatapos ng dalawa o higit pang araw, at ang pattern nito ay indikasyon na ang selling momentum ay bumabagal at maaaring magtatapos na.




Pinag-iisipang magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Mga bearish na reversal pattern

Hanging man

Ang hanging man ay isang bearish na katumbas ng isang hammer. Kadalasang nabubuo ito sa dulo ng isang uptrend na may maliit na body at mahabang lower wick. 

Ang lower wick ay indikasyon na nagkaroon ng malaking bentahan, ngunit nagawa ng mga bull na mabawi ang kontrol at itulak ang presyo pataas. Habang nasa isip ito, pagkatapos ng pinahabang uptrend, ang bentahan ay maaaring magsilbi bilang babala na ang mga bull ay posibleng nawawalan na ng kontrol sa market.



Shooting star

Ang shooting star ay binubuo ng isang candlestick na may mahabang upper wick, maliit o walang lower wick, at maliit na katawan na mas maganda kung malapit sa low. Ang shooting star ay pareho ang hugis sa inverted hammer ngunit nabubuo sa dulo ng isang uptrend.

Indikasyon ito na ang market ay umabot sa isang high, ngunit nakuha ng mga seller ang kontrol at itinulak ang presyo pabalik sa baba. Ang ibang mga trader ay pinipiling hintayin ang ilan pang mga susunod na candlestick para ilantad ang kumpirmasyon ng pattern.



Three black crows

Ang three black crows ay binubuo ng tatlong magkakasunod na pulang candlestick na nagbubukas sa loob ng katawan ng nakaraang candle, at malapit sa lebel sa ibaba ng low ng nakaraang candle.

Ito ang bearish na katumbas ng three white soldiers. Dapat sana, ang mga candlestick ay walang mahabang higher wick na indikasyon ng patuloy na selling pressure na nagtutulak sa presyo pababa.



Bearish harami

Ang bearish harami ay isang mahabang berdeng candle na sinundan ng maliit na berdeng candle na may katawang ganap na nakapaloob sa katawan ng nakaraang candle.

Ang bearish harami ay maaaring lumantad pagkatapos ng dalawa o higit pang mga araw, nagpapakita sa dulo ng isang uptrend, at maaaring indikasyon na pababa na ang buying pressure.



Dark cloud cover

Ang dark cloud cover na pattern ay binubuo ng isang pulang candle na nagbubukas sa itaas malapit sa close ng nakaraang berdeng candle ngunit nagsasara sa ibaba ng gitna ng candle na iyon.

Madalas itong samahan ng high volume, indikasyon na ang momentum ay maaaring lumilipat na mula sa upside papunta sa downside. Maaaring hintayin ng mga trader ang ikatlong pulang candle para sa kumpirmasyon ng pattern.



Mga continuation pattern

Rising three methods

Ang pattern na ito ay nangyayari sa isang uptrend, kung saan tatlong magkakasunod na pulang candle na may maliit na body ang sinundan ng pagpapatuloy ng uptrend. Dapat sana, ang mga pulang candle ay hindi umaabot sa sakop ng sinundang candlestick. 

Ang pagpapatuloy ay kinukumpirma ng isang berdeng candle na may malaking katawan, indikasyon na ang mga bull ay hawak na muli ang kontrol ng direksyon ng trend.



Falling three methods

Ang kabaliktaran ng rising three methods, ngunit indikasyon ng pagpapatuloy ng isang downtrend.



Doji

Nabubuo ang Doji kapag pareho ang open at close (o masyadong malapit sa isa’t isa). Ang presyo ay maaaring gumalaw sa itaas at ibaba ng open ngunit kalaunan ay nagsasara sa o malapit sa open. Dahil dito, ang Doji ay maaring indikasyon ng punto ng pag-aalinlangan sa pagitan ng mga buying at selling force. Ganunpaman, ang interpretasyon ng isang Doji ay depende pa rin sa konteksto.

Depende sa kung saan bumabagsak ang linya ng open/close, ang Doji ay mailalarawan bilang:


Gravestone Doji – Ang bearish na pagbaliktad ng candle na may mahabang upper wick at ang open/close ay malapit sa low. 



Long-legged Doji – Nag-aalinlangang candle na parehong may lower at upper wick, at ang open/close ay malapit sa gitna.



Dragonfly Doji – Maaaring bullish o bearish na candle (depende sa konteksto) na may mahabang lower wick at ang open/close ay malapit sa high.



Ayon sa orihinal na depinisyon ng Doji, ang open at close ay dapat parehong-pareho. Ngunit paano kung ang open at close ay hindi pareho at sa halip ay masyadong malapit sa isa’t isa? Spinning top na ang tawag dito. Ganunpaman, dahil masyadong pabago-bago ang mga cryptocurrency market, ang eksaktong Doji ay madalang. Dahil dito, ang spinning top ay madalas napagkakamalang Doji.


Mga candlestick pattern na base sa mga price gap

Maraming mga candlestick pattern ang gumagamit ng mga price gap. Ang price gap ay nabubuo kapag ang pinansyal na asset ay nagbukas sa itaas o ibaba ng nakaraang closing price nito, na gumagawa ng gap sa pagitan ng dalawang candlestick. Dahil buong araw ang trade sa mga cryptocurrency market, ang mga pattern na base sa mga ganitong uri ng price gap ay hindi nakikita. Ganunpaman, maaari pa ring magkaroon ng price gap sa mga illiquid na market. Ganunpaman, dahil nangyayari sila dahil sa mababang liquidity at mataas na bid-ask spreads, maaaring hindi sila maging kapaki-pakinabang tulad ng mga naaaksyunang mga pattern.


Pangwakas na ideya

Ang mga candlestick pattern ay mahalaga para sa sinumang trader na maging pamilyar dito, kahit pa hindi nila ito direktang ginagamit sa kanilang istratehiya sa trading.

Bagamat tiyak na nagiging kapaki-pakinabang sila sa pagsusuri sa mga market, mahalagang tandaan na hindi sila base sa anumang siyentipikong prinsipyo o batas. Sa halip, ipinaparating at ipinapakita nila ang mga buying at selling force na siyang nagtutulak sa mga market.