Ipaliwanag Ito na Parang Ako Ay Limang Taon pa Lang
Narinig mo na bang magkwento ang iyong Lola kung saan niya sinasabing mas mura ang lahat ng bilihin noong kabataan niya? Ito ay dahil sa inflation. Dulot ito ng mga iregularidad sa supply at demand ng mga produkto at serbisyo, na humahantong sa pagtaas ng mga presyo.
Mayroon itong mga benepisyo, ngunit sa pangkalahatan, masama ang sobrang inflation: bakit mo gugustuhing ipunin ang iyong pera kung bababa ang halaga nito kinabukasan? Para makontrol ang masyadong mataas na inflation, naglalabas ang gobyerno ng mga polisiya para mapababa ang paggastos ng publiko.
Panimula
Habang ang “relative price change” ay madalas nangangahulugang isa o dalawang produkto ang nagtaas ng presyo, ang inflation ay tumutukoy sa pagtaas ng presyo ng halos lahat ng produkto sa ekonomiya. Dagdag pa rito, ang inflation ay isang long-term phenomenon – dapat matagal ang pagtaas ng mga presyo, at hindi lang isang biglaang pangyayari.
Karamihan sa mga bansa ay taunang sumusukat ng kanilang inflation rates. Sa pangkalahatan, makikita mo ang inflation rate sa pamamagitan ng porsyentong pagbabago: ang pagtaas o pagbaba nito base sa nakaraang yugto.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang sanhi ng inflation, mga paraan para sukatin ito, at ang mga epekto (positibo at negatibo) na maaaring idulot sa ekonomiya.
Mga sanhi ng inflation
Pangalawa, maaaring mangyari ang inflation dahil sa kakulangan sa supply ng isang partikular na produkto na may mataas na demand. Maaari itong mag-udyok ng pagtaas sa presyo ng produktong iyon, na maaaring kumalat sa ibang bahagi ng ekonomiya. Ang resulta ay maaaring pangkalahatang pagtaas sa presyo ng halos lahat ng produkto at serbisyo.
Demand-pull inflation
Ang demand-pull inflation ang pinaka karaniwang uri ng inflation na dulot ng pagtaas sa paggastos ng publiko. Sa kasong ito, lamang ang demand sa supply ng mga produkto at serbisyo – isang phenomenon na nagdudulot sa pagtaas ng presyo.
Para ilarawan ito, isaisip natin ang isang pamilihan kung saan nagbebenta ng kanyang mga produkto ang isang panadero. Maaari siyang lumikha ng humigit-kumulang 1,000 na tinapay kada linggo. Mainam ito dahil ganito ang tinatayang dami ng kanyang benta kada linggo.
Ipagpalagay na may malaking pagtaas sa demand ng tinapay. Maaaring bumuti ang kondisyon ng ekonomiya, ibig sabihin ay mas maraming perang gagastusin ang mga konsumer. Dahil dito, malamang ay makikita nating tumaas ang presyo ng tinapay.
Bakit? Dahil nilulubos ng panadero ang kanyang kapasidad sa pagluluto ng 1,000 na tinapay. Hindi kakayanin ng kanyang staff o ng kanyang lutuan na gumawa pa ng karagdagan dito. Maaari siyang gumawa ng lutuan o magpasok ng dagdag na staff ngunit matatagalan pa ito.
Habang wala pa sa puntong iyon, mayroon tayong masyadong maraming kustomer ngunit kulang ang tinapay. Walang problema sa ibang kustomer na magbayad ng mas mahal, kaya natural lamang na itaas ng panadero ang kanyang presyo ayon dito.
Ngayon, bukod sa pagtaas sa demand ng tinapay, ipagpalagay na ang pagbuti ng lagay ng ekonomiya ay humantong din sa mas mataas na demand sa gatas, langis, at iba pang mga produkto. Ito ang tinutukoy ng demand-pull inflation. Mas marami ang binibiling produkto ng mga tao kaya lumalamang ang demand sa supply na siyang nagdudulot sa pagtaas ng presyo.
Cost-push inflation
Nangyayari ang cost-push inflation kapag tumataas ang mga presyo bilang resulta ng pagtaas ng gastos sa mga hilaw na materyales at sa produksyon. Base sa pangalan nito, ang mga gastos na ito ay “itinutulak” sa mga konsumer.
Muli nating bisitahin ang panadero. Gumawa na siya ng oven at kumuha ng karagdagang staff para makagawa ng 4,000 na tinapay kada linggo. Sa ngayon, kayang pantayan ng supply ang demand at masaya ang lahat.
Isang araw, nakatanggap ng masamang balita ang panadero. Hindi naging maganda ang ani ng trigo ngayon, ibig sabihin ay hindi sapat ang supply para sa lahat ng bakery sa rehiyon. Kailangang magbayad ng panadero ng mas malaki para magawa ang mga tinapay. Dahil sa dagdag na gastos, kailangan niyang itaas ang presyo ng tinapay, kahit pa hindi naman tumaas ang demand ng mga konsumer.
Isa pang posibilidad ang pagtaas ng gobyerno ng minimum wage. Dadagdag ito sa gastos sa produksyon, kaya muli, kailangan niyang itaas ang presyo ng mga nagawang tinapay.
Sa malawakang pananaw, ang cost-push inflation ay madalas na dulot ng shortage sa mga pinagkukunan (tulad ng trigo at langis), pagtaas ng gobyerno ng buwis sa mga produkto, o pagbaba ng exchange rates (kaya tumataas ang gastos sa pag-angkat).
Built-in inflation
Ang price-wage spiral ay isang konseptong naglalarawan sa posibilidad ng built-in inflation na magdulot pa ng inflation. Maaari itong mangyari kung ang mga employer at mga empleyado ay hindi magkasundo sa taas ng kanilang sahod. Habang humihingi ng mas mataas na sahod ang mga empleyado para maprotektahan sila sa inaasahang inflation, ang mga employer naman ay napipilitang magtaas ng singil sa kanilang produkto. Maaari itong humantong sa isang self-reinforcing cycle, kung saan humihingi ng mas mataas pang sahod ang mga empleyado bilang tugon sa mas mataas na singil sa mga produkto at serbisyo – at magpapatuloy pa ang cycle.
Mga remedyo sa inflation

Salungat ng QE ang quantitative tightening (QT), na isang monetary policy na maaaring magpababa sa inflation sa pamamagitan ng pagpapababa ng supply ng pera. Ganunpaman, may maliit na ebidensya lamang na sumusuporta sa QT bilang magandang remedyo sa inflation. Sa totoong buhay, kino-kontrol ng mga central bank ang inflation sa pamamagitan ng pagtaas ng interest rates.
Mas mataas na interest rates
Nagiging mas mahal ang paghiram ng pera kapag mataas ang interest rates. Bilang resulta, hindi nagiging kaakit-akit sa mga konsumer at negosyo ang pag-utang. Sa lebel ng konsumer, ang mas mataas na interest rates ay hindi nakakahikayat ng paggastos, kaya bumababa ang demand para sa mga produkto at serbisyo.
Nagiging kaakit-akit ang pag-iipon sa mga panahong ito, at maganda para sa mga nagpapautang para kumita ng interes. Ganunpaman, maaaring mapigilan ang paglago ng ekonomiya dahil ang mga negosyo at indibidwal ay nagiging maingat sa pag-utang para mamuhunan o gumastos.
Pagbabago sa fiscal policy
Kung magtaas ng income tax ang gobyerno, halimbawa, nagiging mas kaunti ang disposable income ng mga indibidwal. Dahil dito, mas mababa ang demand sa merkado, na sa teorya ay dapat magpapababa rin sa inflation. Ganunpaman, mapanganib ang daang ito dahil posibleng hindi maging maganda ang reaksyon ng publiko sa mas mataas na buwis.
Pagsukat ng inflation gamit ang price index
Isinasaalang-alang ng CPI ang presyo ng maraming uri ng consumer products, gamit ang weighted average para tingnan ang halaga ng isang basket ng mga produkto at serbisyo na binili ng mga pamilya. Madalas itong ginagawa at ang lumalabas na numero ay maaaring ikumpara sa mga nakaraan. Ang mga ahensya tulad ng Bureau of Labor Statistics ng US ang kumokolekta ng datos mula sa mga tindahan sa bansa para tiyaking tama ang kalkulasyon.
Maaari mong tingnan ang CPI score na 100 para sa “base year” sa iyong kalkulasyon, at ang score naman na 110 pagkatapos ng dalawang taon. Maaari kang umabot sa konklusyon na pagkatapos ng dalawang taon, tumaas ang mga presyo ng 10%.
Mga benepisyo at kawalan sa inflation
Sa unang tingin, mukhang dapat talagang iwasan ang inflation. Ngunit nananatili itong bahagi ng modernong ekonomiya, kaya mas komplikado itong usapin sa totoong buhay. Tingnan natin ang ilan sa mga benepisyo at kawalan nito.
Benepisyo sa inflation
Mas mataas na paggastos, pamumuhunan, at pag-utang
Tulad ng nabanggit kanina, ang mababang rate ng inflation ay maaaring magdulot ng benepisyo sa ekonomiya sa pamamagitan ng pag-udyok sa paggastos, pamumuhunan, at pag-utang. May katuturan ang kaagad na pagbili ng mga produkto at serbisyo sa pagsisimula ng inflation para ang parehong halaga ng cash ay magpapababa sa purchasing power sa hinaharap.
Mas mataas na kita
Itinutulak ng inflation ang mga kompanya na ibenta ang kanilang mga produkto at serbisyo sa mas mataas na presyo para protektahan ang kanilang mga sarili sa epekto ng inflation. Maaari nilang maipaliwanag ang pagtaas, ngunit maaari rin nilang itaas pa ang presyo kaysa sa kinakailangan para mag bulsa ng mas mataas na kita.
Mas maigi ito kaysa sa deflation
Tulad ng iyong hula sa pangalan, ang deflation ay salungat ng inflation na siya namang pagbaba ng presyo sa paglipas ng panahon. Dahil bumababa ang mga presyo, makatuwiran ang pagpapaliban sa pagbili ng mga consumer dahil maaari pa silang makakuha ng mas maganda presyo sa hinaharap. Maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya dahil walang masyadong demand sa mga produkto at serbisyo.
Sa kasaysayan, ang mga yugto ng deflation ay nagresulta sa mas mataas na unemployment rates at paghihikayat sa pag-iipon imbes na paggatos. Bagamat hindi ito negatibo sa mga indibidwal, pinipigilan ng deflation ang paglago ng ekonomiya.
Kawalan sa inflation
Currency devaluation at hyperinflation
Mahirap hanapin ang tamang inflation rate, at ang kabiguan na i-kontrol ito ay maaaring humantong sa nakapipinsalang kahihinatnan. Napapababa din nito ang yaman na hawak ng mga indibidwal, kung nagtago ka ng $100,000 sa ilalim ng iyong kama ngayon, hindi na magiging pareho ang purchasing power nito paglipas ng sampung taon.
Walang katiyakan
Kapag mataas ang inflation rate, maaaring mangibabaw ang kawalan ng katiyakan. Ang mga indibidwal at negosyo ay hindi tiyak kung saan patungo ang ekonomiya, kaya nagiging mas maingat sila sa kanilang mga pera – na humahantong sa mas kaunting pamumuhunan at mas mababang paglago ng ekonomiya.
Panghihimasok ng gobyerno
Pangwakas na ideya
Nakikita natin ang pagtaas ng presyo sa paglipas ng panahon bilang epekto ng inflation, na nagdudulot ng pagtaas ng cost of living. Isa itong phenomenon na natutunan na nating tanggapin – kung sa bahay, kapag ito ay nakontrol nang tama, maari itong magdulot ng benepisyo sa ekonomiya.
Sa mundo ngayon, ang pinakamagandang remedyo ay makikita sa mga nababagong fiscal at monetary policies, na nagpapahintulot sa mga gobyerno na umangkop sa sitwasyon para mabantayan ang presyo. Ganunpaman, ang mga polisiyang ito ay dapat may maingat na implementasyon, kung hindi ay hahantong ito sa mas malalang pinsala sa ekonomiya.