Ano ang ICO?
Kadalasang inilalapat ang mga IPO sa mga naitatag nang negosyo na nagbebenta ng isang bahagi ng mga share ng pagmamay-ari sa kanilang kumpanya bilang paraan para makalikom ng mga pondo. Sa kabilang banda, ginagamit ang mga ICO bilang mekanismo ng fundraising na nagbibigay-daan sa mga kumpanya na makalikom ng mga pondo para sa kanilang proyekto na nag-uumpisa pa lang. Kapag bumili ng mga token ang mga namumuhunan sa ICO, hindi sila bumibili ng anumang pagmamay-ari sa kumpanya.
Ang mga ICO ay posibleng maging alternatibo sa tradisyonal na pagpopondo para sa mga tech startup. Kadalasan, nahihirapan ang mga bagong pasok sa larangang ito na makakuha ng kapital nang wala pang gumaganang produkto. Sa mundo ng blockchain, bihirang mamuhunan ang mga kilalang kumpanya sa mga proyekto nang batay lang sa papel. Bukod pa rito, dahil sa kawalan ng regulasyon sa cryptocurrency, nasisiraan ng loob ang marami na isaalang-alang ang mga startup sa blockchain.
Pero hindi lang mga bagong startup ang gumagamit sa kasanayang ito. Kung minsan, pinipili ng mga naitatag nang enterprise na maglunsad ng baligtad na ICO, na kung tutuusin ay katulad na katulad din ng karaniwang ICO. Sa sitwasyong ito, mayroon nang produkto o serbisyo ang isang negosyo at nag-iisyu ito ng token para i-decentralize ang ecosystem nito. O kaya, puwede silang mag-host ng ICO para magsama ng mas malawak na hanay ng mga namumuhunan at makalikom ng kapital para sa isang bagong produktong batay sa blockchain.
Mga ICO vs. Mga IEO (Initial Exchange Offerings)
Nakikipag-partner ang palitan sa team para payagan ang mga user nito na bumili ng mga token nang direkta sa platform nito. Puwede itong maging kapaki-pakinabang sa lahat ng kasamang partido. Kapag sinuportahan ng isang mapagkakatiwalaang palitan ang isang IEO, maaasahan ng mga user na masusing na-audit ang proyekto. Nakikinabang ang team sa likod ng IEO sa dagdag na exposure, at puwedeng makinabang ang palitan sa tagumpay ng proyekto.
Mga ICO vs. Mga STO (Security Token Offerings)
Minsan nang tinawag ang Mga Security Token Offering na “mga bagong ICO.” Mula sa teknolohikal na pananaw, magkapareho ang mga ito – ginagawa at ipinapamahagi ang mga token sa parehong paraan. Gayunpaman, pagdating sa legal, magkaibang-magkaiba ang mga ito.
Dahil sa ilang malabong legal na aspekto, walang napagkasunduan sa kung saan ibabatay ng mga regulator ang kwalipikasyon ng mga ICO (tinalakay nang mas detalyado sa ibaba). Dahil dito, naghihintay pa ang industriya ng makabuluhang regulasyon.
Ipinasya ng ilang kumpanya na sundin ang ginawa ng STO bilang paraan ng pag-aalok ng equity sa anyong token. Makakatulong din ito sa kanila na maalis ang anumang kawalang-katiyakan. Irerehistro ng nag-iisyu ang alok nila bilang securities offering sa nauugnay na kinatawan ng gobyerno, kaya ituturing ang mga ito bilang mga tradisyonal na security.
Paano gumagana ang ICO?
Puwedeng magkaroon ng maraming anyo ang ICO. Kung minsan, magkakaroon ang team na nagho-host nito ng gumaganang blockchain na patuloy nilang ide-develop sa mga sumusunod na buwan at taon. Sa sitwasyong ito, puwedeng bumili ang mga user ng mga token na ipapadala sa kanilang mga address sa chain.
O kaya, posibleng hindi nailunsad ang blockchain, kaya iiisyu ang mga token sa isang kasalukuyang blockchain (tulad ng Ethereum). Kapag live na ang bagong chain, puwedeng i-swap ng mga may-hawak nito ang kanilang mga token sa mga bagong isyung token.
Bukod sa Ethereum, may iba pang chain na puwedeng gamitin – ilan sa mga sikat na halimbawa ay ang Waves, NEO, NEM, o Stellar. Kung isasaalang-alang kung gaano ka-flexible ang mga protocol na ito, walang plano ang maraming organisasyon na umalis dito, sa halip, magsimulang bumuo sa mga kasalukuyang pundasyon. Ang diskarteng ito ay nagbibigay-daan sa kanilang magamit ang mga epekto sa network ng isang kasalukuyang ecosystem at nagbibigay ito sa mga developer ng access sa mga tool na nasubukan at nasubok na nila.
Maagang inaanunsyo ang isang ICO at tinutukoy nito ang mga panuntunan sa kung paano ito gagana. Puwede itong magbalangkas ng isang timeframe ng paggana nito, magpatupad ng hard cap para sa ilang token na ibebenta, o pareho. Posible ring may whitelist kung saan dapat paunang mag-sign up ang mga kalahok.
Pagkatapos, puwedeng magpadala ang mga user ng mga pondo sa isang tinukoy na address – sa pangkalahatan, tinatanggap ang Bitcoin at Ethereum dahil sa kasikatan ng mga ito. Magbibigay ang mga mamimili ng bagong address para matanggap ang mga token, o awtomatikong ipapadala ang mga token sa address kung saan nagmula ang bayad.
Sino ang puwedeng maglunsad ng ICO?
Naa-access nang marami ang teknolohiya para gumawa at mamahagi ng mga token. Pero ayon sa kasanayan, maraming legal na isasaalang-alang bago magsagawa ng ICO.
Sa kabuaan, kulang ang mundo ng cryptocurrency ng mga alituntunin sa regulasyon, at kailangan pang sagutin ang ilang mahahalagang tanong. Ganap na ipinagbabawal ng ilang bansa ang paglulunsad ng ICO, pero kahit ang mga hurisdiksyong pabor sa crypto ay maghahatid pa lang ng malinaw na batas. Kaya naman mahalagang maunawaan mo ang mga batas ng sarili mong bansa bago isaalang-alang ang ICO.
Ano ang mga regulasyon para sa mga ICO?
Mahirap magbigay ng one-size-fits-all na sagot, dahil napakaraming salik na isasaalang-alang. Nag-iiba-iba ang mga regulasyon ayon sa hurisdiksyon at malamang na may kani-kanyang pagkakaiba ang bawat proyekto na puwedeng makaapekto sa magiging tingin dito ng mga entity ng gobyerno.
Dapat tandaang ang kawalan ng regulasyon sa ilang lugar ay hindi dahilan para mag-crowdfund ng proyekto sa pamamagitan ng ICO. Kaya mahalagang humingi ng propesyonal na legal na payo bago piliin ang uring ito ng crowdfunding.
Sa pangkalahatan, mabagal ang pagbuo ng regulasyon sa mundo ng blockchain, partikular na dahil nauungusan ng teknolohiya ang mabagal na pag-usad ng legal na sistema. Gayunpaman, pinag-uusapan na ng maraming entity ng gobyerno ang pagpapatupad ng mas transparent na framework para sa teknolohiya ng blockchain at ng mga cryptocurrency.
Bagama't maraming mahihilig sa blockchain ang nag-iingat sa posibleng pananamantala ng gobyerno (na puwedeng pumigil sa pag-develop), kinikilala ng karamihan sa kanila ang pangangailangan ng proteksyon para sa namumuhunan. Hindi katulad ng mga tradisyonal na klase ng pananalapi, ang kakayahan ng sinuman sa buong mundo na lumahok ay naghaharap ng ilang malalaking hamon.
Ano ang mga panganib sa mga ICO?
- Posible bang magtagumpay ang konsepto? Anong problema ang nilulutas nito?
- Paano inilalaan ang supply?
- Kailangan ba ng proyekto ng blockchain/token, o puwede itong gawin nang walang ganoon?
- Mapagkakatiwalaan ba ang team? Mayroon ba silang mga kasanayan para mapagana ang proyekto?
Ang pinakamahalagang panuntunan ay huwag mamuhunan nang higit sa kaya mong mawala. Napaka-volatile ng mga merkado ng cryptocurrency, at malaki ang panganib na bumagsak ang halaga ng mga hawak mo.
Mga pangwakas na pananaw
Napakaepektibo ng Mga Initial Coin Offering para makakuha ng pondo ang mga proyektong nag-uumpisa pa lang. Kasunod ng tagumpay ng Initial Coin Offering ng Ethereum noong 2014, nagawa ng maraming organisasyon na makakuha ng kapital para makapag-develop ng mga bagong protocol at ecosystem.
Gayunpaman, dapat na magkaroon ng kaalaman ang mga mamimili sa kung saan sila mamumuhunan. Walang garantisadong kita. Kung isasaalang-alang ang simula ng mundo ng cryptocurrency, lubhang mapanganib ang ganoong mga pamumuhunan, at kaunti lang ang proteksyon kung mabigo ang proyekto na makapaghatid ng kapaki-pakinabang produkto.