Ano ang RSI Indicator?
Home
Mga Artikulo
Ano ang RSI Indicator?

Ano ang RSI Indicator?

Intermediya
Na-publish Dec 9, 2018Na-update Dec 12, 2022
4m

Ang Relative Strength Index Indicator

Sa pangkalahatan, ang technical analysis (TA) ay ang pagsusuri ng mga nakaraang pangyayari sa merkado bilang paraan para subukang hulaan ang mga trend at pagkilos ng presyo sa hinaharap. Mula sa mga tradisyonal na merkado hanggang sa mga merkado ng cryptocurrency, umaasa ang karamihan ng mga trader sa mga espesyal na tool para isagawa ang mga pagsusuring ito, at isa ang RSI sa mga ito.

Ang Relative Strength Index (RSI) ay isang indicator ng TA na binuo noong katapusan ng dekada '70 bilang tool na puwedeng gamitin ng mga trader para suriin ang performance ng isang stock sa loob ng isang partikular na panahon. Sa pangkalahatan, isa itong momentum oscillator na sumusukat sa laki ng mga paggalaw ng presyo, pati na rin sa bilis (velocity) ng mga paggalaw na ito. Puwedeng maging kapaki-pakinabang na tool ang RSI depende sa profile ng trader at sa setup ng pag-trade nila.

Ginawa ang Relative Strength Index indicator ni J. Welles Wilder noong 1978. Ipinakilala ito sa libro niyang New Concepts in Technical Trading Systems, kasama ng iba pang indicator ng TA, gaya ng Parabolic SAR, Average True Range (ATR), at Average Directional Index (ADX).

Bago siya naging technical analyst, nagtrabaho si Wilder bilang mechanical engineer at real estate developer. Nagsimula siyang mag-trade ng mga stock noong bandang 1972 pero hindi siya masyadong nagtagumpay. Pagkalipas ng ilang taon, pinagsama-sama ni Wilder ang kanyang pananaliksik at karanasan sa pag-trade sa mga mathematical formula at indicator na ginamit ng maraming trader sa buong mundo sa paglaon. Ginawa ang libro sa loob lang ng anim na buwan, at kahit na noong dekada '70 pa ito, sanggunian pa rin ito ng maraming chartist at trader sa kasalukuyan.


Paano gumagana ang RSI indicator? 

Bilang default, sinusukat ng RSI ang mga pagbabago sa presyo ng isang asset sa loob ng 14 na yugto ng panahon (14 na araw sa mga pang-araw-araw na chat, 14 na oras sa mga orasang chart, at iba pa). Hinahati ng formula ang average na itinaas ng presyo sa loob ng panahong iyon sa average na ibinaba nito at pagkatapos ay nagpa-plot ito ng data sa sukatang mula 0 hanggang 100. 

Gaya ng nabanggit, ang RSI ay isang tagasaad ng momentum, na isang uri ng teknikal na tool sa pag-trade na sumusukat sa rate ng pagbabago ng presyo (o data). Kapag tumaas ang momentum at tumataas ang presyo, isinasaad nito na aktibong binibili ang stock sa merkado. Kung tataas ang momentum sa downside, isa itong senyales na nadaragdagan ang pressure na magbenta.

Ang RSI ay isa ring oscillating indicator na mas nagpapadali para sa mga trader na tumukoy ng mga kondisyon sa merkado na labis na nabili at labis na naibenta. Sinusuri nito ang presyo ng asset sa sukatang 0 hanggang 100, nang isinaaalang-alang ang 14 na yugto ng panahon. Bagama't isinasaad ng RSI score na 30 o mas mababa na malamang na mas malapit ang asset sa bottom nito (labis na naibenta), isinasaad ng sukat na mas mataas kaysa sa 70 na malamang na malapit na ang presyo ng asset sa high nito (labis na nabili) para sa yugto ng panahong iyon.

Bagama't 14 na yugto ng panahon ang mga default na setting para sa RSI, puwedeng magpasya ang mga trader na baguhin ito para dagdagan ang pagkasensitibo (mas kaunting yugto ng panahon) o bawasan ang pagkasensitibo (mas maraming yugto ng panahon). Samakatuwid, mas sensitibo ang 7 araw na RSI sa mga paggalaw ng presyo kaysa sa RSI na nagsasaalang-alang ng 21 araw. Dagdag pa rito, puwedeng i-adjust ng mga panandaliang setup ng pag-trade ang RSI indicator para ituring na mga antas na labis na naibenta at labis na nabili ang 20 at 80 (sa halip na 30 at 70), kaya mas maliit ang posibilidad na magbigay ito ng mga maling signal.


Paano gumamit ng RSI batay sa mga divergence

Maliban sa mga RSI score na 30 at 70 - na puwedeng magmungkahi ng mga potensyal na labis na naibenta at labis na nabiling kondisyon ng merkado - ginagamit din ng mga trader ang RSI para subukang hulaan ang mga pag-reverse ng trend o para matukoy ang mga antas ng suporta at resistance. Nakabatay ang ganitong diskarte sa tinatawag na mga bullish at bearish divergence.

Ang bullish divergence ay isang kondisyon kung saan gumagalaw ang presyo at mga RSI score sa magkabilang direksyon. Kaya tumataas ang RSI score at gumagawa ito ng mas matataas na low habang bumabagsak ang presyo, na gumagawa ng mas mabababang low. Tinatawag itong "bullish" divergence at isinasaad nito na lumalakas ang puwersa ng pagbili sa kabila ng downtrend ng presyo.

Sa kabaliktaran, posibleng isinasaad ng mga bearish divergence na sa kabila ng pagtaas ng presyo, nawawalan ng momentum ang merkado. Samakatuwid, bumabagsak ang RSI score at gumagawa ito ng mas mabababang high habang tumataas ang presyo ng asset at gumagawa ito ng mas matataas na high.

Gayunpaman, tandaan na hindi masyadong maaasahan ang mga divergence sa mga panahong malakas ang mga trend sa merkado. Ibig sabihin nito, sa malakas na downtrend, puwedeng magkaroon ng maraming bullish divergence bago maabot ang totoong bottom. Dahil doon, mas angkop ang mga RSI divergence para sa mga hindi masyadong volatile na merkado (na may mga sideways na paggalaw o hindi masyadong halatang trend).


Mga pangwakas na pananaw

May ilang mahalagang salik na dapat isaalang-alang kapag ginagamit ang Relative Strength Index indicator, gaya ng mga setting, score (30 at 70), at mga bullish/bearish divergence. Gayunpaman, laging dapat tandaan na walang indicator na 100% efficient - lalo na kung mag-isa lang itong ginagamit. Samakatuwid, dapat pag-isipang gamitin ng mga trader ang RSI indicator kasama ng iba pang indicator para makaiwas sa mga maling signal.

Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.