Si Nik Patel, na kilala rin bilang
@cointradernik, ay isang full-time na trader, namumuhunan, manunulat, at tagapayo sa mundo ng cryptocurrency. Aktibo siyang nakikisangkot sa mga merkado ng cryptocurrency mula pa noong 2013. Mula noon, dumami na ang sumusubaybay kay Nik sa Twitter, kung saan siya nagpo-post ng mga insight sa merkado, kasama ng mga may komentong chart. Nagsusulat din siya ng mga ulat sa coin at nagbabahagi ng pananaw niya sa merkado sa
An Altcoin Trader’s Blog.
Nakipag-usap ang Binance Academy kay Nik tungkol sa pag-trade, pamumuhunan, sa kanyang mga pangkalahatang diskarte para sa mga merkado, at sa kanyang pamumuhay bilang trader at namumuhunan sa cryptocurrency.
Binance Academy: Paano ka nagsimula sa pag-trade ng mga cryptocurrency?
Nik Patel: Bago ko natuklasan ang mga cryptocurrency, nakita ko ang subreddit ng Dogecoin noong Disyembre 2013 at nakita ko naman ang Crypto Twitter noong Pebrero 2014. Nagsimula akong mag-trade noong buwang iyon pagka-sign up ko sa MintPal.
Academy: Ikuwento mo sa amin ang iyong karanasan sa pag-trade noong umpisa. Nagkaroon ka ba ng anumang hindi magandang trade?
Nik: Ang pinakamalala kong trade ay isa sa mga pinakauna kong trade. Natatandaan kong nag-sign up ako para sa MintPal noong Pebrero 2014 at bumili ako ng Mazacoin kasi napansin kong sunod-sunod na araw na malaki ang itinaas nito. Sa huli, nawala sa akin ang two-thirds ng inisyal na kapital ko sa isang trade na iyon.
Academy: Gaano katagal ka nang nagte-trade bago nagtuloy-tuloy ang kita mo?
Nik: Inabot ako nang humigit-kumulang apat na buwan sa crypto. Nangyari ito dahil sa suwerte noong umpisa ng 2014 na nagbigay-daan naman sa aking matuto, umayon, at pinuhin ang mga diskarte ko sa kabuuan ng taon. Sa labas ng crypto, inabot ako nang lampas nang kaunti sa isang taon.
Academy: Nagte-trade ka pa rin ba sa mga merkadong hindi cryptocurrency?
Nik: Oo, nagte-trade ako sa lahat ng merkado. Sa labas ng mga cryptocurrency, partikular na sa mga metal at index.
Academy: Ano ang pinakamagandang trade na nagawa mo?
Nik: Batay sa porsyento, bumili ako ng Neutron sa halagang humigit-kumulang 130 satoshi at ibinenta ko ito sa average na humigit-kumulang 6800 satoshi, na nagbalik ng lampas 50x sa inisyal na laki ng posisyon ko.
Academy: Ngayong natalakay na natin ang ilan sa matataas at mabababang punto, ano sa tingin mo ang pinagkaiba ng maganda at hindi magandang trade?
Nik: Sa magandang trade, sinunod mo nang eksakto ang mga panuntunan mo. Sa hindi magandang trade, isinantabi mo ang mga panununan mo, at nagdesisyon ka batay sa emosyon, anuman ang resulta.
Academy: Maraming matagumpay na namumuhunan ang malamang na sumang-ayon sa sagot na ito. Hindi tinutukoy ang maganda o hindi magandang trade batay sa resulta - puwedeng palugi pa rin ang magandang trade, at malaki naman ang kinita sa hindi magandang trade. Ang susi ay bumuo ng magandang diskarte at sundin iyon nang pangmatagalan.
Ngayong nakaranas na tayo ng maraming taon ng
bear market sa Bitcoin, ano ang mga natutuhan mo mula rito?
Nik: Noong ang presyo lang ng mga
altcoin sa BTC ang tinitingnan ng lahat (pati ako), mga presyo dapat sa USD ang tinitingnan namin. Nandoon ang bubble noong Enero 2018. Mula noon, sinimulan kong isaalang-alang ang dalawang presyo at ang mga konteksto ng mga ito sa nakaraan sa proseso ng pagdedesisyon ko.
Academy: Interesante kung paano nakakagawa at nakakapagpatindi ng mga bias ang crowd psychology sa social media. Habang napag-uusapan natin ang komunidad, sinong mga trader ang pinakahinahangaan mo?
Nik: Si Tom Dante siguro ang pinakamahalaga pagdating sa sarili kong proseso, lalo na pagdating sa pagsusulat ng journal para makahanap ng maliliit na bagay na puwedeng pahusayin sa trade expectancy.
Academy: Walang katapusang proseso ang paghahanap ng mga bagay na mapapahusay sa diskarte ng isang tao at mahalaga ito para sa sinumang namumuhunan. Ano sa tingin mo ang bentahe mo, at paano mo iyon nahanap? Ano ang maipapayo mo sa mga bagong trader na sinusubukang malaman ang bentahe nila sa merkado?
Nik: Partikular na malakas ang bentahe ko sa mga cyclical na posisyon, kung saan naghahanap ako ng mga undervalued na proyekto na may magagandang pundasyon at murang presyo, at hahawakan ko ang mga iyon sa kabuuan ng
market cycle ng mga ito. Iminumungkahi ko ang pagsusulat ng journal nang napakadetalyado para malaman kung paano mo makikita ang mga kahinaan at kalakasan mo.
Academy: Malamang na karamihan ng mga matagumpay na trader, nagsusulat ng journal tungkol sa mga trade nila. Mahalagang subaybayan ang performance (lalo na kapag nagsisimula) para mapaigting pa ang mga kalakasan at matukoy ang mga kahinaan. Nagte-trade ka ba sa maraming diskarte, o naghahanap ka ba ng mga partikular na setup ng trade?
Nik: Mayroon akong ilang pangunahing diskarte batay sa mga teknikal na aspekto para sa mga intra-week o intra-month na trade (wala pang isang linggo o buwan). Para sa mga mas pangmatagalang posisyon, mabusisi kong tinitingnan ang mga pangunahing kaalaman at pagkatapos ay bumibili ako ng mga murang presyo ayon sa kasaysayan na hahawakan ko sa loob ng isang market cycle.
Academy: Gaano kahabang panahon ang pinakamatagal na paghawak mo ng isang coin?
Nik: Mahigit isang taon.
Academy: Kung minsan, parang habambuhay na iyon sa crypto. Mahirap pumasok sa mga pangmatagalang posisyon habang
pinapamahalaan pa rin ang panganib sa isang merkadong mabilis magbago. Ano sa tingin mo ang pinakakapaki-pakinabang na sukatan sa pag-assess kung kikita ba ang isang coin o token?
Nik: Ang istruktura ng emission ng token. Inflation ang nag-iisang hindi nagbabagong sukatan na napatunayang sumusuporta sa malalaking return o sa pagkamatay ng isang token.
Academy: Isinasama mo ba sa iyong diskarte ang mga sukatan sa chain?
Nik: Hilig ko ngang tingnan ang dami ng transaksyon sa chain para mapag-iba ko ito sa daming batay sa ispekulasyon (batay sa palitan). Tinitingnan ko rin nang mabuti ang mga listahan ng mayaman (ang mga nangungunang may-hawak ng isang token).
Nik: Para sa mga mas pangmatagalang posisyon, nagsisimula ako sa mga pangunahing kaalaman na sa tingin ko ay nakakahimok at pagkatapos ay nagdedesisyon ako batay sa mga teknikal na aspekto. Para sa mga intra-week na spot trade, sa mga teknikal na setup ko lang ibinabatay ang mga ito. Dagdag pa rito, para sa mga
may leverage na trade, ibinabatay ko rin ang mga ito sa mga teknikal na aspekto.
Academy: Lumipat tayo sa ilan sa mga mas praktikal na aspekto ng pag-trade, dahil mahalaga rin ang mga elementong iyon para pag-isipan, na posibleng hindi masyadong pinapahalagahan. Ano ang hitsura ng iyong karaniwang araw ng pag-trade, at paano ka nagpapanatili ng sustainable na pamumuhay sa pamamagitan ng pagtitig sa mga screen?
Nik: Sinusuri ko ang merkado ng iba't ibang asset tuwing Linggo para malaman ko kung ano ang hahanapin ko sa linggo. Pagkatapos, nagsusulat ako ng journal tungkol dito nang detalyado at minamarkahan ko ang mga chart ko, nagse-set ako ng mga alarm sa mahahalagang antas ng presyo na may mga tala tungkol sa eksaktong hinahanap ko sa mga bahaging iyon. Pagkatapos, ipinapatupad ko ang mga trade ko at binabantayan ko ang mga ito paminsan-minsan.
Dahil inaabot nang mahigit sa isang linggo bago natatapos ang karamihan ng mga trade ko, ginugugol ko ang malaking bahagi ng araw ko sa paggawa sa blog ko, pagfi-freelance, pagbabasa, pag-eehersisyo, atbp. Hindi ako tumititig sa mga screen - ito ang dahilan kaya nagdesisyon akong hindi aktibong mag-day trade. Dahil naka-work from home ako at may mga naka-set akong alarm at sistema, hindi ko kailangang gugulin ang oras ko sa pagtitig sa mga chart. Hindi ako hanga sa ganoong uri ng pamumuhay, kaya nagdesisyon akong huwag mag-day trade nang tuloy-tuloy.
Academy: Anong mga tool ang pinakamahalaga sa iyo pagdating sa pag-trade?
Nik: Hindi ko kailangan ng masyadong marami. Mayroon akong laptop, isa pang monitor, tablet, TradingView, at ilang broker depende sa asset na tine-trade. Wala nang masyadong iba pang kailangan.
Academy: Sayang kung pakakawalan ka namin nang walang hula sa presyo. Saan mo nakikita ang Bitcoin sa katapusan ng 2020?
Nik: $26,000.
Ulitin natin ang ilan sa mga pangunahing puntong natutuhan natin kay Nik:
Magtakda ng ilang panuntunan at sundin ang mga ito - iwasang mag-trade gamit ang emosyon. Kung hindi masusunod ang iyong mga panuntunan at magsisimula kang magdesisyon batay sa emosyon, malamang na lumabas iyon sa mga resulta mo.
Maging mabusisi sa pagsusulat ng journal tungkol sa iyong mga trade at tuloy-tuloy na maghanap ng mga bagay na mapapahusay sa mga diskarte mo.
Kung minsan, posibleng sulit tumigil at pag-isipan kung nakakaimpluwensya ba sa iyong mga trade ang mga bias ng komunidad.
Huwag masyadong gawing kumplikado ang mga bagay-bagay. Malayo ang mararating ng isang magandang diskarte na may simpleng setup.