Ano ang Pag-burn ng Coin?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Pag-burn ng Coin?

Ano ang Pag-burn ng Coin?

Intermediya
Na-publish Dec 9, 2018Na-update Jun 9, 2023
10m

Tandaan: Ipinapaliwanag sa unang seksyon ng artikulong ito ang dating function na pag-burn ng Binance Coin habang nasa Ethereum network ito. Nasa Binance Chain na ngayon ang Binance Coin, kaya iba na ang paggana ng function na pag-burn. Gayunpaman, nalalapat pa rin ang talakayan sa lahat ng kasalukuyang ERC-20 token na sumusuporta sa function na pag-burn.


Ang pag-burn ng coin ay ang proseso ng permanenteng pag-aalis ng mga cryptocurrency mula sa sirkulasyon, kaya nababawasan ang kabuuang supply. Para ipaliwanag kung paano ito gumagana, gagamitin natin ang Binance Coin (ang dating BNB ERC-20) bilang halimbawa. Makikita rito ang dating kontrata para sa BNB habang nasa Ethereum network ito.
Noong bahagi pa ng Ethereum network ang Binance Coin, nagsagawa ang Binance ng mga pana-panahong event ng Pag-burn ng Coin gamit ang isang smart contract function na kilala bilang function na pag-burn. Nakaiskedyul na mangyari ang mga event ng pag-burn ng BNB bawat quarter hanggang sa 100,000,000 BNB ang masira sa huli, na kumakatawan sa 50% ng kabuuang BNB na naisyu (200,000,000 BNB).

Ang dami ng mga BNB coin na ibe-burn ay batay sa bilang ng mga trade na isinagawa sa palitan sa loob ng 3 buwang yugto ng panahon. Kaya pagkatapos ng bawat quarter, nagbe-burn ang Binance ng BNB ayon sa kabuuang dami ng pag-trade.

Gayunpaman, mukhang marami-rami pa ring tao ang hindi nakakaunawa sa kung paano isinasagawa ang Mga Pag-burn ng Coin. Nilalayon ng kasalukuyang artikulo na magbigay ng mahalagang impormasyong may kinalaman sa function na pag-burn at sa mga event ng Pag-burn ng BNB Coin bawat quarter.


Paano ito gumagana?

Sa madaling salita, nangyayari ang event ng pag-burn ng token sa ganitong pagkakasunod-sunod:

  1. Iko-call ng may-ari ng cryptocurrency ang function na pag-burn, na nagsasabing gusto niyang mag-burn ng na-nominate na dami ng mga coin.
  2. Pagkatapos, ive-verify ng smart contract na nasa wallet ng taong iyon ang mga coin at valid ang isinaad na dami ng mga coin. Mga positibong numero lang ang pinapayagan sa mekanismo ng pag-burn.

  3. Kung walang sapat na coin ang tao, o kung invalid ang isinaad na numero (hal., 0 o -5), hindi isasagawa ang function na pag-burn.

  4. Kung mayroon siyang sapat na coin, ibabawas ang mga coin sa wallet na iyon. Pagkatapos, ia-update ang kabuuang supply ng coin na iyon, ibig sabihin, permanente nang na-burn ang mga coin.

Kung isasagawa mo ang function na pag-burn para i-burn ang iyong mga coin, sisirain ang mga iyon magpakailanman. Imposibleng mabawi ang mga coin pagkatapos ma-burn ng mga ito, at salamat sa teknolohiya ng blockchain, madaling mave-verify ang patunay ng pag-burn sa isang blockchain explorer.
Sa madaling salita, may function ang Binance Coin contract na kilala bilang function na pag-burn, na magagamit ng kahit sino, kahit kailan. Sa pamamagitan ng pag-call sa function na ito, permanente mong maaalis ang na-nominate na dami ng mga coin mula sa supply na nasa sirkulasyon ng isang network ng blockchain. Gaya ng nabanggit, itinatala ang bawat event ng pag-burn ng token bilang transaksyon sa blockchain. Transparent ang mekanismo ng pag-burn, at mave-verify ng kahit sino na nasira na ang mga coin.
Kapag nangyari ang Pag-burn ng Coin bawat quarter, gagawa ang Binance ng opisyal na anunsyo na tumutukoy sa dami ng mga BNB coin na na-burn (batay sa dami ng pag-trade para sa quarter na iyon). Puwede mong i-verify ang lahat ng transaksyon ng Pag-burn ng BNB ERC-20 Coin sa isang blockchain explorer ng Ethereum, tulad ng Etherscan. Ang mga transaksyon ng pag-burn ay pampubliko, hindi mababago, at permanteng itinatala sa blockchain.
Sa Etherscan, makikita mo ang mga detalye tungkol sa isang transaksyon ng pag-burn sa kahong Input na Data.
Kung iki-click mo ang I-decode ang Input na Data, puwede mong tingnan ang dami ng BNB na na-burn. Kasama sa dami ang 18 decimal, kaya sa halimbawang ito, 1,623,818 BNB ang na-burn.


Ang kasalukuyang function na Pag-burn ng Binance

Mula noong inilunsad ang Binance Chain, unti-unting na-swap ng mga native na Binance Coin (BNB BEP-2) ang mga BNB ERC-20 token. Ibig sabihin, nangyayari na ngayon ang mga event ng Pag-burn ng Coin sa Binance Chain at hindi sa Ethereum network.
Mahalagang tandaan na “ni-replicate” ang lahat ng BNB ERC-20 sa Binance Chain para matiyak na pareho ang kabuuang supply. Dahil dito, 11,654,397 BNB ERC-20 token na dating na-burn sa Ethereum network ang na-burn din sa Binance Chain (pagkatapos mismo ng paglulunsad ng mainnet). Puwede mong tingnan ang partikular na transaksyon ng pag-burn na ito sa Binance Chain Explorer. Puwede mo ring tingnan ang kabuuang supply ng BNB.
Ang kasalukuyang mekanismo ng pag-burn ng BNB coin ay hindi na umaasa sa smart contract kundi sa isang partikular na command na isinasagawa sa Binance Chain. Makakahanap ka ng higit pang detalye sa page na Mga Dokumento ng Binance Chain.

Hanggang Abril 2022, nakakumpleto na ang Binance ng 19 na event ng Pag-burn ng BNB Coin. Sa kabuuan, 36,723,852.37 BNB coin ang na-burn, na nagbabawas ng 18.36% ng Kabuuang Supply (ngayon ay 163,292,674.61 BNB).

Pag-burn ng Coin

Na-burn na BNB

Humigit-kumulang na Presyo ng BNB

Humigit-kumulang na Halaga sa USD

% ng Kabuuang Supply

#1 (Okt 2017)

986,000

$1.52

$1,500,000

0.49%

#2 (Ene 2018)

1,821,586

$21.96

$40,000,000

0.91%

#3 (Abr 2018)

2,220,314

$13.52

$30,000,000

1.11%

#4 (Hul 2018)

2,528,767

$12.93

$32,700,000

1.26%

#5 (Okt 2018)

1,643,986

$10.34

$17,000,000

0.82%

1,623,818

$5.83

$9,400,000

0.81%

#7 (Abr 2019)

829,888

$18.79

$15,600,000

0.41%

#8 (Hulyo 2019)

808,888

$29.47

$23,800,000

0.40%

#9 (Okt 2019)

2,061,888

$17.80

$36,700,000

1.03%

#10 (Ene 2020)

2,216,888

$17.50

$38,800,000

1.11%

#11 (Abr 2020)

3,373,988

$15.55

$52,466,000

1.69%

#12 (Hulyo 2020)

3,477,388

$17.40

$60,500,000

1.74%

#13 (Okt 2020)

2,253,888

$30.17

$68,000,000

1.13%

#14 (Ene 2021)

3,619,888

$45.80

$165,791,000

1.81%

#15 (Abr 2021)

1,099,888

$541.25

$595,314,380

0.55%

#16 (Hul 2021)

1,296,728

$303.59

$393,673,653

0.65%

#17 (Okt 2021)

1,335,888

$478.68

$639,462,868

0.66%

#18 (Ene 2022)

1,684,387.11

$474

$798,399,490

0.84%

#19 (Abr 2022)

1,839,786.26

$403.22

$741,840,738

0.91%

KABUUAN

36,723,852.37

-

$3,760,948,130

18.36%

Kasaysayan ng Pagsira ng BNB (Pag-burn ng Coin bawat Quarter).
Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.