TL;DR
Ang mga indicator ang pinipiling sandata ng mga technical analyst na subok na sa labanan. Bawat player ay pipili ng mga tool na pinakabagay sa natatangi nilang playstyle para matuto kung paano pahusayin ang kanilang abilidad. Hilig ng iba na tingnan ang momentum sa merkado, habang ang iba naman ay gustong i-filter out ang noise sa merkado o sukatin ang volatility.
Pero alin ang pinakamahuhusay na technical indicator? Iba ang sasabihin sa iyo ng bawat trader. Ang ipapangako sa iyo ng isang analyst bilang pinakamagandang indicator ay isasawalang-bahala ng isa pa. Gayunpaman, may ilang napakasikat, gaya ng mga inilista namin sa ibaba (RSI, MA, MACD, StochRSI, at BB).
Interesado ka bang malaman kung ano ang mga ito at kung paano gamitin ang mga ito? Ipagpatuloy ang pagbabasa.
Panimula
1. Relative Strength Index (RSI)

Ang RSI ay isang momentum na indicator na nagpapakita kung ang isang asset ay overbought o oversold. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsukat ng kalakhan ng mga kamakailang pagbabago sa presyo (ang karaniwang setting ay ang nakaraang 14 na panahon – kaya 14 araw, 14 na oras, atbp.). Pagkatapos, ipinapakita ang data bilang isang oscillator na puwedeng magkaroon ng halaga sa pagitan ng 0 at 100.
Dahil ang RSI ay isang momentum na indicator, ipinapakita nito ang rate (momentum) kung saan nagbabago ang presyo. Nangangahulugan ito na kung tumataas ang momentum habang tumataas ang presyo, malakas ang uptrend, at parami nang parami ang mga mamimiling pumapasok. Sa kabaligtaran, kung ang momentum ay bumababa habang tumataas ang presyo, posible nitong ipakita na malapit nang magkaroon ng kontrol ang mga nagbebenta sa merkado.
2. Moving Average (MA)

Ang dalawang karaniwang ginagamit na moving average ay ang simple moving average (SMA o MA), at ang exponential moving average (EMA). Ang SMA ay naka-plot sa pamamagitan ng pagkuha ng data ng presyo mula sa tinukoy na panahon at paggawa ng isang average. Halimbawa, ang 10 araw na SMA ay naka-plot sa pamamagitan ng pagkalkula ng average na presyo sa huling 10 araw. Ang Ema, sa kabilang banda, ay kinakalkula sa isang paraan na nagbibigay ng higit na timbang sa kamakailang data ng presyo. Ginagawa nitong mas reactive sa kamakailang pagkilos ng presyo.
Tulad ng nabanggit, ang moving average ay isang lagging indicator. Kapag mas mahaba ang panahon, mas malaki ang lag. Kaya, mas mabagal ang rekasyon ng 200 araw na SMA sa kamakailang pagkilos sa presyo kaysa sa 50-araw na SMA.
Puwede ring gumamit ang mga trader ng moving average na mga crossover bilang mga signal ng para bumili o magbenta. Halimbawa, kung ang 100 araw na SMA ay tumatawid sa ibaba ng 200 araw na SMA, puwede itong maituring na isang signal para magbenta. Pero ano nga ba ang eksaktong ibig sabihin ng pagtawid na ito? Ipinapahiwatig nito na ang average na presyo sa huling 100 araw ay mas mababa sa huling 200 araw. Ang ideya sa likod ng pagbebenta dito ay hindi na sumusunod sa uptrend ang mga panandaliang paggalaw ng presyo, kaya't posibleng mag-reverse ang trend.
3. Moving Average Convergence Divergence (MACD)

Ginagamit ang MACD para matukoy ang momentum ng isang asset sa pamamagitan ng pagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng dalawang moving average. Binubuo ito ng dalawang linya – ang linya ng MACD at ang linya ng signal. Ang linya ng MACD ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagbawas ng 26 EMA mula sa 12 Ema. Pagkatapos ay naka-plot ito sa linya ng MACD ng 9 EMA – ang linya ng signal. Ang mga tool sa pag-chart ay madalas na may isang histogram, na nagpapakita ng distansya sa pagitan ng linya ng MACD at ng linya ng signal.
Sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng MACD at pagkilos ng presyo, puwedeng makakuha ang mga trader ng insight sa lakas ng kasalukuyang trend. Halimbawa, kung gumagawa ang presyo ng isang mas mataas na high, habang ang MACD ay gumagawa ng isang mas mababang high, puwedeng malapit nang mag-reverse ang merkado. Ano ang sinasabi sa atin ng MACD sa kasong ito? Ang presyong iyon ay tumataas habang ang momentum ay bumababa, kaya may mas mataas na posibilidad na mangyari ang isang pullback o reversal.
Puwede ring gamitin ng mga trader ang indicator na ito para maghanap ng mga crossover sa pagitan ng linya ng MACD at ng linya ng signal nito. Halimbawa, kung ang linya ng MACD ay tumawid sa itaas ng linya ng signal, puwedeng nagbibigay iyon ng isang signal para bumili. Sa kabaligtaran, kung ang linya ng MACD ay tumatawid sa ibaba ng linya ng signal, puwedeng magpahiwatig iyon ng isang signal para magbenta.
Madalas na ginagamit ang MACD kasama ng RSI, dahil pareho sumusukat ang mga ito ng momentum, pero batay sa iba't ibang salik. Ang palagay ay puwede magkasamang magbigay ang mga ito ng isang mas kumpletong teknikal na pananaw sa merkado.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
4. Stochastic RSI (StochRSI)

Ang Stochastic RSI ay isang momentum oscillator na ginagamit para matukoy kung ang isang asset ay overbought o oversold. Tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan, ito ay isang derivative ng RSI, dahil ito ay nabuo mula sa mga value ng RSI sa halip na data ng presyo. Nilikha ito sa pamamagitan ng paglalapat ng isang formula na tinatawag na formula ng Stochastic oscillator sa ordinaryong mga value ng RSI. Karaniwan, ang mga value ng Stochastic RSI ay nasa pagitan ng 0 at 1 (o 0 at 100).
Dahil sa higit na bilis at pagkasensitibo nito, ang StochRSI ay puwedeng makabuo ng maraming signal ng pag-trade na puwedeng maging mahirap ipakahulugan. Sa pangkalahatan, nagiging pinaka kapaki-pakinabang ito kapag malapit sa itaas o ibabang extreme ng saklaw nito.
Ang isang reading ng StochRSI na mas mataas sa 0.8 ay karaniwang itinuturing na overbought, habang ang isang value na mas mababa sa 0.2 ay puwedeng maituring na oversold. Ang value na 0 ay nangangahulugang ang RSI ay nasa pinakamababang value nito sa sinusukat na panahon (ang default na setting ay karaniwang 14). Sa kabaligtaran, ang value na 1 ay nagsasabing ang RSI ay nasa pinakamataas na value sa sinusukat na panahon.
Katulad din ng kung paano dapat gamitin ang RSI, ang overbought o oversold na value ng StochRSI ay hindi nangangahulugang ang presyo ay tiyak na magre-reverse. Sa kaso ng StochRSI, ipinapahiwatig lang nito na ang mga value ng RSI (kung saan nagmula ang mga value ng StochRSI) ay malapit na sa mga extreme ng kanilang mga kamakailang reading. Mahalaga ring tandaan na ang StochRSI ay mas sensitibo kaysa sa indicator ng RSI, kaya mas posibleng makabuo ng mas maraming mali o nakakalinlang na signal.
5. Bollinger Bands (BB)

Sa pangkalahatan, kapag mas malapit ang presyo sa mas mataas na band, posibleng mas malapit sa mga overbought na kondisyon na ang charted na asset. Sa kabaligtaran, kapag mas malapit ang presyo sa mas mababang band, mas malapit ito sa mga oversold na kondisyon. Sa karamihan, ang presyo ay mananatili sa loob ng mga band, pero sa mga bihirang pagkakataon, puwede itong masira sa itaas o sa ibaba ng mga ito. Bagama't ang pangyayaring ito ay puwedeng hindi isang signal ng pag-trade, puwede itong kumilos bilang isang indikasyon ng mattinding kondisyon ng merkado.
Ang isa pang mahalagang konsepto ng BBs ay tinatawag na squeeze. Ito ay tumutukoy sa isang panahon ng mababang volatility, kung saan ang lahat ng band ay napakalapit sa isa't isa. Puwede itong magamit bilang isang indikasyon ng potensyal na volatility sa hinaharap. Sa kabaligtaran, kung ang mga band ay napakalayo sa isa't isa, puwedeng magkaroon ng isang panahon ng mas mababang volatility.
Mga pangwakas na pananaw
Kahit na nagpapakita ng data ang mga indicator, mahalagang isaalang-alang na ang interpretasyon ng data na iyon ay napaka-subjective. Kaya, palaging kapaki-pakinabang na magsuri at isaalang-alang kung nakakaapekto ang mga personal na bias sa iyong pagpapasya. Ang isang direktang signal para bumili o magbenta para sa isang trader ay puwedeng isa lang noise sa merkado para sa iba.