Ano ang IDO (Initial DEX Offering)?
Home
Mga Artikulo
Ano ang IDO (Initial DEX Offering)?

Ano ang IDO (Initial DEX Offering)?

Baguhan
Na-publish Jan 24, 2022Na-update Feb 9, 2023
10m

TL;DR

Ang IDO ay isang alok na crypto token na pinapatakbo sa isang Decentralized Exchange (DEX). Ang mga liquidity pool (LP) ay may mahalagang tungkulin sa mga IDO sa pamamagitan ng paggawa ng liquidity pagkatapos ng pagbebenta. Sa karaniwang IDO, makakapag-lock ang mga user ng mga pondo kapalit ng mga bagong token sa event ng pagbuo ng token. Pagkatapos, idaragdag sa isang LP ang ilan sa mga nalikom na pondo kasama ng bagong token bago ito ibalik sa proyekto sa ibang pagkakataon.

Nagbibigay ang mga IDO ng mura at simpleng paraan para maipamahagi ng mga proyekto ang kanilang mga token. Matagal-tagal nang may mga IDO, pero nagbabago pa rin ang mga ito at nagbibigay ng mga bagong modelo gaya ng Initial Farm Offering (IFO). Posible rin nating makitang madagdagan ang mga kinakailangan sa KYC habang nagiging mas kontrolado ang larangan.

Kung gusto mong pumasok sa isang IDO, mangangailangan ka ng digital wallet gaya ng MetaMask at kaunting crypto para makapag-subscribe at para sa bayarin sa transaksyon. Laging magsagawa ng sarili mong pananaliksik tungkol sa proyekto at mamuhunan sa pamamagitan ng pinagkakatiwalaang DEX. Kasama rito ang pagsusuri nang mabuti sa mechanics ng IDO at sa team at tokenomics ng proyekto. Gaya ng nakasanayan, ipuhunan lang kung ano ang kumportable kang mawala sa iyo dahil may kasamang mataas na panganib sa mga alok na token.


Panimula

Ang alok na token ay karaniwang isang kapana-panabik na pagkakataon para sa mga mamumuhunan sa ecosystem ng crypto. Puwedeng maging napakakapaki-pakinabang ng tsansang makabili ng token sa presyo sa paglulunsad nito. Pero isang bahagi lang ito ng kuwento. Kung babalikan ang pagkahumaling sa ICO (Initial Coin Offering) noong 2017 sa Ethereum (ETH), hindi ito naging positibong-positibo. Laganap ang mga scam at rug pull, at karaniwang malalaking pagkalugi ang tinamo ng mga mamumuhunan.

Mula noon, nakabuo na ang komunidad ng crypto ng mga alternatibong paraan ng pag-aalok ng token, kasama na ang Initial Exchange Offering (IEO), Initial DEX Offering (IDO), at Security Token Offering (STO), bukod sa iba pa. Naging sikat na opsyon na ang mga IDO, pero paano ito naiiba sa isang ICO, at mas ligtas ba itong gamitin ng mga mamumuhunan?


Ano ang alok na token?

Ang alok na token ay isang paraan ng paglikom ng pondo kung saan may isang proyekto o startup na nagbibigay ng cryptocurrency na ipinagbibili. Puwedeng mag-iba-iba ang mga paraan ng crowdfunding, gaya ng paggamit ng sentralisadong platform ng palitan ng crypto para pamahalaan ang proseso (IEO), pakikipagtulungan sa isang lokal na tagapagkontrol ng pananalapi (STO), o paggawa lang nito nang mag-isa (ICO). Binibili ng ilang mamumuhunan ang mga coin para magamit nila, habang ginagawa naman ito ng iba para sa ispekulasyon. Halimbawa, baka gamitin mo ang coin para sa pag-farm, pag-stake sa isang mekanismo ng pamamahala, o pagbabayad ng bayarin sa transaksyon.


Paano gumagana ang IDO?

Gumagamit ng decentralized exchange (DEX) ang isang IDO para pangasiwaan ang pagbebenta ng token. Ibibigay ng isang proyekto ng crypto ang kanilang mga token sa DEX, iko-commit ng mga user ang kanilang mga pondo sa pamamagitan ng platform, at kukumpletuhin ng DEX ang pangwakas na pamamahagi at paglilipat. Naka-automate ang mga prosesong ito at nangyayari ang mga ito sa pamamagitan ng mga smart contract sa blockchain.

Nakadepende ang mga panuntunan at yugto ng isang IDO sa DEX na nagpapatakbo nito, pero may ilang karaniwang paraan:

1. Pagkatapos ng proseso ng pagsusuri, tatanggapin ang isang proyekto para makapagpatakbo ito ng IDO sa isang DEX. Mag-aalok sila ng isang supply ng mga token sa nakatakdang presyo, at ila-lock ng mga user ang kanilang mga pondo bilang kapalit ng mga token na ito. Matatanggap ng mga mamumuhunan ang mga token sa event ng pagbuo ng token (token generation event o TGE) sa ibang pagkakataon. 

2. Karaniwang may whitelist ng mamumuhunan. Baka kailangan mong magsagawa ng mga gawain sa marketing para makasali sa listahan o baka kailangan mo lang ibigay ang address ng iyong wallet.

3. Ginagamit ang ilan sa mga nalikom na pondo para gumawa ng liquidity pool gamit ang token ng proyekto. Ibibigay sa team ang mga natitirang pondo. Pagkatapos, puwedeng i-trade ng mga mamumuhunan ang token pagkatapos ng TGE. Kadalasang mala-lock ang ibinigay na liquidity sa loob ng isang partikular na panahon.

4. Sa TGE, ililipat sa user ang mga token, at magbubukas ang LP para sa pag-trade.


Ano ang hinaharap ng modelong IDO?

Bagama't ang modelo sa itaas ay isang karaniwang IDO, laging nagbabago ang mga alok na token. Halimbawa, mayroon din tayong modelong IFO (Initial Farm Offering), na unti-unting sumisikat. Mahirap masabi kung matatawag ba itong tradisyonal na IDO, pero nakadepende ito sa mga parehong pangunahing konsepto: mga liquidity pool at decentralized exchange.

Sa halip na direktang i-lock ang kanilang mga token, dapat munang mag-stake ang mga mamumuhunan sa isang LP sa Decentralized Finance (DeFi) para makakuha ng mga LP token. Halimbawa, ang isang proyektong gustong magbenta ng token nito kapalit ng BNB sa isang IFO sa PancakeSwap ay mag-aatas sa mga mamumuhunan na mag-stake ng BNB at CAKE sa BNB-CAKE LP.

Pagkatapos, ila-lock ang mga BNB-CAKE LP token para sa mga bagong token, at matatanggap ng proyekto ang BNB habang binu-burn ang CAKE. Nakadepende ang dami ng mga makukuha mong token sa kung ilan ang kalahok sa pagbebenta, at isasauli sa iyo ang anumang sobrang pondo na na-stake. Posible ngang may mga nakatakda pang hakbang para maging mas patas para sa maliliit na mamumuhunan na makakuha ng parte nila sa IDO, gaya ng mga feature na [Basic na Pagbebenta] at [Walang Limitasyong Pagbebenta] sa IFO ng PancakeSwap sa ibaba.


Isa pang posibleng pagbabago sa mga IDO ang kinakailangan ng mga proseso ng KYC (Know Your Customer) at AML (Anti-Money Laundering). Tumitindi ang interes ng mga tagapagkontrol sa pananalapi sa DeFi at sa status ng pagkontrol nito. Pamantayan na ngayon ang AML at KYC para sa mga sentralisadong palitan, at puwede ring masaklawan ng mga parehong panuntunan ang mga DEX sa hinaharap.


Ano ang mga bentahe ng IDO?

Sa paglipas ng panahon, naging mas patas at mas secure ang mga alok na token para sa mga mamumuhunan. Ang mga IDO ay may ilang natatanging bentahe na sumusuporta rito:

1. Hindi mo kailangang direktang makipag-ugnayan sa isang proyekto at magtiwala sa mga smart contract nila. Magkakaroon ng ilang matagumpay na pagbebentang nakumpleto ang isang maaasahang platform ng IDO. Kung pare-pareho ang mga smart contract, puwede kang magtiwala nang kaunti sa alok.
2. Nagbibigay ng agarang liquidity pagkatapos ng pagbebenta. Ila-lock ng mga IDO ang ilan sa mga nalikom na pondo sa mga liquidity pool para makagawa ng liquid na merkado pagkatapos ng pagbebenta. Nakakatulong itong bawasan ang slippage at volatility.
3. Hindi kinakailangang mag-sign up. Kailangan mo lang ng wallet at mga pondo para makasali sa pagbebenta, at hindi kinakailangan ng mga personal na detalye. Dahil dito, bukas ito sa lahat ng uri ng user. Gayunpaman, puwede ring ituring na kahinaan ang kawalan ng mga proseso ng KYC o AML (may higit pa tungkol dito sa ibaba).
4. Abot-kaya at accessible ang mga IDO para sa mga proyekto. Kadalasang mas madali at mas mura para sa isang maliit at hindi masyadong kilalang proyekto na maglunsad ng kanilang token sa pamamagitan ng DEX kaysa sa malaking sentralisadong palitan.
5. Kadalasang may mga hakbang laban sa mga whale ang mga IDO, ibig sabihin, walang iisang mamumuhunan na puwedeng bumili ng napakaraming token.


Ano ang mga kahinaan ng IDO?

Dulot din ng ilan sa mga bentahe ng IDO ang ilan sa mga kahinaan nito. Karaniwang nagmumula ang mga problemang ito sa mga desentralisado at anonymous na aspekto ng isang IDO.

1. Walang KYC o AML. Protektado ang mga mamumuhunan at proyekto kapag nakumpleto ang mga naaangkop na pagsusuri. Nakakatulong ang mga hakbang na ito na iwasan ang laundering ng mga ilegal na pondo at ang pag-iwas sa mga pang-ekonomiyang sanction. Halimbawa, ang ilang partikular na bansa ay hindi puwedeng legal na lumahok sa isang IDO kung itinuturing na security ang token.
2. Wala masyadong due diligence ang mga proyekto. Di-hamak na mas madali para sa isang hindi mapagkakatiwalaang proyekto na ipamahagi ang kanilang token sa pamamagitan ng IDO kaysa sa pamamagitan ng IEO na may malaki at kontroladong palitan.


Ano ang pagkakaiba-iba ng IDO, IEO, at ICO?

Medyo magkakaiba ang mga paraang ginagamit sa ICO, IDO, at IEO, bagama't pareho-pareho ang mga resulta sa pangkalahatan. Narito ang isang mabilisang pangkalahatang-ideya ng mga pangunahing pagkakaiba:


IDO

IEO

ICO

Proseso ng pagsusuri

Sinusuri ng DEX ang proyekto

Sinusuri ng CEX ang proyekto

Walang proseso ng pagsusuri dahil ang proyekto mismo ang nagpapatakbo ng pagbebenta

Paglikom ng pondo

Ang DEX ang nangangasiwa sa mga pondo ng mga mamumuhunan

Ang CEX ang nangangasiwa sa mga pondo ng mga mamumuhunan

Ang proyekto ang nangangasiwa sa mga pondo ng mga mamumuhunan

Mga smart contract

Ang DEX ang gumagawa at nagpapatakbo ng mga smart contract

Ang CEX ang gumagawa at nagpapatakbo ng mga smart contract

Ang proyekto ang gumagawa at nagpapatakbo ng mga smart contract

Listing ng token

Nagbubukas ang mga liquidity pool sa DEX 

Inililista ng palitan ang token

Ang proyekto ay kailangang maghanap ng palitan kung saan maglilista

KYC/AML

Hindi

Oo

Hindi


Saan ako makakakita ng mga IDO?

Ang unang lugar kung saan makakakita ng IDO ay mula mismo sa proyekto. Magandang paraan para magsimula ang pakikilahok sa komunidad ng proyekto at pagsubaybay sa mga channel nito sa social media. Puwede ka ring tumingin ng mga DEX para makita ang listahan nito ng mga paparating na IDO, gaya ng PancakeSwap o DODO. Kung gusto mo ng pangkalahatang-ideya ng lahat ng paparating na IDO, ang CoinMarketCap ay may listahan ng mga alok na token na puwedeng tingnan. Hindi lahat ng ito ay magiging mga IDO, pero malinaw na nilalagyan ng label ng CoinMarketCap kung aling mga pagbebenta ang mga IDO.


Paano pumasok sa isang IDO?

Para pumasok sa isang IDO, mangangailangan ka ng crypto wallet na nakakakonekta sa mga DApp gaya ng MetaMaskBinance Chain Wallet. Mangangailangan ka rin ng kaunting crypto para bilhin ang mga token at para sa bayarin sa transaksyon. Nakadepende sa pagbebenta ang eksaktong crypto na kakailanganin mo, at puwede pa ngang mga LP token ito kung lumalahok ka sa isang IFO.
Pagkatapos mong maihanda ang iyong wallet, kakailanganin mong kumonekta sa DApp ng IDO gamit ang button na kumonekta, na karaniwang makikita sa kanang sulok sa itaas. Narito ang isang halimbawa ng hitsura nito:


Bibigyan ka ngayon ng mga partikular na tagubilin kung paano i-lock ang iyong mga pondo bilang paghahanda sa event ng pagbuo ng token. Siguraduhin ding mayroon kang sapat na mga pondo para sa iyong bayarin sa transaksyon. Kadalasan, kapag tapos na ang panahon ng subskripsyon, ililipat sa wallet mo ang mga token. Gayunpaman, puwedeng i-lock o i-stake ng ilang pagbebenta ang iyong mga bagong token sa loob ng isang partikular na panahon. Siguraduhing basahin ang mga detalye bago ka sumali sa isang IDO.


Mga tip para manatiling ligtas sa isang IDO

Tulad ng anumang pamumuhunan, may mga madali at praktikal na tip para makatulong na panatilihing ligtas ang iyong sarili hangga't maaari:

1. Gamitin ang tamang link para mag-subscribe sa IDO. Sasamantalahin ng mga scammer ang kapanabikan at hype sa isang IDO at gagawa sila ng mga pekeng page ng subskripsyon. Permanenteng mawawala ang anumang crypto na ililipat mo sa isang page ng scam.
2. Gumamit ng pinagkakatiwalaang DEX Launchpad. Marami nang mapagkakatiwalaang DEX kung saan ka puwedeng lumahok sa mga IDO, kasama na ang PancakeSwap at BakerySwap. Gamit ang mga ito, magkakaroon ka ng pinakamagandang pagkakataon na matagumpay na matanggap ang iyong mga token sa pagbebenta.
3. Magsaliksik tungkol sa proyektong pupuhunanan mo. Mula ba ito sa kilala na at pinagkakatiwalaang team? Susuriin ba ang malilikom na mga pondo? Mayroon na bang produktong gagamitin? Makakatulong sa iyo ang mga ganitong tanong na tukuyin ang posibilidad na magkaroon ng rug pull.
4. Suriin ang mga tuntunin at kondisyon ng IDO. Posibleng may pagkaantala sa pagtanggap mo ng iyong mga token, o posible ring ma-stake at ma-lock ang mga ito sa loob ng partikular na panahon. Halos kahit ano ay posible depende sa tokenomics ng proyekto at dapat mong maunawaan nang mabuti ang mga ito.
5. Ipuhunan lang ang kaya mong mawala sa iyo. May reputasyon ng pagiging napaka-volatile ang mga pagbebenta ng token. Madaling madala at mamuhunan nang mas malaki kaysa sa dapat mong ipuhunan. Pero huwag kalimutan, delikado pa rin ang mga pagbebenta, at kahit nakapagsaliksik ka nang maayos, puwede ka pa ring maging biktima ng scam, panloloko, o rug pull.


Mga sikat na platform ng launchpad ng IDO

Maraming DEX sa iba't ibang blockchain na nag-aalok ng mga serbisyo ng IDO. Isang simpleng paraan para maghanap sa mga ito ay sa pamamagitan ng listahan ng Mga Nangungunang Launchpad Coin ayon sa Market Capitalization ng CoinGecko. Nasa listahan ang anumang DEX na may sarili nitong coin, na halos lahat ng ito. Gayunpaman, huwag kalimutan na ang malaking market capitalization ay hindi naman nangangahulugan na maaasahan o mapagkakatiwalaan ang DEX. Dapat mong gamitin ang impormasyong ito kasama ng iba pang pangunahing kaalaman bago ka pumili ng DEX na gagamitin para sa isang IDO.


Konklusyon

Sa kumbinasyon ng dali ng paggamit, pagiging abot-kaya, at pagiging accessible ng mga ito, ang mga IDO ay naging karaniwang modelo ng paglikom ng pondo para sa maraming bagong proyekto sa merkado ng crypto. Sa katunayan, naging industriya na ang mga alok na token. Bilang buod, karaniwang mas ligtas kung lalahok ka sa pagbebenta sa pamamagitan ng isang Desentralisadong Palitan ng Liquidity kaysa sa isang proyekto. Gayunpaman, malaking bahagi ng tagumpay sa isang IDO ay ang pagpili ng tamang proyekto. Para dito, walang makakatalo sa maayos at dati nang ginagawang pananaliksik sa mundo ng crypto.