Hindi maipagkakaila na ang pera ay isa sa mga pinakamahalagang haligi ng modernong sibilisasyon. Sa loob ng ilang milenyo, nagsilbi ito bilang isang uri ng lenggwahe para sa halaga na siyang nangangasiwa ng pangangalakal sa pagitan ng mga indibidwal at nagbibigay-daan para sila’y makapagtago ng produkto ng kanilang paghihirap.
Ang depinisyon ng pera ay isang bagay na malawakang tinatanggap bilang bayad sa mga produkto at serbisyo. Ang mga lipunan sa mundo ay gumawa ng iba’t ibang uri ng pera - sa dami, mahirap na hatiin sila sa mga kategorya.
Sa artikulong ito, aalamin natin ang pagkakaiba ng commodity money, representative money, at fiat money.
Ang barter ay tumutukoy sa akto ng palitan ng mga produkto at serbisyo para sa ibang mga produkto at serbisyo. Makikita rin ito sa ibang konteksto ng buhay. Ang mga species ng halaman at hayop ay may kasunduang hindi pinag-uusapan– symbiotic na relasyon – kung saan pareho silang nagbebenepisyo sa kilos ng isa’t isa. Halimbawa, ang mga Bullhorn na puno ng acacia ay nagbibigay ng pagkain at bahay sa mga langgam kapalit ng proteksyon mula sa mga parasitiko. Tinatanggal ng mga zebra at rhino ang mga garapata sa pamamagitan ng pagpapabaya sa mga ibon na kainin ang mga nakadikit sa kanilang balat.
Siyempre, may iba at mas sopistikadong gamit ito sa buhay ng mga tao kumpara sa mga nabanggit na species. Matagal na panahon bago maging ganito ang pera, naintindihan natin na maaaring i-trade ang mga produkto para sa produkto ng iba.
Wala nang mas diretsahan pa rito. Ipagpalagay na mayroon kang kapote habang may mansanas ang iyong kapitbahay. Nilalamig siya at nagugutom ka. Ibibigay mo sa kanya ang kapote kapalit ng dalawampung mansanas. Pareho ninyong makukuha ang inyong gusto sa pamamagitan ng pagkikipagpalitan sa kung ano ang mayroon kayo.
Sa kasamaang palad, hindi laging ganito kasimple. Maaaring gustuhin mo pa ng karagdagang mansanas, ngunit ang bagong kapote ng iyong kapitbahay ay magtatagal pa ng ilang taon. Maaaring ayaw na niyang makipagpalitan kung gustuhin mong muli. Maaaring hindi rin siya palarin kapag gusto niyang bumili ng gas pero allergic sa mansanas ang may-ari ng gas station kaya hindi niya tatanggapin ang mga ito.
Ang phenomenon na ito ay kilala bilang coincidence of wants sa economics. Mabisa ang barter kung mayroon ka ng bagay na gusto ng kabilang partido, at ganoon din siya sa iyo. Hindi ito nagiging matagumpay kung ang mga partido ay may produktong hindi naman kailangan ng isa’t isa.
Ang mga commodity ay mga hilaw na materyales na may pakinabang sa iba (maaaring sabihin ng iba na mayroon silang intrinsic value). Saklaw ng depinisyon ang maraming uri ng bagay – mula sa mga metal tulad ng ginto, pilak, at tanso hanggang sa mga nakokonsumo tulad ng trigo, kape, at bigas.
Ang commodity money ay may kinalaman sa paggamit ng mga commodity bilang pera. Hindi mo magagamit na pambayad ang langis sa tindahan, ngunit may mga hindi mabilang na halimbawa sa kasaysayan ng mga kapaki-pakinabang na hilaw na materyales na ginamit bilang salapi.
Halimbawa, idineklara ang tobacco bilang legal na pambayad sa Virginia noong 1600s. Tulad sa idinitalye ni Nick Szabo sa kanyang impluwensyal na akdang
Shelling Out: The Origins of Money, ginamit ng mga Native American na tribo ang wampum (beads na gawa sa clam shells) at cowry shells bilang kasangkapan sa palitan. Tulad ng tobacco sa Virginia, ang commodity na ito ay ginamit bilang legal na pambayad sa maraming dekada.
Sa ibabaw, ang palitan ng mga commodity ay maaaring mukhang hindi masyadong naiiba sa mga ekonomiyang barter. Kung sabagay, kung mayroon kang libro at inalok itong ibenta para sa bigas, hindi ba’t pareho rin ang ginagawa mo sa unang tinalakay kanina?
Pagdating sa tungkulin, oo, ngunit ang commodity money ay nagsisilbi bilang medium of exchange. Sa sitwasyong ito, inaasahan mong tatanggapin ng marami ang bigas bilang bayad sa mga produkto o serbisyo. Kaya di tulad ng mga ekonomiyang barter, kung saan ka nakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo para sa ibang mga produkto at serbisyo, ang bigas ay magiging isang kaakit-akit na medium of exchange sa maraming palitan.
Samakatuwid, mahihikayat kang kalkulahin ang halaga ng iyong libro depende sa kung ano ang mabibili mo sa bigas. Tatanggapin mo ang bigas, hindi dahil kinakailangan mong kainin ito kundi dahil maaari mo itong ipalit sa ibang mga produkto. Kung ang pinag-uusapang commodity ay sagana, maaari rin itong magsilbing
unit of account – isang bagay na magagamit mo para presyuhan ang ibang mga produkto. Sa ganitong mundo, ang halaga ng pera na iyong ibabayad sa kape ay maaaring ihalintulad sa katumbas na ilang kilo ng bigas.
Isinasantabi ng commodity money ang coincidence of wants na isyu sa barter. Ito ay dahil maaari mong kunin ang commodity money at gamitin ito sa iba pang palitan sa kalaunan.
Ang mga mahahalagang metal tulad ng ginto at pilak marahil ang pinakakilalang mga halimbawa ng commodity money. Nagpatuloy sa maraming sibilisasyon ang ginto kung saan ito ginagamit bilang pera at industriyal na metal. Maging ngayon, ang mga gintong barya at bulto ay itinuturing na pinakamahalagang store of value. Ibinubuhos ng mga investor ang kanilang yaman sa metal na ito para magamit ito kalaunan. Maraming rason kung bakit kinikilala ang gold – talakayin natin ang mga tungkuling ginagampanan ng pera sa
Maituturing Bang Store of Value Ang Bitcoin?Hindi pa nawala ang mga commodity. Ganupaman, bilang mga currency, napalitan na sila ng ibang uri ng pera.
Tunay na malaking pag-unlad ang commodity money mula sa barter system, ngunit mayroon pa rin itong mga pagkukulang partikular na ang kaginhawaan sa paggamit. Bagamat kasya ang isang dakot ng ginto at pilak na barya sa iyong bulsa at magagamit ito para makabili ng ilan, hindi ito masasabi sa lahat ng sitwasyon.
Nakikita mo ba ang iyong sariling gumagamit pa rin ng mga barya habang bumibili ng produktong may malalaking halaga? Para bigyan ka ng ideya, kung gusto mong bumili sa isang tao ng bitcoin na nagkakahalaga ng 8,000 euros, kailangan mong magdala ng humigit kumulang 60kg ng one euro na barya.
Pagkatapos ng commodity money, dumating naman ang representative money – isang alternatibong mas madaling dalhin na sinusuportahan ng commodities. Umusbong ang representative money sa iba’t ibang lugar sa mundo sa magkakaibang panahon. May kaugnayan ito sa isang central issuer na lumilikha ng mga sertipiko na maaaring makuha para sa partikular na halaga ng commodity na iyon.
Imbes na magdala ng mabigat na mga pilak, maaari mong hawakan ang mga piraso ng papel na nagpapatunay ng iyong pagmamay-ari. Anumang oras, maaari kang magpunta sa issuer at ipalit ang papel para sa aktwal na pilak. Ganun din, maaari mo itong ibigay sa isang tao bilang bayad, at maaaring sila na ang mismong kumuha ng pilak. Kung pamilyar ka sa
stablecoins, ganito rin ang prinsipyo noon.
May mga pagkakataong naglabas ang mga pribadong kompanya ng representative money, ngunit ginawa ito nang mas malawakan ng
mga central bank. Maaaring pamilyar ka sa gold standard, isang polisiya na tinatangkilik ng maraming gobyerno kung saan ang mga national currency ay sinusuportahan ng ginto. Maaaring malayo ito sa kasalukuyang sistema, ngunit isang siglo na ang nakalipas, maari kang magdala ng papel na pera sa bangko at ipalit ito para sa mahalagang metal.
Mula sa ekonomikong pananaw, mayroon itong mga malaking benepisyo. Sa sobrang laki, ginagamit pa rin ang terminong
gold standard para ilarawan ang mga mas mahusay na alternatibo. Ang unang kalamangan ay bagamat mas nakikiaalam na ngayon ang gobyerno, hindi madaling bumababa ang currency dahil sa
inflation. Maaaring maglabas ang mga gobyerno ng banknotes na mas malaki kaysa sa hawak nila. Sa kasamaang palad, naging madali (at kaakit-akit) sa mga bangko ang pagpapatakbo gamit ang
fractional reserve na polisiya, kung saan sila gumagawa ng mas maraming banknotes kaysa sa ginto na nasa kanilang imbakan.
Binibigyang daan ng gold standard ang mga indibidwal na makipagtransaksyon gamit ang gold nang hindi nahihirapan sa pagdadala ng mga bulto, o paghahati nito tuwing bibili.
Isa pang benepisyo ng ganitong sistema ng pera ay may kaugnayan sa katotohanan na dati nang kinikilala ang ginto sa pandaigdigang kalakaran. Kung nakasentro ang mga domestic economy sa ginto, ang mga bansang nakasandal sa gold standard ay mas madaling makakapagkalakalan sa pandaigdigang mapagkukunan.
Pinag-iisipang magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Ang representative money ay hindi na ang pinakanangingibabaw na uri ng pera. Ang pagkamatay ng gold standard ay nagbigay-daan sa bagong uri ng pera na tinatangkilik ng mundo – isang uri na hiwalay sa commodities.
Sa madaling salita, ang
fiat ay isang pera na inilabas ng isang gobyerno (ang terminong
fiat ang galing sa salitang Latin na nangangahulugang
ayon sa utos). Ang United States dollars, Mexican pesos, Japanese yen, at Indian rupees na ginagamit ngayon ay halimbawa ng mga ito ngayon.
Ang halaga ng fiat money ay nakadepende sa mga desisyon ng gobyerno at central bank. Sa sentro nito, ang fiat banknote ay isang piraso ng papel na may halaga lamang dahil sinabi ng mga namamahalang ahensya.
Dapat tandaan na bagamat minsan ay bagong imbensyon ang pagkilala rito, ang fiat sa porma ng papel na pera ay maiuugat pa sa 11th century China. Pinag-eksperimentuhan din ito noong 17th century Europe at sa America naman makalipas ang ilang daang taon.
Di tulad ng mga naunang tinalakay na pera, hindi nagkukulang ang fiat currency. Madaling gumawa ng papel na currency mula sa mga mayroon nang materyales, di tulad ng mga agrikultural na commodity na matagal bago lumago, o mga mahalagang metal na dapat munang hukayin. Kung wala ang mga limitasyong ito, ang mga ahensya tulad ng Federal reserve ay maaaring gumawa ng pera anumang oras.
Depende sa kung sino ang tatanungin mo, ito ay maaaring maging pinakamalaking kalakasan o pinakamalaking kahinaan. Iginigiit ng mga nagpanukala ng mga sistema ng fiat money na ang kakayahan na palobohin ang supply ng pera ay mas nagbibigay sa mga gobyerno ng kalayaan para solusyunan ang mga
krisis pinansyal o pangasiwaan ang kabuuang ekonomiya. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa money market at interest rates, may mas mataas na antas ng kontrol ang gobyerno sa mga pinansyal na kalakaran ng bansa.
Parehong argumento rin ang ginagamit ng mga tumututol sa fiat currency, kahit na iba ang konteksto. Isa sa mga pangunahing kritisismo sa
monetary policy ng gobyerno ay unti-unting napapababa ng
inflation ang yaman ng mga may hawak ng fiat money. Kapag hindi na-check, maaari itong magdala ng agresibong yugto ng inflation (
hyperinflation), na nagpapababa rin sa halaga ng currency sa kabuuan at maaring magdulot ng pinsala sa ekonomiya at sa lipunan.
Parehong itinuring na digital cash at digital gold ang Bitcoin. Sa kabilang banda, ginagaya nito ang maraming katangian ng pera na makikita sa mga commodity (halimbawa ang
fungibility, divisibility, portability), kaya nagiging mainam itong medium of exchange.
Sa kabila banda, parami nang parami ang nagpapahalaga rito dahil sa
store of value na mga katangian. Ang mga nagpanukala ng Bitcoin bilang digital gold ay naniniwala na ang supply na polisiya nitong deflation (o disinflation para mas tama) ay makatutulong para mapanatili ang purchasing power nito sa paglipas ng oras. Salungat ito sa mga inflationary money tulad ng U.S. dollar, na maaaring mapababa ang halaga ayon sa desisyon ng Federal Reserve system.
Sa pang-ibabaw, mukhang napapasailalim ang cryptocurrencies sa kategoryang commodity money. Bagamat wala silang gamit sa labas ng kanilang mga protocol, hindi sila sinusuportahan ng anuman at hindi rin sila inilalabas ng ahensya ng gobyerno. Ang halaga ng pera, kung saan pumapasok ang digital currencies, ay nag-uugat sa halagang ibinibigay dito ng malayang merkado.
Tulad ng ating tinalakay, may maraming uri ng pera. Karamihan sa atin ay sanay isipin ang halaga ng ating mga pambansang
fiat currency, ngunit ang mga ito ay mga kamakailang imbensyon lamang. Ang mga payment app na ginagamit mo ngayon ay resulta ng libu-libong taon nang pagbabago ng pera.
Ang
cryptocurrencies ay isang eksperimentong may pag-asa sa susunod na yugto ng pera. Kung ang
Bitcoin o ibang cryptocurrencies ay tinanggap nang malawakan, sila ang magiging unang totoong halimbawa ng digital commodities. Oras lamang ang makapagsasabi kung ang mga cryptocurrency at papalit sa kasalukuyang paghahari ng fiat currencies sa buong mundo.