Paano Gamitin ang Binance Chain Wallet
Paano Gamitin ang Binance Chain Wallet
HomeMga Artikulo

Paano Gamitin ang Binance Chain Wallet

Baguhan
Published May 22, 2021Updated Jul 22, 2021
6m


Panimula

Ang Binance Chain Wallet ay ang opisyal na cryptocurrency wallet ng Binance para sa pag-access sa Binance Smart Chain, Binance Chain, at Ethereum. Magagamit mo ito para ligtas na maitago ang iyong crypto at kumonekta sa libo-libong proyekto sa iba't ibang blockchain. 

Nagpaplano ka mang i-swap ang BNB sa iba pang token, mag-mint ng mga NFT, o mag-farm ng yield, madali mong magagawa ang lahat ng ito gamit ang browser extension wallet. Kasalukuyang nasusuportahan ng Binance Chain Wallet ang Chrome, Firefox, at Brave.


Bakit natatangi ang Binance Chain Wallet?

Sa unang tingin, parang kagaya lang din ng ibang extension-based na wallet ang Binance Chain Wallet. Gayunpaman, may ilang feature ang Binance Chain Wallet na dahilan para maging iba ito sa lahat. Kung may account ka na sa Binance, madali mo itong mali-link sa iyong wallet gamit ang Wallet Direct. Sa feature na ito, hindi mo na kailangang kumopya at mag-paste ng mga address kapag naglilipat ng mga digital na asset sa pagitan ng dalawa.

Puwede mo ring gamitin ang iyong Gmail account para mag-sign up sa wallet gamit ang tKey. Kung mawalan ka ng access sa iyong wallet, puwede mo itong mabawi sa pamamagitan ng pag-access sa dalawa sa tatlo sa mga sumusunod na paraan:
  1. Sa pamamagitan ng iyong login sa Gmail
  2. Gamit ang lokal mong device
  3. Gamit ang password ng account mo na ginawa habang nagse-set up
Malaking responsibilidad ang panatilihing ligtas ang mga pribadong key mo, kaya posibleng kapaki-pakinabang ang paggamit ng tKey.
Sa pamamagitan ng dalawang feature na ito, nagiging napakadaling gamitin ng Binance Chain Wallet para sa sinumang hindi gaanong pamilyar sa mga crypto wallet na makapagsimula sila agad.


Pag-set Up ng Binance Chain Wallet

1. I-download ang Binance Chain Wallet sa homepage ng Binance Chain. Piliin lang ang browser kung saan mo gustong i-install ang extension.


2. Pagkatapos i-install ang extension, makikita mo na ang page sa pag-sign up. Sa halimbawang ito, gagawa tayo ng isang bagong wallet gamit ang isang Gmail account. 

Tandaan: Makakagamit ka rin ng kasalukuyang crypto wallet kung nasa iyo ang orihinal mong seed phrase o mga kredensyal sa pag-log in sa tKey.


3. I-click ang [Gumawa ng Wallet] at pagkatapos ay piliin ang [Magpatuloy gamit ang tKey sa pamamagitan ng: G].


4. May lalabas na pop-up na humihiling sa iyo na mag-log in gamit ang Gmail. Gagamitin ng tKey at Binance Chain Wallet ang iyong Gmail account bilang paraan ng pag-authenticate sa pagkakakilanlan mo sa hinaharap kung kailangan.


5. Ang susunod na hakbang ay ang paggawa ng password na magsisilbing pangalawang antas ng proteksyon kung sakaling mawala mo ang iyong private key.


6. Makikita mo na ang seed phrase ng iyong Binance Chain Wallet, na puwede mong gamitin para bawiin ang iyong account. May opsyon ka ring gumawa ng sarili mong seed phrase. Lahat-lahat, dapat maglaman ang phrase ng 12, 15, 18, 21, o 24 na salita.

Hindi mo dapat ibahagi kailanman ang iyong seed phrase sa kahit na sino. Ituring ito na parang password o pin ng account sa bangko. Kung mawawala mo ito, magkakaroon ka pa rin ng access sa iyong Binance Chain Wallet gamit ang iyong email address kasama ang password ng tKey mo.


7. I-click ang magpatuloy kapag sigurado ka nang ligtas mong naitago ang seed phrase.


8. Na-set up mo na ang iyong Binance Chain Wallet. Magagamit mo na ito para magpadala at makatanggap ng mga token ng BSC, Binance Chain, at Ethereum. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa mga DApp at smart contract sa mga blockchain na ito.



Pagdeposito ng BNB gamit ang Wallet Direct

Kung gusto mong gamitin ang network ng Binance Smart Chain at makipag-interaksyon dito, mahalagang may BNB ka sa iyong wallet. Puwede kang magbayad ng bayarin sa transaksyon gamit ang BNB kapag naglilipat at nakikipag-interaksyon sa mga smart contract. May dalawang uri ng BNB token: BEP-20 at BEP-2. Dahil gusto nating makipag-interaksyon sa BSC sa ngayon, kailangan nating gumamit ng mga BNB BEP-20 token

Kung may BNB ka na sa iyong Binance spot wallet, puwede mong ikonekta ang iyong account sa Binance Chain Wallet mo gamit ang feature na [Wallet Direct].

1. I-click ang icon sa kanang bahagi sa itaas ng homepage ng wallet, at pagkatapos ay i-click ang [Ikonekta sa account sa Binance.com].


2. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [I-verify at ikonekta ang aking address].


3. Makakakita ka ng pop-up na humihiling sa iyong [Kumonekta sa wallet]. Sa pag-click dito, bubukas ang Binance Chain Wallet, kung saan mo puwedeng i-click ang [Ikonekta].


4. Pagkatapos, kakailanganin mong magbigay ng pahintulot para pirmahan ng iyong wallet ang mensahe ng Binance. Ive-verify ng hakbang na ito na ikaw ang may-ari ng wallet at papayagan nito ang pagkonekta.


5. Kapag nakumpleto mo na ang mga naunang hakbang, kakailanganin mong sumailalim sa proseso ng pag-authenticate ng Binance bilang panghuling antas ng seguridad. Kung may 2FA na naka-link sa iyong account, kakailanganin mo ring gamitin iyon.


6. Pagkatapos ng matagumpay na pag-verify, ili-link sa iyong wallet ang iyong account sa Binance. Makikita mo ito sa seksyon ng account ng iyong wallet o sa webpage ng Wallet Direct.


7. Para simulang maglipat ng mga pondo mula sa iyong account sa Binance, i-click ang button na [Tumanggap] at piliin ang [Wallet Direct].


8. Makikita mo na ang balanse ng iyong mga available na asset na puwedeng ilipat.


Pagdeposito mula sa ibang wallet

Puwede ka ring magdeposito nang direkta mula sa ibang wallet. Sa halimbawang ito, maglilipat tayo ng BNB mula sa wallet ng ating account sa Binance papuntang Binance Chain Wallet. 

1. Pumunta sa page ng pag-withdraw ng iyong account sa Binance at piliin ang BEP-20 (BSC) network.


2. Sa iyong Binance Chain Wallet, i-click ang [Katutubong Token ng Binance Chain] at pagkatapos ay [Tanggapin].


3. Makakakita ka ng QR code na puwede mong i-scan o address na kokopyahin para sa wallet na gagamitin mo sa pag-withdraw. Tandaang ang lahat ng address ng BEP-20 ay nagsisimula sa 0x, habang ang mga address naman ng BEP-2 ay nagsisimula sa bnb.


Pagdaragdag ng mga bagong token sa iyong listahan sa Binance Chain Wallet

1. Pagkatapos i-set up ang iyong Binance Chain Wallet, ang balanse mo lang sa BNB ang makikita mo bilang default. Puwede kang magdagdag pa ng mga coin sa pamamagitan ng paghahanap sa listahang available sa pamamagitan ng pag-click sa button na [+].


2. Hanapin ang token na gusto mong idagdag at i-click ang check box. Sa halimbawang ito, Binance-Peg Ether ang idinagdag natin. Tatanggap pa rin ang iyong wallet ng mga deposito ng isang token kahit na hindi mo ito nilagyan ng check sa listahan. Ang paglalagay ng check sa isang token ay nangangahulugan lang na makikita mo ang balanse nito.


Pagkonekta ng Binance Chain Wallet sa Binance Smart Chain 

Madaling makipag-interaksyon sa Binance Smart Chain gamit ang iyong Binance Chain Wallet. Ilang click lang ang kailangan para makapagsimula sa pag-stake, pag-swap, at pakikipag-interaksyon sa mga DApp. Tingnan natin kung paano kumonekta sa PancakeSwap. Pare-pareho ang magiging UI ng halos lahat ng DApp para sa pagkonekta sa iyong wallet.

1. I-click ang button na [Kumonekta] sa kanang sulok sa itaas ng screen.


2. Piliin ang [Binance Chain Wallet]. Tandaang hindi lahat ng DApp ay nakakasuporta sa paggamit ng Binance Chain Wallet.


3. May lalabas na pop-up na nagtatanong kung gusto mong kumonekta sa DApp. I-click ang button na [Kumonekta] para kumpirmahin.


4. Lalabas na ang address ng wallet mo sa kanang sulok sa itaas.



Mga pangwakas na pananaw

Ang Binance Chain Wallet ay isang mahusay na opsyon para sa crypto wallet, lalo na para sa mga may account na sa Binance. Normal na makaramdam ng kaba kapag nagpapadala ng mga crypto asset at gumagamit ng mga address, kaya maganda kung susulitin ang Wallet Connect. Ganoon din pagdating sa mga pribadong key at seed phrase. Isa itong malaking balakid para sa sinumang bago sa crypto, kaya naman kung gagawing madali hangga't maaari ang paggamit sa mga wallet, mainam ito para makahimok ng paggamit sa crypto at DeFi.