Bagamat madaling intindihin ang mga konsepto, sa katunayan ay mahirap maging dalubhasa rito. Ang pagtukoy sa kanila ay maaaring pagbabakasakali, gumagana sila nang magkakaiba sa nagbabagong kondisyon ng merkado, at apat mong maintindihan ang iba’t ibang uri ng mga ito. Ngunit higit sa lahat, kailangan mong pag-aralan ang maraming mga chart, at maaari kang magsimula sa gabay na ito.
Sa panimulang lebel, ang support at resistance ay mga simpleng konsepto. Ang presyo ay naghahanap ng lebel na walang kakayahang lumagpas, ang lebel na ito ay nagsisilbing tila isang hadlang. Sa kaso ng support, naghahanap ang presyo ng “floor,” habang sa kaso ng resistance, naghahanap ito ng “ceiling.” Maaari mong tingnan ang support bilang zone ng demand at ang resistance bilang zone ng supply.
Bagamat sa tradisyon, ang support at resistance ay ipinapakita bilang mga linya, ang nangyayari sa totoong buhay ay hindi ganito kawasto. Tandaan: ang mga merkado ay hindi itinutulak ng pisikal na batas na humahadlang sa mga ito na umabot sa isang partikular na lebel. Ito ang dahilan kung bakit mas makabubuting isipin ang support at resistance bilang mga area. Maaari mong isipin ang mga area na ito bilang mga range sa isang price chart na posibleng magtulak sa mas mataas na aktibidad ng mga trader.
Tingnan natin ang isang halimbawa ng support level. Tandaan na patuloy na pumapasok ang presyo sa isang area kung saan binili ang asset. Ang support range ay nabuo habang ang area ay sinubok nang ilang beses. At dahil ang mga bear (mga seller) ay hindi nakayanang itulak pa pababa ang presyo, nag-bounce ito kalaunan – at potensyal na nagsimula ng bagong uptrend.
Pag-bounce ng presyo sa area ng support bago ang breakout.
Tingnan naman natin ngayon ang resistance level. Tulad ng nakikita natin, ang presyo ay isang downtrend. Ngunit pagkatapos ng bawat bounce, bigo nitong lagpasan ang parehong area nang ilang ulit. Ang resistance level ay nabuo dahil ang mga bull (mga buyer) ay hindi nakayanang makuha ang kontrol sa merkado at itulak ang presyo nang mas mataas, kaya nagpatuloy ang downtrend.
Hindi kinaya ng presyo na lagpasan ang area ng resistance.
Ginagamit ng mga technical analyst ang support at resistance levels para tukuyin ang mga area of interest sa isang
price chart. Ito ang mga lebel kung saan mas may posibilidad ng pagkaroon ng pagbaliktad o paghinto sa pinagbabatayang trend.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng
market psychology sa pagbuo ng support at resistance levels. Matatandaan ng mga trader at investor ang lebel ng presyo na huling nakakita ng mas mataas na interes at aktibidad sa trading. Dahil maraming mga trader ang nakatingin sa parehong mga lebel, ang mga area na ito ay maaaring magdala ng mas mataas na
liquidity. Madalas nitong ginagawang ideyal ang support at resistance zones para sa mga malaking trader (o
whales) na pumasok o lumabas sa mga posisyon.
Mahalagang mga konsepto ang support at resistance pagdating sa paggamit ng tamang
pangangasiwa ng panganib. Ang kakayahang patuloy na tukuyin ang mga zone na ito ay maaaring magpresenta ng paborableng mga oportunidad sa trading. Kadalasan, dalawa ang maaaring mangyari oras na umabot ang presyo sa area ng support o resistance. Maaari itong magbounce palayo sa area, o lumagpas dito at magpatuloy sa direksyon ng trend – posibleng papunta sa susunod na support o resistance area.
Ang pagpasok sa trade malapit sa lebel ng support o resistance area ay maaaring kapaki-pakinabang na istratehiya. Ito ay dahil sa malapit na
invalidation point – kung saan tayo madalas naglalagay ng
stop-loss order. Kung naabot ang area at napawalang bisa ang trade, maaaring mapababa ng mga trader ang kanilang lugi at lumabas nang may maliit na pagkatalo. Sa kontekstong ito, mas malayo ang pagpasok sa zone ng supply o demand, mas malayo ang invalidation point.
Isa pang dapat isaalang-alang ay kung ano ang nagiging reaksyon ng mga lebel na ito sa nagbabagong konteksto. Bilang pangkalahatang panuntunan, ang naputol na area of support ay maaaring maging area of resistance kapag naputol. Ganun din, kapag naputol ang area of resistance, maaari itong maging support level sa kalaunan, kapag muling sinubok. Ang mga pattern na ito ay minsang tinatawag na support-resistance flip.
Napuputol ang area of support at nagiging resistance nang muling subukin.
Ang katotohanan na ang dating support zone ay nagsisilbi na ngayong resistance (o ang kabaligtaran) ay kumpirmasyon ng pattern. Dahil dito, ang muling pagsubok ng area ay maaaring paborableng lugar para magpasok ng posisyon.
Isa pang dapat isaalang-alang ay ang tibay ng support at resistance area. Kadalasan, mas maraming beses na bumagsak ang presyo at muling sinubok ang support area, mas malaki ang posibilidad na maputol ito sa downside. Ganun din, mas maraming beses na tumaas ang presyo at muling sinubok ang resistance area, mas malaki ang posibilidad na maputol ito sa upside.
Natalakay na natin kung paano gumagana ang support at resistance pagdating sa price action. Ngunit ano pa bang ibang uri ng support at resistance ang mayroon. Tingnan natin ang ilan sa kanila.
Ang unang uring tatalakayin natin ay tinatawag na psychological support at resistance. Hindi kinakailangang kaugnay ng mga area na ito ang anumang
technical pattern ngunit andyan sila dahil sa kung paano binibigyan ng katuturan ng pag-iisip ng tao ang mundo.
Sakaling hindi mo napapansin, nabubuhay tayo sa isang komplikadong lugar. Dahil dito, hindi natin sinasadyang tangkaing gawing simple ang mundo para bigyan ito ng katuturan – at kabilang dito ang pag-round up ng mga numero. Naisip mo na bang matakam sa 0.7648 ng isang mansanas? O bumili sa isang tindero ng 13,678,254 na butil ng bigas?
Isang parehong epekto ang nangyayari sa financial markets. Totoo ito lalo na sa cryptocurrency trading, na may kaugnay na
divisible digital units. Ang pagbili sa isang asset ng $8.0674 at pagbento rito sa $9.9765 ay hindi agad napoproseso dito tulad sa pagbili nito ng $8 at pagbenta nito sa $10. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-round up ng mga numero ay maaari ring magsilbi bilang support o resistance sa price chart.
Kung ganoon lang sana ito kasimple! Nagiging kilala ang phenomenon na ito sa paglipas ng taon. Dahil dito, maraming trader ang nagtatangkang “mag-frontrun” ng mga hayag na psychological support o resistance areas. Sa kasong ito, ang frontrunning ay nangangahulugang paglalagay ng order sa itaas o ibaba malapit sa inaasahang support o resistance area.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Habang lumalapit ang DXY sa 100, may ilang mga trader na naglalagay ng order sa ibaba nito para tiyaking ma-fill ang mga order na iyon. Dahil maraming mga trader ang umaasa sa reversal sa 100 at marami ang nagfrontrun sa lebel na iyon, hindi ito naabot ng merkado at bumaliktad na bago pa mangyari.
Bumaliktad ang US Dollar Index (DXY) bago umabot sa 100.
Kung nabasa mo na ang aming artikulong
classical chart patterns, alam mo na ang mga pattern ay nagsisilbi ring hadlang sa presyo. Sa halimbawa sa ibaba, ang
ascending triangle ay pinapanatili ang presyo hanggang sa maputol ang pattern sa upside.
Nagsisilbi ang trendlines bilang support at resistance para sa S&P 500.
Maaari mong gamitin ang mga pattern na ito para sa iyong kalakasan at tukuyin ang mga area of support at resistance na kasaba ng
trend lines. Nagiging kapaki-pakinabang sila kung nagagawa mong makita sila nang maaga bago tuluyang mabuo ang pattern.
Maraming
indicator ang maaari ring magbigay ng support o resistance kapag may interaksyon sila sa presyo.
Isa sa mga diretsahang halimbawa nito ang
moving averages. Habang nagsisilbi ang moving average na support o resistance para sa presyo, maraming trader ang gumagamit nito nilang barometer sa pangkalahatang kalusugan ng merkado. Maaari ring kapaki-pakinabang ang moving averages kapag sinusubukang matukoy ang trend reversals o pivot points.
200-week na moving average na nagsisilbi bilang support para sa presyo ng Bitcoin.
Pinag-iisipang magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Sa ating halimbawa sa ibaba, ang 61.8% Fibonacci level ay paulit-ulit na nagsilbing support, habang ang 23.6% level ay nagsilbi bilang resistance.
Nagsisilbi ang Fibonacci levels bilang parehong support at resistance para sa presyo ng Bitcoin.
Sa ngayon, natalakay na natin kung ano ang support at resistance, ay ang ilang sa iba’t ibang uri ng mga ito. Pero ano ang pinaka epektibong paraan para makagawa ng istratehiya sa trading sa mga ito?
Isang mahalagang bagay na maintindihan ang konseptong tinatawag na confluence. Ang confluence ay paggamit sa kombinansyon ng iba’t ibang mga istratehiya para makagawa ng iisang istratehiya. Nagiging pinaka malakas ang support at resistance levels kapag bumabagsak sila sa ilang sa mga kategoryang natalakay natin.
Ipagpalagay natin ito sa pamamagatan ng dalawang halimbawa. Anong potensyal na support zone sa tingin mo ang may mas mataas na tiyansang talagang magsilbi bilang support?
Kasabay ng support 1 ang:
Kasabay ng support 2 ang:
- isang nakaraang resistance area
- isang round number sa presyo
Kung binibigyan mo itong ng pansin, mahuhulaan mo nang tama na ang Support 1 ay may mas mataas na tiyansa sa pag-hold ng presyo. Bagamat maaaring totoo ito, maaari ring lumagpas dito ang presyo. Ang punto rito ay ang probabilidad na magsilbi ito bilang support ay mas mataas kaysa sa Support 2. Dahil dito, walang garantiya pagdating sa trading. Bagamat makatutulong ang mga trading pattern, ang mga nakaraang performance ay hindi sinyales ng performance sa hinaharap, kaya dapat handa ka sa lahat ng posibleng mangyari.
Sa kasaysayan, ang mga setup na kinumpirma ng ilang mga istratehiya at indicator ay madalas na nagbibigay ng pinaka magandang oportunidad. Ilan sa mga matagumpay na confluence trader ay maaaring mapili sa pinapasukang setups – at kadalasang may kaugnay itong matagal na paghihintay. Ganunpaman, kapag pumasok na sila sa mga trade, madalas ay may mataas na probabilidad na gumana ang kanilang mga setup.
Ganunpaman, laging mahalagang
pangasiwaan ang mga panganib at protektahan ang iyong kapital mula sa mga hindi paborableng paggalaw sa presyo. Maging ang mga mukhang malakas na tingnang setup na may pinaka magandang entry point ay may tiyansang mag-iba ng direksyon. Mahalagang isaalang-alang ang posibilidad ng magkakaibang eksena, para hindi ka bumagsak sa mga
false breakouts o
bull at
bear traps.
Ikaw man ay day trader o swing trader, mahalagang maintindihan ang mga konsepto ang support at resistance pagdating sa technical analysis. Ang support ay nagsisilbing floor para sa presyo, habang ang resistance ay nagsisilbing ceiling.
Maaaring magkaroon ng iba’t ibang uri ng support at resistance, at ang ilan ay base sa interaksyon ng presyo sa
technical indicators. Madalas na ang pinaka maaasahang support at resistance areas ay ang mga nakumpirma ng iba’t ibang mga istratehiya.