Mga Nilalaman
Nagpapakita ang
mga candlestick na chart ng pangkalahatang-ideya ng mga dating presyo sa paglipas ng panahon. Ang ideya ay sa pamamagitan ng pag-aaral sa dating pagkilos ng presyo ng isang asset, puwedeng maulit ang mga pattern. Puwedeng magbigay ang
mga candlestick na pattern ng kapaki-pakinabang na kuwento tungkol sa asset na nasa chart, at susubukan ng maraming trader na samantalahin iyon sa mga merkado ng stock, forex, at
cryptocurrency.
Ang ilan sa pinakakaraniwang halimbawa ng mga pattern na ito ay tinutukoy sa kabuuan bilang mga classical na pattern ng chart. Ang mga ito ay ilan sa mga pinakakilalang pattern, at para sa maraming trader, mga maaasahang indicator ang mga ito sa pag-trade. Bakit ganoon? Hindi ba ang pag-trade at pamumuhunan ay tungkol sa paghahanap ng bagay na hindi napansin ng iba? Oo, pero tungkol din ito sa
sikolohiya ng karamihan. Dahil hindi nililimitahan ng anumang siyentipikong prinsipyo o pisikal na batas ang mga teknikal na pattern, nakadepende nang malaki ang pagiging epektibo ng mga ito sa dami ng mga kalahok sa merkado na nagbibigay-pansin sa mga ito.
Ang flag ay isang lugar ng konsolidasyon na salungat sa direksyon ng mas matagal na trend at nangyayari pagkatapos ng matinding paggalaw ng presyo. Mukha itong flag sa isang flagpole, kung saan ang pole ay ang biglaang paggalaw, at ang flag ang lugar ng konsolidasyon.
Puwedeng gamitin ang mga flag para tukuyin ang posibleng pagpapatuloy ng trend. Mahalaga rin ang
dami na kasama sa pattern. Sa ideyal, dapat mangyari ang biglaang paggalaw kapag mataas ang dami, habang mas mababa o kumokonti dapat ang dami sa yugto ng konsolidasyon.
Bull flag
Nangyayari ang bull flag sa isang pataas na trend, kasunod ng mabilis na pagtaas, at kadalasang sinusundan ng tuloy-tuloy pang pagtaas.
Bear flag
Nangyayari ang bear flag sa isang pababang trend, kasunod ng mabilis na pagbaba, at kadalasang sinusundan ng tuloy-tuloy pang pagbaba.
Pennant
Sa madaling salita, ang mga pennant ay isang variant ng mga flag kung saan ang lugar ng konsolidasyon ay may magkakakonektang
linya ng trend, na mas kagaya ng triangle. Ang pennant ay isang neutral na pagbuo; ang interpretasyon nito ay nakadepende nang malaki sa konteksto ng pattern.
Ang triangle ay isang pattern ng chart na inilalarawan ng magkakonektang hanay ng presyo na madalas na sinusundan ng pagpapatuloy ng trend. Nagpapakita mismo ang triangle ng pag-pause sa pinagbabatayang trend na puwedeng magpahiwatig ng pag-reverse o pagpapatuloy.
Pataas na triangle
Nabubuo ang pataas na triangle kapag may pahalang na
resistance area at isang pataas na
linya ng trend na iginuhit sa isang serye ng mga higher low. Sa madaling salita, sa tuwing magba-bounce ang presyo sa pahalang na
resistance, pumapasok ang mga mamimili sa mas matataas na presyo, na bumubuo ng mga higher low. Habang nagkakaroon ng tensyon sa resistance area, kung malampasan ito ng presyo sa bandang huli, may posibilidad na sundan ito ng mabilis na pag-spike pataas kasama ng mataas na
dami. Dahil dito, ang pataas na triangle ay isang bullish na pattern.
Pababang triangle
Ang pababang triangle ay ang kabaligtaran ng pataas na triangle. Nabubuo ito kapag may pahalang na
support area at pababang
linya ng trend na iginuhit sa isang serye ng mga lower high. Kagaya ng pataas na triangle, sa tuwing magba-bounce ang presyo sa pahalang na
support, papasok ang mga nagbebenta sa mas mabababang presyo, na bumubuo ng mga lower high. Kadalasan, kung lumampas ang presyo sa pahalang na support area, sinusundan ito ng mabilis na pag-spike pababa kasama ng mataas na
dami. Dahil dito, isa itong bearish na pattern.
Symmetrical triangle
Iginuguhit ang symmetrical triangle ng pababang
linya ng trend sa itaas at pataas na linya ng trend sa ibaba, na parehong nangyayari sa halos pantay na slope. Ang symmetrical triangle ay hindi bullish o bearish na pattern, dahil nakadepende nang malaki ang interpretasyon nito sa konteksto (samakatwid, ang pinagbabatayang trend). Kung ito lang ang pagbabasehan, itinuturing ito bilang neutral na pattern, na nagpapakita lang ng isang yugto ng konsolidasyon.
Iginuguhit ang wedge ng magkakakonektang
linya ng trend, na nagpapahiwatig ng papalapit na pagkilos ng presyo. Sa sitwasyong ito, ipinapakita ng mga linya ng trend na tumataas o bumaba ang mga high at low sa magkaibang rate.
Puwede itong mangahulugang may darating na pag-reverse, dahil humihina ang pinagbabatayang trend. Puwedeng samahan ang isang wedge na pattern ng kumokonting dami, na nagpapahiwatig din na baka nawawalan ng
momentum ang trend.
Pataas na wedge
Ang pataas na wedge ay isang bearish reversal na pattern. Iminumungkahi nito na habang tumataas nang tumataas ang presyo, humihina nang humihina ang pataas na trend, at posibleng tumama ito sa
linya ng trend sa ibaba.
Pababang wedge
Ang pababang wedge ay isang bullish reversal na pattern. Ipinapahiwatig nito na nagkakaroon ng tensyon habang bumabagsak ang presyo at naglalapit ang mga linya ng trend. Madalas na humahantong ang pababang wedge sa biglaang pagtaas.
Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Ang mga double top at double bottom ay mga pattern na nangyayari kapag kumikilos ang merkado sa isang “M” o “W” na hugis. Mahalagang tandaan na posibleng valid ang mga pattern na ito kahit na hindi parehong-pareho ang mga point ng presyo pero magkalapit ang mga ito.
Kadalasan, ang dalawang low o high point ay dapat samahan ng mas mataas na
dami kaysa sa buong pattern.
Double top
Ang double top ay isang bearish reversal na pattern kung saan umaabot ang presyo sa isang high nang dalawang beses at hindi nito magawang taasan pa ito sa ikalawang pagsubok. Kasabay nito, katamtaman lang dapat ang pagbaba sa pagitan ng dalawang top. Kinukumpirma ang pattern kapag nalampasan ng presyo ang narating na low ng pagbaba sa pagitan ng dalawang top.
Double bottom
Ang double bottom ay isang bullish reversal na pattern kung saan napunta sa low ang presyo nang dalawang beses at sa huli ay nagpatuloy nang may higher high. Katulad ng double top, dapat katamtaman lang ang pag-bounce sa pagitan ng dalawang low. Kinukumpirma ang pattern kapag nakaabot ang presyo sa higher high na mas mataas sa narating ng pag-bounce sa pagitan ng dalawang low.
Ang head and shoulders ay isang bearish reversal na pattern na may baseline (neckline) at tatlong peak. Ang dalawang peak sa gilid ay dapat halos katulad ng antas ng presyo, habang ang peak sa gitna ay dapat mas mataas kaysa sa dalawa. Kinukumpirma ang pattern kapag lumampas ang presyo sa neckline support.
Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ito ang kabaligtaran ng head and shoulders – at dahil dito, nagpapahiwatig ito ng bullish reversal. Nabubuo ang pabaligtad na head and shoulders kapag bumagsak ang presyo sa lower low sa isang pababang trend, pagkatapos ay nag-bounce at nakahanap ng
suporta sa halos kaparehong antas ng unang low. Kinukumpirma ang pattern kapag lumampas ang presyo sa neckline resistance at nagpatuloy nang mas mataas.
Ang mga classical na pattern ng chart ay isa sa mga pinakakilalang pattern ng
TA. Gayunpaman, gaya ng anumang paraan ng pagsusuri sa merkado, hindi dapat tingnan ang mga ito nang hiwalay sa iba. Ang epektibo sa isang partikular na
environment ng merkado ay posibleng hindi epektibo sa iba. Kaya laging magandang kasanayan na maghanap ng kumpirmasyon, habang nagsasagawa ng tamang
pamamahala sa panganib.