Paliwanag Tungkol sa Mga Trend Line
Talaan ng Nilalaman
Ano ang mga trend line?
Paano ginagamit ang mga trend line
Pagguhit ng mga valid na trend line
Mga scale setting
Mga pangwakas na pananaw
Paliwanag Tungkol sa Mga Trend Line
Home
Mga Artikulo
Paliwanag Tungkol sa Mga Trend Line

Paliwanag Tungkol sa Mga Trend Line

Baguhan
Na-publish Sep 9, 2019Na-update Dec 28, 2022
5m

Ano ang mga trend line?

Sa mga pinansyal na merkado, ang mga trend line ay mga diagonal na linyang nakaguhit sa mga chart. Pinagkokone-konekta ng mga ito ang mga partikular na data point, kaya naman nagiging mas madali para sa mga chartist at trader na i-visualize ang mga paggalaw ng presyo at tukuyin ang mga trend sa merkado. 

Itinuturing ang mga trend line bilang isa sa mga pinakapangunahing tool sa technical analysis (TA). Kadalasang ginagamit ang mga ito sa mga stock, fiat currency, derivative, at merkado ng cryptocurrency. 

Sa pangkalahatan, gumagana ang mga trend line tulad ng mga support at resistance level pero ginagawa ang mga ito gamit ang mga diagonal sa halip na mga pahalang na linya. Dahil dito, puwede itong magkaroon ng positibo o negatibong slope. Sa pangkalahatan, kung mas malaki ang slope ng linya, mas malakas ang trend.

Puwede nating hatiin ang mga trend line sa dalawang pangunahing kategorya: pataas (uptrend) at pababa (downtrend). Gaya ng isinasaad ng pangalan, iginuguhit ang uptrend na linya mula sa mas mababa papunta sa mas mataas na posisyon sa chart. Pinagkokonekta nito ang dalawa o higit pang mababang punto, gaya ng ipinapakita sa larawan sa ibaba.

Paliwanag Tungkol sa Mga Trend Line


Salungat naman nito, ang downtrend na linya ay iginuguhit mula sa mataas papunta sa mas mababang position sa chart. Pinagdurugtong nito ang dalawa o higit pang mga high point.

Paliwanag Tungkol sa Mga Trend Line


Kaya, ang pinagkaiba ng dalawang uri ng mga linya ay ang pagpili ng mga puntong ginagamit para iguhit ang mga ito. Sa uptrend, iguguhit ang mga linya gamit ang mga pinakamababang punto sa chart (ibig sabihin, mga candlestick bottom na bumubuo ng mas matataas na low). Sa kabilang banda, iginuguhit ang mga downtrend na linya gamit ang pinakamatataas na value (ibig sabihin, mga candlestick top na bumubuo ng mas mabababang high).


Paano ginagamit ang mga trend line

Batay sa mga high at low ng isang chart, isinasaad ng mga trend line kung saan mabilisang hinamon ng presyo ang umiiral na trend, sinubok ito, at pagkatapos ay umatras nang pabor dito. Pagkatapos, puwedeng pahabain ang linya para subukang hulaan ang mahahalagang level sa hinaharap. Puwedeng subukin ang trend line nang maraming beses, pero hangga't hindi ito nasisira, itinuturing itong valid.

Bagama't magagamit ang mga trend line sa lahat ng uri ng chart ng data, karaniwang inilalapat ang mga ito sa mga pinansyal na chart (batay sa mga market price). Nagbibigay ang mga ito ng mga insight sa supply at demand sa merkado. Natural na nagsasaad ang mga pataas na trend line ng tumataas na puwersa ng pagbili (mas mataas ang demand kaysa sa supply). Nauugnay ang mga pababang trend line sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng presyo, na nagmumungkahi ng kabaliktaran (mas mataas ang supply kaysa sa demand).

Gayunpaman, dapat ding isaalang-alang ang dami ng pag-trade sa mga ganitong pagsusuri. Halimbawa, kung tumataas ang presyo, pero bumababa o may kababaan ang dami, puwede itong magbigay ng maling impresyon na tumaas ang demand.

Gaya ng nabanggit, ginagamit ang mga trend line para tukuyin ang mga support at resistance level, na dalawang pangunahin pero napakahahalagang konsepto ng technical analysis. Ipinapakita ng uptrend na linya ang mga support level kung saan malabong bumagsak ang presyo. Sa kabaliktaran, binibigyang-diin ng downtrend na linya ang mga resistance level kung saan malabong tumaas ang presyo.

Sa ibang salita, puwedeng ituring na mali ang market trend kapag naputol ang mga support at resistance level, sa downside man (para sa uptrend na linya) o sa upside (para sa downtrend na linya). Sa maraming kaso, kapag ang mga mahalagang level na ito ay bigong hawakan ang trend, karaniwang nag-iiba ng direksyon ang mga trend ng merkado.

Gayunpaman, subjective na larangan ang technical analysis, at bawat tao ay posibleng magpakita ng ibang-ibang paraan ng pagguhit ng mga trend line. Kaya naman, baka sulit pagsama-samahin ang maraming technique ng TA, pati na rin ng fundamental analysis para mabawasan ang mga panganib.


Pagguhit ng mga valid na trend line

Sa teknikal na paliwanag, puwedeng pagdugtungin ng mga trend line ang anumang dalawang punto sa isang chart. Pero nagkakasundo ang karamihan sa mga chartist na nagiging mas valid ang trend line kung gagamit ng tatlo o higit pang mga punto. Sa ibang kaso, nagagamit ang unang dalawang punto para ipaliwanag ang isang potensyal na trend, at ang ikatlong punto (inextend sa hinaharap) ay magagamit para subukin ang pagiging valid nito.

Kaya naman, kapag dumikit ang presyo sa trend line nang tatlo o mas maraming beses nang hindi lumalampas dito, puwedeng ituring na valid ang trend. Isinasaad ng pagsubok sa trend line nang maraming beses na baka hindi lang nagkataon ang trend na dulot ng mga pagbabago-bago ng presyo.


Mga scale setting

Dagdag sa pagpili ng sapat na mga punto para makagawa ng valid na trend line, mahalagang isaalang-alang ang mga tamang setting sa pagguhit sa mga ito. Kabilang sa pinakamahahalagang chart setting ang mga scale setting.

Sa mga pinansyal na chart, nauugnay ang scale sa paraan kung paano ipinapakita ang pagbabago sa presyo. Ang dalawang pinakasikat na scale ay arithmetic at semi-logarithmic (semi-log). Sa arithmetic chart, pantay-pantay na ipinapakita ang pagbabago habang tumataas o bumababa sa Y-axis ang presyo. Sa kabaliktaran, nagpapakita ang mga semi-log chart ng mga variation pagdating sa porsyento. 

Halimbawa, sakop ng pagbabago ng presyo mula sa $5 papuntang $10 ang parehong distansya sa isang arithmetic chart mula sa $120 papunta sa $125. Sa semi-log chart naman, ang 100% gain ($5 hanggang $10) ay sasakop sa mas malaking bahagi ng chart, salungat sa 4% na dagdag sa galaw na $120 papuntang  $125.

Mahalagang isaalang-alang ang mga scale setting sa pagguhit ng mga trend line. Ang bawat uri ng chart ay nagreresulta sa iba’t ibang high at low at, samakatuwid, ang pagkakaroon ng mga bahagyang naiibang trend line.


Mga pangwakas na pananaw

Bagama't ito ay mga kapaki-pakinabang na tool para sa technical analysis, malayo sa pagiging perpekto ang mga trend line. Ang pagpili sa mga point na ginagamit para gumuhit ng mga trend line ay makakaapekto sa kung gaano katumpak na ipinapakita ng mga ito ang mga cycle sa merkado at totoong trend, kaya naman may pagka-subjective ang mga ito. 

Halimbawa, gumuguhit ng mga trend line ang ilang chartist batay sa body ng mga candlestick, at binabalewala ang mga wick. Mas gusto ng iba na gumuhit ng mga line ayon sa mga high at low ng mga wick. 

Kaya naman, mahalagang gumamit ng mga trend line kasama ng iba pang tool at indicator sa pag-chart. Kasama sa mahahalagang halimbawa ng iba pang indicator ng TA ang Ichimoku Clouds, Bollinger Bands (BB), MACD, Stochastic RSI, RSI, at mga moving average.