Isang Gabay sa Pagiging Bihasa sa Fibonacci Retracement
Home
Mga Artikulo
Isang Gabay sa Pagiging Bihasa sa Fibonacci Retracement

Isang Gabay sa Pagiging Bihasa sa Fibonacci Retracement

Intermediya
Na-publish Mar 20, 2020Na-update Nov 11, 2022
7m

Panimula

Maraming iba't ibang tool at indicator ng technical analysis (TA) na puwedeng gamitin ng mga trader para subukang hulaan ang pagkilos ng presyo sa hinaharap. Posibleng kasama rito ang mga kumpletong framework ng pagsusuri sa merkado, gaya ng Wyckoff Method, Elliott Wave Theory, o Dow Theory. Posible ring mga indicator ito, gaya ng mga Moving Average, Relative Strength Index (RSI), Stochastic RSI, mga Bollinger Band, mga Ichimoku Cloud, Parabolic SAR, o MACD

Ang Fibonacci retracement tool ay isang sikat na indicator na ginagamit ng libo-libong trader sa mga stock market, forex, at merkado ng cryptocurrency. Kamangha-mangha namang nakabatay ito sa Fibonacci sequence na natuklasan mahigit sa 700 taon na ang nakalipas.

Tatalakayin ng artikulong ito kung ano ang Fibonacci retracement tool at kung paano mo ito magagamit para makahanap ng mahahalagang level sa isang chart.


Ano ang Fibonacci retracement?

Ang Fibonacci retracement (o Fib retracement) ay isang tool na ginagamit ng mga technical analyst at trader sa pagsubok na hulaan ang mga bahaging kinaiinteresan sa isang chart. Ginagawa nila iyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga Fibonacci ratio bilang mga porsyento. Hinango ang Fib retracement tool mula sa isang string ng mga numero na tinukoy ng matematikong si Leonardo Fibonacci noong ika-13 siglo. Ang string na ito ay tinatawag na Fibonacci sequence. Ang ilang matematikal na ugnayan ng mga numero sa sequence na ito ay gumagawa ng mga ratio na pina-plot sa chart. Ang mga ratio na ito ay:

  • 0%
  • 23.6% 
  • 38.2%
  • 61.8%
  • 78.6%
  • 100%  

Bagama't kung tutuusin, hindi ito Fibonacci ratio, may halaga rin ang 50% level sa ilang trader, dahil kinakatawan nito ang gitna ng hanay ng presyo. Puwede ring gumamit ng mga Fibonacci ratio na nasa labas ng hanay na 0-100%, gaya ng 161.8%, 261.8%, o 423.6%.

Tatalakayin natin kung paano magagamit ng mga trader ang mga porsyentong ito, pero ang pangunahing punto ay puwedeng maugnay ang mga level na ibinabalangkas ng mga ito sa mahahalagang level sa merkado. Kapag na-plot ito sa chart ng presyo, puwedeng gamitin ang mga Fibonacci level para tumukoy ng mga bahaging kinaiinteresan, gaya ng mga level ng support, resistance, mga retracement area, mga entry point, mga exit target, at stop-loss.


Paano kalkulahin ang Fibonacci retracement

Dahil pareho ang mga porsyentong ito sa bawat Fibonacci retracement tool, hindi mo kailangang manu-manong kalkulahin ang kahit ano. Gayunpaman, para makuha ang mga ito, dapat magsimula sa mga Fibonacci number.

Gumawa tayo ng sequence ng mga numerong nagsisimula sa zero at one, at patuloy nating idagdag ang kabuuan ng dalawang naunang numero sa kasalukuyang numero. Kung ipagpapatuloy natin ito nang walang katapusan, magkakaroon tayo ng string ng numero na tinatawag na Fibonacci sequence. 


0, 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21, 34, 55, 89, 144, 233, 377, 610, 987... at iba pa. 


Siyempre, hindi direktang pina-plot ang mga numerong ito sa chart ng presyo. Pero hinahango lahat ang mga level na ginagamit sa Fibonacci retracement tool sa mga numerong ito sa kung anong paraan. 

Hindi kasama ang unang ilang numero, kung idi-divide mo ang isang numero gamit ang numerong kasunod nito, lagi kang makakakuha ng ratio na malapit sa 0.618. Halimbawa, kung idi-divide mo ang 21 sa 34, 0.6176 ang makukuha mo. At kung idi-divide mo ang isang numero gamit ang numerong makikita dalawang puwesto sa kanan, makakakuha ka ng ratio na malapit sa 0.382. Halimbawa, kung idi-divide mo ang 21 sa 55, 0.3818 ang makukuha mo. Lahat ng ratio (maliban sa 50%) sa Fibonacci retracement tool ay nakabatay sa ilang kalkulasyong gumagamit ng pamamaraang ito.


Ang Fibonacci sequence at ang Golden Ratio

Gaya ng nabanggit, ang Fibonacci sequence ay tinukoy ng matematikong si Leonardo Fibonacci noong ika-13 siglo. Ang Golden Ratio (0.618% o 1.618%) ay isang mathematical ratio na hinango sa mga numerong ito. Pero bakit napakahalaga nitong numero? 

Inilalarawan ng Golden Ratio ang mga proporsyon ng isang napakahabang listahan ng mga pangyayari sa sanlibutan at makikita ito sa lahat ng bahagi ng kalikasan. Isipin ang mga atom, bituin, galaxy formation, kabibe, pati mga bubuyog – lahat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking sukat ay posibleng may mga halimbawa ng proporsyong ito. 

Higit pa rito, ginamit na ito ng mga artist, engineer, at designer sa loob ng maraming siglo para makagawa ng mga komposisyong maganda sa paningin. Mula sa mga pyramid hanggang sa Mona Lisa at sa logo ng Twitter, maraming sikat na obra maestra at disenyo ang gumagamit ng Golden Ratio sa kung anong paraan. Ang siste, baka mahalaga rin ang ratio na ito sa mga pampinansyal na merkado.


Paano gamitin ang Fibonacci retracement

Ngayong alam na natin kung ano ang Fibonacci retracement tool at kung paano ito gumagana, pag-isipan natin ang paggamit dito bilang isang tool sa mga pampinansyal na merkado. 

Kadalasan, iginuguhit ang tool sa pagitan ng dalawang mahalagang price point, gaya ng mataas at mababa. Pagkatapos, gagamitin ang hanay na ito bilang batayan para sa karagdagang pagsusuri. Karaniwang ginagamit ang tool para sa pagmamapa ng mga level na pasok sa hanay, pero puwede rin itong magbigay ng mga insight sa mahahalagang level ng presyo na labas sa hanay. 

Kadalasan, iginuguhit ang hanay na ito ayon sa pinagbabatayang trend. Kaya sa isang uptrend, ang mababang punto ay ang 1 (o 100%), habang ang mataas na punto ay 0 (0%). Sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya ng Fib retracement sa isang uptrend, puwedeng magkaroon ng ideya ang mga trader tungkol sa mga potensyal na support level na puwedeng subukan kung sakaling magsimulang umatras ang merkado – kaya retracement ang termino.



Sa kabaliktaran naman, sa isang downtrend, ang mababang punto ay 0 (0%), at ang mataas na punto ay 1 (100%). Tandaan na nasa downtrend ang presyo. Kaya sa sitwasyong ito, tumutukoy ang retracement a paggalaw mula sa ibaba (pag-bounce). Sa kontekstong ito, posibleng makapagbigay ang Fibonacci retracement tool ng mga insight sa mga potensyal na resistance level kung magsisimulang tumaas ang merkado.




Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!



Ang sinasabi ng mga Fibonacci level sa mga trader 

Puwedeng gumamit ng mga Fibonacci level ang mga user para tukuyin ang mga potensyal na entry area, price target, o stop-loss point. Puwede itong maging ibang-iba depende sa indibidwal na setup, diskarte, at istilo sa pag-trade. 

Kasama sa ilang diskarte ang kumita sa hanay sa pagitan ng dalawang partikular na Fibonacci level. Halimbawa, pag-isipan ang isang uptrend na sinundan ng retracement. Puwedeng maging interesanteng diskarte ang pagbili sa 38.2% retracement level at pagkatapos ay pagbebenta sa 23.6% level. Siyempre, lubos itong nakasalalay sa indibidwal na diskarte at sa marami pang ibang teknikal na salik.

Madalas ding isinasama ang mga Fibonacci level sa Elliott Wave Theory para makahanap ng mga ugnayan sa pagitan ng mga wave structure at mga potensyal na bahaging kinaiinteresan. Puwede itong maging napakahusay na diskarte para mahulaan ang saklaw ng mga retracement sa iba't ibang wave ng isang partikular na istruktura ng merkado.
Tulad sa iba pang technique, pinakamahusay ang Fibonacci retracement tool kapag isinama ito sa iba pang indicator ng technical analysis. Ang posibleng hindi signal ng pagbili o pagbebenta kung mag-isa ay posibleng maging ganito kung makukumpirma ng iba pang indicator. Dahil dito, kung aabot ang presyo sa isang partikular na Fibonacci level, puwede itong bumalik, o puwedeng hindi. Kaya mahalagang pamahalaan ang panganib, habang isinasaalang-alang din ang kapaligiran ng merkado at iba pang salik.


Mga Fibonacci extension

Gaya ng nabanggit, magagamit ang mga Fibonacci level sa pagsusuri sa mga bahagi ng retracement o pag-bounce (bilang 1 sa animation sa ibaba). Pero bukod pa roon, puwede ring gamitin ang Fibonacci sequence bilang paraan para matantya ang potensyal na mahahalagang level sa labas ng kasalukuyang hanay. Tinatawag itong mga extension level (tingnan ang bilang 2).



Puwedeng ituring ang mga Fibonacci extension level bilang mga potensyal na target sa pag-trade. Puwedeng pumili ang bawat trader ng ibang extension level bilang target (o maraming target). Ang mga unang extension level ay 138.6%, 150%, at 161.8% – pagkatapos ay 261.8% at 423.6%. Kaya naman, posibleng magsaad ang mga Fibonacci extension level ng mga bahagi kung saan posibleng umabot ang mga susunod na paggalaw ng presyo.


Mga pangwakas na pananaw

Makikita ang mga Fibonacci number sa lahat ng sulok ng kalikasan, at maraming trader ang naniniwala na mahalaga ang mga ito kapag nagcha-chart ng mga pampinansyal na merkado.

Gayunpaman, tulad sa lahat ng teknikal na indicator, ang ugnayan sa pagitan ng pagkilos ng presyo, mga pattern ng chart, at mga indicator ay hindi nakabatay sa anumang siyentipikong prinsipyo o pisikal na batas. Dahil dito, posibleng nauugnay ang pagiging kapaki-pakinabang ng Fibonacci retracement tool sa dami ng mga kalahok sa merkado na nagbibigay-pansin dito. Kaya naman, kahit hindi naman nauugnay ang mga Fibonacci retracement level sa anumang kongkreto, posibleng gumana ang mga ito bilang tool para masubukang hulaan ang mga bahaging kinaiinteresan.