Gumagalaw ang mga financial market ayon sa direksyon ng
mga trend. Mahalagang maintindihan ang pagkakaiba ng mga trend na ito para makagawa ng mas mahusay na
desisyon sa pamumuhunan. Kung hindi mo alam ang dapat pagbatayang trend, paano ka makikiayon sa nagbabagong mga kondisyon?
Ang market trend ay ang pangkalahatang direksyon na tinatahak ng merkado. Sa isang bear market, ang mga presyo sa pangkalahatan ay bumababa. Maaaring isang hamon ang pagtrade sa isang bear market, lalo na sa mga nagsisimula pa lang.
Sang-ayon ang karamihan sa mga crypto trader at technical analyst na ang
Bitcoin ay nasa macro bull trend mula pa noong simula. Ganunpaman, nagkaroon na rin ng mga hindi matinag na cryptocurrency bear market. Sa pangkalahatan ay nagdadala ito ng higit 80% na pagbaba sa presyo ng Bitcoin, habang ang altcoins ay madaling nakararanas ng 90% na pagbaba. Ano ang magagawa mo sa mga panahong ito?
Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung ano ang bear market, paano mo dapat ito paghandaan, at paano ka kikita mula rito.
Ang bear market ay mailalarawan bilang isang yugto ng pagbaba ng mga presyo sa
financial market. Maaaring maging masyadong mapanganib at mahirap ang trading sa bear markets para sa mga trader na kaunti ang karanasan. Madali itong humahantong sa malaking pagkatalo at matatakot ang mga investor sa muling pagbalik sa financial markets. Bakit ganoon?
May kasabihan sa mga trader: “Hagdaan pataas, elevator pababa.” Nangangahulugan ito na dahan-dahan at matatag ang paggalaw papunta sa upside, habang ang paggalaw papunta sa downside ay kadalasang bigla at bayolente. Bakit ganoon? Kapag nagsimulang bumagsak ang presyo, maraming trader ang nagmamadaling lumabas sa mga merkado. Ginagawa nila ito para manatili sa cash o i-lock ang kanilang mga kita mula sa
mga long na posisyon. Maaaring mabilis itong magresulta sa isang domino effect kung saan ang mga seller na nagmamadaling lumabas ay humahantong sa mas maraming seller na lumalabas sa kanilang mga posisyon, at magpapatuloy pa ito. Ang pagbagsak ay maaaring mas mapalaki kung highly leveraged ang merkado. Ang mga mass
liquidation ay nagkakaroon ng mas hayag na bumubuhos na epekto, na nagreresulta sa
bayolenteng pagbebenta.
Dahil dito, ang mga
bull market ay maaari ring magkaroon ng mga yugto ng euphoria. Sa mga panahong ito, ang mga presyo ay sobrang bilis na tumataas, ang correlations ay mas mataas kaysa sa karaniwan, at ang mayorya ng asset ay umakyat nang sabay.
Kadalasan, ang mga investor ay “bearish” sa isang bear market, ibig sabihin ay inaasahan nilang bababa ang mga presyo. Nangangahulugan din ito na ang pangkalahatang
sentimyento ng merkado ay mababa. Ganunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng mga kalahok sa merkado ay nasa aktibong mga
short na posisyon. Nangangahulugan lamang ito na inaasahan nilang bababa ang mga presyo at tinitingnan nilang iposisyon ang sarili kung magpresenta ang oportunidad na ito.
Tulad ng ating natalakay, maraming mga investor ang nag-iisip na ang
Bitcoin ay nasa macro bull trend mula pa noong simula. Ibig sabihin ba nito ay walang mga bear market na laman ng bull run na iyon? Hindi. Pagkatapos gumalaw ang Bitcoin sa $20,000 noong December 2017, bahagya itong nagkaroon ng brutal na bear market.
Bumagsak ang presyo ng Bitcoin pagkatapos ng 2017 bull market.
At bago ang 2018 bear market, nakaranas ang Bitcoin ng 86% na pagbagsak noong 2014.
Bumagsak ng 86% ang presyo ng Bitcoin mula sa taas noong 2013.
Sa kasalukuyan (July 2020), ang range ng nakaraang bear market low na $3,000 ay muling nasubok ngunit hindi kailanman naputol. Kung ang low na iyon ay nalabag, maaaring gumawa ng mas malakas na argumento na ang multi-year Bitcoin bear market ay nangyayari pa lang.
Muling sinusubok ng Bitcoin ang range ng nakaraan nitong bear market low.
Dahil hindi naman naputol ang lebel na iyon, maaaring sabihin na ang pagbagsak kasunod ng takot sa COVID-19 ay isang simpleng muling pagsubok lamang ng range nito. Ganunpaman, wala pa ring katiyakan pagdating sa
technical analysis, mayroon lamang mga probabilidad.
Ang iba pang dapat tandaang halimbawa ng bear market ay mula sa stock market. Ang
Great Depression, ang
2008 Financial Crisis, o ang 2020
stock market crash dahil sa coronavirus pandemic ay mga dapat tandaang halimbawa. Ang lahat ng mga kaganapang ito ay nagdulot ng malaking pinsala sa Wall Street nakaapekto sa mga presyo ng stock sa lahat. Ang
mga market index tulad ng Nasdaq 100, ang Dow Jones Industrial Average (DJIA), o ang S&P 500 index ay maaaring makaranas ng malaking pagbaba sa presyo sa mga panahong ito.
Diretsahan ang pagkakaiba. Sa isang
bull market, tumataas ang mga presyo, habang sa bear market, bumabagsak ang mga presyo.
Maaaring isang pagkakaiba ay ang pagkakaroon ng mga yugto ng consolidation sa bear markets, halimbawa ay sideways o ranging
price action. Ito ang mga panahon kung kailan mababa ang market
volatility, at kaunti lamang ang nangyayaring aktibidad sa trading. Bagamat totoo rin ito sa mga bull market, ang ganitong uri ng pagkilos ay kadalasang nakikita sa mga bear market. Kung sa bagay, ang pagbaba ng presyo sa mas mahabang panahon ay hindi kaakit-akit para sa karamihan ng mga investor.
Isa pang dapat isaalang-alang ay kung posible o hindi na pumasok sa isang short na posisyon sa isang asset. Kapag walang kakayahang i-short ang isang asset sa
margin o gamit ang
derivatives, maaari lamang ipakita ng mga trader ang bearish na pananaw sa merkado sa pamamagitan ng pagbebenta para sa cash o
stablecoins. Maaari itong humantong sa mas mahaba, iginuhit na downtrend na may kaunting interes sa pagbili, na humahantong sa mabagal at hindi mapusok na sideways price action.
Isa sa mga pinakasimpleng
istratehiya na maaaring gamitin ng mga trader sa isang bear market ay ang pananatili sa cash (o
stablecoins). Kung hindi ka komportable sa pagbaba ng mga presyo, maaaring mas makabubuti na hintayin na lamang na makalabas ang merkado sa bear market na teritoryo. Kapag inaasahang maaaring may dumating na bagong
bull market sa hinaharap, maaari mo itong lubusin kapag nangyari na ito. Ganun din, kung ikaw ay naka-long term na
HODLing sa maraming taon o dekada, hindi naman laging sinyales ang bear market para magbenta.
Pagdating sa
trading at investing, mas magandang ideya sa pangkalahatan na magtrade sa direksyon ng
market trend. Ito ang dahilan kung bakit isa pang magandang istratehiya sa bear markets ay ang pagbubukas ng
mga short na posisyon. Sa ganitong paraan, kapag bumababa ang presyo ng mga asset, maaaring kumita ang mga trader sa pagbaba nito. Maaaring ang mga ito ay
day trades,
swing trades,
position trades – ang pangunahing intensyon ay mag-trade sa direksyon ng trend. Dahil dito, maraming contrarian traders ang maghahanap ng “counter-trend” trades o mga trade na laban sa direksyon ng pangkalahatang trend. Tingnan natin kung paano ito gumagana.
Sa kaso ng isang bear market, ito ay ang pagpasok sa
long na posisyon sa isang bounce. Ang hakbang na ito ay tinatawag minsan na “bear market rally” o isang “
dead cat bounce”. Ang paggalaw sa counter-trend na presyo ay masyadong
volatile, dahil maraming trader ang sasakay sa oportunidad na mag-long sa isang short-term bounce. Ganunpaman, hanggat hindi pa kumpirmadong tapos na ang pangkalahatang bear market, ipinagpapalagay na ang downtrend ay agad magpapatuloy pagkatapos ng bounce.
Ito ang dahilan kung bakit ang mga matagumpay na trader ay kumikita (sa mga nakalipas na high) at lumalabas bago magpatuloy ang bear trend. Kung hindi, ay maaari silang makulong sa kanilang
long na posisyon habang nagpapatuloy ang bear market. Dahil dito, mahalagang tandaan na isa itong masyadong mapanganib na istratehiya. Maging ang mga may karanasang trader ay makapagtatala ng malaking pagkatalo kapag sinusubukan sumalo ng
nahuhulog na kutsilyo.
Tinalakay natin kung ano ang bear market, paano poprotektahan ng mga trader ang kanilang sarili at kumita sa bear markets. Sa pagbubuod, ang pinakadiretsahang
istratehiya ay manatili sa
cash sa isang bear market – at maghintay ng mas ligtas na oportunidad sa trading. Ganun din, maraming mga trader ang maghahanap ng oportunidad para gumawa ng mga
short na posisyon. Tulad ng nalalaman natin, makatuwirang sundan ang direksyon ng
market trend pagdating sa trading.
May mga tanong pa tungkol sa market trends, bear markets, o trading? Tingnan ang aming Q&A na plataporma, ang
Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.