Ano ang Shorting sa Merkado ng Pananalapi?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang shorting?
Paano gumagana ang shorting?
Mga panganib sa shorting
Paano mag-short ng Bitcoin at cryptocurrencies sa Binance
Pangwakas na ideya
Ano ang Shorting sa Merkado ng Pananalapi?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Shorting sa Merkado ng Pananalapi?

Ano ang Shorting sa Merkado ng Pananalapi?

Intermediya
Na-publish Jul 29, 2020Na-update Nov 11, 2022
7m

Panimula

Hindi mabilang ang mga paraan para kumita sa mga financial market. Gumagamit ang ibang trader ng technical analysis, habang namumuhunan ang iba sa mga kompanya at proyekto gamit ang fundamental analysis. Bilang trader o investor, mayroon ka ring iba’t ibang pagpipilian para makalikha ng kumikitang istratehiya sa trading.
Ganunpaman, paano kung may pinagdadaanang mahabang bear market ang merkado, kung saan ang mga presyo ay patuloy na bumababa? Ano ang magagawa ng mga trader para mapanatiling pinagkukunan ng kita ang trading?
Binibigyang-daan ng shorting ang mga trader para kumita mula sa mga pagbaba ng presyo. Ang pagpasok sa isang short na posisyon ay isa ring mahusay na paraan para pangasiwaan ang panganib at i-hedge ang mga holding laban sa panganib ng presyo.
Sa artikulong ito, ipapaliwanag natin kung ano ang kahulugan ng shorting, paano mag-short ng Bitcoin sa  Binance, at matuto tungkol sa mga panganib ng shorting.


Ano ang shorting?

Ang shorting (o short selling) ay ang pagbebenta ng asset sa pag-asang mabibili ito muli sa mas mababang presyo. Ang trader na nagpasok ng short posisyon ay umaasang bababa ang presyo ng asset, ibig sabihin nito ay sila ay “bearish” sa asset na iyon. Kaya sa halip na mag-hold at maghintay, ginagamit ng ibang mga trader ang short selling na istratehiya bilang paraan para kumita sa pagbaba ng presyo ng isang asset. Ito ang dahilan kung bakit magandang paraan ang short selling para mapanatili ang kapital habang bumababa ang presyo.
Karaniwan ang shorting sa anumang financial market, kabilang ang stock market, commodities, Forex, at cryptocurrency. Malawakang ginagamit ang short sales ng mga retail investor at propesyonal na trading firms, tulad ng hedge funds. Ang short selling ng stocks o cryptocurrencies ay isang karaniwang istratehiya para sa parehong short-term at long-term traders.
Ang kasalungat ng short na posisyon ay long na posisyon, kung saan ang trader ay bumibili ng asset sa pag-asang maibebenta ito muli sa mas mataas na presyo. 


Paano gumagana ang shorting?

Karaniwan, nangyayari ang shorting sa mga hiram na pondo, ngunit hindi sa lahat ng kaso. Kung nagbebenta ka ng ilan sa iyong spot Bitcoin na posisyon sa halagang $10,000 sa planong bilhin ito muli sa halagang $8,000, iyan ay isang short na posisyon. Ganunpaman, ang shorting ay karaniwan ding ginagawa sa hiram na pondo. Ito ang dahilan kung bakit malapit ang kaugnayan ng shorting sa margin trading, futures contracts, at iba pang derivatives products.Tingnan natin kung paano ito gumagana.
Sabihin natin na ikaw ay bearish sa isang instrumentong pinansyal tulad ng stock o ng cryptocurrency. Ipinakita mo ang kinakailangang collateral, humiram ng partikular na halaga ng asset, at kaagad itong ibinenta. Ngayon, kailangan mong magbukas ng short na posisyon. Kapag naabot ng merkado ang iyong inaasahan at bumaba ito, bibilhin mo ang parehong halaga na iyong hiniram at ibabalik ito sa nagpautang (na may interes). Ang iyong kita ay ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong unang pagbenta at ng iyong muling pagbili.
Tingnan natin ngayon ang mas konkretong halimbawa. Bumili ka ng 1 BTC at ibinenta ito ng $8,000. Mayroon ka ngayong 1 BTC na short na posisyon na binabayaran mo ng interes. Ang presyo sa merkado ng Bitcoin ay bumaba sa $6,000. Bumili ka ng 1 BTC at ibinalik ang 1 BTC na iyon sa nagpahiram (kadalasan, ang exchange). Ang kita mo, sa kasong ito, ay $2,000 (ibawas ang bayad sa interes at ibang singil).



Mga panganib sa shorting

May ilang mga panganib na dapat isaalang-alang pagdating sa pagpasok sa isang short na posisyon. Isa sa mga ito, sa teorya, ay ang potensyal na kawalan sa isang short na posisyon ay walang hanggan. Hindi na mabilang ang mga propesyonal na trader na nalugi sa nakalipas na mga taon habag sila ay short sa isang stock. Kung ang presyo ng stock ay tumaas dahil sa hindi inaasahang balita, mabilis na “mata-trap” mga short seller sa biglang pagtaas.
Natural lamang, kapag nagbabasa ka sa Binance Academy, alam mo na ang pagkakaroon ng invalidation point at pagtatakda ng stop-loss ay mahalaga sa bawat trade. Ganunpaman, pag-usapan pa rin natin ang konseptong ito dahil kapaki-pakinabang itong intindihin.
Gaano kalaki ang iyong potensyal na kawalan kapag ikaw ay nag-long sa spot market? Ito ang laki ng iyong posisyon. Kung mayroon kang 1 BTC na binili ng $10,000, ang pinakamalalang maaring mangyari ay bumagsak sa 0 ang presyo ng Bitcoin, at mawala ang lahat ng iyong inisyal na puhunan. 

Paano naman kung ikaw ay nag-short ng Bitcoin sa margin trading na plataporma? Sa kasong ito, walang hanggan ang iyong potensyal na kawalan. Bakit? Dahil ang potensyal na pakinabang sa presyo ay walang hanggan. Salungat nito, hindi maaaring bumaba pa sa 0 ang presyo kung ikaw ay nag-long.

Kaya kung nag-short ka ng isang hiram na asset, tumaas ang presyo at nagpatuloy pa, patuloy kang magtatala ng pagkatalo. Mas teoretikal kaysa praktikal ang halimbawang ito, dahil karamihan sa mga plataporma ay ili-liquidate ang iyong posisyon bago ka umabot sa negatibong balanse. Ganunpaman, mahalaga itong isaisip, dahil ipinapakita nito kung bakit laging mahalagang subaybayan ang iyong margin requirements, at laging gumamit ng stop-loss.
Maliban doon, ang mga pangunahing prinsipyo sa pangangasiwa ng panganib ay magagamit sa shorting. Protektahan ang iyong kahinaan, gumamit ng stop-loss, pag-isipan ang iyong position sizing, at tiyakin na naiintindihan ang mga panganib ng liquidation.


Paano mag-short ng Bitcoin at cryptocurrencies sa Binance

Sabihin nating gusto mong mag-short ng Bitcoin o ibang cryptocurrency sa Binance. Magagawa mo ito sa iba’t ibang paraan.


Paano mag-short ng Bitcoin sa Binance Margin Trading

Una, maari kang mag-short ng Bitcoin at altcoins sa Binance Margin Trading na plataporma:

  1. Magbukas ng margin account kung hindi pa ito nagagawa.
  2. Magpunta sa Binance Margin Trading na plataporma.
  3. Magpunta sa iyong gustong pares ng merkado, tulad ng BTS/USDT o BTC/BUSD.
  4. Sundin ang mga panuto sa aming gabay sa margin trading sa video na ito.


Paano mag-short ng Bitcoin sa Binance Futures

Maaari ka ring mag-short ng Bitcoin at altcoins sa Binance Futures:
  1. Magpunta sa Binance Futures.
  2. Pumili sa pagitan ng perpetual o quarterly futures contracts.
  3. Tiyakin na naiintindihan kung paano gumagana ang plataporma sa pamamagitan ng pagbasa sa aming gabay sa Binance Futures.
  4. Sundin ang mga panuto sa video na ito.
Kung nais munang subukan ang paper trading, maaari kang magtungo sa Binance Futures testnet. Sa ganitong paraan masusubukan mo kung paano gumagana ang shorting nang hindi gumagamit ng totoong pondo.


Paano mag-short ng Bitcoin sa Binance Options

Pangatlo, maaari mo ring subukang ang Binance Options na plataporma na pwede sa iOS at Android. Maaaring magandang paraan ang options contracts para magpasok ng short na posisyon. Kung inaasahan mong bababa ang presyo ng Bitcoin, maaari kang bumili ng put options. Binibigyan ka nito ng karapatan, ngunit hindi obligasyon, para ibenta ang Bitcoin sa partikular na presyo. Ganito iyon gawin:
  1. I-download ang Binance mobile app. Maaaring gamitin ang options na plataporma sa parehong iOS at Android.
  2. Kung hindi pa nagagawa, i-activate ang iyong Binance Futures account. Kailangan ito para ma-access ang options na plataporma sa Binance.
  3. Sundin ang mga panuto sa page na ito.
Mahalagang tandaan na isa ito sa mga pinakamahirap at mapanganib na paraan para mag-short ng Bitcoin at cryptocurrencies. Tiyaking nabasa na ang aming gabay sa options para sa iOS at Android para malaman ang lahat ng kinakailangang detalye bago magsimula.


Pangwakas na ideya

Alam na natin ngayon kung ano ang ibig sabihin ng pagpasok sa short na posisyon, at bakit gusto itong gawin ng mga trader. Gaya sa nakita natin, kadalasan na ang mga trader na nasa isang short na posisyon ay may bearish na pananaw sa merkado. Pinapayagan ng short selling ang mga trader na kumita mula sa pagbaba ng presyo, at nagagawa nila ito nang hindi hino-hold ang asset.

Kung nais pang matuto tungkol sa shorting at marami pang ibang trading techniques, basahin ang aming Kumpletong Gabay sa Cryptocurrency Trading Para sa Mga Nagsisimula.
Hindi ka pa rin tiyak kung paano mag-short ng Bitcoin at cryptocurrencies? Tingnan ang aming Q&A na plataporma, ang Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.