Ano Ang Bull Market?
Home
Mga Artikulo
Ano Ang Bull Market?

Ano Ang Bull Market?

Baguhan
Na-publish Jul 27, 2020Na-update May 12, 2023
11m

Panimula

Ang mga market trend ay kabilang sa mga pangunahing aspeto ng financial markets. Maaari nating ilarawan ang market trend bilang pangkalahatang direksyon na tinatahak ng asset o ng isang merkado. Dahil dito, masusing binabantayan ng parehong technical analysts at fundamental analysts ang market trends.
Madalas diretsahan ang trading sa bull markets dahil may puwang ito para sa mga pinaka madaling istratehiya sa trading at investment. Maging ang mga trader na kaunti lang ang karanasan ay maaaring kumita sa paborableng bull market na kondisyon. Dahil dito, mahalagang maintindihan kung paano gumagalaw ang merkado sa mga cycle.

Ano naman ngayon ang dapat mong matutunan tungkol sa bull markets? Paano magbebenipisyo ang traders sa bull markets? Ipaliliwanag nating lahat yan sa artikulong ito.


Ano ang bull market?

Ang bull market (o bull run) ay isang estado ng isang financial market kung saan tumataas ang presyo. Ang terminong bull market ay madalas na ginagamit sa konteksto ng stock market. Ganunpaman, magagamit din ito sa anumang financial market – kabilang ang Forex, bonds, commodities, real estate, at cryptocurrencies. Maaari rin ito tumutukoy sa isang partikular na asset tulad ng Bitcoin, Ethereum, or BNB. Tumutukoy din ito maging sa isang sektor, tulad ng utility tokens, privacy coins, o biotech stocks.

Maaaring narinig mo na ang mga trader sa Wall Street na gumagamit ng mga terminong “bullish” at “bearish.” Kapag sinasabi ng isang trader na sila ay bullish sa isang merkado, ibig sabihin ay inaasahan nilang tataas ang mga presyo. Kapag sila ay bearish, inaasahan nilang bababa ang mga presyo.

Ang pagiging bullish ay madalas nangangahulugang sila rin ay  long sa merkadong iyon, bagamat hindi naman ganito ang kaso. Ang pagiging bullish ay hindi laging nangangahulugang mayroon ngayong oportunidad sa long trade. Ibig sabihin lamang nito ay tumataas o inaasahang tataas ang mga presyo.
Mahalaga ring tandaan na ang bull market ay hindi nangangahulugang hindi bumababa o nagbago-bago ang mga presyo. Ito ang dahilan kung bakit mas makatuwirang isaalang-alang ang bull markets sa mas malaking time frame. Sa kontekstong ito, ang mga bull market ay mayroong mga yugto ng pagbaba o consolidation nang hindi pinuputol ang major market trend. Tingnan ang Bitcoin chart sa ibaba. Bagamat may mga yugto ng pagbaba, at ilang bayolenteng pagbagsak ng merkado, isa itong malaking uptrend mula pa sa umpisa.


Ang Bitcoin price chart (2010-2020).


Kaya sa kontekstong ito, ang depinisyon ng bull market ay nakadepende sa kung anong time frame ang pinag-uusapan natin. Sa pangkalahatan, kapag ginagamit natin ang terminong bull market, pinag-uusapan natin ang ilang buwan o ilang taong time frame. Tulad sa ibang market analysis techniques, mas may bisa ang mas malaking time frame kaysa sa mga trend sa mas maliit na time frame. 

Dahil dito, maaaring magkaroon ng mas mahabang yugto ng pagbaba sa isang high timeframe bull market. Ang mga paggalaw sa presyong ito na salungat sa trend ay kilala sa pagiging masyadong pabago-bago – ngunit maaaring hindi laging ganito.


Mga halimbawa ng bull market

Ilan sa mga kilalang halimbawa ng bull markets ay galing sa stock market. Ito ang mga panahon kung kailan ang mga stock price at market index (tulad ng Nasdaq 100) ay patuloy na tumataas.

Kung pinag-uusapan ang pandaigdigang ekonomiya, ito ay nagbabago sa pagitan ng bull at bear markets. Ang mga economic cycle na ito ay maaaring magtagal ng maraming taon, maging dekada. Sinasabi ng iba na ang bull market na nagsimula sa pagtatapos ng 2008 Financial Crisis at nagpatuloy hanggang sa coronavirus pandemic ang “pinakamatagal na bull market sa kasaysayan.”


Ganunpaman, tingnan natin ang long-term performance ng Dow Jones Industrial Average (DJIA). Makikita natin na ito siglo na ang itinagal ng bull market. Tiyak na may mga yugto ng pagbaba na maaaring magtagal ng maraming taon, tulad noong 1929 or 2008, ngunit ang pangkalahatang trend ay paakyat pa rin.


Performance ng DJIA simula 1915.


Maaaring sabihin ng iba na makikita natin ang parehong trend sa Bitcoin. Ngunit hindi talaga natin masasabi ito at kung kailan mahaharap ang Bitcoin sa isang multi-year bear market. Dapat ding tandaan na karamihan sa ibang cryptocurrencies (ibig sabihin ay altcoins) ay posibleng hindi makararanas ng parehong pagtaas ng presyo, kaya dapat maging maalam sa kung saan mamumuhunan.


Bull market kumpara sa bear market – ano ang pagkakaiba?

Magkasalungat ang mga konseptong ito, kaya ang pagkakaiba ay hindi mahirap hulaan. Ang mga presyo ay patuloy na tumataas sa isang bull market, habang ang presyo ay patuloy na bumababa sa isang bear market.

Nagreresulta rin ito sa pagkakaiba sa kung paano pinakamahusay i-trade ang mga ito. Sa isang bull market, ang mga trader at investor sa pangkalahatan ay gustong maging long. Habang sa isang bear market, maaaring gusto nilang maging short o huwag munang mamuhunan.
Sa ibang mga kaso, ang pananatili sa cash (o stablecoins) ay maaari ring tumukoy sa pag-short sa merkado, dahil inaasahan nating bumaba ang presyo. Ang pangunahing pagkakaiba ay ang pananatili sa cash ay mas tungkol sa preserbasyon ng kapital habang ang shorting ay tungkol sa pagkita sa pagbaba ng mga presyo ng asset. Ngunit kung ikaw ay magbebenta ng asset at umaasang mabibili ito sa mas mababang halaga, ikaw ay nasa isang short position – kahit pa hindi ka direktang kumikita sa pagbaba ng presyo.
Isa pang dapat na isaalang-alang ang mga singil. Walang singil sa pananatili sa stablecoins dahil wala naman talagang gastos sa kustodiya. Ganunpaman, maraming short positions ang naniningil ng funding fee o interest rate para manatiling bukas ang posisyon. Ito ang dahilan kung bakit mas makabubuti ang quarterly futures sa mga long-term na short na posisyon dahil walang kaugnay na funding fee ang mga ito.



Paano magbebenepisyo ang traders sa bull markets

Simple lamang ang pangunahing ideya sa likod ng bull markets. Pataas ang mga presyo, kaya ang pagiging long at pagbili ng mga bumaba ay isang makatuwirang istratehiya sa pangkalahatan. Ito ang dahilan kung bakit ang buy and hold strategy at dollar-cost averaging ay mainam sa pangakalahatan sa mga long-term na bull market.
May kasabihan na “Ang trend ay iyong kaibigan, hanggang sa ito ay hindi.” Nangangahulugan lamang ito na makatuwirang mag-trade sa direksyon ng market trend. Ganun din, walang trend na hindi natatapos, at ang parehong istratehiya ay maaaring hindi maging mainam sa ibang bahagi ng isang market cycle. Ang tanging tiyak lamang ay maaaring magbago at magbabago ang mga merkado. Tulad ng nakita natin sa COVID-19 outbreak, ang mga multi-year bull market ay maaaring mabura sa loob lamang ng ilang linggo.
Natural lamang na karamihan sa mga investor ay nagiging bullish sa isang bull market. Makatuwiran ito dahil ang mga presyo ay pataas, kaya ang pangkalahatang sentimyento ay dapat ding bullish. Ganunpaman, kahit pa sa isang bull market, maaaring maging bearish ang ibang mga investor. Kung pasok ito sa kanilang istratehiya sa trading, maaari rin silang maging matagumpay sa short-term bearish trades, tulad ng shorting.

Dahil dito, tatangkain ng ibang mga trader na i-short ang mga kamakailan lang na high sa isang bull market. Ganunpaman, ito ay mga advance na istratehiya ay sa pangkalahatan ay mas mainam para sa mga propesyonal na trader. Bilang trader na mas kaunti ang karanasan, madalas mas makatuwiran na mag-trade ayon sa trend. Maraming investor ang nata-trap sa tangkang pag-short ng bull markets. Kung sa bagay, ang pagharap sa isang raging bull o tumatakbong makina ay isang mapanganib na hakbangin.


Pangwakas na ideya

Tinalakay natin kung ano ang bull market, paano haharapin ng mga trader ang trading sa isang bull market. Kadalasan, ang pinakadiretsahang istratehiya sa trading sa anumang market trend ay ang pagsunod sa direksyon ng pangkalahatang trend. 
Dahil dito, ang mga bull market ay maaaring magpresenta ng magandang mga oportunidad sa trading maging para sa mga nagsisimula o bagong investors. Ganunpaman, laging mahalaga na maayos na pangasiwaan ang mga panganib at laging matuto para maiwasan ang mga pagkakamali hangga’t maaari.
May mga tanong pa tungkol sa market trends, bull markets, o trading? Tingnan ang aming Q&A na plataporma, ang Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.