Ano Ang Mga Perpetual Futures Contracts?
Home
Mga Artikulo
Ano Ang Mga Perpetual Futures Contracts?

Ano Ang Mga Perpetual Futures Contracts?

Advanced
Na-publish Jul 15, 2019Na-update May 10, 2023
7m

Ano ang futures contract?

Ang futures contract ay isang kasunduan na bilhin o ibenta ang isang commodity, currency, o ibang instrumento sa nauna nang natukoy na presyo sa tiyak na oras sa hinaharap.

Di tulad sa isang spot market, sa isang futures market, hindi agad nagkakaroon ng ‘settlement’ ng mga trade. Sa halip, ang dalawang partido ay magte-trade ng isang contract na naglalarawan ng settlement sa petsa sa hinaharap. Dagdag pa rito, hindi pinapayagan ng futures market ang mga user na direktang bilhin o ibenta ang commodity o digital asset. Sa halip, nagte-trade sila ng isang contract na kumakatawan sa mga ito, at ang mismong trading ng mga asset (o cash) ay mangyayari sa hinaharap - kapag ginamit na ang contract.

Bilang simpleng halimbawa, ituring ang kaso ng isang futures contract ng isang physical commodity, tulad ng wheat, o ginto. Sa ibang tradisyunal na futures market, ang mga contract na ito ay namarkahan na para maipadala. Nangangahulugan ito na may pisikal na pagpapadala ng commodity. Bunga nito, ang ginto o wheat ay kinakailangang iimbak at ipadala, na nagdudulot ng karagdagang gastos (kilala bilang carrying cost). Ganunpaman, maraming futures market na ngayon ang may cash settlement. Ibig sabihin, ang katumbas lamang na halaga ng pera ang dapat ma-settle (walang pisikal na palitan ng paninda).

Dagdag pa rito, ang presyo ng ginto at wheat sa futures market ay maaaring iba depende sa kung gaano kalayo ang petsa ng settlement ng contract. Mas mahaba ang agwat sa oras, mas mataas ang carrying costs, mas malaki ang potensyal na kawalan ng katiyakan ng presyo sa hinaharap, mas malaki ang potensyal na agwat sa presyo sa pagitan ng spot at futures market.


Bakit nagkakaroon ng trade ng futures contract ang mga user?

  • Hedging at risk management: ito ang pangunahing dahilan kung bakit naimbento ang futures.
  • Maikling exposure: maaaring tumaya ang mga trader laban sa performance ng asset kahit pa wala sila nito.
  • Leverage: maaaring pumasok ang mga trader sa mga position na mas mataas kaysa sa kanilang account balance. 

Ano ang isang perpetual futures contract?

Ang perpetual contract ay isang espesyal na uri ng futures contract, ngunit di tulad ng tradisyunal na uri ng futures, wala itong expiry date. Kaya maaaring panghawakan lang ng isang tao ang position gaano man niya katagal gustuhin. Bukod pa rito, ang trading ng perpetual contracts ay base sa pinagbabatayang Index Price. Ang Index Price ay binubuo ng average na presyo ng isang asset, ayon sa malalaking spot market at ang kaugnay na trading volume.

Kaya naman, di tulad ng mga conventional na futures, ang mga perpetual contract ay madalas itine-trade sa presyong katumbas o katulad ng mga spot market. Ganunpaman, ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng traditional futures at perpetual contracts ay ang ‘settlement date’ ng traditional futures.


Ano ang Initial Margin?

Ang initial margin ay ang pinakamababang halaga na dapat mong bayaran para magbukas ng leveraged na position. Halimbawa, maaari kang bumili ng 1000 BNB na may initial margin na 100 BNB (sa 10x na leverage). Kaya ang iyong initial margin ay magiging 10% ng total order. Ang initial margin ang susuporta sa iyong leveraged position, at umaakto bilang collateral.


Ano ang Maintenance Margin?

Ang maintenance margin ang pinakamababang dami ng collateral na dapat mong hawakan para manatiling bukas ang trading positions. Kung ang iyong margin balance ay bumaba sa ganitong lebel, maaari kang makatanggap ng margin call (nagsasabing dapat kang magdagdag ng pondo sa iyong account) o ikaw ay mali-liquidate. Karamihan sa mga cryptocurrency exchange ay ginagawa ang huli.

Sa madaling sabi, ang initial margin ay ang halaga na ibinibigay mo sa pagbubukas ng position, at ang maintenance margin ay tumutukoy sa minimum balance na kinakailangan mo para manatiling bukas ang positions. Ang maintenance margin ay isang papalit-palit na value na nagbabago ayon sa presyo sa merkado at sa iyong account balance (collateral).


Ano ang liquidation?

Kung ang halaga ng iyong collateral ay bumagsak sa ibaba ng maintenance margin, maaaring isailalim sa liquidation ang iyong futures account. Sa Binance, nangyayari ang liquidation sa iba’t ibang paraan, ayon sa risk at leverage ng bawat user (base sa kanilang collateral at net exposure). Mas malaki ang total position, mas malaki ang kinakailangang margin.

Ang mekanismong ito ay iba depende sa market at exchange, ngunit naniningil ang Binance ng 0.5% na nominal fee para sa Tier 1 liquidations (net exposure na mas mababa sa 500,000 USDT). Kung ang account ay may sobrang pondo pagkatapos ng liquidation, ang natitira ay ibabalik sa user. Kung mayroon itong mas kaunti, ang user ay idinedeklarang bankrupt.

Tandaan na kapag ikaw ay naliquidate, magbabayad ka ng karagdagan. Para maiwasan ito, maaari mong isara ang positions bago maabot ang liquidation price o magdagdag pa ng pondo sa iyong collateral balance -- na siyang magdudulot sa liquidation price na gumalaw palayo sa kasalukuyang market price.


Ano ang Funding Rate?

Binubuo ang funding ng regular na bayad sa pagitan ng mga buyer at mga seller, ayon sa kasalukuyang funding rate. Kapag ang funding rate ay mas mataas sa zero (positive), ang mga trader na long (mga contract buyer) ay kinakailangang magbayad sa mga short (contract sellers). Salungat nito, ang negatibong funding rate ay nangangahulugan na kinakailangan na magbayad ng mga short position sa mga long.

Ang funding rate ay base sa dalawang bahagi: ang interest rate at ang premium. Sa Binance futures market, nakapako ang interest rate sa 0.03%, at ang premium ay nag-iiba ayon sa pagkakaiba ng presyo sa pagitan ng futures at spot markets. Hindi naniningil ng bayad ang Binance para sa funding rate transfer dahil direkta itong nangyayari sa pagitan ng mga user.

Kaya kapag nasa premium (mas mataas kaysa sa mga spot market) ang trading ng perpetual futures contract, ang mga long position ay kinakailangang magbayad sa mga short dahil sa positibong funding rate. Ang ganitong sitwasyon ay inaasahang magpapababa sa presyo, habang isinasara ng mga long ang kanilang mga position at bagong mga short ang nagbubukas.


Ano ang Mark Price?

Ang mark price ay ang tinatayang totoong halaga ng contract (fair price) kung ikukumpara sa aktwal na trading price (last price). Ang kalkulasyon ng mark price ang pumipigil sa hindi patas na liquidation na maaaring mangyari kapag masyadong volatile ang market.

Kaya habang ang Index Price ay kaugnay ngpresyo ng spot markets, ang market price ay kumakatawan sa fair value ng perpetual futures contract. Sa Binance, ang mark price ay base sa Index Price at sa funding rate, at ito rin ay mahalagang bahagi ng kakulasyon ng “unrealized PnL.”


Ano ang PnL?

Nangangahulugan ang PnL na ‘profit and loss,’ at maaaring ito ay realized o unrealized. Kapag mayroon kang open positions sa isang perpetual futures market, ang iyong PnL ay unrealized, ibig sabihin nagbabago pa ito bilang tugon sa paggalaw ng merkado. Kapag isinara mo ang iyong mga position, ang mga unrealized PnL ay nagiging realized PnL (maaaring bahagya o buo).

Dahil ang realized PnL ay tumutukoy sa profit o loss na nagmula sa closed positions, wala itong direktang relasyon sa mark price, ngunit sa executed price lamang ng mga order. Sa kabilang banda, ang unrealized PnL ay laging nagbabago at ang pangunahing nagtutulak sa mga liquidation. Samakatuwid, ang mark price ay ginagamit para siguruhin na tama at patas ang kalkulasyon ng unrealized PnL.


Ano ang Insurance Fund?

Sa madaling sabi, ang Insurance Fund ang pumipigil sa balanse ng mga natatalong trader na bumagsak ng mas mababa sa zero, habang tinitiyak din na nakukuha ng mga nananalong trader ang kanilang mga kita.

Para mailarawan, ipagpalagay nating may $2,000 si Alice sa kanyang Binance futures account, na ginagamit para magbukas ng 10x BNB long position sa halang $20 bawat coin. Tandaan na si Alice ay bumibili ng contract mula sa ibang trader at hindi sa Binance. Kaya sa kabilang dako ng trade, nandoon si Bob na may short position sa parehong laki.

Dahil sa 10x na leverage, hawak na ni Alice ngayon ang 100 BNB position (nagkakahalagang $20,000) na may $2,000 na collateral. Ganunpaman, kapag bumaba ang presyo ng BNB mula sa $20 papunta $18, maaaring awtomatikong maisara ang position ni Alice. Nangangahulugan ito na ang kanyang mga asset ay mali-liquidate at ang kanyang $2,000 na collateral ay mawawala lahat.

Sa kung anumang kadahilanan, hindi naisara ng sistema ang kanyang mga position sa oras at lalo pang bumaba ang market price, maa-activate ang Insurance Fund para sagutin ang mga nawala hanggang sa maisara ang position. Wala itong gaanong pagbabago kay Alice, dahil naliquidate siya at zero ang kanyang balanse, ngunit tinitiyak nito na makukuha ni Bob ang kanyang kita. Kung wala ang Insurance Fund, hindi lamang babagsak ang balanse ni Alice sa zero mula sa $2,000, kundi magiging negatibo ito.

Ganunpaman, nakagawian na ang kanyang long position ay posibleng maisara bago ito dahil ang kanyang maintenance margin ay magiging mas mababa kaysa sa minimum na kinakailangan. Direktang napupunta ang mga liquidation fee sa Insurance Fund, at ang natitirang pondo ay ibabalik sa mga user.

Dinisenyo ang mekanismo ng Insurance Fund para magamit ang collateral na nakukuha mula sa mga liquidated na trader para sagutin ang mga natalo sa mga bankrupt na account. Sa mga normal na market condition, inaasahang patuloy na lumalago ang Insurance Fund habang nali-liquidate ang mga user.

Kung susumahin, lumalaki ang Insurance Fund kapag ang mga user ay naliquidate bago umabot ang kanilang mga position sa break-even o negatibong halaga. Ngunit sa mga matinding kaso, maaaring hindi masira ng sistema ang lahat ng position, at gagamitin ang Insurance Fund para sagutin ang mga potensyal na nawala. Bagamat hindi karaniwan, maaari itong mangyari sa mga panahon ng mataas na volatility o mababang market liquidity.


Ano ang Auto-deleveraging?

Tinutukoy ng Auto-deleveraging ang paraang ng counterparty liquidation na nangyayari lamang kapag hindi na gumagana ang Insurance Fund (sa partikular na mga sitwasyon). Bagamat malabong mangyari, ang ganitong kaganapan ay nangangailangan ng pag-ambag ng mga kumitang trader ng bahagi ng kanilang mga kita para sagutin ang mga nawala ng mga natalong trader. Sa kasamaang palad, dahil sa volatility sa cryptocurrency markets, at mataas na leverage na inialok sa mga kliyente, hindi posibleng ganap na maiwasan ang ganitong posibilidad.

Sa madaling sabi, ang counterparty liquidation ang huling hakbang kapag hindi kayang sagutin ng Insurance Fund ang lahat ng bankrupt position. Karaniwan, ang mga position na may pinakamataas na kita (at leverage) ang mga mas malaki ang iaambag. Gumagamit ang Binance ng indicator na nagsasabi sa mga user kung nasaan na sila sa pila sa auto deleveraging.

Sa Binance futures market, gagawin ng sistema ang lahat ng posibleng hakbang para maiwasan ang auto-deleveraging at marami itong katangian para mapababa ang epekto. Sakali mang mangyari ito, ginagawa ang counterparty liquidation nang walang singil, at agad nagpapadala ng abiso sa mga apektadong trader. Malaya ang mga user na muling pumasok sa mga position anumang oras.