Ngunit ano ba ang pangunahing indicator na mayroon? Maaaring sabihin na ito ay ang
volume. Maaaring magamit ang volume bilang kasangkapan sa pagkumpirma ng
trend, pagtukoy sa potensyal na points of reversal, at marami pang ibang istratehiya.
Pinagsasama ng VWAP ang lakas ng volume sa price action para makagawa ng praktikal at madaling magamit na indicator. Maaaring gamitin ng mga trader ang VWAP bilang kasangkapan sa kumpirmasyon ng trend, o bilang isang instrumento para matukoy ang entry at exit points.
Busisiin pa natin kung ano ang VWAP, paano ito gumagana, at kung paano ito magagamit ng mga trader sa kanilang istratehiya sa trading.
Ang VWAP ay nangangahulugang
volume-weighted average price. Base na rin sa pangalan nito, ito ang average na presyo ng asset sa ibinigay na panahon na tinitimbang ng
volume.
Nagiging partikular na makapangyarihang indicator ang VWAP dahil sa kung paano nito ginagamit ang volume sa kalkulasyon ng average na presyo. Iniisip ng ibang mga trader na ang
volume ang pinaka mahalagang sukatan – bukod sa mismong price action. Nagiging kapaki-pakinabang na kasangkapan ang VWAP para sa parehong mga analyst at mga trader dahil sa pinagsasama nito ang dalawang mahalagang sukatan sa iisang indicator.
Maaaring magbigay ang VWAP ng indikasyon ng nangingibabaw na market trend, ganun din ang mga mahalagang lugar ng
liquidity.
Sa karamihan sa mga trading interface, maaari kang pumili lang ng indicator, at ang mga kalkulasyon na ito ay gagawin na para sa iyo. Ganunpaman, makatutulong kung alam mo ang formula sa likod nito para magamit mo ito nang mas mahusay. Kaya paano nga ba kinakalkula ang VWAP?
Para kalkulahin ang VWAP, kailangan natin i-add ang traded value para sa bawat transaksyon (presyo na nakamultiply sa volume), at i-divide ito gamit ang kabuuang volume.
VWAP = ∑ (Typical Price * Volume ) / ∑ Volume
kung saan
Typical Price = High + Low + Close / 3
Kalkulahin natin ang 5 minutong VWAP line para sa isang asset. Ito ang dapat nating gawin:
- Una, dapat nating kalkulahin ang typical price para sa unang 5 minutong candlestick. Dapat i-add ang High, Low, Close, at i-divide ito gamit ang 3.
- I-multiply natin ang typical price sa volume sa period na iyon (sa kasong ito, 5 minuto). Tawagin natin itong value n1, dahil kaugnay niyo ang unang sinukat na period.
- Ididivide natin ang n1 gamit ang kabuuang trading volume hanggang sa period na iyo. Makukuha natin dito ang VWAP value para sa unag limang minuto ng trading.
- Para kalkulahin ang magkakasunos na VWAP values, kailangan nating ipagpatuloy ang pag-add ng bagong n values (n2, n3, n4…) mula sa bawat period hanggang sa mga nakaraang value. Pagkatapos, kailangan natin i-divide ito gamit ang kabuuang volume hanggang sa puntong iyon.
Ngayon, naiintindihan na natin kung bakit tinatawag na cumulative indicator ang VWAP, dahil ang mga value ay nadaragdagan ng magkakasunod na additions.
Para sa mga interesado sa mas
passive, mas long-term na istilo ng investment, maaaring gamitin ang VWAP bilang batayan sa kasalukuyang pananaw sa merkado. Maaaring isang simpleng istratehiya ang pagbili ng assets na mas mababa sa kanilang VWAP line, indikasyon na sila ay potensyal na undervalued.
Dahil dito, maaaring gamitin ng ibang mga trader ang presyong tumatawid sa VWAP line bilang sinyales para pumasok sa isang trade. Kapag ang presyo ay umabot dito at lumagpas sa VWAP, maaari silang pumasok sa isang long na posisyon. Kasalungat naman nito, kung ang presyo ay umabot dito at bumaba sa VWAP, maaari silang pumasok sa isang long na posisyon.
Sa ganitong konteksto, ang VWAP ay maaaring gamitin tulad sa
moving averages. Kapag ang presyo ay nasa itaas ng VWAP line, ang market ay maaaring ituring na bullish. Ganun din kung ito ay nasa baba ng technical pattern at dapat maingat na tratuhin.
Maaari ring magamit ang VWAP para tukuyin ang mga lugar ng
liquidity. Kapaki-pakinabang ito lalo na sa mga institusyunal na trader na pinag-iisipan ang pagpasok ng malalaking mga order. Tinutulungan sila ng mga indicator na ito na tukuyin ang ideyal na entry at exit points para sa mga malalaking trade, na maaaring magpababa sa epekto ng merkado.
Maaari ring magamit ang VWAP para sukatin ang kahusayan ng trade execution. Sa konteksyong ito, isinasagawa ang buy orders sa ibaba ng VWAP na maaaring ituring na good fills, dahil isinasagawa sila sa itaas ng average na presyo ng asset na tinitimbang ng volume.
Ang katotohanang may ilang mga malalaking trader na bumibili sa ibaba ng VWAP at nagbebenta sa taas nito ay maaaring mag-alok ng ibang benepisyo sa merkado. Ang mga aksyong ito ay
nagtutulak sa presyo palapit sa average sa parehong kaso. Tinitiyak nito na ang mga malaking trader ay hindi nagtutulak ng presyo palayo sa average gamit ang kanilang mga aksyon. Tandaan na nagte-trade ang mga
whale ng malalaki, at maaari silang magkaroon ng malaking epekto sa mga merkado kung hindi.
Pinag-iisipang magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!
Higit na may pakinabang ang VWAP bilang isang single-day indicator. Ang tangkang pagbuo ng VWAP sa ilang mga araw ay maaaring mangahalugang distorted ang average. Dahil dito, pinaka mainam ang VWAP sa intraday analysis, isang pagsusuri na isinasaalang-alang ang hindi hihigit sa isang araw na trading.
Tulad ng
moving averages, ang VWAP ay isang
lagging indicator, dahil base ito sa nakaraang datos ng presyo. Tulad sa moving average, mas maraming data, mas malaki ang lag. Dahil dito, ang 20 minutong VWAP ay mas mabilis na tutugon sa kasalukuyang paggalaw sa presyo kaysa sa 200 minutong VWAP.
Mahalagang tandaan na dahil base ito sa nakaraang datos ng presyo, walang predictive na katangian ang VWAP.
Bagamat ang VWAP ay makapangyarihang indicator na ginagamit ng maraming traders, hindi lamang dapat dito ibase ang interpretasyon. Halimbawa, tinalakay natin na ang asset ay maaaring ituring na undervalued kapag ang presyo ay nasa baba ng VWAP line. Ganunpaman, sa isang malakas na
uptrend, ang presyo ay maaaring hindi bumaba sa VWAP sa mahabang panahon.
Dahil dito, ang mga trader na naghihintay sa partikular na sinyales na ito ay maaaring maiwan sa tabi at mapaglagpas ang potensyal na oportunidad. Hindi naman katapusan ng mundo ang mapalagpas ang isang trade. Kung ang istratehiya sa entry ng trader ay nagdidikta ng partikular na kaganapan, at hindi nangyari ang kaganapan iyon, hindi dapat sila pumasok sa isang trade. Ganunpaman, kung ang kanilang istratehiya ay masusing pinag-isipan ang patuloy sila sumusunod dito, magiging maganda ang resulta nito sa pangmatagalan. Anuman ang istratehiya, mahalagang maintindihan ang
pangangasiwa sa panganib.
Ang VWAP ay isang indicator na nagsasabi sa trader kung ano ang average na presyo ng isang asset sa ibinigay na panahon, kaugnay ng volume.
Maaaring gamitin ng ibang trader ang VWAP para pumasok at lumabas sa mga posisyon base sa
pag-cross nito sa presyo. Partikular na kapaki-pakinabang ito sa pagtukoy sa potensyal na entry at exit points sa mga malaking trade.
Ang VWAP ay isang
lagging indicator, ibig sabihin ay wala itong predictive na katangian para sa presyo. Iginigiit ng ibang trader na pinakamainam ito kapag ginagamit sa intraday analysis. Tulad sa ibang mga kasangkapan sa pagsusuri ng merkado, hindi dapat nakabase ang interpretasyon sa VWAP lamang at pinakamainam kung isinasama ito sa ibang mga technique.