Gabay Para sa Mga Nagsisimula at Gustong Kumita ng Passive Income na Crypto
Home
Mga Artikulo
Gabay Para sa Mga Nagsisimula at Gustong Kumita ng Passive Income na Crypto

Gabay Para sa Mga Nagsisimula at Gustong Kumita ng Passive Income na Crypto

Baguhan
Na-publish Jan 1, 2020Na-update Dec 28, 2022
8m

Ano ang passive income?

Ang pag-trade o pag-invest sa mga proyekto ay isang paraan para gumawa ng pera sa industriya ng blockchain. Ganunpaman, karaniwang nangangailangan ito ng detalyadong research at malaking puhunan ng oras – ngunit hindi pa rin nito tinitiyak ang isang maaasahang pagkukunan ng kita. 

Maging ang mga magaling na mga namumuhunan ay maaaring makaranas ng mahabang yugto ng pagkatalo, at isa sa mga paraan para malagpasan ito ay ang pagkakaroon ng alternatibong mapagkakakitaan.

May ibang mga paraan bukod sa trading at pamumuhunan na maaaring makatulong sa pagpapataas ng iyong cryptocurrency holdings. Maaari nitong bayaran ang umiiral na income katulad ng sa pagkita ng interes, ngunit nangangailangan lamang ng maliit na pagsisikap para itayo at maliit o walang kapagod-pagod na panatilihin.

Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng iba’t ibang pinagkukunan ng kita, na kapag isinama sa iba pa, maaaring maging katumbas ng napakalaking halaga.

Tatalakayin ng artikulong ito ang ilan sa mga paraan para kumita ng passive income sa crypto.


Ano ang mga paraan para kumita ng passive income sa crypto?

Mining

Nangangahulugan ang mining ng paggamit ng computing power para tiyakin ang seguridad ng isang network para makatanggap ng gantimpala. Bagamat hindi ka nito kakailanganing magkaroon ng cryptocurrency holdings, ito ang pinakalumang paraan para kumita ng passive income sa mundo ng cryptocurrency.
Sa mga unang araw ng Bitcoin, ang mining sa pang-araw araw na Central Processing Unit (CPU) ay isang magandang solusyon. Sa pagtaas ng hash rate ng network, karamihan sa mga miner ay lumpiat sa paggamit ng mas makapangyarihang Graphics Processing Units (GPU). Sa lalo namang paghigpit ng kompetisyon, halos naging ekslusibo na ito sa Application-Specific Integrated Circuits (ASICs) - electronics na gumagamit ng mining chips na sinadyang buuin para sa partikular na gamit.
Masyadong mahigpit ang kompetisyon sa industriya ng ASIC at naghahari dito ang mga korporasyon na may malaking mapagkukunan para magpakilos sa pananaliksik at pag-unlad. Oras na dumading ang mga chip na ito sa retail market, malaki ang posibilidad na nalipasan na ng panahon ang mga ito at nangangailan ng maraming oras ng mining para umabot sa break-even.

Dahil dito, naging negosyong pangkorporasyon ang Bitcoin mining kaysa isang magandang mapagkukunan ng passive income para sa karaniwang indibidwal.

Sa kabilang banda, ang mining sa may mas mababang hash rate na Proof of Work ay maaring maging magandang sapalaran para sa iba. Sa mga network na ito, mabisa pa rin ang paggamit ng mga GPU. Ang mining ng mga hindi gaanong kilalang coin ay may kaakibat na mas mataas na potensyal na gantimpala, ngunit may kasama ring mas mataas na panganib. Ang mga na-mine na coin ay maaaring mawalan ng halaga kinabukasan, may dalang kaunting liquidity, makaranas ng bug, o makita ang sarili na hinahadlangan ng maraming dahilan.

Makabubuting tandaan na ang pagtatayo at pagpapanatili ng mining equipment ay nangangailangan ng inisyal na puhunan at pagiging dalubhasa sa teknikal na aspeto. 


Staking

Ang staking ay isang alternatibo sa mining na mas kaunti ang kinakailangang pagkukunan. Kadalasang may kinalaman ito sa pagtatago ng pondo sa isang naaangkop na wallet at pagsasagawa ng iba’t ibang network functions (tulad ng pag-validate ng mga transaksyon) para makatanggap ng gantimpala sa staking. Ang stake (ibig sabihin ay ang token holding) ay nagbibigay ng insentibo sa pagpapanatili ng seguridad ng network sa pamamagitan ng pagmamay-ari.
Gumagamit ang mga staking network ng Proof of Stake bilang kanilang consensus algorithm. May iba ring mga bersyon ito, tulad ng Delegated Proof of Stake o Leased Proof of Stake.
Kadalasan, may kinalaman ang staking sa pagtatayo ng staking wallet at ang simpleng paghawak lamang sa mga coin. Sa ibang mga kaso, kabilang sa proseso ang pagdadagdag o pagtatalaga ng pondo sa isang staking pool. Gagawin na ito ng ibang mga exchanger para sayo. Ang dapat mo lamang gawin ay itago ang mga token sa exchange at ang lahat ng teknikal na kinakailangan ay kanila nang aayusin.

Maaaring maging mahusay na paraan ang staking para palaguhin ang iyong cryptocurrency holdings nang hindi gaanong napapagod. Ganunpaman, gumagamit ang ibang staking na proyekto ng mga taktika na sinasadyang palobohin ang inaasahang rate ng kita sa staking. Mahalagang masuri ang mga model ng token economics dahil maaari nilang epektibong mapigilan ang mga mapanghikayat na projection ng gantimpala sa staking. 

Ang Binance Staking ay sumusuporta sa iba’t ibang mga coin kung saan ka kikita ng gantimpala sa staking. Ideposito lamang ang iyong coins sa Binance at sundan ang gabay para makapagsimula.


Lending

Ang lending ay isang ganap na passive na paran para kumita ng interes ang iyong cryptocurrency holdings. Maraming plataporma ng peer-to-peer (P2P) na pagpapautang na nagpapahintulot sayo para itago ang iyong mga pondo sa loob ng partikular na haba ng panahon para kalaunan ay makakolekta ng bayad sa interes. Ang interest rate ay maaaring nakapako na (itinakda ng plataporma) o itinakda mo base sa kasalukuyang market rate.

Ang ibang mga exchange na may marging trading ay may ganitong katangian na likas na nakaimplementa sa kanilang plataporma.

Ang paraang ito ay nababagay para sa mga long-term holder na gustong pataasin ang kanilang holdings nang hindi gaanong napapagod. Mahalagang tandaan na ang pagtatago ng pondo sa isang smart contract ay laging may dalang panganib ng mga bug.

Iniaalok ng Binance Lending ang ilang pagpipilian kung saan ka kikita ng interes sa iyong holdings.

 

Pagpapatakbo ng Lighting node

Ang Lightning Network ay isang second-layer na protocol na tumatakbo sa itaas ng isang blockchain tulad ng Bitcoin. Isa itong off-chain na micropayment network na nangangahulugang maaari itong gamit para sa mga mabilis na transaksyon na hindi kinakailangang agad mailipat sa underlying na blockchain.

Ang mga tipikal na transaksyon sa Bitcoin network ay one-directional, ibig sabihin na kapag nagpadala si Alice ng bitcoin kay Bob, hindi na magagamit ni Bob ang parehong payment channel para ipadala ang coin na iyon pabalik kay Alice. Ganunpaman, ang Lightning Network ay gumagamit ng bidirectional na mga channel na nangangailangan sa dalawang kalahok na sumang-ayon sa mga nakasaan sa transaksyon bago ang lahat.

Ang mga lightning node ay nagbibigay ng liquidity at nagpapataas ng kapasidad ng Lightning Network sa pamamagitan ng pagtatago ng bitcoin sa mga payment channel. Kokolektahin nila ngayon ang mga singil sa mga bayad na tumatakbo sa kanilang mga channel.

Ang pagpapatakbo ng Lightning node ay maaaring maging hamon para sa mga bitcoin holder na hindi gaanong teknikal, at ang mga gantimpala ay nakadepende sa pangkalahatang pagtangkilik sa Lightning Network.


Mga affiliate program

Ang ibang mga crypto na negosyo ay bibigyan ka ng gantimpala sa pagpasok ng mga bagong user sa kanilang plataporma. Kabilang dito ang mga affiliate links, mga referral, o ibang mga diskwento na iniaalok sa mga bagong user na ipinakilala sa platform sa tulong mo.

Kapag mayroon kang malaking following sa social media, ang mga affiliate programs ay mahusay na paraan para sa kumita nang karagdagan. Ganunpaman, para maiwasan ang pagkalat ng impormasyon tungkol sa mga proyektong may mababang kalidad, laging dapat nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa serbisyo bago ang lahat.

Kung ikaw ay interesadong kumita ng passive income sa Binance, sumali sa Binance Affiliate Program at kumuha ng gantimpala kapag ipinakilala mo ang mundo sa Binance!


Mga masternode

Sa madaling salita, ang masternode ay pareho sa isang server ngunit ito ay tumatakbo sa isang decentralized na network at may functionality na wala ang ibang mga node sa network.

Ang mga token project ay kadalasang nagbibigay lamang ng mga espesyal na pribilehiyo sa mga taong may mataas na insentibo sa pagpapanatili ng katatagan ng network. Kadalasang nangangailangan ang mga masternode ng malaking agarang puhunan at ng pagiging lubhang dalubhasa sa teknikal na aspeto para makapagsimula.

Ganunpaman, para sa ibang mga masternode, nagiging masyadong mataas ang pangangailangan ng token holding kaya epektibo nitong ginagawang illiquid ang stake. Ang mga proyektong may masternode ay kadalasang ding pinapalobo ang inaasang rate ng kita, kaya’t laging mahalagang isaisip ang Do Your Own Research (DYOR) bago mamuhunan dito.


Mga fork at airdrop

Ang pagsamantala sa isang hard fork ay isang tapat na taktika sa mga investor. Nangangailangan lamang ito ng paghawak sa mga coin sa petsa ng hard fork (kadalasang itinatakda ng block height). Kapag may dalawa o higit pang chain na naglalaban sa fork, ang holder ay magkakaroon ng token balance sa bawat isa.
Ang mga airdrop ay pareho sa mga fork, dahil nangangailangan lamang sila ng pagmamay-ari sa isang wallet address at oras ng airdrop. Ang ibang mga exchange ay ginagawa na ang airdrop para sa mga user. Tandaan na ang pagtanggap sa isang airdrop ay hindi kailanman nangangailangan ng pagbahagi ng private keys - isang kondisyon na malinaw na indikasyon ng isang scam.


Mga platform sa paglikha ng content na naka-base sa blockchain

Ang pagdating ng mga teknolohiya ng distributed ledger ang nagpasimula sa maraming uri ng plataporma para sa content. Nagbigay-daan ito sa mga content creator na gumawa ng pera mula sa kanilang mga content sa iba’t ibang natatanging paraan at hindi kasama rito ang panghihimasok ng mga ad.

Sa ganitong sistema, pinapanatili ng mga content creator ang pagmamay-ari sa kanilang mga nilikha at kung minsan ay nakakagawa ng pera mula sa atensyon. Maaari itong mangailangan ng mabigat na trabaho sa umpisa ngunit makapagbibigay ng tuloy-tuloy na mapagkukunan ng kita kapag may sapat na backlog ng content nang naihanda. 


Ano ang mga panganib sa pagkita ng passive income sa crypto?

  • Pagbili ng asset na may mababang kalidad: Ang mga sinadyang palobohin o mapanlinlang na rate ng kita ay maaaring umakit sa mga investor sa pagbili ng asset na may maliit lamang na halaga. Gumagamit ang ibang staking network ng multi-token na sistema kung saan ang mga gantimpala ay ibinibigay gamit ang ibang klase ng token, na gumagawa ng patuloy na sell pressure para sa gantimpalang token.
  • Pagkakamali ng user: Dahil bago pa lamang ang industriya ng blockchain, ag pagtatayo at pagpapanatili ng ganitong mga mapagkukunan ng kita ay nangangailangan ng pagiging dalubhasa sa teknikal na aspeto ay ng mapanuring pag-iisip. Para sa ibang mga holder, maaaring pinakamainam na maghintay hanggang sa maging madaling gamitin ang mga serbisyong ito, o gumamit lamang ng mga hindi gaanong nangangailangan ng teknikal na kaalaman.
  • Haba ng pagtatago ng pera: Ang ibang mga paraan ng pagpapautang o staking ay kakailanganin kang itago ang iyong mga pondo sa mga itinakdang panahon. Ginagawa nitong pansamantalang illiquid ang iyong holdings sa mga panahong iyon, na nagreresulta sa posibleng kahinaan sakaling magkaroon ng kaganapan na may negatibong epekto sa presyo ng iyong asset. 
  • Panganib ng mga bug: Ang pagtatago ng iyong mga token sa isang staking wallet o sa isang smart contract ay laging may dalang panganib ng mga bug. Karaniwan na may mga pagpipilian na may magkakaibang antas ng kalidad. Mahalagang magsaliksik tungkol sa mga pagpipiliang ito bago pumasok sa isa. Maaring magandang simula ang open-source na software, dahil ang mga ito ay hindi gaanong kinikilatis ng komunidad.


Pangwakas na ideya

Patuloy na lumalago at nagiging kilala ang mga paraan para makalikga ng passive income sa industriya ng blockchain. Ang mga negosyong blockchain ay tinatangkilik na rin ang ganitong mga paraan, kung saan nag-aalok ng mga serbisyong karaniwang tinatawag na generalized mining.

Habang lalong nagiging maaasahan at ligtas ang mga produkto, maaaring maging mabisang pagpipilian ang mga ito para sa matatag na mapagkukunan ng kita.