TL;DR
Ang Synthetix ay isang protocol ng DeFi para sa mga sintetikong crypto asset. Mula sa iniwan ng bear market noong 2018 kasama ng
Maker,
Compound, Uniswap, at ilan pang iba, nagbigay-daan ito para maging pangunahing sektor sa larangan ng cryptocurrency ang desentralisadong pananalapi.
Nagsimula ang Synthetix bilang proyekto ng stablecoin na tinatawag na Havven, bago ito nagkaroon ng malaking pagbabago noong crypto bear market para maging protocol para sa mga sintetikong asset. Pinasimulan ng komunidad sa likod ng Synthetix ang marami sa mga mekanismong itinuturing na ngayong pamantayan sa larangan ng DeFi.
Dahil nagpapatuloy ito bilang isa sa mga pangunahing piyesa sa pagbuo ng DeFi sa Ethereum, at malapit na itong ilunsad sa isang layer 2 na solusyon sa pag-scale, malamang na manatili ang Synthetix bilang pangunahing bahagi ng DeFi sa nalalapit na hinaharap.
Ang Synthetix ay isang protocol ng sintetikong asset na nagbibigay-daan sa pag-isyu ng mga sintetikong asset sa Ethereum. Puwede mong ituring na isang uri ng derivative na produkto ang sintetikong asset. Nagbibigay ito sa iyo ng paraan para magkaroon ng exposure sa isang asset nang hindi kinakailangang magmay-ari nito.
Pero ano ang puwedeng maging sintetikong asset, o “Synth”? Halos kahit anong may maaasahang feed ng presyo. Ilang halimbawa ang mga cryptocurrency tulad ng BTC o ETH, mga commodity tulad ng ginto at pilak, at mga fiat currency tulad ng USD. Mayroon ding mga inverse Synth na sumusubaybay sa inverse ng pinagbabatayang asset, na nagbibigay sa mga trader ng madaling paraan para magkaroon ng maikling exposure o makapag-hedge ng mga dati nang hawak at posisyon sa
pag-farm ng yield.
Ang ideya ay sa pamamagitan ng paggamit ng Synthetix, puwedeng magkaroon ng exposure ang mga trader sa ilang partikular na asset na wala on-chain. Nagbibigay-daan din ang Synthetix sa paggawa ng mga index tulad ng index ng DeFi, na sumusubaybay sa presyo ng basket ng maraming DeFi asset.
Gumagamit ang Mga Synth ng
mga oracle ng desentralisadong presyo para subaybayan ang mga presyo ng mga pinagbabatayang asset. Mahalagang tandaan na iba ang Synth sa cryptocurrency na sinusuportahan ng isang reserba, tulad ng
stablecoin. Sa halip na mas nakasanayang reserba, ang nagbibigay ng halaga sa Synth ay iba't ibang kumplikadong on-chain na mekanismo at smart contract.
Halimbawa, ang
BUSD ay isang stablecoin kung saan kumakatawan ang bawat BUSD sa 1 USD sa reserba. Gayundin, ang Paxos’ Pax Gold (PAXG) ay sinusuportahan ng mga pisikal na gold bar. Kung nagmamay-ari ka ng PAXG, para kang nagmamay-ari ng katumbas na halaga sa pinagbabatayang reserbang ginto. Sa madaling salita, ang PAXG ay isang token na kumakatawan sa pagmamay-ari ng ginto.
Iba ang Mga Synth. Sinusubaybayan ng mga ito ang presyo ng mga asset sa pamamagitan ng kumplikadong mekanismo ng mga smart contract. Kung nagmamay-ari ka ng sXAU, hindi nito ibig sabihin na nagmamay-ari ka ng anumang pinagbabatayang ginto. Ibig sabihin lang nito, may exposure ka sa presyo ng ginto.
Bakit mo gugustuhing humawak ng ganitong asset? Gaya ng nabanggit namin kanina, isa itong magandang paraan para magkaroon ng exposure sa presyo ng isang asset nang hindi kinakailangang magmay-ari talaga nito. Kaya rin kapaki-pakinabang ang Mga Synth ay dahil ito ay mga ERC-20 token sa Ethereum, madaling magagamit ang mga ito ng iba pang produkto ng DeFi. Puwedeng ideposito ang Mga Synth sa mga lugar tulad ng
Uniswap,
Sushi, o
Curve, at puwede kang magbigay ng
liquidity at kumita ng bayarin sa pag-trade tulad na lang sa iba pang ERC-20 token.
Synthetix Network Token (SNX)
Kung hindi sinusuportahan ang mga ito ng pinagbabatayang asset, ano pala ang ginagamit ng mga ito bilang collateral? Ang pangunahing ginagamit na collateral ng mga ito ay ang token ng platform – ang SNX. Mas kamakailan pa, idinagdag din ng Synthetix ang
ETH bilang sinusuportahang collateral.
Gumagana ang Synthetix sa pamamagitan ng overcollateralization – ibig sabihin, ang ginagamit na collateral ng bawat sintetikong asset ay may mas malaking halaga kaysa sa kinakatawan nito.
Ang Mga Synth ay ginagawa ng mga user na nagse-stake ng collateral (SNX) at nagmi-mint ng sintetikong asset laban dito. Sa madaling salita, ang bawat Synth ay utang laban sa na-post na collateral.
Bawat posisyon ng utang ay kailangang magpanatili ng partikular na ratio ng paggamit ng collateral. Tinutukoy ng pamamahala ang ratio na ito. Layunin nitong siguraduhin na sapat ang ginagamit na collateral ng Mga Synth at walang kakulangan sa system kahit sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari gaya ng matinding
pagbagsak ng merkado.
Kailangang manu-manong pamahalaan ng mga staker ang ratio na ito sa pamamagitan ng pag-mint at pag-burn ng Mga Synth (utang) o pagdaragdag ng higit pang collateral para matiyak na patuloy na makakakuha ang mga ito ng mga reward sa pag-stake.
Walang hanggang liquidity at walang slippage
Mina-market ng Synthetix ang sarili nito bilang palitang may “walang hanggang liquidity” dahil walang order book o
slippage ayon sa nakagawian. Sa halip, tinutukoy ang pagpepresyo ng isang mekanismo ng algorithm, na mas kapareho ang paggana sa
automated market maker (AMM) kaysa sa central limit order book (CLOB).
Sa pangkalahatan, kapag nag-trade ka sa Synthetix, hindi ka magte-trade laban sa isang indibidwal o market maker. Sa halip, babayaran mo ang isang bahagi ng iyong utang mula sa pool ng utang at hihiramin mo ang parehong halaga ng utang sa ibang Synth.
Isa itong kumplikadong mekanismo na maraming maliliit na pagkakaiba, pero ang mahalagang maunawaan, ang pag-trade sa Synthetix ay hindi katulad ng pag-trade sa order book ng Binance o sa
mga liquidity pool ng Uniswap.
Bakit hindi pa nao-onboard sa palitan ng Synthetix ang buong NASDAQ? Ang bayarin at mga garantiya sa pagpapatupad sa mainnet ng Ethereum ay hindi naaangkop sa karamihan ng mga trader at istilo ng pag-trade. Ito ang dahilan kaya ide-deploy ang mga kontrata ng Synthetix sa isang
layer 2 na solusyong tinatawag na
optimistic rollup – sa partikular, isang pagpapatupad nito ng kumpanyang Optimism.
Ang mga rollup ay napakahusay na paraan para i-scale ang mga blockchain. Hindi tulad ng iba pang solusyon sa pag-scale gaya ng
mga sidechain, na responsable para sa sariling seguridad ng mga ito gamit ang natatanging hanay ng validator, nakakakuha ng seguridad ang mga rollup mula sa blockchain ng Ethereum. Isa itong mahalagang pagkakaiba. Puwedeng makuha ng mga rollup ang mga benepisyo ng pag-scale na nakukuha rin ng mga sidechain (hal., mas mataas na throughput ng transaksyon at mas mababang bayarin sa transaksyon), nang hindi masyadong nakokompromiso ang seguridad.
Gayunpaman, isa ang mga kontrata ng Synthetix sa mga mas kumplikadong smart contract na mayroon. Hindi madaling i-port ang mga ito sa ganitong makabagong teknolohiya sa pinaka-secure na paraang posible. Matagal-tagal nang nakikipagtulungan ang Optimism sa Synthetix nang hindi gaanong napapansin, at inaasahang mangyari ang pag-deploy sa
mainnet sa tag-init ng 2021.
Ang Synthetix ay isang protocol ng sintetikong asset sa Ethereum. Sinusubaybayan ng Mga Synth ang presyo ng isang pinagbabatayang asset nang hindi kinakailangang maging pagmamay-ari ng mga user ang mismong asset. Ang Synthetix ay isa sa mga pinakalumang proyekto ng DeFi na may desentralisadong istruktura ng pamamahala sa pamamagitan ng SynthetixDAO. Bagama't hindi ito ang pinakamadaling maintindihang proyekto, posibleng dumami ang gumagamit sa Synthetix habang dine-deploy ito sa pagpapatupad ng rollup ng Optimism.