Ano ang Compound Finance sa DeFi?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Compound Finance sa DeFi?

Ano ang Compound Finance sa DeFi?

Intermediya
Na-publish Sep 7, 2020Na-update May 19, 2022
5m

TL;DR

Ang Compound Finance ay isang lugar kung saan ka makakapagpahiram o makakahiram ng cryptocurrencies. Ang kailangan mo lamang ay isang Ethereum wallet, pondo, at maaari ka nang agad manghiram o kumita ng interes.

Madali lamang ang pagsupply ng assets sa Compound, at ang iyong mga pondo ay hindi kailanman hahawakan ng third party. Interesado kung paano gumagana ang Compound? Magbasa pa tayo.


Panimula

Wala nang idadali pa ang paghiram at pagpapahiram sa Decentralized Finance (DeFi). Ang Compound Finance ay isa sa mga nangungunang protocol para sa pagpapautang at pangungutang ng crypto sa mundo ng DeFi. Maaaring sabihin na ang Compound ay isang savings account kung saan ka kikita ng interes nang hindi ipinagkakatiwala sa third party ang iyong mga pondo. 
Walang aberya ang karanasan ng mga user, at ang protocol ay matagal na ring sinubok. Dagdag pa rito, maraming yield farmersang gumagamit ng Compound para manghiram ng assets at i-supply ito sa ibang DeFi protocols.

Ngunit paano gumagana ang Compound Finance? Alamin natin.


Ano ang Compound Finance?

Ang Compound Finance ay isang DeFi lending protocol. Sa mas teknikal na termino, isa itong algorithmic money market protocol. Maaari mo itong isipin bilang isang bukas na pamilihan para sa pera. Pinahihintulutan nito ang mga user na magdepositio ng cryptocurrencies at kumita ng interes, o humiram ng ibang cryptoassets laban sa kanila. Gumagamit ito ng smart contracts na ginagawang awtomatiko ang pagtatago at pangangasiwa ng kapital na idinagdag sa plataporma. 
Sinumang user ay maaaring kumonekta sa Compound at kumita ng interes gamit ang Web 3.0 wallet tulad ng Metamask. Ito ang dahilan kung bakit isang permissionless protocol ang Compound. Nangangahulugan ito na ang sinumang may crypto wallet at Internet connection ay malayang magkaroon ng interaksyon dito.

Bakit kapaki-pakinabang ang Compound? Hindi kailangang magnegosasyon ng mga supplier at nanghihiram na tulad ng ginagawa sa tradisyunal na kalagayan. Ang parehong panig ay may direktang interaksyon sa protocol na siyang nangangasiwa ng mga collateral at interest rate. Walang counterparty na naghahawak ng pondo dahil ang mga asset ay itinatago sa smart contracts na tinatawag na liquidity pools.

Ang interest rates para sa pag-supply at paghiram sa Compound ay inaayos sa algorithmic na paraan. Ibig sabihin nito ay awtomatiko itong inaayos ng Compound protocol base sa supply at demand. Dagdag pa rito, ang mga may hawak ng COMP token ay may kapangyarihan din na mag-ayos ng interest rates.


Paano gumagana ang Compound Finance?

Ang mga posisyon (supplied na asset) sa Compound ay sinusubaybayan sa pamamagitan ng tokens na tinatawag na cTokens, ang orihinal na token ng Compound. Ang mga cToken ay ERC-20 tokens na kumakatawan ng mga claim sa isang bahagi ng asset pool sa Compound. 

Halimbawa, kung nagdeposito ka ng ETH sa Compound, ito ay nagiging cETH. Kung nagdeposito ka ng stablecoin DAI, ito ay nagiging cDAI. Kung nagdeposito ka ng magkakaibang coins, ang bawat isa sa kanila ay kikita ng interes base sa kanilang indibidwal na interest rates. Sa ibang salita, ang cDAI ay kikita ng cDAI interest rate, at ang cETH ang kikita ng cETH interest rate.

Maaaring makuha ang cTokens para sa bahagi ng pool na kanilang kinakatawan, na siyang dahilan ng pagiging available ng supplied assets sa nakakonektang wallet. Habang kumikita ng interes (dumadami ang humihiram) ang money market, kumikita ng interes ang cTokens at nagiging convertible sa mga underlying asset. Ibig sabihin lamang nito na ang pagkita ng interes sa Compound ay ang simpleng paghahawak lamang ng ERC-20 token.

Nagsisimula ang proseso sa pagkonekta ng mga user sa kanilang Web 3.0 enabled wallet, tulad ng Metamask. Maaari silang pumili ng anumang asset para ma-unlock para magkaroon ng interaksyon dito. Kung na-unlock ang isang asset, maaari na itong hiramin o ipahiram ng mga users.

Diretsahan ang pagpapautang. I-unlock ang asset kung saan mo gustong magsupply ng liquidity, at mag-sign sa isang transaksyon sa pamamagitan ng iyong wallet para magsimulang magsupply ng kapital. Ang mga asset na ito ay agad idinadagdag sa pool, at nagsisimulang kumita ng interes. Dito ikino-convert ang mga asset para maging cTokens. 

Medyo mas komplikado naman ang paghiram. Una, magdedeposito ng pondo (collateral) ang user para takpan ang loan. Kapalit nito, kikita sila ng "Borrowing Power," na kinakailangan para makahiram sa Compound. Ang bawat asset na mayroon sa supply ay magbibigay ng ibang halaga ng Borrowing Power. Maaari ngayong humiram ang mga user ayon sa kung gaano karaming Borrowing Power ang mayroon sila. 

Pareho sa marami pang ibang DeFi projects, gumagamit ang Compound ng konsepto ng overcollateralization. Ibig sabihin nito ay ang mga humihiram ay dapat magsupply ng mas malaking halaga kaysa sa hinihiling nilang mahirap para maiwasan ang liquidation.
Mahalagang tandaan na ang bawat asset ay may natatanging borrow at supply Annual Percentage Rate (APR). Dahil ang borrow at supply rate ay inaayos base sa supply at demand, ang bawat asset ay magkakaroon ng katangi-tanging interest rate para sa parehong pagpapautang at pangungutang.


Anong mga asset ang sinusuportahan ng Compound Finance?

Ngayong 01/09/2020, kabilang sa mga asset para sa pagpapautang at pangungutang na sinusuportahan sa Compound ay ang mga sumusunod:

Ang mga karagdagang token ay posibleng maidagdag sa hinaharap.


Paano gumagana ang pamamahala ng Compound?

Nagsimula ang Compound bilang isang kompanyang itinatag ni Robert Leshner at pinondohan ng mga venture capitalist. Ganunpaman, ang pamamahala ng Compound Finance ay unti-unting ginagawang decentralized dahil sa COMP token. Ang mga token ay nagbibigay sa mga may-hawak ng token ng karapatan sa paniningil at karapatan sa pamamahala sa protocol. 

Dahil dito, ang mga token holder ay maaaring gumawa ng pagbabago sa protocol sa pamamagitan ng improvement proposals at on-chain voting. Ang bawat token ay kumakatawan sa isang boto, at maaaring bumoto ang mga may-hawak ng token sa mga proposal gamit ang kanilang token holdings. Sa hinaharap, maaaring ang protocol ay ganap na pangasiwaan na ng mga may-hawak ng COMP token.

Ano ang mga isyung kadalasang pinagbinobotohan ng mga may-hawak ng COMP?

  • Ano ang mga ililistang cToken Market.
  • Ang interest rates at kinakailangan collateralization sa bawat asset.
  • Anong blockchain oracle ang dapat gamitin.



Mga kahinaan at kalakasan ng Compound Finance

Para saan ginagamit ng mga user ang Compound? Ang pagkita ng interes ay isang simpleng use case at madali itong gamitin ng mga nagsisimula pa lamang. Ngunit maaari ring magandang paraan ang Compound para sa mga mas may kasanayang trader para pataasin ang leverage sa isang posisyon. 

Halimbawa, sabihin natin ang isang trader ay long ETH, at isu-supply nila ang ETH na ito sa Compound protocol. Pagkatapos, hihiram sila ng USDT laban sa ETH na ibinigay nila at bumili pa ng ETH gamit ito. Kapag tumaas ang presyo ng ETH at ang kita ay mas mataas sa binabayarang interes sa paghiram, sila ay kikita.

Ganunpaman, dinadagdagan din nito ang panganib. Kapag bumaba ang presyo ng ETH, dapat pa rin nilang ibalik ang perang hiniram dagdag pa ang interes. Ang ang ETH na ipinresenta nila bilang collateral ay maaaring ma-liquidate.

Ano ang iba pang mga panganib? Ang Compound ay sinuri na ng maraming firm tulad ng Trail of Bits at OpenZeppelin. Bagamat ang mga auditing firm na ito ay may reputasyon na sa pangkalahatan, ang mga bug at kahinaan ay maaaring magdulot ng hindi inaasahang problema, at bahagi ang mga ito ng anumang software.

Dapat ay maingat mong isaalang-alang ang mga panganib bago magpadala ng mga pondo sa isang smart contract. Ngunit anuman ang uri ng pinansyal na produkto, hindi ka dapat magsugal ng pondong higit sa kaya mong mawala.


Pangwakas na ideya

Ang Compound ay isa sa mga pinakakilalang solusyon sa pagpapautang at pangungutang sa DeFi. Habang isinasama ng maraming ibang produkto ang kanilang smart contracts sa kanilang mga application, ang Compound ay isang mahalagang piraso ng mundo ng DeFi. 

Oras na naging ganap na decentralized ang pamamahala. Maaaring mapalakas ng Compound ang kinatatayuan nito sa DeFi bilang isa sa mga nasa sentro ng money market protocols.

May mga tanong pa tungkol sa Compound Finance at DeFi? Tingnan ang aming Q&A na plataporma, ang Ask Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.