Paliwanag tungkol sa mga crypto wallet
Nakabatay sa software ang karamihan ng mga provider ng crypto wallet, kaya mas maginhawang gamitin ang mga ito kaysa sa mga hardware wallet. Gayunpaman, mas malamang na ang mga hardware wallet ang pinaka-secure na alternatibo. Sa kabilang banda, ang mga papel na wallet ay binubuo ng isang "wallet" na naka-print sa isang piraso ng papel, pero hindi na ginagamit at hindi mapagkakatiwalaan ang mga ito.
Paano gumagana ang my cryptocurrency na wallet?
May kasama ring address ang wallet, na isang alphanumeric na identifier na binubuo batay sa mga pampubliko at pribadong key. Sa kabuuan, ang nasabing address ay isang partikular na "lokasyon" sa blockchain kung saan puwedeng magpadala ng mga coin. Ibig sabihin nito, puwede mong ibahagi ang iyong address sa iba para makatanggap ng mga pondo, pero hinding-hindi mo dapat sabihin kahit kanino ang iyong pribadong key.
Kailangan ko ba ng crypto wallet para makapag-trade ng crypto?
Hot vs cold na mga wallet
Tulad ng sinabi kanina, puwede ring tukuyin ang mga cryptocurrency wallet bilang "hot" o "cold", depende sa kung paano sila pinapatakbo.
Mga software na wallet
Maraming iba't ibang uri ng mga software wallet, na bawat isa ay may mga sarili nitong natatanging katangian. Karamihan sa mga ito ay nakakonekta sa Internet kahit papaano (mga hot wallet). Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan ng ilan sa mga pinakakaraniwan at mahalagang uri: ang mga web, desktop, at mobile wallet.
Mga web wallet
Puwede kang gumamit ng mga web wallet para mag-access ng mga blockchain sa pamamagitan ng browser interface nang hindi kinakailangang mag-download o mag-install ng kahit ano. Kasama rito ang mga exchange wallet at iba pang browser-based na wallet provider. Kadalasan, puwede kang gumawa ng bagong wallet at magtakda ng personal na password para ma-access mo ito. Gayunpaman, hinahawakan at pinapamahalaan ng ilang service provider ang mga pribadong key para sa iyo. Bagama't mas maginhawa itong gamitin para sa mga walang karanasang user, delikado ang kasanayang ito.
Kapag gumagamit ka ng mga palitan ng cryptocurrency, dapat mong pag-isipang gamitin ang mga tool sa proteksyon na available.
Mga desktop wallet
Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang desktop wallet ay isang software na ida-download at papaganahin mo nang lokal sa iyong computer. Hindi tulad ng ilang web-based na bersyon, nagbibigay sa iyo ang mga desktop wallet ng ganap na kontrol sa iyong mga key at pondo. Kapag bumuo ka ng bagong desktop wallet, isang file na tinatawag na "wallet.dat" ang iso-store nang lokal sa iyong computer. Nilalaman ng file na ito ang impormasyon ng pribadong key na ginamit para i-access ang iyong mga cryptocurrency address, kaya dapat mo itong i-encrypt gamit ang personal na password.
Kung ie-encrypt mo ang iyong desktop wallet, hihilingin sa iyong ibigay ang password mo sa tuwing papaganahin mo ang software para mabasa nito ang wallet.dat file. Kung mawawala mo ang file na ito o makakalimutan mo ang iyong password, pinakamalamang na mawawalan ka ng access sa mga pondo mo.
Samakatwid, napakahalagang i-back up ang iyong wallet.dat file at panatilihin ito sa isang ligtas na lugar. Puwede mo ring i-export ang kaugnay na pribadong key o seed phrase. Sa pamamagitan ng paggawa noon, maa-access mo ang iyong mga pondo sa iba pang device, kung sakaling tumigil sa paggana ang iyong computer o hindi ito ma-access sa anumang paraan.
Sa pangkalahatan, puwedeng ituring na mas ligtas ang mga desktop wallet kaysa sa karamihan ng mga web na bersyon pero napakahalagang tiyakin na walang virus at malware ang iyong computer bago mo ito i-set up at gamitin ang cryptocurrency wallet.
Mga mobile wallet
Gumagana ang mga mobile wallet gaya ng mga katumbas ng mga ito sa desktop pero partikular na idinisenyo ang mga ito bilang mga application sa smartphone. Napakaginhawang gamitin ng mga ito dahil nagbibigay-daan ang mga ito sa iyong magpadala at makatanggap ng mga cryptocurrency sa pamamagitan ng paggamit ng mga QR code.
Mga hardware wallet
Ang mga hardware wallet ay mga pisikal na electronic device na gumagamit ng random number generator (RNG) para bumuo ng mga pampubliko at pribadong key. Pagkatapos, sino-store ang mga key sa device mismo, na hindi nakakonekta sa Internet. Dahil dito, ang hardware storage ay itinuturing na isang uri ng cold wallet at itinuturing ito bilang isa sa mga pinakaligtas na alternatibo.
Bagama't nag-aalok ang mga wallet na ito ng mas matataas na antas ng seguridad laban sa mga online na pag-atake, puwedeng maging mapanganib ang mga ito kung hindi magagawa nang tama ang pagpapatupad ng firmware. Gayundin, malamang na hindi masyadong user-friendly ang mga hardware wallet, at mas mahirap i-access ang mga pondo kapag inihambing sa mga hot wallet.
Mga papel na wallet
May ilang website ng papel na wallet na nagbibigay-daan sa iyong i-download ang kanilang code para bumuo ng mga bagong address at key habang offline. Dahil dito, matibay ang mga wallet na ito laban sa mga atake ng pag-hack online at puwedeng ituring ang mga itong alternatibo sa cold storage.
Gayunpaman, dahil sa marami nitong depekto, ang paggamit ng mga papel na wallet ay itinuturing na ngayong mapanganib at dapat nang pigilan. Kung gusto mo pa rin itong gamitin, mahalagang maunawaan ang mga panganib. Isang malaking panganib ng mga papel na wallet ay hindi angkop ang mga ito sa paunti-unting pagpapadala ng mga pondo, angkop lang ito sa pagpapadala ng buong balanse nang minsanan.
Halimbawa, isiping bumuo ka ng isang papel na wallet at nagpadala ka ng maraming transaksyon para pondohan ito, na umabot nang 10 BTC sa kabuuan. Kung maisipan mong gumastos ng 2 BTC, kailangan mo munang ipadala ang lahat ng 10 coin sa isa pang uri ng wallet (hal. desktop wallet), pagkatapos, doon mo pa magagastos ang isang bahagi ng mga pondo (2 BTC). Puwede mong ibalik pagkatapos ang natitirang 8 BTC sa isang bagong papel na wallet, bagama't mas mainam na opsyon ang isang hardware o software na wallet.
Sa teknikal na salita, kung inimport mo ang pribadong key ng iyong papel na wallet sa isang desktop wallet at ginastos mo ang isang bahagi lang ng mga pondo, ang natitirang mga coin ay ipapadala sa isang "panibagong address" na awtomatikong bubuuin ng Bitcoin protocol. Kung hindi mo manu-manong itatakda ang panibagong address sa isang address na kinokontrol mo, malamang na mawala mo ang iyong mga pondo.
Ang karamihan ng mga software wallet ngayon ang mangangasiwa sa pagbabago para sa iyo, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga natitirang coin sa isang address na bahagi ng iyong wallet. Pero ang mahalagang tandaan ay mawawalan ng laman ang iyong papel na wallet pagkapadala ng una itong transaksyon – magkano man ang halaga. Kaya huwag mong asahang magagamit mo pa ito ulit sa ibang pagkakataon.
Ang kahalagahan ng mga backup
Magastos mawalan ng access sa iyong mga cryptocurrency wallet. Kaya mahalagang regular na i-back up ang mga ito. Sa maraming sitwasyon, makakamit ito sa pamamagitan lang ng pag-back up ng mga wallet.dat file o seed phrase. Sa pangkalahatan, gumagana ang seed phrase gaya ng root key na bumubuo at nagbibigay ng access sa lahat ng key at address sa isang crypto wallet. Gayundin, kung pinili mong mag-encrypt ng password, tandaang i-back up din ang iyong password.