Ano Ang Yield Farming sa Decentralized Finance (DeFi)?
Talaan ng Nilalaman
Panimula
Ano ang yield farming?
Ano ang Total Value Locked (TVL)?
Paano gumagana ang yield farming?
Paano ang kalkulasyon ng kita sa yield farming? 
Ano ang collateralization sa DeFi?
Mga panganib ng yield farming
Mga plataporma at protocol sa yield farming
Pangwakas na ideya
Ano Ang Yield Farming sa Decentralized Finance (DeFi)?
Home
Mga Artikulo
Ano Ang Yield Farming sa Decentralized Finance (DeFi)?

Ano Ang Yield Farming sa Decentralized Finance (DeFi)?

Intermediya
Na-publish Aug 12, 2020Na-update Oct 17, 2022
15m

BUOD

Isang paraan ang yield farming para makagawa pa ng crypto mula sa iyong crypto. May kinalaman ito sa pagpapahiram ng iyong mga pondo sa iba sa pamamagitan ng mahika ng mga programa sa kompyuter na tinatawag na smart contracts. Kapalit ng iyong serbisyo, kikita ka ng crypto. Masyado bang simple? Hindi pa ito ang kabuuan.

Gagamit ang mga yield farmer ng mga komplikadong istratehiya. Nagpapalipat-lipat ang kanilang mga crypto sa iba’t ibang mga merkado ng pagpapautang para malubos ang kita. Nagiging malihim din sila tungkol sa mga pinakamagandang istratehiya sa yield farming. Bakit? Mas marami ang nakaaalam ng kanilang istratehiya, mas hindi ito epektibo. Ang yield farming ang wild west ng Decentralized Finance (DeFi) kung saan nagpapaligsahan ang mga farmer para maani ang pinakamagandang bunga.

Interesado? Magbasa pa sa ibaba.


Panimula

Ang kilusang Decentralized Finance (DeFi) ang nangunguna sa pagpapaunlad sa espasyo ng blockchain. Bakit naiiba ang mga DeFi application? Hindi kinakailangan ng pahintulot sa kanila, ibig sabihin ay sinumang (o anumang, tulad ng smart contract) may Internet connection at wallet ay maaaring magkaroon ng interaksyon sa kanila. Dagdag pa rito, karaniwang hindi sila nangangailangan ng tiwala sa mga tagapag-alaga at tagapamagitan. Sa ibang salita, sila ay trustless. Ano naman ang bagong mga use case ang pinapagana ng mga katangiang ito?
Isa sa mga bagong usbong na konsepto ang yield farming. Isa itong bagong paraan para kumita mula sa cryptocurrency holdings gamit ang liquidity protocols na walang pahintulot. Pinapayagan nito ang sinuman na kumita ng passive income gamit ang decentralized na mundo ng “money legos” na itinayo sa Ethereum. Bilang resulta, maaaring baguhin ng yield farming kung paano mag-HODL ang mga investor sa hinaharap. Bakit mo itatago ang iyong mga asset kung maaari mo namang silang pagtrabahuin? 

Paano inaalagaan ng yield farmer ang kanyang mga tanim? Ano ang mga bungang kanilang inaasahan? At saan ka magsisimula kung pinag-iisipang maging yield farmer? Ipaliliwanag namin lahat iyan sa artikulong ito.


Ano ang yield farming?

Tinatawag ding liquidity mining, ang yield farming ay isang parang para kumita sa cryptocurrency holdings. Sa madaling salita, hinahayaan mong naka-lock ang iyong cryptocurrencies para kumita.
Maaari ring ihalintulad ang yield farming sa staking. Ganunpaman, maraming nangyayaring komplikasyon sa likod nito. Sa maraming kaso, gumagana ito sa mga user na tinatawag na liquidity providers (LP) na nagdadagdag ng pondo sa liquidity pools.
Ano ang liquidity pool? Isa itong smart contract na may lamang mga pondo. Kapalit ng pagbibigay ng liquidity sa pool, nakakuha ng gantimpala ang mga LP. Ang gantimpalang iyon ay mula sa mga singil na nakuha sa kaugnay na DeFi na plataporma, o sa ibang mga pagkukunan.
Ang ibang liquidity pool ay nagbabayad ng mga reward gamit ang iba’t ibang mga token. Ang mga gantimpalang token ay maaaring ideposito sa ibang mga liquidity pool para kumita doon, at saka uulitin ito. Nakikita mo ngayon kung gaano kabilis nagiging komplikado ang mga istratehiya. Ngunit ang pangunahing ideya ay ang liquidity provider ay nagdedeposito ng pondo sa liquidity pool at kumikita ng gantimpala bilang kapalit.
Kadalasang isinasagawa ang yield farming gamit ang ERC-20 tokens sa Ethereum, at ang mga gantimpala ay madalas ding ERC-20 token. Ganunpaman, maaari itong magbago sa hinaharap. Bakit? Sa ngayon, karamihan sa mga aktibidad na ito ay nangyayari sa mundo ng Ethereum. 
Ganunpaman, ang cross-chain bridges at iba pang parehong pag-unlad ay maaaring magpahintulot sa mga DeFi application para walang pinapaborang blockchain sa hinaharap. Nangangahulugan ito na maaari silang tumakbo sa ibang mga blockchain na sumusuporta rin sa kakayahan ng smart contract.
Karaniwang nagpapalipat-lipat ng kanilang mga pondo sa pagitan ng iba-ibang protocol ang mga yield farmer sa paghahanap ng mas malaking mga kita. Bilang resulta, ang mga platapormang DeFi ay makapagbibigay ng ibang mga ekonomikong insentibo para makaakit ng kapital sa kanilang plataporma. Tulad sa mga centralized na exchange, ang liquidity ay nakaaakit pa ng liquidity.


Ano ang nagpasimula sa paglago ng yield farming?

Ang biglang malakas na interes sa yield farming ay maiuugnay sa paglunsad ng COMP token – ang governance token ng mundo ng Compound Finance. Ang mga governance token ay nagbibigay ng karapatang mamuno sa mga may hawak ng token. Ngunit paano mo ipakakalat ang mga token na ito kung gustong mong panatilihing decentralized ang network?

Isang karaniwang paraan para simulan ang decentralized blockchain ay ang pagpapakalat ng governance tokens sa algorithmic na paraan, na may isentibong liquidity. Umaakit ito ng liquidity providers para “mag-farm” ng bagong token sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity sa protocol.

Bagamat hindi nito inimbento ang yield farming, ang paglunsad ng COMP ang nagbigay ng popularidad sa ganitong modelo ng pagpapakalat ng token.  Mula noon, nagkaroon na ng mas pinaunlad na paraan ang ibang mga DeFi na proyekto para makaakit ng liquidity.


Ano ang Total Value Locked (TVL)?

Ano ang magandang paraan para sukatin ang pangkalahatang kalusugan ng DeFi yield farming? Total Value Locked (TVL). Sinusukat nito kung gaano kalaki ang nai-lock sa DeFi lending at iba pang uri ng merkado ng pera.
Maaaring sabihin na ang TVL ang pinagsama-samang liquidity sa mga liquidity pool. Isa itong kapaki-pakinabang na index para sukatin ang kalusugan ng DeFi at ng merkado ng yield farming sa kabuuan. Isa rin itong epektibong sukatan para ikumpara ang “market share” ng iba’t ibang DeFi protocol.
Isang magandang lugar para subaybayan ang TVL ay ang Defi Pulse. Maaari mong tingnan kung anong plataporma ang may pinakamataas na halaga ng ETH o ibang cryptoassets na naka-lock sa DeFi. Mabibigyan ka nito ng pangkalahatang ideya tungkol sa kasalukuyang estado ng yield farming.

Natural lamang na mas maraming halaga ang nai-lock, mas maraming nagaganap na yield farming. Dapat tandaan na maaari mong sukatin ang TVL sa ETH, USD, o maging BTC. Ang bawat isa ay magbibigay sa iyo ng magkakaibang pananaw tungkol sa estado ng mga merkado ng DeFi.


Paano gumagana ang yield farming?

Ang yield farming ay malapit sa modelong tinatawag na automated market maker (AMM). Karaniwan itong may kinalaman sa liquidity providers (LPs) at liquidity pools. Tingnan natin kung paano ito gumagana.

Nagdedeposito ng pondo ang liquidity providers sa liquidity pool. Pinapalakas ng pool na ito ang marketplace kung saan nagpapahiram, nakakautang, at nakikipagpalitan ng token ang mga user. Ang paggamit ng mga platapormang ito ay may singil, na siya namang ibinabayad sa liquidity provider ayon sa kanilang share sa liquidity pool. Ito ang pundasyon ng kalakaran ng AMM.

Ganunpaman, maaaring malaki ang pagkakaiba ng mga implementasyon - dagdag pa rito ang pagiging bago nitong teknolohiya. Hindi kaduda-duda na makakakita pa tayo ng mga bagong paraan sa pagpapaunlad ng mga kasalukuyang implementasyon.

Bukod sa singil, isa pang insentibo para makadagdag ng pondo sa liquidity pool ay ang distribusyon ng bagong token. Halimbawa, maaaring walang paraan para bumili ng token sa open market, sa maliliit na bilang lamang. Sa kabilang banda, maaari ito maipon sa pamamagitan ng pagbibigay ng liquidity sa isang partikular na pool. 

Ang panuntunan ng distribusyon ay nakadepende sa natatanging implementasyon ng protocol. Sa pagbubuod, kumikita ang mga liquidity provide base sa halaga ng liquidity na ibinibigay nila sa pool.

Karaniwang stablecoins na nakapako sa USD ang mga idinidepositong pondo – bagamat hindi ito ang kinakailangan. Ilan sa mga karaniwang stablecoins na ginagamit sa DeFi ay ang DAI, USDT, USDC, BUSD, at iba pa. Ang ibang protocol ay gumagawa ng token na kumakatawan sa idineposito mong coin sa sistema. Halimbawa, kung nagdeposit ka ng DAI sa Compound, makakakuha ka ng cDAI, o Compound DAI. Kapag nagdeposito ka ng ETH sa Compound, makakakuha ka ng cETH.

Tama ang iyong iniisip na maraming kumplikasyon dito. Maaari mong ideposito ang iyong cDAI sa ibang protocol na gagawa ng iyong ikatlong token para kumatawan sa iyong cDai na kakatawan sa iyong DAI. Nagiging komplikado ang mga seryeng ito at mahirap sundan.


Paano ang kalkulasyon ng kita sa yield farming? 

Karaniwan na ang tinatayang kita sa yield farming ay taunan ang kalkulasyon. Tinatantiya nito ang kita na maaari mong asahan sa loob ng isang taon.

Ang karaniwang ginagamit na sukatan ay ang Annual Percentage Rate (APR) at Annual Percentage Yield (APY). Ang pagkakaiba sa pagitan nila ay hindi isinasaalang-alang ng APR ang epekto ng compounding, habang ginagawa naman ito ng APY. Sa kasong ito, ang compounding ay nangangahulugang direktang muling pag-invest ng iyong kita para ito’y lumaki pa. Ganunpaman, dapat mong malaman na ang APR at APY ay napagpapalitan ang gamit.

Mahalaga ring isaisip na pagtataya at paghuhula lamang ang mga ito. Maging ang mga short-term na gantimpala ay mahirap estimahin. Bakit? Mahigpit ang kompetisyon at mabilis ang galaw sa yield farming, at maaaring mabilis na magbago ang gantimpala. Kung gumagana ang isang istratehiya sa yield farming, maraming farmer ang sasakay sa oportunidad, at maaaring huminto ang pagkita nang malaki. 

Dahil galing ang APR at APY sa mga legacy market, maaaring kailanganin ng DeFi ng sarili nitong sukatan sa kalkulasyon ng kita. Dahil sa mabilis na paggalaw sa DeFi, ang lingguhan o maging arawang pagtatantiya ng kita ay mas posible.


Ano ang collateralization sa DeFi?

Karaniwan na kung hihiram ka ng assets, kinakailangan mong magpakita ng collateral para sa iyong utang. Nagsisilbi itong insurance para sa iyong utang. Bakit ito mahalaga? Depende ito sa kung anong protocol ang binibigyan mo ng pondo, ngunit kinakailangan mong subaybayan ang iyong collateralization ratio. 
Kung ang halaga ng iyong collateral ay mas mababa sa threshold na kinakailangan ng protocol, maaaring ma-liquidate ang iyong collateral sa open market. Ano ang magagawa mo para maiwasan ang liquidation? Maaari kang magdagdag pa ng collateral.
Para idiin, ang bawat plataporma ay may sariling panuntunan para rito, halimbawa ay ang sarili nilang collateralization ratio. Dagdag pa rito, karaniwan silang gumagamit ng konseptong tinatawag na overcollateralization. Nangangahulugan ito na kinakailangang magdeposito ng mga hihiram ng mas mataas na halaga kaysa sa hinihiram. Bakit? Ito’y para maiwasan ang pagbagsak ng merkado sa pagliquidate ng malalaking halaga ng collateral sa sistema.

Sabihin nating ang lending protocol na ginagamit mo ay nangangailangan ng collateralization ratio na 200%. Nangangahulugan ito na sa bawat 100 USD na halagang ipapasok mo, maaari kang humiram ng 50 USD. Ganunpaman, madalas mas ligtas na magdagdag ng collateral na higit sa kinakailangan para mas mapababa ang panganib ng liquidation. Dahil dito, maraming sistema ang gumagamit ng mas matataas na collateralization ratios (tulad ng 750%) para mapanatiling ligtas sa liquidation ang plataporma.


Mga panganib ng yield farming

Hindi simple ang yield farming. Ang mga malakas kumitang istratehiya sa yield farming ay masyadong komplikado at inirerekomenda lamang sa mga may kasanayang user. Dagdag pa rit, karaniwang mas nababagay ang yield farming sa mga may malalaking kapital (halimbawa ang mga whale).

Hindi kasing dali ng iyong inaakala ang yield farming, at kung hindi mo naiintindihan ang iyong ginagawa, posible kang mawalan ng pera. Tinalakay na natin kung paano nali-liquidate ang collateral. Ngunit ano pa ang ibang panganib na dapat mong malaman?

Isang maliwanag na panganib ng yield farming ang smart contracts. Dahil sa katangian ng DeFi, maraming mga protocol ang ginawa at pinaunlad ng maliliit na grupo na may limitadong budget. Napapataas nito ang panganib ng smart contract bugs.
Maging sa kaso ng mga malalaking protcol na binabantayan ng mga kilalang auditing firm, laging may nadidiskubreng mga kahinaan at bugs. Dahil sa pagiging immutable ng blockchain, maaaring humantong ito sa pagkawala ng pondo ng user. Kailangan mo itong isaalang-alang sa paglalagay ng iyong pondo sa smart contract.

Dagdag pa rito, isa sa mga malaking benepisyo ng DeFi ay siya ring pinakamalaking panganib. Ito ang ideya ng composability. Tingnan natin kung ano ang epekto nito sa yield farming.

Tulad ng napag-usapan dati, hindi kinakailangan ng pahintulot sa DeFi protocols at maaaring silang mapagsama-sama. Nangangahulugan ito na ang buong mundo ng DeFi ay nakadepende nang malaki sa bawat building block. Ito ang tinutukoy natin sa paglalarawan sa mga application na ito bilang composable  – madaling nakakatrabaho ang isa’t isa.

Bakit ito isang panganib? Kung ang isa sa mga building block ay hindi gumana tulad sa itinakda, magdurusa ang buong ecosystem. Ito ang naglalagay sa panganib sa maraming yield farmer at liquidity pool. Hindi mo lang dapat pagkatiwalaan ang protocol kung saan ka nagdedeposito ng iyong pondo ngunit maging ang iba pa kung saan sila nakaasa.



Mga plataporma at protocol sa yield farming

Paano ka kikita sa mga gantimpala sa yield farming? Walang iisang paraan sa paggawa ng yield farming. Sa katunayan, oras-oras maaaring magbago ang istratehiya sa yield farming. Ang bawat plataporma at istratehiya ay may sariling panuntunnan at panganib. Kung gusto mong magsimula sa yield farming, kailangan ka munang maging pamilyar sa kung paano gumagana ang decentralized liquidity protocols.

Alam na natin ang pangunahing ideya. Magdedeposito ka ng pondo sa isang smart contract at tatanggap ng rewards kapalit nito. Ngunit nagkakaiba-iba ang mga implementasyon. Dahil dito, hindi magandang ideya sa pangkalahatan ang basta-bastang pagdeposito ng pinaghirapan mong mga pondo sa pag-asang kikita nang malaki. Bilang pangunahing batas ng pangangasiwa ng panganib, kinakailangan mong mapanatili ang kontrol ng iyong investment.

Ano ang mga popular na platapormang ginagamit ng yield farmers? Hindi ito isang mahabang listahan, kundi koleksyon ng mga protocol na nasa sentro ng mga istratehiya sa yield farming.


Compound Finance

Ang compound ay isang algorithmic na merkado ng pera na nagbibigay-daan sa mga user para makapagpahiram at makahiram ng mga asset. Ang sinumang may Ethereum wallet ay makakapagsupply ng asset sa liquidity pool ng Compound at kumita ng gantimpala na agad magsisimulang mag-compound. Ang mga singil ay inaayos sa algorithmic na paraan base sa supply at demand.

Ang Compound ay isa sa mga protocol sa sentro ng mundo ng yield farming.


MarketDAO

Ang Maker ay isang decentralized na plataporma ng credit na sumusuporta sa paglikha ng DAI, isang stablecoin na nakapako sa algorithmic na paraan sa halaga ng USD. Maaaring makapagbukas ang sinuman ng Maker Vault kung saan sila makakapag-lock ng collateral assets, tulad ng ETHC, BATC, USDC, o WBTC. Maaari silang makalikha ng DAI bilang utang laban sa collateral na kanilang ini-lock. Ang utang na ito ay nag-iipon ng interes sa paglipas ng panahon at tinatawag na stability fee – kung saan ang rate ay itinakda ng mga mayhawak ng MKR tokens.

Maaaring gamitin ng yield farmers ang Maker para makagawa ng DAI na gagamitin sa mga istraehiya sa yield farming.


Synthetix

Ang Synthetix ay isang synthetic na protocol. Pinapayagan nito ang sinuman na i-lock up (stake) ang Synthetix Network Token (SNX) o ETH bilang collateral at gumagawa ng synthetic assets laban dito. Ano ang synthetic asset? Anumang may maaasahang price feed. Pinahihintulutan nito ang anumang financial asset na maidagdag sa Synthetix na plataporma.
Maaari ring payagan ng Synthetix ang lahat ng uri ng asset para gamitin sa yield farming sa hinaharap. Gustong gamitin ang iyong long-term gold bags sa istratehiya sa yield farming? Maaaring synthetic assets ang paraan para dito.


Aave

Ang Aave ay isang decentralized protocol sa pagpapautang at paghiram. Ang mga interes rate ay inaayos sa algorithmic na paraan, base sa kasalukuyang kondisyon ng merkado. Kapalit ng kanilang pondo, nakakakuha ng “aTokens” ang mga nagpapautang. Ang mga token na ito ay agad kumikita at nagko-compound ang interes pagkadeposito. Pinapayagan din ng Aave ang ibang mas modernong gamit tulad ng flash loans.

Bilang isang decentralized na protocol sa pagpapautang at paghiram, madalas ginagamit ng mga yield farmer ang Aave.


Uniswap

Ang Uniswap ay isang decentralized na exchange (DEX) protocol na nagpapahintulot ng trustless na token swao. Nagdedeposito ang mga liquidity provider ng magkaparehong halaga ng token para makagawa ng market. Ang mga trader ay maaarig magtrade laban sa liquidity pool na iyon. Kapalit ng pagsupply ng liquidity, kumikita ang mga liquidity provider mula sa mga singil sa trade na nangyayari sa kanilang pool.

Isa sa mga popular na plataporma para sa trustless na token swaps ang Uniswap dahil sa kawalan ng pagtatalo rito. Kapaki-pakinabang ito sa mga istratehiya sa yield farming.


Curve Finance

Ang Curve Finance ay isang decentralized na exchange protocol na partikular na dinisenyo para sa mahusay na stablecoin swaps. Di tulad ng ibang parehong protocol tulad ng Uniswap, pinapayagan ng Curve ang mga user na gumawa ng high-value stablecoin swap na may mababang slippage.

Tulad ng iyong iniisip, dahil sa nag-uumapaw na stablecoins sa yield farming, ang mga Curve pool ay mahalagang bahagi ng imprastraktura.


Balancer

Ang Balancer ay isang liquidity pool protocol na pareho sa Uniswap at Curve. Ganunpaman, ang malaking diperensya ay pinapayagan nito ang mga alokasyon ng mga sinadyang token sa liquidity pool. Binibigyang-daan nito ang liquidity providers para makagawa ng sinadyang Balancer pools imbes na ang 50/50 na alokasyon na kinakailangan sa Uniswap. Tulad sa Uniswap, kumikita sa singil ang mga LP mula sa mga trade na nangyayari sa kanilang liquidity pool.

Dahil sa flexibility na dala nito sa paggawa ng liquidity pool, ang Balancer ay isang mahalagang pagpapaunlad para sa mga istratehiya sa yield farming.


Yearn.finance

Ang Yearn.finance ay isang decentralized na ecosystem ng mga aggregator para sa mga serbisyo sa pagpapautang tulad ng Aave, Compound, at iba pa. Layon nitong lubusin ang pagpapahiram ng token sa pamamagitan ng paghahanap sa algorithmic na paraan ng serbisyo sa lending na may pinakamataas na kita. Ang mga pondo ay ginagawang yToken pagkadeposito na regular na binalanse para lubusin ang kita.

Kapaki-pakinabang ang Yearn.finance sa mga farmer na gusto ng protocol na awtomatikong pumipili ng pinakamagandang istratehiya para sa kanila.


Pangwakas na ideya

Tinalakay natin ang pinakanauuso sa espasyo ng cryptocurrency – ang yield farming.
Ano pa ang maibibigay nitong decentralized na rebolusyon sa pananalapi? Imposibleng makita kung ano ang mga uusbong sa hinaharap na applications na binubuo sa mga elementong ito. Ganunpaman, ang mga trustless liquidity protocol at iba pang produktong DeFi ay tiyak na pinakamoderno sa pananalapi, cryptoeconomics, at computer science.
Hindi maitatanggi na ang DeFi money markets ay makatutulong sa paggawa ng mas bukas at mas naaabot na sistema ng pananalapi na para sa lahat kahit pa walang koneksyon sa Internet.