Ipaliwanag Ito na Parang Ako Ay Limang Taon pa Lang
Isang paraan ang Tokenized Bitcoin para magamit ang bitcoin sa ibang blockchains.
Ngunit sandali, hindi ba’t kahanga-hanga na ang Bitcoin? Sa katunayan ay oo! Mayroon na itong matibay na use case, at nagsisilbi na ito bilang isang uri ng public good. Ganun din, ang sadyang limitadong mga katangian nito ay nagbibigay ng maliit na puwang para sa pagpapaunlad.
Ano pa ang magagawa natin sa Bitcoin? Sinasabi ng ibang Bitcoiner na wala na tayong dapat pang gawin, at makatuwiran ito. Ngunit muli, naniniwala ang iba na dapat pa tayong maghanap ng paraan para magamit ang Bitcoin sa ibang blockchains. At ito ang dahilan kung bakit tayo humantong sa tokenized BTC sa Ethereum.
Bakit dapat i-tokenize ang Bitcoin? May kabuluhan ba ito? Paano ginagawa ang tokenized Bitcoin? Mapapasakamay mo ba ang tokenized BTC? Magbasa pa kung interesado ka rito.
Kadalasang tinitingnan ang
Bitcoin bilang “reserve asset” o
store of value sa mundo ng
cryptocurrency. Bilang resulta, ito ang may pinakamataas na pagtangkilik, pinakamagandang
liquidity, pinakamataas na average trading
volume, at nanatiling nangungunang crypto ayon sa
market capitalization. Sa katunayan, naniniwala ang iba na hindi kinakailangan ng anumang cryptocurrency bukod sa Bitcoin. Ang kanilang argumento ay kaya ng Bitcoin na pagsilbihan ang lahat ng use cases na tinatangka ng
altcoins.
Ganunpaman, namumukadkad ang teknolohiyang blockchain sa maraming magkakaibang bahagi. Layon ng kilusang
Decentralized Finance (DeFi) na magdala ng mga financial application sa
blockchain. Tumatakbo ang mga
decentralized applications (DApps) na ito sa pampubliko, at walang pahintulot na networks na nagpapahintulot sa
trustless financial transactions nang hindi kinakailangan ng nangangasiwang central party. Bagamat ang ideya ng DeFi ay walang kinikilingang blockchain, ibig sabihin ay maaari itong mangyari sa anumang plataporma ng
smart contract, ang karamihan sa mga aktibidad na ito ay nangyayari sa
Ethereum.
Bitcoin ang sandalan ng
cryptocurrency market, ngunit ganunpaman, maaari itong makinabang sa mga pag-unlad na nangyayari sa ibang bahagi ng ecosystem. Nakatuon ang ilang mga proyekto sa paglutas ng problemang ito.
May paraan ba para gamitin ang bitcoin nang higit pa sa nagagawa nito habang pinapanatiling matatag ang
Bitcoin network? Ang paglago ng tokenized bitcoin sa Ethereum ay indikasyon na may demand para rito.
Bago tayo magsimula, may dapat munang linawin para maiwasan ang kalituhan. Kung nabasa mo na ang aming artikulong
Ano ang Bitcoin?, alam mo na ang Bitcoin na may malaking letrang B ay ang network, at ang bitcoin na may maliit na letrang b ay ang
unit of account.
Simple lamang ang ideya sa likod ng pag-tokenize sa bitcoin. Ila-lock mo ang BTC sa pamamagitan ng isang mekanismo, mag-mint ng
mga token sa ibang network, at gamitin ang BTC bilang token sa network na iyon. Ang bawat token sa ibang network ay kumakatawan sa partikular na bilang ng bitcoin. Ang peg sa pagitan ng dalawa ay dapat manatili, at dapat maaaring baliktarin ang proseso. Sa madaling salita, maaari mong sirain ang mga token na ito, na magreresulta sa muling pag-unlock ng “orihinal” na bitcoins sa Bitcoin blockchain.
Sa kaso ng
Ethereum, ang mga ito ay
ERC-20 tokens na kumakatawan sa bitcoin. Pinapayagan nito ang mga user na gumawa ng mga transaksyon sa Ethereum network kung saan nangingibabaw ang bitcoin. Ginagawa din nitong programmable ang bitcoins – tulad ng anumang token sa Ethereum.
Maaari mong i-check ang kasalukuyang kabuuang bilang ng bitcoin na na-tokenize sa Ethereum sa
btconethereum.com.
Paglago ng tokenized BTC sa Ethereum: Source: btconethereum.com
Sa ngayon (July 2020), may nasa 15,000 BTC na na-tokenize sa Ethereum. Mukhang masyado itong marami, ngunit hindi ito kapansin-pansin kumpara sa ~18.5 milyon na bumubuo sa
circulating supply. Ganunpaman, maaaring simula pa lamang ito.
Mahalagang tandaan na ang mga solusyong
sidechains at
Layer 2 tulad ng
Bitcoin Lightning Network o ang Liquid Network ay layon ding talakayin ang parehong mga hamon. Kamangha-mangha na sampung beses na mas marami ang bitcoin sa Ethereum kaysa sa dami nito sa Bitcoin Lightning Network.
Ganunpaman, ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang magkaibang solusyon ay hindi diretsahan – hindi ito isang zero-sum na laro. Sa katunayan, marami ang naniniwala na sa halip na magkatunggali ay nababagay sila sa isa’t isa. Maaaring dagdagan ng mga tokenized na proyekto ang mga opsyon na mayroon ang mga may hawak na bitcoin, habang ang mga proyektong walang token ay nagpapaunlad sa kabuuang imprastraktura. Maaari itong magresulta sa karagdagang integrasyon sa espasyo, na maaaring maka benepisyo sa buong industriya.
Mukhang kawili-wili ang lahat ng ito, pero ano ang punto nito? Talakayin natin kung bakit nga ba dapat i-tokenize ang Bitcoin.
Sadyang simple ang disenyo ng Bitcoin. Dinisenyo ito para gawin ang iilang mga bagay, at ginagawa niya ang mga ito nang mahusay. Ganunpaman, ang mga katangiang ito ay may mga likas na limitasyon.
Bagamat ang karamihan sa bilang ng halaga ay nasa Bitcoin, maaari itong makinabang nang malaki mula sa pag-unlad na nangyayari sa ibang bahagi ng industriya ng digital currency. Bagamat sa teknikal na usapin ay
mapapatakbo mo ang smart contracts sa Bitcoin, limitado ang sakop nito kumpara sa
Ethereum o ibang plataporma ng smart contracts.
Ang pag-tokenize sa bitcoin sa ibang mga chain ay maaaring makadagdag sa paggamit nito sa network. Paano? Maaari nitong hayaan ang functionality na hindi likas na sinusuportahan sa Bitcoin. Ganun din, ang core functionality at model ng seguridad sa Bitcoin ay nananatiling matatag. Maaaring karagdagang mga kalamangan ang karagdagang bilis,
fungibility, at privacy ng transaksyon.
Ito pa ang isang potensyal na dahilan. Isa sa mga kamangha-manghang aspeto ng DeFi ay ang idea ng composability. Nangangahulugan ito na dahil ang lahat ng mga application na ito ay tumatakbo sa iisang pampubliko,
open-source, permissionless na base layer, makakapagtrabaho sila nang magkakasama nang walang aberya.
Ang pagdala sa Bitcoin sa composable layer ng financial building blocks na ito ay itinuturing na nakasasabik para sa marami. Maaari itong magdala ng maraming bagong mga uri ng application na gumagamit ng Bitcoin at hindi magiging posible kung hindi ito gagamitin.
Maraming paraan sa pagtokenize ng
Bitcoin sa
Ethereum at ibang mga blockchain. Lahat sila ay may magkakaibang antas ng decentralization, palagay tungkol sa tiwala at
mga panganib, at maaaring magkakaiba sa pagpapanatili ng peg.
Ang dalawang pangunahing uri ay maaaring ilarawan bilang
custodial at non-custodial. Ang unang uri ay may kinalaman sa isang centralized custodian, at ang mga token ay maaari ring i-mint ng partidong iyon. Dito pumapasok ang counterparty na panganib, dahil ang may kustodiya sa mga bitcoin ay dapat pagkatiwalaan (at dapat itong manatili sa negosyo). Sa kabilang banda, ang implementasyon na ito ay maaaring ituring na mas ligtas kaysa sa mga alternatibo.
Bahagyang naiiba ang ibang mga solusyon. Hindi kailangan ng pagkakatiwalaan, dahil ang automated on-chain na mga proseso ang gumagawa sa mga proseso ng minting at
burning ng coins. Nakalock ang mga
collateral asset, at ang minting ng mga token ay ginagawa sa ibang mga chain sa pamamagitan ng ilang mga on-chain na proseso. Ang mga pondo ay on-chain na nakalock hanggat sa sila ay muling ma-unlock kapag sinira na ang mga token. Bagamat tinatanggal niyo ang mga counterparty na panganib, pinapataas nito ang potensyal na panganib sa seguridad. Bakit? Sa kasong ito, ang bigat ng panganib ay nasa balikat ng user. Kung may nangyaring user o contract error na nagreresulta sa kawalan ng pondo, maaari itong magtagal nang walang hanggan.
Custodial
Binubuo nito ang malaking bahagi ng kasalukuyang supply ng tokenized bitcoin. Ang pinakamaraming halaga na naka-lock ay nasa Wrapped Bitcoin (WBTC). Paano ito gumagana? Ipinapadala ng mga user ang kanilang bitcoin sa isang centralized custodian na siya namang nagtatago ng mga ito sa isang
multisignature cold storage
wallet at kapalit ay minting ng mga WBTC token. Mahalagang tandaan na ang prosesong ito ay nangangailangan ng pagpapatunay ng kanilang identidad para sumunod sa mga
KYC/
AML na regulasyon. Ang paraang ito ay nangangailangan ng tiwala sa isang nilalang na nagmi-mint ng token at nagdadala rin ng ilang benepisyo sa seguridad.
Ang
Binance ay mayroon ding tokenized na bersyon ng BTC na tinatawag na
BTCB. Isa itong
BEP-2 token na inisyu sa Binance Chain. Kung nais mo itong subukan, maaari mo itong i-trade sa
Binance DEX.
Non-custodial
Ganap na on-chain na gumagana ang mga non-custodial na solusyon, walang anumang kinalaman ang centralized custodian. Sa simpleng termino, maaari mo silang isipin bilang Wrapped BTC. Ganunpaman, sa halip na centralized custodian, isa itong smart contract o isang
virtual machine na ligtas na itinatago ang pondo at nagmi-mint ng tokens. Maaaring ideposito ng users ang kanilang BTC at i-mint ang kanilang tokenized bitcoin sa isang
trustless at permissionless na paraan.
Ang ilan sa mga sistemang ito ay nangangailangan din ng overcollateralization, ibig sabihin ay kailangan magdeposito ng mga user ng mas malaking halaga (
collateral) kaysa sa gusto nilang i-mint. Ginagawa nila ito para ihanda ang sistema sa
black swan events at
large market crashes. Kahit pa, kung malaki ang ibinaba ng halaga ng
collateral, maaaring hindi ito kayanin ng mga sistemang ito.
Ang pinaka kilalalang non-custodial na implementasyon ay ang renBTC. Ang bitcoins ay ipinapadala sa Ren Virtual Machine (RenVM), na nagtatago sa mga ito gamit ang isang network ng decentralized nodes. Nagmi-mint ito ngayon ng
ERC-20 tokens ayon sa dami ng ipinadalang bitcoin.
Ilang pang kilalang halimbawa ang sBTC at iBTC, na mga synthetic token na collateralized ng
Synthetix Network Token (SNX) sa halip na bitcoin. Nagiging kaakit-akit ang iBTC dahil pabaliktad nitong sinusundan ang presyo ng Bitcoin. Ito ang dahilan kung bakit isa ito sa iilang mga non-custodial na paraan para
mag-short ng Bitcoin.
Mahalagang tandaan na ang mga ito ay mga experimental na teknolohiya. Hindi nakapagtataka kung bakit mas kilala ang mga centralized at custodial na solusyon – mas dalas na sila ay ligtas. Natural lamang na may mas malaking panganib ng mga bug at user error, na potensyal na humahantong sa kawalan ng pondo. Ganunpaman, maaaring ito ang kinabukasan ng tokenization oras na mapaunlad ang teknolohiya.
Dahil ang mga non-custodial na solusyon ay pinamamahalaan ng automated na mga proseso, ang paggamit sa kanila ay inirerekomenda lamang sa mga mas may kasanayang user. Ngunit kung gusto mong paglaruan ang mga token na ito nang hindi inaalala ang proseso ng minting, maaari mo silang bilhin at i-trade sa cryptocurrency exchanges.
Mahirap sagutin ang tanong na ito. Subukan nating isaalang-alang ang parehong panig ng argumento.
Paano ito makabubuti sa
Bitcoin? Maaaring sabihin na pinapataas nito ang paggamit sa Bitcoin. Bagamat marami ang magsasabi na hindi naman kinakailangan ng Bitcoin ng karagdagang functionality, maaaring maging kapaki-pakinabang pa rin ito. Tulad ng una nating natalakay, maaaring benepisyo ang karagdagang bilis,
fungibility, at privacy sa mga transaksyon, at mas mababang singil sa transaksyon. Sa paglunsad ng
ETH 2.0, maaari nating asahan na maging mas mabilis at mas mura ang mga transaksyon sa Ethereum. Maaari rin itong makatulong sa kaso ng tokenized bitcoin sa Ethereum.
Sa kabilang banda, maaaring sabihin ng iba na potensyal na mapanganib ito para sa mga may hawak ng tokenized Bitcoin. Kaakibat ng pagtokenize sa BTC ang pagsuko sa malakas na seguridad na mga benepisyo sa Bitcoin – ilan sa mga hinahanap na katangian nito.
Halimbawa, ano ang mangyayari kung ang mga tokenized bitcoin ay nanakaw o nawala dahil sa smart contract bug? Walang potensyal na paraan para ma-unlock ang mga na-lock na bitcoins sa Bitcoin blockchain.
Isa pang dapat isaalang-alang ang mga singil. Maaaring sabihin ng iba na kung may mataas na bilang ng mga user na nagsimula mag-transact ng mga tokenized BTC sa Ethereum blockchain, maaaring bumagsak ang mga transaction fee sa Bitcoin. Sa pangmatagalan, dapat na masuportahan ang Bitcoin ng mga transaction fee lamang. Kung karamihan sa mga ito ay napunta sa Ethereum ecosystem, maaaring makompromiso ang seguridad ng network. Ganunpaman, malayo pa itong mangyari at hindi pa kailangang madaliing lutasin.
Paano ito makabubuti sa
Ethereum? Kung nakuha ng Ethereum ang malaking halaga ng Bitcoin, maaari nitong mapataas ang paggamit sa Ethereum bilang pandaigdigang network para sa value transfer. Ayon sa
pananaliksik ng Etherscan, malaking bahagi ng naunang nabanggit na 15,000 BTC ay naka-lock sa Ethereum DeFi ecosystem.
Maaaring mapataas nang malaki ng tokenized bitcoin ang paggamit ng
DeFi sa Ethereum. Paano? Maaaring magkaroon ng decentralized na serbisyong pinansyal base sa tokenized bitcoin. Ang BTC-based
DEXes,
lending marketplaces, liquidity pools, at anuman pang umiiral sa DeFi ay maaaring masapawan sa BTC. Ang tagumpay ng tokenized bitcoin ay makahihikayat din sa ibang uri ng mga asset na lumipat sa Ethereum network.
Nasa maagang yugto pa lamang ang karamihan sa mga proyekto, at ang teknolohiya sa likod ng mga ito ay may malaking puwang pa para sa pagpapaunlad. Ganunpaman, tiyak na may mga nakasasabik na pag-unlad na darating sa aspetong ito.
Natalakay natin kung ano ang tokenized bitcoin at ano ang mga iba’t ibang umiiral na implementasyon. Ang pangunahing nagtutulak sa pagtokenize ng bitcoin bilang isang
ERC-20 token ay ang pagpapataas sa paggamit sa Bitcoin.
Kung makukuha ng Ethereum ang malaking bahagi ng mga transaksyon sa Bitcoin, maaaring magkaroon ng malaking mga implikasyon sa hinaharap. Makatotohanang eksena ba ang
flippening? Anong bahagi ng
Bitcoin ay magagamit sa
Ethereum sa hinaharap? Hindi pa ito nakikita sa ngayon. Ganunpaman, ang buong industriya ng blockchain ay magbebenipisyo sa pagtatayo ng tulay sa pagitan ng dalawang pinakamalaking cryptocurrency network.
Interesado pang matuto tungkol sa tokenized bitcoin at iba pang digital assets? Tingnan ang aming Q&A na plataporma, ang
Ask Academy, kung saan masasagot ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.