Mga Use Case ng Blockchain: Pamamahala
Talaan ng Nilalaman
Bakit kinakailangang pag-aralan ng mga pamahalaan ang pagtangkilik sa blockchain?
Decentralization at integridad ng datos
Transparency
Karagdagang kahusayan
Mga sagabal at limitasyon
Pangwakas na ideya
Mga Use Case ng Blockchain: Pamamahala
Home
Mga Artikulo
Mga Use Case ng Blockchain: Pamamahala

Mga Use Case ng Blockchain: Pamamahala

Baguhan
Na-publish Jun 24, 2019Na-update Apr 29, 2021
6m
Bagamat unang dinisenyo ang teknolohiyang blockchain para magsilbing arkitektura ng Bitcoin, ito ngayon ay ginagamit na sa maraming larangan. Kabilang sa mga larangang ito ay ang pamamahala, kung saan ang mga naipakalat na sistema ay may potensyal na baguhin ang pampublikong sektor.


Bakit kinakailangang pag-aralan ng mga pamahalaan ang pagtangkilik sa blockchain?

Bagamat marami itong potensyal na benepisyo sa pamamahala, may ilang mabigat na rason para pag-aralan ng mga institusyon ng gobyerno na pakinabangan ang teknolohiyang blockchain. Kabilang sa mga rason ang pagdagdag sa decentralization, integridad ng datos, at transparency - kasabay ng mas mabuting kahusayan at mas mababang gastos sa pagpapatakbo.


Decentralization at integridad ng datos

May iba’t ibang paraan sa pagbuo ng blockchain ngunit, bilang ipinakalat na mga sistema, ang lahat ng mga ito ay mga ipinapakitang tiyak na antas ng decentralization. Ito ay dahil sa ang network na blockchain ay pinapanatili ng maraming computer nodes, na iisang kumikilos para sa pagpapatotoo at pagpapatunay ng lahat ng datos. Ibig sabihin, kinakailangan nilang magkaroon ng kasunduan at sumang-ayon sa estado ng talaan ng datos para mapreserba ang natatanging bersyon ng katotohanan.

Maaaring maabot ng mga sistemang blockchain ang mas mataas na antas ng immutability, at maaaring ipasadya ang kanilang framework para matiyak na ang impormasyon ay pwede lang ma-access at - sa ibang kaso - mabago ng ibang awtorisadong partido. Nakagawian na maaaring umakto ang iba’tibang ahensya ng gobyerno bilang tagapagpatunay, ang bawat isa ay nag-aambag sa proseso ng pagpapakalat at pagpapatotoo ng datos. Napabababa nito ang tiyansa ng ilegal na pakikialam at pandaraya sa datos.

Sa ibang senaryo, maaari ring isama ang mga organisasyong hindi pang-gobyerno, mga unibersidad, mga mamamayan sa pagpapatotoo ng nodes, na maaaring humantong sa mas mataas na antas ng decentralization. Dagdag pa rito, mapipigilan ng mga mekanismong ito ng pagpapatunay ang iba pang uri ng pagkakamali tulad ng kamailan sa pagpasok ng datos (halimbawa: ang pagharang sa datos na kulang sa pangunahing impormasyon ay hindi pahihintulutan ng ipinakalat na network ng nodes).

Maliban doon, maaaring balang-araw malaki ang magiging papel ng blockchain sa proseso ng eleksyon. Isa sa mga haligi ng demokrasya ang patas at bukas na eleksyon, at ang mataas na antas ng immutability ng blockchain ay mahusay na solusyon para tiyaking hindi napapakialaman ang mga boto. Higit pa sa paglalagay ng karagdagang seguridad sa mga inihulog na balota at sa mga presinto ng botohan, may potensyal ang blockhain na gawing tototo ang seguridad sa online na pagboto. Sinimulan ng West Virginia State ang makatotohanang halimbawa ng sistemang ito noong 2018 midterm election sa United States.


Transparency

Maaaring magamit ang mga talaan ng datos ng blockchain sa pagprotekta sa mga talaan ng gobyerno sa paraang mahirap para sa sinuman na manipulahin o itago ang impormasyon. Sa ilalim ng kasalukuyang modelo, nakatago sa centralized na talaan ng datos ang karamihan sa mga datos ng gobyerno, na direktang kontrolado ng mga nasa awtoridad. Nasa kamay lang ng iilan ang karamihan sa mga talaan ng datos na ito kaya madaling nagagawa at natatakasan ang pagmanipula. Sa mga kasong ito, bagay ang paggamit ng blockchain dahil naipapakalat nito ang proseso ng pagpapatotoo at pagtatago ng datos sa iba’t ibang partido kaya epektibong nadi-decentralize ang kapangyarihan.

Samakatuwid, nagagamit ang blockchain bilang transparent na talaan ng datos na nagpapababa (o nakatatanggal) sa pangangailangan ng tiwala sa pagitan ng mga kinatawan ng gobyerno at mga sibilyan. Halimbawa, pinag-aaralan ng ilang awtoridad sa Europe ang potensyal ng mga listahang nakabase sa blockchain na mapababa ang mga aso ng alitan sa ari-arian. Maaaring ibase ang modelong ito sa ipinakalat na sistema na maaaring ma-access at patotohanan pareho ng mga ahensya ng gobyerno at mamamayan. Magagawa ng bawat partido na magkaroon ang bawat isa ng kopya ng opisyal na dokumento at claims.

Ganun din, inaalok ng decentralized na blockchain ang permanenteng access sa mga rekord ng mga alagad ng batas. Maaari itong kailanganin ng mga organisasyong nagbabantay sa gobyerno para ibunyag ang korapsyon o pang-aabuso sa kapangyarihan. Sa pagpapababa o pagtanggal sa pangangailangan sa tagapamagitan sa palitan ng datos at pinansyal na transaksyon, nagagawa ng mga sistemang blockchain na mahirap para sa mga opisyal ng gobyerno na pagtakpan ang maling gawain sa maling paglipat ng pondo gamit ang mga hindi masilip na pribadong indibidwal.


Karagdagang kahusayan

Ang pagpapababa ng gastos sa pagpapatakbo sa pamamagitan ng pag-maximize sa kahusayan sa trabaho ng mga pambansang institusyon ang isa pang dahilan sa paggamit ng blockchain sa pamamahala. Dahil nakadepende ang gobyerno sa pondo ng mga nagbabayad ng buwis, mahalaga ang matalinong paggamit ng kanilang budget. Maaaring gamitin ang mga sistemang blockchain at smart contract para gawing awtomatiko ang mga gawain at daloy ng trabaho na malaki ang naibabawas sa oras at pera na iginugugol sa burukratikong proseso.

Bagamat praktikal dahilan sa pagpapababa sa gastos sa administrasyon, makatutulong din ang mga ito para palakasin ang tiwala at kasiyahan ng mga mamamayan. Ang dagdag na kahusayan at mas mababang gastos ay posibleng magresulta sa mas mataas na approval ratings ng mga ahensya ng gobyerno. Sa pagtapyas sa gastos sa pagpapatakobo, maaari nang mamuhunan ang gobyerno sa ibang aspeto tulad ng edukasyon, seguridad, at pampublikong kalusugan.

Ang pangngongolekta ng buwis ay isa ring mahalagang aspeto ng pamamahala kung saan maaaring magamit ang teknolohiyang blockchain. Madaling nakakapaglipat ng pondo sa pagitan ng mga partidong sumusunod sa mga itinakdang kundisyon ang mga ledger na nakabase sa blockchain. May potensyal itong mapababa nang malaki ang gastos sa administrasyon na may kaugnayan sa koleksyo at distribusyon ng buwis at implementasyon ng batas sa buwis. Halimbawa, sa pagtatago ng mga tala at pagproseso ng returns sa pribadong blockchain, makapagbibigay ng mas maayos na seguridad laban sa mga nanloloko at nagnanakaw ng identidad ang mga ahensyang nangongolekta ng buwis sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis.


Mga sagabal at limitasyon

Bagamat malinaw na magagamit ang blockchain para mapabuti ang integridad ng datos, transparency, at kahusayan, may mga limitasyong iniuugnay sa paggamit nito sa pampublikong sektor. 

Ang katangiang immutability na nakapaloob sa maraming benepisyo ng blockchain ay maaari namang maging kawalan sa ibang sitwasyon. Ginagawang mahalaga ng immutability ng datos ang tamang pagpasok ng rekord bago ito patunayan. Ibig sabihin, dapat matiyak ang bawat hakbang para siguraduhing tama ang inisyal na koleksyon ng datos. 

Bagamat ang ilang implementasyon ng blockchain ay maaaring idensyo sa paraang pinahihintulutan ang pagbabago ng datos, nangangailangan pa rin ito ng pag-apruba (pagsang-ayon) ng karamihan sa mga node na nagpapatunay, na kalaunan ay humahantong sa hindi pagkakasundo. Ganunpaman, ang sagabal na ito ay madaling malulutas sa mga pribadong blockchain na hindi nangangailangan ng mataas na antas ng decentralization.

Isa ring dapat isa-alang alang ang mga pag-aalinlangan tungkol sa pagiging pribado nito, dahil ang mga talang idinagdag sa blockchain ay mananatiling permanenteng nagagamit ng sinumang may access dito. Maaring salungat ito sa mga patakaran na nagtatakdang selyuhan ang mga dokumento tulad ng pagtanggal sa criminal records. Sa mga bansang kinikilala ang digital na karapatan para makalimutan sa kanilang legal codes, ang mga immutable record ay maaaring lumabag sa batas o sa desisyong inilabas ng korte. Kabilang sa mga potensyal na solusyon sa mga problemang ito ang paggamit ng mga burn na function at cryptographic na mga teknik, tulad ng zk-SNARKs at iba pang uri ng zero-knowledge proofs.

Panghuli, dapat tandaan na maaaring sa gobyerno mismo manggaling ang mga hadlang sa pagtangkilik nito. May mga pagkakataong hindi naiintindihan ng mga awtoridad ang halaga ng teknolohiyang blockchain, dahilan para isantabi nila ang maraming potensyal na benepisyo. Sa mga labis na sitwasyon, sa mga gobyernong laganap at nakasanayan na ang korapsyon, maaaring tanggihan ang pagtangkilik sa blockchain para protektahan ang pansariling interes ng kanilang mga opisyal.


Pangwakas na ideya

Sa kabila ng mga potensyal na kawalan na nabanggit, maraming posibleng gamit ang sistemang blockchain sa pamamahala. Mula sa pagpapabuti ng transparency at pagpapadali ng proseso sa koleksyon ng buwis, makatutulong ang mga ipinakalat na network sa gobyerno para tumakbo nang mas mahusay at maging mas mapagkakatiwalaan para sa kanilang mga mamamayan. Bagamat ang ilang aplikasyon nito ay ipinagpapalagay pa lamang, marami nang bansa ang tinutuklas ito.

Mahalaga ring tandaan na ginagamit na ang mga sistemang digitalized sa pamamahala simula pa ng mga taong 2000s, maraming taon bago ang paglikha sa blockchain. Isang kilalang halimbawa ang basang Estonia na inilusad ang programang digital identity noong 2002. Ito rin ang unang bansang nagdaos ng eleksyon sa pamamagitan ng Internet noong 2005. Noong 2014, inilunsad ng pamahalaan ng Estonia ang e-Residency na programa na binanggit ang paggamit ng teknolohiyang blockchain para sa pangangasiwa at at seguridad ng digital na datos.