Ano ang Decentralized Finance (DeFi)?
Ang artikulong ito ay pwedeng magbigay ng panimulang pagpapakilala sa DeFi, ang mga potensyal na aplikasyon nito, mga pangako, mga limitasyon nito, at iba pa.
Ano ang mga pangunahing benepisyo ng DeFi?
Umaasa ang mga tradisyunal na pananalapi sa mga institusyon tulad ng mga bangko para maging tagapamagitan at mga korte para maglaan ng arbitrasyon.
Hindi nangangailangan ng tagapamagitan o mga arbitrator ang mga Dei application. Nakalahad sa code ang resolusyon sa mga posibleng alitan at nananatili sa mga user ang kontrol sa kailang pondo sa lahat ng oras. Pinapababa nito ang mga bayarin na kaugnay sa pagbibigay at paggamit ng mga produktong ito at nagbibigay ng mas maayos na sistema ng pananalapi.
Dahil pwedeng gawin ng mas maaga ang mga framworks para sa DeFi applications, ang pag-deploy ng isa ay hindi gaanong kumplikado at mas ligtas.
Ang isa pang mahalagang benepisyo ng open ecosystem ay ang madaling pag-access ng mga indibidwal na maaaring walang access sa kahit anong serbisyong pananalapi. Dahil ang tradisyunal na sistema ng pananalapi ay umaasa sa mga tagapamagitan na kumikita ang kanilang mga serbisyo ay madalas ay hindi makikita sa mga lokasyon na may maliliit na kita ang komunidad. Gayunpaman, sa pamamagitan ng DeFi, malaki ang ibababa ng mga gastos at ang mga indibidwal na may maliit na kita ay pwede ding makatamasa ng benepisyo mula sa mas malawak na mga serbisyong pananalapi.
Ano ang mga potensyal na use case para sa DeFi?
Borrowing at Lending
Ang mga open lending na mga protocol ay isa sa mga pinakapopular na uri ng applications na parte ng DeFi ecosystem. Ang open at decentralized borrowing at lending ay maraming benepisyo kaysa sa tradisyunal na sistema ng credit. Kasama na dito ang mga instant na pag-settle ng mga transaksyon, ang kakayahan na gawing kolateral ang mga digital na asset walang mga credit check at ang potensyal na standardization sa hinahharap.
Dahil ang mga serbisyo ng lending na ito ay ginawa sa mag pampublikong blockchain, binababaan nila ang halaga ng trust na kailangan at may kasiguruhan ng mga paraan ng cryptographic verification. Ang mga lending marketplace sa blockchain ay nagpapababa ng peligro ng counterparty na ginagawang mas mura, mas mabilis, at mas magagamit ng maraming tao ang borrowing at lending.
Mga serbisyo na monetary banking
Habang lalong lumalago ang industriya ng blockchain, lalong napapansin ang pagdating ng mga bagong stablecoin. Mga tipo sila ng cryptoasset na madalas ay naka-peg sa asset sa totoong mundo pero maaaring i-digitally transfer nang walang kahirap-hirap. Habang may mga panahon na pabago-bago ang presyo ng mga cryptocurrency, pwedeng i-adopt anf mga decentralized na stablecoin sa pang-araw araw na gamit bilang digital cash na hindi nanggagaling o minomonitor ng isang sentral na awtoridad.
Higit sa lahat, dahil sa bilang ng mga tagapamagitan na kailangang isama, ang proseso ng pagkuha ng mortgage ay mahal at maabala. Sa paggamit ng mga smart contract, napakalaki ang makakaltas sa mga underwriting at mga legal fees.
Ang insurance sa blockchain ay maaaring maging daan sa pagtanggal ng mga tagapamagitan at payagan ang distribusyon ng panganib sa pagitan ng maraming kalahok. Maaaring magresulta ito sa mas mababang premium nang hindi nababawasan ang kalidad ng serbisyo.
Mga Decentralized na Marketplace
Ang kategorya ng mga application ay maaaring mahirap suriin dahil parte ito ng DeFi na nagbibigay ng pinakamalaking espasyo sa pag-unlad pagdating sa pananalapi.
Dahil mas konti ang pangangailangan nila na ma-maintain, tipikal sa mga decentralized na exchange ang mas mababang trading fees kumpara sa mga centralized na exchange.
Ang teknolohiya ng blockchain ay maaari ding magamit sa pag-isyu at pagpapahintulot ng pag-aari ng malawak na saklaw ng mga
Bilang halimbawa, ang mga platapormang nag-iisyu ng mga security token ay maaaring makapagbigay ng mga tools at resources na magagamit ng mga nag-iisyu para makapaglunsad sila ng mga tokenized securities sa blockchain gamit ang mga parameter na pwedeng i-customize.
May mga proyektong nagpapahintulot ng paggawa ng mga derivative, mga synthetic na asset, mga decentralized prediction na market at marami pang iba.
Ano ang papel na gampanin ng mga smart contract sa DeFi?
Dahil ang mga terminong ginagamit ay naka-computer code, may natatanging abilidad ang mga smart contract na ipatupad ang mga terminong iyon gamit ang computer code. Nagbibigay-daan ito sa mas maaasahang pagpapatupad at automation ng mas malaking bilang ng mga prosesong pang-negosyo na sa kasalukuyan ay gumagamit ng manu-manong pangangasiwa.
Mas mabilis sa paggamit ng mga smart contract at pinapababa nito ang panganib para sa mga kalahok. Sa kabilang banda, nagpapakilala din ang mga smart contract ng mga bagong tipo ng panganib. Dahil madalas maapektuhan ang mga computer code ng mga bugs at iba pang kahinaan, ang halaga ng kumpidensyal na impormasyon na nakapaloob sa mga smart contract ay nasa panganib pa din.
Ano ang mga pagsubok na kinakaharap ng DeFi?
- Mababang performance: Likas na mas mabagal ang mga blockchain kaysa sa kanilang mga centralized na counterpart at nakikita ito sa mga application na ginagawa nang gamit ang blockchain. Ang mga developer ng mga DeFi na application ay isinasaalang-alang ang mga limitasyong ito para ma-optimize ang kanilang mga produkto.
- Mataas ang peligro sa pagkakamali ng user: Ang mga DeFi application ay naglilipat ng responsibilidad mula sa mga tagapamagtan papunta sa mga user. Maaari itong magbigay ng hindi magandang epekto para sa karamihan. Ang pag-disenyo ng mga produkto na nagpapababa ng peligro laban sa pagkakamali ng user ay mahirap na hamon kapag na-deploy ang mga produkto sa mga immutable na mga blockchain.
- Masamang user experience: Sa kasalukuyan, ang paggamit ng mga DeFi na application ay nangangailangan ng karagdagang effort sa parte ng user. Para maging core na elemento ang mga DeFi na application sa pandaidigang sistema ng pananalapi, dapat silang makapagbigay ng konkretong benepisyo na magbibigay ng insentibo sa mga user na lumipat mula sa tradisyunal na sistema.
- Magulong ecosystem: Nakakatakot na gawain ang paghahanap ng application na pinakamainam para sa isang partikular na use case at dapat may abilidad ang mga user na mahanap ang pinakamagandang mga pagpipilian. Ang hamon ay hindi lamang nasa paggawa ng mga application kundi nasa kung paano sila sasakto sa mas malaak na ecosystem ng DeFi.
Ano ang pinagkaiba ng DeFi at open banking?
Iba sa DeFi sapagkat nagpapanukala ito ng ganap na bagong sistema ng pananalapi na malaya sa kasalukuyang imprastraktura. Minsan, tinutukoy din ang DeFi na open finance.
Halimbawa, maaaring maging daan ang open banking sa pangangasiwa ng lahat ng tradisyunal na pinansyal na instrumento sa iisang application sa pamamagitan ng ligtas na pagkuha ng datos mula sa iba't-ibang bangko at mga institusyon.
Sa kabilang banda, ang Decentralized Finance ay maaaring magbigay-daan sa pangangasiwa ng ganap na bagong mga instrumentong pinansyal at mga bagong paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga ito.
Pangwakas na ideya
Nakatuon ang Decentralized Finance sa paggawa ng mga serbisyong pinansyal na hiwalay sa tradisyunal na pinansyal at politikal na sistema. Magbibigay daan ito sa mas maraming open na sistema ng pananalapi at maaari nitong maiwasan ang mga potensyal na pagdulot ng censorship at diskriminasyon sa iba't-ibang parte ng mundo.
Bagaman kaakit-akit ang ideya, hindi lahat ay makikinabang sa decentralization. Ang paghahanap ng mga use case na pinaka-mainam sa mga katangian ng mga blockchain ay napakahalaga sa paggawa ng kapaki-pakinabang na mga pinansyal na produkto.
Kung matagumpay, mapapasa ang kapangyarihan sa DeFi mula sa mga malalaking centralized na mga organisasyon at mailalagay ito sa kamay ng open source na komunidad at sa indibidwal. Kung magagawa nitong gumawa ng mas mainam na sistemang pinansyal ay makikita kapag handa na ang DeFi para sa pagtanggap ng pangkalahatan.