Ano ang Uniswap at Paano Ito Gumagana?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Uniswap at Paano Ito Gumagana?

Ano ang Uniswap at Paano Ito Gumagana?

Intermediya
Na-publish Aug 24, 2020Na-update Apr 20, 2023
12m

TL;DR

Ang Uniswap ay isang hanay ng mga programa sa computer na tumatakbo sa Ethereum blockchain at pinapahintulutan ang mga pag-swap ng desentralisadong token. Gumagana ito sa tulong ng mga unicorn (gaya ng nasa logo ng mga ito).

Puwedeng makipagpalitan ng mga Ethereum token sa Uniswap ang mga trader nang hindi kailangang ipagkatiwala sa iba ang kanilang mga pondo. Samantala, puwedeng ipautang ng sinuman ang kanilang crypto sa mga espesyal na reserba na tinatawag na mga liquidity pool. Kapalit ng pagbibigay ng pera sa mga pool na ito, kumikita sila mula sa bayarin.

Paano isinasagawa ng mga mahiwagang unicorn ang pag-convert ng isang token sa ibang token? Ano ang kailangan mo para magamit ang Uniswap? Magbasa pa tayo.


Panimula

Ilang taon nang nagsisilbi ang mga sentralisadong palitan bilang gulugod ng merkado ng cryptocurrency. Nagbibigay ang mga ito ng mabibilis na settlement, mataas na dami ng pag-trade, at patuloy na pagpapabuti ng liquidity. Gayunpaman, may katulad na mundo na sabay na nabubuo sa anyo ng mga trustless na protocol. Hindi nangangailangan ng tagapamagitan o tagapangalaga ang mga decentralized exchange (DEX) para mapangasiwaan ang pag-trade. 

Dahil sa mga likas na limitasyon ng teknolohiya ng blockchain, naging isang hamon ang pagbuo ng mga DEX na tunay na kayang makipagsabayan sa mga sentralisadong katapat ng mga ito. Mapapahusay pa ang marami sa mga DEX pagdating sa performance at karanasan ng user.

Matagal nang nag-iisip ang maraming developer ng mga bagong paraan para bumuo ng isang decentralized exchange. Isa sa mga nangunguna rito ang Uniswap. Posibleng mas mahirap intindihin kung paano tumatakbo ang Uniswap kumpara sa isang mas tradisyonal na DEX. Gayunpaman, makikita natin sa hinaharap na ang modelong ito ay may dalang ilang kaakit-akit na pakinabang. 

Bunga ng inobasyong ito, ang Uniswap ay naging isa sa mga pinakamatagumpay na proyekto na bahagi ng kilusan ng Decentralized Finance (DeFi).

Tingnan natin kung ano ang Uniswap, paano ito gumagana, at kung paano ka puwedeng mag-swap ng mga token dito gamit lang ang Ethereum wallet.


Ano ang Uniswap?

Ang Uniswap ay isang decentralized exchange na protocol na binuo sa Ethereum. O para mas tumpak, isa itong automated liquidity protocol. Walang order book o kahit anong sentralisadong partido ang kinakailangan para mag-trade. Sa Uniswap, puwedeng mag-trade ang mga user nang walang tagapamagitan, nang may mataas na antas ng desentralisasyon, at paglaban sa pag-censor.

Ang Uniswap ay isang open-source software. Puwede mo itong makita sa Uniswap GitHub.

Ok, pero paano nangyayari ang mga pag-trade nang walang order book? Gumagana ang Uniswap gamit ang modelo na kung saan gumagawa ang mga tagapagbigay ng liquidity ng mga liquidity pool. Ang sistemang ito ay nagbibigay ng isang desentralisadong mekanismo ng pagpepresyo na ginagawang mas maayos ang lalim ng order book. Pag-aralan pa natin nang mas detalyado kung paano ito gumagana. Sa ngayon, tandaan na puwedeng mag-swap ang mga user ng mga ERC-20 token nang hindi nangangailangan ng order book.

Dahil desentralisado ang Uniswap protocol, walang proseso ng paglilista. Ang anumang ERC-20 token ay mailulunsad hangga't may liquidity pool na available para sa mga trader. Bilang resulta, hindi rin nagpapataw ang Uniswap ng anumang bayad sa paglilista. Puwedeng sabihin na ang Uniswap protocol ay nagsisilbing isang uri ng public good.

Nilikha ni Hayden Adams ang Uniswap protocol noong 2018. Pero ang pinagbabatayang teknolohiya na nagbigay-inspirasyon sa implementasyon nito ay unang inilarawan ng co-founder ng Ethereum na si Vitalik Buterin.


Paano gumagana ang Uniswap?

Tinatalikuran ng Uniswap ang tradisyonal na arkitektura ng digital na palitan sa pamamagitan ng kawalan nito ng order book. Gumagamit ito ng disenyo na tinatawag na Constant Product Market Maker, na isang klase ng modelong tinatawag na Automated Market Maker (AMM).

Ang mga automated market maker ay mga smart contract na humahawak ng mga reserba ng liquidity (o mga liquidity pool) kung saan puwedeng makipag-trade ang mga trader. Ang mga reserbang ito ay pinopondohan ng mga tagapagbigay ng liquidity. Puwedeng maging tagapagbigay ng liquidity ang sinumang magdedeposito ng katumbas na halaga ng dalawang token sa pool. Bilang kapalit, nagbabayad ang mga trader sa pool na ipinapamahagi naman sa mga tagapagbigay ng liquidity ayon sa kanilang share sa pool. Pag-aralan pa nating maigi kung paano ito gumagana. 

Gumagawa ng merkado ang mga tagapagbigay ng liquidity sa pamamagitan ng pagdeposito ng katumbas na halaga ng dalawang token. Puwede itong isang ETH at isang ERC-20 token o dalawang ERC-20 token. Ang mga pool na ito ay madalas na binubuo ng mga stablecoin gaya ng DAI, USDC, o USDT, pero hindi iyon kinakailangan. Bilang kapalit, makakakuha ang mga tagapagbigay ng liquidity ng "mga liquidity token" na kumakatawan sa kanilang share ng buong liquidity pool. Ang mga liquidity token na ito ay puwedeng i-redeem para sa share na kinakatawan ng mga ito sa pool.

Gawin nating halimbawa ang liquidity pool ng ETH/USDT. Tatawagin natin ang ETH na parte ng pool na x at ang USDT na parte na y. Kinukuha ng Uniswap ang dalawang daming ito at minu-multiply ang mga ito para makalkula ang kabuuang liquidity sa pool. Tawagin natin itong k. Ang pangunahing ideya sa likod ng Uniswap ay dapat manatiling hindi nagbabago ang k, ibig sabihin, dapat na hindi nagbabago ang kabuuang liquidity sa pool. Kaya, ang pormula ng kabuuang liquidity sa pool ay: 

x * y = k

Ano ngayon ang mangyayari kung may gustong mag-trade?

Kunwari ay bumili ng 1 ETH si Alice sa halagang 300 USDT gamit ang liquidity pool ng ETH/USDT. Dahil sa ginawa niyang iyon, pinataas niya ang USDT na parte ng pool at binawasan niya ang ETH na parte ng pool. Ibig sabihin, tataas ang presyo ng ETH. Bakit? Mas kakaunti ang ETH na nasa pool pagkatapos ng transaksyon, at alam natin na ang kabuuang liquidity (k) ay dapat manatiling hindi nagbabago. Ang mekanismong ito ang siyang tumutukoy ng presyo. Sa huli, ang presyong binayaran para sa ETH na ito ay batay sa kung gaano nabago ng isang partikular na trade ang ratio sa pagitan ng x at y.

Dapat alalahanin na ang modelong ito ay hindi linear ang pag-scale. Bilang epekto, kapag mas malaki ang order, mas malaki rin ang paggalaw ng balanse sa pagitan ng x at y. Ibig sabihin, ang mas malalaking order ay higit na mas mahal kumpara sa mas maliliit na order, kaya humahantong ito sa mas maraming slippage. Ibig sabihin din nito, kapag mas malaki ang liquidity pool, mas madali ang pagproseso ng malalaking order. Bakit? Sa kasong ito, ang paggalaw sa pagitan ng x at y ay mas maliit.


Uniswap v3

Ang teknolohiya sa likod ng Uniswap ay nagkaroon na ng ilang bersyon. May tsansang kung nakagamit ka na ng Uniswap, Uniswap v2 ang nagamit mo. Gayunpaman, lagi namang may bagong pagpapahusay na nagaganap dito. Tingnan natin ang mga update ng Uniswap v3 na nakapagdala ng pinakamalalaking epekto.


Mahusay na paggamit ng kapital

Isa sa mga pinakamakabuluhang pagbabago na dala ng Uniswap v3 ay may kaugnayan sa mahusay na paggamit ng kapital. Ganito iyon, karamihan sa mga AMM ay hindi mahusay sa paggamit ng kapital – ibig sabihin, marami sa kanilang mga pondo sa anumang panahon ay hindi nagagamit. Dahil ito sa likas na katangian ng modelong x*y=k na tinalakay natin kanina. Sa madaling salita, kung mas marami ang liquidity sa pool, mas malaki ang mga order na kayang suportahan ng system sa isang mas malawak na saklaw ng presyo.

Pero ang mga tagapagbigay ng liquidity (liquidity provider o LP) sa mga pool na ito ay nagbibigay ng liquidity para sa curve ng presyo (saklaw) sa pagitan ng 0 at walang hangganan. Nakatengga ang lahat ng kapital na iyon at nakareserba lang para sa mga sitwasyon kung saan isa sa mga asset sa pool ay 5x-s, 10x-s, 100x-s.

Kung mangyayari iyon, tinitiyak ng mga hindi ginagamit na asset na may matitirang liquidity sa parteng iyon ng curve ng presyo. Ibig sabihin nito, maliit na parte lang ng liquidity sa pool ang nakalagay sa kung saan nagaganap ang marami sa mga pag-trade.

Bilang halimbawa, ang Uniswap ay kasalukuyang may humigit-kumulang 5B dolyar na liquidity na naka-lock, habang humigit-kumulang 1B dami lang bawat araw ang pinapangasiwaan nito. Iisipin mo sigurong hindi ito kanais-nais na paraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay, at mukhang sumasang-ayon ang team ng Uniswap dito. Hinarap ng Uniswap v3 ang isyung ito.

Puwede na ngayong magtakda ang mga tagapagbigay ng liquidity ng mga saklaw ng custom price para sa kung saan saan nila gustong magbigay ng liquidity. Dapat itong humantong sa mas maraming nakalaang liquidity sa saklaw ng presyo kung saan mas marami ang nagaganap na pag-trade.

Kung iisipin, ang Uniswap v3 ay isang simpleng paraan para gumawa ng on-chain na order book sa Ethereum, kung saan puwedeng magdesisyon ang mga market maker kung gusto nilang magbigay ng liquidity sa mga saklaw ng presyo na itatakda nila. Dapat tandaan na ang pagbabagong ito ay pumapabor sa mga propesyonal na market maker nang higit sa mga retail na kalahok. Ang kagandahan ng mga AMM ay puwedeng magbigay ng liquidity ang kahit sino at gamitin ang kanilang mga pondo.

Gayunpaman, dahil sa dagdag na antas ng pagka-kumplikado, mas mababa ang puwedeng kitain ng mga "tamad" na LP sa bayarin sa pag-trade kaysa sa mga propesyonal na kalahok na tuloy-tuloy na pinapahusay ang kanilang diskarte. Kasabay nito, hindi mahirap isipin na ang mga aggregator tulad ng yearn.finance ay mag-aalok sa mga retail na LP ng paraan para maging kumpetitibo sa larangang ito.


Ang Mga Uniswap LP token bilang Mga NFT

Naiintindihan na natin na ang bawat posisyon ng LP sa Uniswap ay walang katulad dahil puwedeng magtakda ang bawat nagdedeposito ng kanilang sariling saklaw ng presyo. Ibig sabihin nito, ang mga posisyon ng LP sa Uniswap ay hindi na fungible. Bilang resulta, ang bawat posisyon ng LP ay kinakatawan na ngayon ng isang non-fungible token (NFT).

Isa sa mga pakinabang ng pagkatawan ng posisyon ng LP sa Uniswap gamit ang isang fungible token ay kung paano ito puwedeng gamitin sa ibang mga bahagi ng DeFi. Ang mga LP token sa Uniswap v2 ay puwedeng ideposito sa Aave o MakerDAO bilang kolateral. Hindi na ito ang kaso sa v3 dahil ang bawat posisyon ay natatangi. Pero ang break na ito ng compostability ay puwedeng malutas ng mga bagong uri ng mga produkto ng derivative.


Uniswap sa layer 2

Ang bayarin sa transaksyon sa Ethereum ay tumaas nang matindi noong nakaraang taon. Dahil dito, naging magastos ang paggamit ng Uniswap para sa marami sa maliliit na user.

Ide-deploy din ang Uniswap v3 sa layer 2 na solusyon ng pag-scale na tinatawag na Optimistic rollup. Ito ay magandang paraan para mag-scale ng mga smart contract habang kumukuha ng seguridad sa Ethereum network. Ang pag-deploy na ito ay dapat humantong sa matinding pagtaas ng throughput ng transaksyon at higit na mas mababang bayarin para sa mga user.


Ano ang pansamantalang pagkalugi?

Tulad ng tinalakay natin kanina, kumikita ang mga tagapagbigay ng liquidity sa pagbibigay ng liquidity sa mga trader na puwedeng makipag-swap ng mga token. May iba pa bang kailangang malaman ang mga tagapagbigay ng liquidity? Oo. May epektong tinatawag na pansamantalang pagkalugi.

Sabihin nating nagdeposito ng 1 ETH at 100 USDT si Alice sa isang Uniswap pool. Dahil kailangang magkapareho ang halaga ng pares ng token, ang presyo ng ETH ay 100 USDT. Kasabay nito, may kabuuang 10 ETH at 1,000 USDT sa pool – at ang iba ay pinopondohan ng ibang mga tagapagbigay ng liquidity na tulad ni Alice. Ibig sabihin, may 10% share si Alice sa pool. Ang ating kabuuang liquidity (k), sa kasong ito, ay 10,000.

Ano ang mangyayari kung ang presyo ng ETH ay tumaas sa 400 USDT? Tandaan na ang kabuuang liquidity sa pool ay dapat manatiling hindi nagbabago. Kung ang ETH ay nasa 400 USDT na ngayon, ibig sabihin, ang ratio sa pagitan ng kung magkano ang ETH at kung magkano ang USDT na nasa pool ay nagbago. Sa totoo lang, may 5 ETH at 2,000 USDT sa pool ngayon. Bakit? Ang mga arbitrage trader ay magdadagdag ng USDT sa pool at magtatanggal ng ETH mula roon hanggang ang ratio ay nagpapakita na ng totoong presyo. Kaya napakahalagang maintindihan na dapat na hindi nagbabago ang k.

Nagpasya ngayon si Alice na i-withdraw ang kanyang mga pondo at kunin ang 10% ng pool ayon sa kanyang share. Bilang resulta, makakakuha siya ng 0.5 ETH at 200 USDT, na may kabuuang 400 USDT. Parang kumita siya nang malaki. Pero teka lang, ano kaya ang nangyari kung hindi niya inilagay ang kanyang mga pondo sa pool? Mayroon sana siyang 1 ETH at 100 USDT, na may kabuuang 500 USDT.

Sa katotohanan, mas makakabuti pa kay Alice kung nag-HODL siya kaysa sa kung nagdeposito siya sa Uniswap pool. Sa kasong ito, ang pansamantalang pagkalugi ay ang kapalit ng oportunidad ng pag-pool ng token na tumataas ang presyo. Ibig sabihin nito, dahil sa pagdeposito ng mga pondo sa Uniswap sa pag-asang kumita sa bayarin, puwedeng mapalampas ni Alice ang ibang mga oportunidad.

Tandaan na ang epektong ito ay gumagana anuman ang direksyon ng pagbabago ng presyo mula sa panahon ng pagdeposito. Ano ang ibig sabihin nito? Kung ang presyo ng ETH ay bumaba kumpara sa noong panahon ng pagdeposito, puwedeng lumaki ang mga pagkalugi. Kung gusto mong malaman ang mas teknikal na pagpapaliwanag tungkol dito, tingnan ang artikulo ni Pintail.

Pero bakit pansamantala ang pagkalugi? Kung ang presyo ng mga na-pool na token ay bumalik sa presyo noong idinagdag ang mga ito sa pool, nababawasan ang epekto. Dagdag pa, dahil kumikita ang mga tagapagbigay ng liquidity, puwedeng mabalanse ang pagkalugi sa paglipas ng panahon. Kahit pa ganito, dapat itong malaman ng mga tagapagbigay ng liquidity bago maglagay ng mga pondo sa isang pool.


Paano kumikita ang Uniswap?

Hindi ito kumikita. Ang Uniswap ay isang decentralized protocol na sinusuportahan ng Paradigm (isang hedge fund ng crypto). Ang lahat ng bayad ay napupunta sa mga tagapagbigay ng liquidity at wala sa mga tagapagtatag ang nakakakuha ng parte mula sa mga trade na isinasagawa sa protocol.

Sa kasalukuyan, ang bayad sa transaksyon na ibinibigay sa mga tagapagbigay ng liquidity ay 0.3% kada trade. Bilang default, idinadagdag ang mga ito sa liquidity pool, pero puwede itong i-redeem ng mga tagapagbigay ng liquidity anumang oras. Ang bayarin ay ipinapamahagi ayon sa share ng bawat tagapagbigay ng liquidity sa pool.

Ang isang bahagi ng bayarin ay puwedeng ilaan sa pagpapaunlad ng Uniswap sa hinaharap. Ang team ng Uniswap ay naglabas na ng mas pinahusay na bersyon ng protocol na tinatawag na Uniswap v2.


➟ Gustong magsimula sa cryptocurrency? Bumili ng Bitcoin sa Binance!


Paano gamitin ang Uniswap

Ang Uniswap ay isang open source na protocol, ibig sabihin, puwedeng gumawa ng sariling front-end application para dito ang kahit na sino. Pero ang pinakamadalas gamitin ay ang https://app.uniswap.org o ang https://uniswap.exchange.

  1. Pumunta sa interface ng Uniswap.

  2. Ikonekta ang iyong wallet. Puwede mong gamitin ang MetaMask, Trust Wallet, o iba pang wallet na sumusuporta sa Ethereum.

  3. Piliin ang token na gusto mong ipalit.

  4. Piliin ang token na gusto mong makuhang kapalit.

  5. I-click ang I-swap.

  6. Tingnan ang transaksyon sa pop-up window.

  7. Kumpirmahin ang kahilingan sa transaksyon sa iyong wallet.

  8. Hintaying makumpirma ang transaksyon sa Ethereum blockchain. Puwede mong makita ang status sa https://etherscan.io/.


Ang Uniswap (UNI) token

Ang UNI ay ang native na token ng Uniswap protocol, at binibigyan nito ang mga may hawak ng token ng mga karapatan sa pamamahala. Ibig sabihin, puwedeng bumoto ang mga may hawak ng UNI hinggil sa mga pagbabago sa protocol. Natalakay na natin kanina kung paano nagsisilbi ang protocol bilang isang uri ng public good. Pinagtitibay ng UNI token ang ideyang ito.

1 bilyong UNI token ang nagawa na sa pagsisimula nito. 60% nito ay ipinamahagi sa mga kasalukuyang miyembro ng komunidad ng Uniswap habang ang 40% ay available sa mga miyembro ng team, mamumuhunan, at tagapayo sa loob ng apat na taon.

Isang parte ng pamamahagi sa komunidad ay nangyayari sa pagmimina ng liquidity. Ibig sabihin nito, ang UNI ay ipinapamahagi sa mga nagbibigay ng liquidity sa mga sumusunod na Uniswap pool:

  • ETH/USDT

  • ETH/USDC

  • ETH/DAI

  • ETH/WBTC

Pero sino ang mga miyembro ng komunidad ng Uniswap? Ito ang anumang address sa Ethereum na nakipag-ugnayan na sa mga Uniswap contract. Tingnan natin kung paano mag-claim ng mga UNI token.


Paano mag-claim ng mga Uniswap (UNI) token

Kung nakagamit ka na ng Uniswap, malamang na puwede kang mag-claim ng 400 UNI token para sa bawat address na ginamit mo sa Uniswap. Para mag-claim ng mga token:

  1. Pumunta sa https://app.uniswap.org/.

  2. Ikonekta ang wallet na ginamit mo noon sa Uniswap . 

  3. I-click ang "I-claim ang iyong mga UNI token".

paano-mag-claim-ng-mga-uni-token-uniswap

  1. Kumpirmahin ang transaksyon sa iyong wallet (tingnan ang kasalukuyang mga presyo ng gas sa Ethscan Gas Tracker).

  2. Pagbati, isa ka nang may hawak ng UNI!

Gusto mo bang mag-trade ng mga UNI token? Puwede yan sa Binance.


➟ Mag-click dito para mag-trade ng mga UNI token sa Binance!


Paano bumili ng UNI sa Binance

Para bumili ng UNI, kakailanganin mong mag-swap ng fiat o crypto gamit ang view ng palitan ng Binance. Hindi ka puwedeng gumamit ng debit/credit card para direktang bumili ng UNI. Nasa ibaba ang mga posibleng pares, kung saan makakapili ka sa BNB, BTC, BUSD, USDT, o EUR.


Kung gusto mong bumili ng UNI gamit ang crypto, puwede kang maglipat ng mga coin sa iyong Spot Wallet o bumili ng ilang coin. Ang BUSD ay isang inirerekomendang opsyon dahil sa pagiging stable ng presyo nito. Puwede kang bumili ng BUSD gamit ang iyong card sa pamamagitan ng pagpunta sa page na [Bumili ng Crypto]. Ilagay ang halagang gusto mong bilhin at i-click ang [Magpatuloy] para ilagay ang mga detalye ng iyong card.


Kapag nasa iyo na ang crypto mo, pumunta sa palitan at piliin ang pares ng UNI na gusto mong i-trade. Puwede mong baguhin ang iyong pares sa pamamagitan ng pag-click sa kasalukuyang pares sa merkado sa kanang bahagi sa itaas.


Sa search bar, i-type ang napili mong pares. Para sa ating halimbawa, kailangan natin ng UNI/BUSD.


Puwede ka na ngayong gumawa ng order para bumili ng UNI. Ang pinakamabilis na paraan ay sa pamamagitan ng market order na nagbibigay sa iyo ng kasalukuyang presyo ng spot. Puwede ka ring magtakda ng limit order o stop-limit order kung gusto mong bumili sa isang partikular o mas malaking presyo.

Para gawin ang iyong market order, pumunta sa kanang bahagi ng view ng palitan at i-click ang [Spot]. Tiyaking pinili mo ang [Market] bilang ang uri ng iyong order sa ibaba ng tab na [Bumili] at i-type ang halaga ng BUSD na gusto mong i-trade. Panghuli, i-click ang [Bumili ng UNI] para ilagay ang iyong order.


Paano magbenta ng UNI sa Binance

Ang pagbebenta ng iyong UNI ay kagaya ng proseso ng pagbili. Una, tiyaking nasa Binance Spot Wallet mo ang iyong UNI. Kung hindi mo idineposito ang iyong mga token, pumunta sa page na [Fiat at Spot] at hanapin ang UNI. I-click ang [Magdeposito] para sa mga detalyadong tagubilin sa kung paano ilipat ang iyong UNI. Puwede mo ring basahin ang aming gabay sa kung Paano Magdeposito sa Binance para sa higit pang tulong.


Kapag matagumpay mo nang naideposito ang iyong UNI, buksan ang view ng palitan at piliin ang pares ng UNI na gusto mong i-trade. Tingnan natin ang UNI/BTC.


Gamitin ang search bar para hanapin ang pares na gusto mo. Sa kaso natin, i-click ang [UNI/BTC].


Para ibenta ang iyong UNI sa kasalukuyang market price, pumunta sa kanang bahagi ng screen. I-click ang [Spot] at piliin ang [Market] bilang ang uri ng order sa ilalim ng tab na [Magbenta]. Ilagay ang halaga ng UNI na gusto mong ibenta at i-click ang [Magbenta ng UNI].


Mga pangwakas na pananaw

Ang Uniswap ay isang inobatibong exchange protocol na binuo sa Ethereum. Nagbibigay-daan ito para makipagpalitan ng mga token ang kahit sinong may Ethereum wallet nang walang tagapamagitang sentral na partido. 

Bagama't may mga limitasyon ito, may mga kapana-panabik na implikasyon ang teknolohiyang ito sa kinabukasan ng trustless na pag-swap ng token. Kapag nag-live na sa network ang mga solusyon sa scalability ng Ethereum 2.0, posibleng makinabang ang Uniswap sa mga ito.