TL;DR
Ang MakerDAO ay isang proyekto ng Decentralized Finance (DeFi) na may stablecoin na DAI na ginagamitan ng collateral na crypto na naka-peg sa US dollar. Pinapamahalaan ng komunidad nito ang coin sa pamamagitan ng isang Decentralized Autonomous Organization (DAO). Bumubuo ng DAI ang mga user sa pamamagitan ng pag-lock ng cryptocurrency sa isang Maker Vault sa isang partikular na Ratio ng Liquidation. Halimbawa, sa 125% Ratio ng Liquidation, kailangan ng $1.25 na halaga ng crypto collateral para sa bawat $1 na DAI.
Ino-overcollateralize ang stablecoin para maisaalang-alang ang mga volatile na presyo ng crypto, at naniningil din ng Bayad sa Stability. Nili-liquidate at ginagamit ang iyong crypto para mabawi ang anumang pagkalugi kung magiging mas mababa ang collateral mo sa Ratio ng Liquidation.
Nananatiling stable ang DAI dahil kinokontrol ng DAO nito ang Bayad sa Stability at DAI Savings Rate. Nakakaapekto sa supply ng DAI ang Bayad sa Stability sa pamamagitan ng pagbago sa gastos sa pag-mint ng DAI. Nakakaapekto sa demand ng coin ang DAI Savings Rate, na bumabago sa mga kita ng mamumuhunan sa pag-stake ng DAI. Kapag lumayo ang DAI mula sa peg nito, gagamitin ng DAO ang dalawang mekanismong ito para maibalik ito.
Katulad sa iba pang stablecoin at crypto asset ang mga benepisyo ng DAI. Madali itong maililipat sa buong mundo, magagamit ito para magbayad, o mag-lock ng mga kita at pagkalugi. Puwede ka ring gumamit ng DAI bilang leverage at puwede mo itong ipuhunan sa kontrata ng DAI Savings Rate para sa interes.
Para sumali sa mga Poll sa Pamamahala at Pagboto sa Pagpapatupad, bumibili ang mga user ng mga MKR token na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang bumoto. Ginagamit ang mga ito para baguhin ang Bayad sa Stability, DAI Savings Fee, team, mga smart contract, at iba pang paksa.
Panimula
Ang mga stablecoin ay mga napakasikat na cryptocurrency na nag-aalok ng kompromiso sa pagitan ng tradisyonal na pananalapi at mga digital asset. Dahil ginagaya ng mga ito ang fiat currency habang gumagana bilang mga cryptocurrency, nakakahikayat ang mga blockchain-based token na ito para sa "pag-lock" ng mga kita o pagkalugi.
Hanggang sa kasalukuyan, sinusuportahan ng fiat ang mga stablecoin na may pinakamalaking market cap. Gumagana ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapanatili ng supply ng mga reserba na sumusuporta sa stablecoin. Gayunpaman, sikat din ang mga stablecoin na sinusuportahan ng crypto. Sa artikulong ito, susuriin natin ang isa sa mga pinakasikat na halimbawa, ang MakerDAO, at kung paano ito eksaktong nagpapanatili ng $1 na peg na may volatile na collateral.
Ano ang MakerDAO?
Ina-access ng mga user ang MakerDAO sa pamamagitan ng Oasis DApp. Dito, makakagawa sila ng mga pautang na may collateral, makakalahok sila sa pamamahala, at mapapamahalaan nila ang kanilang mga dati nang Maker Vault. Umaasa ang mga interaksyong ito sa mga smart contract at game theory, na nagbibigay-daan sa DAI para makapagpanatili ng may pagka-stable na halaga. Magagamit ang DAI katulad ng mga stablecoin na sinusuportahan ng fiat at ibinibigay ng mga ito ang mga parehong benepisyo.
Ano ang DAI?
Tulad ng anupamang stablecoin, may ilang benepisyo ang DAI kapag ginagamit ito:
Paano gumagana ang crypto collateral?
Pisikal at fiat na collateral
Magandang halimbawa ang sanglaan. Puwede kang magbigay ng alahas (collateral) kapalit ng pautang na cash. Pagkatapos, puwede mong bayaran ang pautang dagdag ang bayad sa pagsasauli ng iyong collateral o puwede mong hayaan ang sanglaan na itabi ang collateral at mabawi ang nalugi sa kanila. Nagsisilbi ang collateral bilang safety net, at nalalapat ang parehong konsepto sa mga mortgage at pagbabayad ng sasakyan. Sa mga ganitong sitwasyon, nagsisilbing collateral ang mga produkto (ari-arian o sasakyan).
Crypto collateral
Ang mga stablecoin na ginagamitan ng collateral na crypto gaya ng DAI ay tumatanggap ng crypto bilang collateral sa halip na fiat. Pinapamahalaan ng isang smart contract na may mga panuntunan ang mga pondong ito: mag-isyu ng X na halaga ng mga stablecoin token kapalit ng Y na halaga ng ETH na idineposito. Isauli ang Z na halaga ng ETH kapag ibinalik ang X na halaga ng stablecoin. Nakasalalay sa proyektong nag-iisyu ng token ang eksaktong halaga ng collateral na kailangan. Pangunahing nakadepende ang ratio na ito sa volatility at panganib ng collateral asset.
Ano ang labis na paglalagay ng collateral ng DAI?
Ang mga stable at may mababang panganib na asset gaya ng fiat, mga precious metal, at ari-arian ang mga karaniwang paboritong gamitin bilang collateral. Gaya ng nabanggit namin, mas delikado ang paggamit ng crypto bilang collateral para sa mga nagpapahiram dahil puwedeng magkaroon ng malaking pagbabago-bago sa presyo nito. Isipin ang isang proyektong nanghihingi ng $400 na halaga ng ETH na collateral para sa 400 token na naka-peg sa USD.
Kung biglang babagsak ang presyo ng ETH, hindi mababayaran ng collateral ng nagpapahiram ang pautang na ibinigay niya. Ang sagot dito ay mag-overcollateralize: sa halip, $600 na halaga ng ETH ang hihingin ng nagpapahiram kapag nagpapautang siya ng 400 token ng kanyang USD stablecoin.
Ano ang mga collateralized debt position (CDP)?
Ano ang mga Maker Vault?
1. Magdedeposito ka ng mga sinusuportahang cryptocurrency sa Maker Protocol.
2. Magbubukas ng posisyon sa Maker Vault ang deposito.
3. Puwede kang mag-withdraw ng DAI na tinukoy ng halaga ng collateral mo. Kakailanganin mo ring bayaran ang Bayad sa Stability.
4. Para mabawi ang iyong crypto collateral, bayaran ang na-withdraw na DAI.
Puwede kang bumuo o magsauli ng DAI at puwede mong idagdag o i-withdraw ang iyong collateral anumang oras. Gayunpaman, dapat mong panatilihin ang Ratio ng Liquidation na ipinapakita sa Vault. Kung magiging mas mababa ka sa ratio na ito, ili-liquidate ng Vault ang iyong collateral.
Paano nananatiling stable ang halaga ng DAI?
Maliban sa pagbabawas ng panganib para sa MakerDAO bilang mga nagpapahiram, nakakatulong ang mekanismo ng CDP na i-peg ang DAI sa USD. Puwede ring bumoto ang MakerDAO para baguhin ang Bayad sa Stability at DAI Savings Rate (interes na binabayaran sa mga nagse-stake sa smart contract ng DAI Savings Rate) para manipulahin ang supply at demand para sa DAI. Gumagana nang magkakasama ang tatlong tool na ito para mapanatili ang $1 na peg ng DAI. Tingnan natin kung paano ito eksaktong nangyayari:
1. Kapag naging mas mababa ang DAI kaysa sa peg, ginagawang nakakahikayat ng system para sa mga user na bayaran ang kanilang mga utang, kunin ang collateral nila, at i-burn ang kanilang DAI. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtataas ng Bayad sa Stability, kung saan magiging mas mahal ang manghiram. Puwede ring taasan ng DAO ang DAI Savings Rate, na magpapataas ng demand para sa pamumuhunan sa token.
2. Kapag mas mataas ang DAI kaysa sa peg nito, kabaliktaran ang mangyayari. Gumagawa ang DAO ng mga insentibo para bumuo ng DAI kung bababaan ang Bayad sa Stability. Gagawa ito ng bagong DAI at daragdagan nito ang kabuuang supply, na magpapababa sa presyo. Puwede ring bawasan ng MakerDAO ang demand ng DAI sa pamamagitan ng pagpapababa ng DAI Savings Rate, ibig sabihin, sa iba susubukang kumita ng interes ng mga mamumuhunan.
Mga gamit ng DAI
Gaya ng nabanggit, ginagamit ang DAI gaya ng anupamang stablecoin at pareho ang mga benepisyo nito. Hindi nga kailangang ikaw mismo ang bumuo nito at puwede kang bumili ng DAI sa merkado ng crypto, halimbawa, sa Binance. Mayroon ding ilang natatanging gamit ang DAI:
Saan ako makakabili ng DAI?

Paano ako lalahok sa sistema ng pamamahala ng MakerDAO?
Mga Poll sa Pamamahala
Mga Pagboto sa Pagpapatupad
Mga pangwakas na pananaw
Bilang namamayaning stablecoin na ginagamitan ng collateral na crypto, napatunayan nang matagumpay ang DAI. Kinokontrol ng system ang volatility ng crypto nang hindi gumagamit ng fiat bilang collateral, na isang malaking bagay. Hindi mo rin dapat kalimutan ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng mga DAO. Isa ito sa mga matagal na at malaking DAO na nagbigay-daan sa marami pang iba. Kung magpapasya kang mag-eksperimento sa DAI, may mga panganib din ito na katulad sa iba pang stablecoin.