TL;DR
Ang Curve Finance ay isang desentralisadong palitan (DEX) na tumatakbo sa Ethereum. Partikular na idinisenyo ito para sa pagpapalit sa pagitan ng mga stablecoin. Ang kailangan mo lang ay isang wallet ng Ethereum, ilang mga pondo, at puwede kang mag-swap ng iba't ibang mga stablecoin na may mababang bayarin at slippage.
Puwede mong isipin ang Curve tulad ng "Uniswap para sa mga stablecoin." Salamat sa espesyal na pormula sa pagpepresyo, mahusay din ito para sa pagsa-swap sa pagitan ng iba't ibang mga tokenized na bersyon ng isang coin.
Ang mga automated market maker (AMM) ay may malaking epekto sa landscape ng crypto. Ang mga protocol ng liquidity tulad ng
Uniswap, Balancer, at
PancakeSwap ay pinapayagan ang sinuman na maging isang market maker at kumita ng mga bayad sa maraming magkakaibang mga pares sa merkado.
Puwede bang makahulugag makipagkumpetensya ang mga AMM na ito sa mga sentralisadong palitan? Siguro. Ngunit may isang segment kung saan ipinapakita nila ang mahusay na potensya l– at iyon ang pakikipag-trade ng stablecoin. Ang Curve Finance ang nangunguna sa mundong ito.
Ang Curve Finance (
https://curve.fi ) ay isang automated market maker protocol na idinisenyo para sa mag-swap sa pagitan ng mga stablecoin na may mababang bayad at slippage. Ito ay isang desentralisadong
liquidity aggregator kung saan ang sinuman ay puwedeng magdagdag ng kanilang mga asset sa maraming iba't ibang mga liquidity pool at kumita ng mga bayarin.
Kung nabasa mo ang aming
artiulo ng AMM, malalaman mo na ang mga AMM ay gumagana sa isang algorithm ng pagpepresyo sa halip na sa isang
order book. Dahil sa paraan ng paggana ng formula sa pagpepresyo sa Curve, puwede rin itong maging lubhang kapaki-pakinabang para sa pagsa-swap sa pagitan ng mga token na mananatili sa magkatulad na saklaw ng presyo.
Nangangahulugan ito na hindi lang ito mahusay para sa pagsa-swap sa pagitan ng mga stablecoin kundi pati na rin ng iba't ibang mga tokenized na bersyon ng isang coin. Tulad ng naturan, ang Curve ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang makipag-swap sa pagitan ng iba't ibang
tokenized na mga bersyon ng Bitcoin, tulad ng WBTC, renBTC, at sBTC.
Sa oras ng pagsulat, mayroong 17 mga Curve pool na available upang makapag-swap sa pagitan ng maraming iba't ibang mga stablecoin at asset. Siyempre, ang mga ito ay patuloy na nagbabago batay sa pangangailangan ng merkado at ang patuloy na nagbabago na landscape ng
DeFi. Ang ilan sa mga pinakatanyag na available na stablecoin ay kasama ang USDT, USDC, DAI, BUSD, TUSD, sUSD, at marami pa.
Walang opisyal na impormasyon tungkol sa koponan ng Curve, ngunit ang karamihan sa
GitHub na may mga ambag ay ginawa ni Michael Egorov, ang CTO ng isang computer at security company na tinatawag na NuCypher.
Tulad ng nabanggit, ang mga asset ay nagkaka-presyo ayon sa isang formula ng pagpepresyo sa halip na sa isang order book. Ang pormula na ginamit ng Curve ay partikular na idinisenyo upang mapadali ang mga pag-swap na nangyayari sa isang halos magkatulad na saklaw.
Halimbawa, alam namin na ang 1 USDT ay dapat na katumbas ng 1 USDC, na dapat katumbas ng halos 1 BUSD, at iba pa. Gayunpaman, kung nais mong baguhin ang 100 milyong dolyar ng USDT sa USDC, pagkatapos ay i-convert ito sa BUSD, magkakaroon ng ilang slippage. Ang formula ng Curve ay dinisenyo upang i-minimize ang slippage na ito hangga't maaari.
Ang isang bagay na dapat tandaan dito ay kung wala sila sa parehong saklaw ng presyo, ang formula ng Curve ay hindi gagana nang mahusay. Gayunpaman, hindi na kailangang isaalang-alang ito ng system. Pagkatapos ng lahat, kung ang USDT ay nagkakahalaga ng $0.7, ibang bagay sa labas ng Curve ay magiging labis na mali. Hindi maaayos ng system ang mga bagay sa labas ng kontrol nito, kaya't habang pinapanatili ng mga token ang kanilang peg, mahusay na ginagawa ng formula ang trabaho.
Ito ay humahantong sa labis na mababang slippage para sa kahit malalaking sukat. Sa katunayan, ang
spread sa Curve ay puwedeng makahulugang makipagkumpitensya sa ilan sa mga sentralisadong palitan at mga mesa ng OTC na may pinakamahusay na
liquidity.
Mayroong iba't ibang mga pagpapalagay tungkol sa pagtitiwala at panganib, kaya't ang liquidity at pagpapatupad ay hindi bibilangin para sa buong larawan. Ngunit tiyak na kapana-panabik na makita ang kumpetisyon sa pagitan ng sentralisado at desentralisadong mundo sa ganitong paraan.
Ang CRV ay token ng pamamahala ng CurveDAO, isang
ntralized autonomous organization (DAO) na nagpapatakbo ng protocol. Ang CRV ay patuloy na ipinamamahagi sa mga nagbibigay ng liquidity ng protokol, na may rate na bumababa taun-taon.
Hanggang sa Nobyembre 2020, ang bawat pag-trade sa platform ay nagkakaroon ng 0.04% na bayad sa pagte-trade na direktang napupunta sa mga nagbibigay ng liquidity.
Ang Curve ay na-audit ng Trail of Bits. Okay, kung ganun ang proyekto ay na-audit na, na nangangahulugang ganap na ligtas itong gamitin, tama ba? Syempre hindi! Palaging kasangkot ang mga panganib kapag gumagamit ng anumang smart contract, gaano man karami ang mga pag-audit nito. Mag-deposito lang hangga't handa kang malugi.
Tulad ng anumang iba pang AMM protocol, kakailanganin mo ring isaalang-alang ang
pansamantalang pagkalugi. Kung hindi mo alam kung ano iyon, basahin ang aming artikulo tungkol dito bago magdagdag ng liquidity sa Curve. Sa madaling salita, ang pansamantalang pagkalugi ay ang pagkawala ng halaga ng dolyar na puwedeng magdusa ang mga nagbibigay ng liquidity habang nagbibigay ng liquidity sa isang AMM.
Sa likod ng mga eksena, ang liquidity pool ay puwede ring ibigay sa
Compound o
yearn.finance upang makabuo ng mas maraming kita para sa mga nagbibigay ng liquidity. Bilang karagdagan, salamat sa mahika ng kakayahang umangkop, hindi lang ang mga user ay puwedeng makipag-trade sa Curve, kundi pati na rin sa
iba pang mga smart contract. Ipinakikilala nito ang mga karagdagang panganib, tulad ng marami sa mga DeFi na protocol na ito ay umaasa nalang sa bawat isa. Kung masira ang isa sa kanila, puwede naming makita ang isang nakakapinsalang epekto ng reaksyon ng chain sa buong ecosystem ng DeFi.
Katulad din ng
SushiSwap at Uniswap, ang Curve Finance ay mayroon ding mataas na profile ng
hard fork – ang Swerve Finance.
Itinaguyod ng Swerve ang kanyang sarili bilang isang "patas na paglulunsad," na nangangahulugang walang koponan o tagapagtatag ng paglalaan ng token ng pamamahala nito (SWRV). Ang mga token ng SWRV ay ipinamahagi sa isang kaganapan sa pagmimina ng liquidity, kung saan ang bawat isa ay may parehong pagkakataon na mag-farm. Dahil dito, na-claimna ang Swerve ay isang 100% pagmamay-ari ng komuidad at pinamamahalaan na fork ng Curve.
Ang Curve ay isa sa mga pinakatanyag na AMM na tumatakbo sa
Ethereum. Pinapadali nito ang matataas na dami ng pagte-trade ng stablecoin na may mababang slippage at mahigpit na spread sa isang non-custodial na paraan.
Ang isa pang bagay na naglalagay ng Curve Finance sa gitna ng mundo ng DeFi ay kung paano ang iba pang mga blockchain protocol ay lubos na umaasa dito. Ang kakayahang umangkop sa pagitan ng iba't ibang
desentralisadong mga aplikasyon ay mayroong mga panganib, ngunit ito rin ay isa sa pinakamalakas na bentahe ng DeFi.
Mayroon ka pa bang mga katanungan tungkol sa Curve at Desentralisadong Pananali? Suriin ang aming Q&A platform,
Magtanong sa Academy, kung saan sasagutin ng komunidad ng Binance ang iyong mga katanungan.