Ano ang SushiSwap at Paano Ito Gumagana?
Home
Mga Artikulo
Ano ang SushiSwap at Paano Ito Gumagana?

Ano ang SushiSwap at Paano Ito Gumagana?

Intermediya
Na-publish Sep 1, 2020Na-update Jun 2, 2023
10m

TL;DR

Ang DeFi, ang nag-iisang lugar kung saan naghaharap ang mga unicorn at cartoon sushi sa isang labanan para sa liquidity. Ang Uniswap ay isa sa mga pinakamatagumpay na protocol ng DeFi para sa pag-swap ng mga token sa Ethereum. Ginawa ito ng maliit na team ng masusugid na builder na ginawang open-source at available ang code para ma-fork ito ng kahit sino. At iyon mismo ang ginawa ng SushiSwap!

Ang SushiSwap ay isang fork ng Uniswap na nagdaragdag ng nakakatakam na SUSHI token. Nagbibigay ito ng kontrol sa protocol sa mga may-hawak at nagbibigay ito sa kanila ng isang bahagi ng bayarin. Alamin natin kung paano mo ito mailalagay sa pinggan mo!


Panimula

Habang nagbabago ang mundo ng Decentralized Finance (o DeFi), patuloy na nagkakaroon ng lumalaking bilang ng mga naiibang pampinansyal na platform. Nakita na natin kung paano nale-leverage ng mga mamumuhunan ang mga bagay gaya ng mga flash loan at pag-farm ng yield (o pagmimina ng liquidity) para kumita.

Pinatibay ng Uniswap ang posisyon nito bilang isa sa mga pangunahing protocol ng DeFi na may isa sa pinakamalalaking dami ng pag-trade. Gayunpaman, sa kabila ng desentralisadong ethos at matinding pagdepende nito sa mga smart contract, wala masyadong opinyon ang mga user pagdating sa direksyon ng pag-develop dito.

Nangako ang SushiSwap, na bagong pasok sa larangan, na baguhin iyon. At ang mahigit sa $1 bilyong halagang na-lock sa protocol – ilang araw lang pagkatapos ng paglulunsad – ay nagpapahiwatig na marami ang magiging interesado sa pagbabagong ito. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang fork ng Uniswap na mabilis na nagtagumpay sa mundo ng crypto.



Ano ang SushiSwap?

Inilunsad ang SushiSwap noong Setyembre 2020 ng dalawang anonymous na developer na tinatawag na Chef Nomi at 0xMaki. Isa ito sa mga pinakasikat na Decentralized Application (DApp) sa blockchain ng Ethereum. Ginagamit ng SushiSwap ang modelong automated market-making (AMM) para sa protocol nito ng decentralized exchange (DEX). Sa madaling sabi, walang order book sa SushiSwap. Sa halip, pinapangasiwaan ng mga smart contract ang pagbili at pagbebenta ng crypto. 

Nagsimula ang SushiSwap bilang fork ng Uniswap. Ginamit nito ang code ng Uniswap para buuin ang pundasyon nito habang naglagay rin ito ng ilang pangunahing pagkakaiba – pinakamahalaga sa lahat, ipinapamahagi ang mga reward sa mga SUSHI token. Ang mga tagapagbigay ng liquidity sa SushiSwap ay binibigyan ng reward na katutubong token ng protocol, ang SUSHI, na isa ring governance token. Hindi tulad ng Uniswap (UNI), puwedeng patuloy na makakuha ng mga reward ang mga may-hawak ng SUSHI kahit pagkatapos nilang magbigay ng liquidity. 

Noong una itong inilunsad, binigyan ng insentibo ng SushiSwap ang mga tagapagbigay ng liquidity para i-stake nila ang kanilang mga liquidity pool (LP) token sa Uniswap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga dagdag na reward na SUSHI na may mataas na annual percentage yield (APY). Sa loob ng isang linggo, matagumpay na nakahimok ang SushiSwap ng mahigit sa $1 bilyong USD na liquidity at lumampas sa $150 milyong dolyar ang kabuuang halagang na-lock. Pagkatapos, ang mga na-stake na LP token ay inilipat mula sa Uniswap papunta sa SushiSwap pagkalipas ng dalawang linggo. Ibig sabihin, na-redeem sa Uniswap ang lahat ng LP token ng Uniswap na na-stake sa SushiSwap para sa mga token na kinakatawan ng mga ito. Gumawa rin ng mga bagong liquidity pool gamit ang mga ito sa SushiSwap, na nagtakda ng paglulunsad ng palitan ng SushiSwap.
Noong Q2 2021, ipinakilala ng ecosystem ng SushiSwap ang pinakabagong idinagdag nito, isang platform para sa non-fungible token (NFT) na tinatawag na Shoyu. Nagmula talaga ang ideya ng Shoyu sa isang miyembro ng pamahalaan ng SUSHI, na nagmungkahing gawing madaling gamiting platform ng NFT ang Shoyu. Layunin nitong punan ang mga kasalukuyang pagkukulang ng mga marketplace ng NFT, gaya ng mga limitadong opsyon sa format ng file, limitadong laki ng larawan, at matataas na bayarin sa transaksyon sa Ethereum.


Ano ang SUSHI?

Ang SUSHI ay ang katutubong token ng SushiSwap. Isa itong ERC-20 token na ipinapamigay sa mga liquidity provider sa SushiSwap sa pamamagitan ng pagmimina ng liquidity. Ang SUSHI ay may maximum na supply na 250 milyong token. Nakasalalay sa rate ng block ang supply ng SUSHI. Mula Nobyembre 2021, ginagawa ito sa bilis na 100 token kada block, at umabot na ang supply nito na nasa sirkulasyon sa humigit-kumulang 50% ng kabuuang supply sa 127 milyong token.

Binibigyan ng SUSHI ang mga may-hawak ng karapatan sa pamamahala at isang bahagi ng bayaring ibinigay sa protocol. Sa pinasimpleng paraan, masasabi nating pagmamay-ari ng komunidad ng SUSHI ang protocol. Bakit ito nakatawag ng interes ng napakarami? Malaki ang pagkakaugnay ng pamamahala ng komunidad sa ethos ng DeFi. Ang paglago ng pagmimina ng liquidity (pag-farm ng yield) bilang wastong paraan ng pamamahagi ng token ang nagtulak sa paglulunsad ng naparaming bagong token. 

Layunin ng mga patas na modelo ng paglulunsad ng token na gawing patas ang labanan para sa lahat ng sangkot, at kadalasan, wala itong kasamang pag-premine, kaunti ang alokasyon nito o wala itong alokasyon sa tagapagtatag, at pantay-pantay ang pamamahagi batay sa dami ng mga pondong ibinigay ng bawat user. Kadalasan, nagbibigay rin ng mga karapatan sa pamamahala sa mga may-hawak ng token ang mga ipinapamahaging token.

Sige, pero ano ang magagawa ng mga may-hawak ng token sa mga karapatang ito sa pamamahala? Sa SushiSwap, kahit sino ay makakapagsumite ng SushiSwap Improvement Proposal (SIP), na puwedeng pagbotohan ng mga may-hawak ng SUSHI. Puwede itong maliliiit o kahit malalaking pagbabago sa protocol ng SushiSwap. Sa halip na mas tradisyonal na team gaya ng Uniswap, nasa kamay ng mga may-hawak ng SUSHI token ang pag-unlad ng SushiSwap. 

Puwedeng maging napakahusay na asset para sa anumang proyektong token ang malakas na komunidad, pero totoo ito lalo na para sa isang protocol ng DeFi. Halimbawa, ang MISO, o Minimal Initial SushiSwap Offering, ay isang produktong nagmula sa isang panukala sa pamamahala. Isa itong platform na launchpad ng token mula sa ecosystem ng SushiSwap na iniangkop para matugunan ang mga inaasahan ng komunidad ng SUSHI. Sa MISO, mailulunsad ng mga indibidwal at komunidad ang mga bago nilang proyektong token sa pamamagitan ng platform ng SushiSwap.


Paano gumagana ang SushiSwap?

Gaya ng nabanggit, ang SushiSwap ay isang protocol ng automated market maker (AMM) na gumagana bilang decentralized exchange. Walang order book o sentralisadong awtoridad. Pinoproseso ang pag-trade ng cryptocurrency sa SushiSwap ng mga smart contract sa mga liquidity pool. Sa liquidity pool nagiging mga tagapagbigay ng liquidity (liquidity provider o LP) ang mga user ng SushiSwap sa pamamagitan ng pag-lock ng mga crypto asset nila. Kahit sino ay puwedeng maging tagapagbigay ng liquidity sa SushiSwap at makakuha ng mga reward na katumbas ng parte nila sa pool. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagdeposito ng katumbas na halaga ng dalawang token sa pool. Gumagana ang bawat pool gaya ng merkado, kung saan puwedeng pumunta ang mga user para bumili at magbenta ng mga token. Para sa mas komprehensibong paliwanag kung paano gumagana ang AMM sa mga protocol ng DEX, tingnan ang aming artikulo tungkol sa Uniswap.

Sa SushiSwap, puwede kang mag-swap ng mga ERC-20 token gaya ng gagawin mo sa iba pang protocol ng DEX. Halimbawa, puwede kang magpapalit ng mga stablecoin gaya ng USDT at BUSD sa mga cryptocurrency gaya ng bitcoin (BTC) at ether (ETH). Mayroon ding iba't ibang function na may temang sushi para magkaroon ka ng passive na kita. Halimbawa, puwede kang mag-stake ng SUSHI sa SushiBar at makatanggap ng xSUSHI. Sa na-stake na xSUSHI, puwedeng makakuha ang mga may-hawak ng 0.05% bayad na reward ng lahat ng trade mula sa lahat ng liquidity pool. Pagkalunsad ng Shoyu, ang mga may-hawak ng SUSHI na magse-stake ng kanilang mga token para sa xSUSHI ay magiging kwalipikado ring makatanggap ng 2.5% ng bawat pag-trade ng NFT sa marketplace ng NFT.

Ang BentoBox ay isa pang feature para makakuha ng mga reward sa SushiSwap. Isa itong makabagong vault kung saan masusulit ng mga user ang lahat ng available na tool para makakuha ng yield sa SushiSwap. Ibig sabihin nito, sa pamamagitan ng pagdeposito ng iyong mga asset sa BentoBox, puwede kang awtomatikong kumita ng interes mula sa pag-stake sa SushiBar, pati na rin sa pagpapahiram nito sa iba pang user. Kasabay nito, puwede ring makakuha ng mga reward ang mga may-hawak ng xSUSHI mula sa bayarin sa transaksyon na maiipon mula sa BentoBox.


Uniswap kumpara sa SushiSwap

Hindi sikreto na napakalaki ng impluwensya ng open-source sa crypto. Maraming nag-iisip na gumagana ang Bitcoin at ang dumaraming protocol ng DeFi na hindi nangangailangan ng pahintulot bilang mga bagong uri ng pampublikong produkto na nasa anyo ng software. Dahil napakadaling kopyahin at ilunsad ulit nang may maliliit na pagbabago ng mga proyektong ito, natural lang na humantong ito sa kumpetisyon sa pagitan ng magkakatulad na produkto. Gayunpaman, puwede nating ipagpalagay na hahantong ito sa pinakamagagandang produkto para sa end-user.

Hindi maipagkakaila na utang ng DeFi ang malalaking pag-unlad nito sa team ng Uniswap. Pero nakikita natin ang hinaharap kung saan parehong namamayagpag ang Uniswap at SushiSwap (o ibang mga fork). Posibleng manatiling nangunguna ang Uniswap sa inobasyon sa larangan ng AMM, habang ang SushiSwap ay posibleng magbigay ng alternatibo na mas nakatuon sa mga feature na gustong makita ng komunidad.

Dahil dito, hindi mainam ang paghahati-hati ng liquidity sa pagitan ng magkakaparehong protocol. Kung nabasa mo na ang aming artikulo tungkol sa Uniswap, alam mo nang pinakamaayos na tatakbo ang AMM nang may mas maraming liquidity sa mga pool hangga't posible. Kung mahahati ang maraming liquidity sa DeFi sa pagitan ng maraming iba't ibang protocol ng AMM, posible itong humantong sa hindi magandang karanasan para sa mga end-user.


Paano magbigay ng liquidity para sa SushiSwap?

Nagdesisyon ka nang gusto mong mag-stake ng mga token kapalit ng SUSHI. Ang unang hakbang ay kunin ang mga token na iyon. Mabibili mo ang mga cryptocurrency para sa pag-stake mula sa mga sentralisadong palitan ng crypto gaya ng Binance, o mga desentralisadong palitan gaya ng Uniswap at 1inch. 

Sa halimbawang ito, magbibigay tayo ng liquidity para sa BNB-ETH, pero huwag mag-atubiling sumubaybay para sa iba pang pares (siyempre, hangga't magagamit ang mga LP token sa SushiSwap).

1. Pumunta sa Sushi at i-click ang [Pumasok sa App] para pumasok sa SushiSwap.

2. Pumunta sa [Pool] mula sa navigation bar sa itaas. Kakailanganin mong ikonekta ang iyong wallet para makapagsimula.  Puwede kang gumamit ng Binance Wallet, MetaMask, WalletConnect, o anupamang sinusuportahang Ethereum wallet. Sa halimbawang ito, Binance Wallet ang gagamitin natin.


3. Pagkatapos i-click ang [Binance], may makikita kang pop-up. Ilagay ang iyong password para i-unlock ang wallet, o i-click ang [Gumawa ng bagong wallet] kung wala ka pa nito. 


4. I-click ang [Ikonekta]. 

5. Mare-redirect ka pabalik sa SushiSwap Pool. I-click ang [Magdagdag] para magdagdag ng liquidity.


6. I-click ang [Pumili ng token] para mahanap ang pares ng mga cryptocurrency na gusto mong bigyan ng liquidity. Pagkatapos, ilagay ang halaga para sa isa sa mga token (hal., 1 BNB). Awtomatikong kakalkulahin ng system ang halagang kailangan para sa isa pang token.

Makikita mo rin ang parte mo sa pool sa ibaba. I-click ang [Aprubahan ang ETH] para kumpirmahin.


7. May makikita kang isa pang pop-up na window na naglalaman ng mga detalye at bayad sa gas para sa transaksyong ito. I-click ang [Kumpirmahin] para aprubahan ito, o i-click ang [Tanggihan] para i-edit ito.


8. I-click ang [Kumpirmahin ang Pagdaragdag ng Liquidity] at pagkatapos ay [Kumpirmahin ang Supply] para magdagdag ng liquidity sa pool ng BNB-ETH.

Tandaan: Dahil sa potensyal ng pansamantalang pagkalugi, puwede kang makatanggap ng ibang pamamahagi ng mga token kapag nag-redeem ka kaysa sa una mong idinagdag. Siguraduhing nauunawaan mo ang mga panganib bago ka magdagdag ng liquidity.




9. Kumpirmahin ang transaksyon sa pop-up para sa iyong wallet.

10. Matagumpay ka nang nakapagdagdag ng liquidity sa pool ng BNB-ETH. Makikita mo ang iyong posisyon at ang parte mo sa pool. Ibig sabihin nito, kapag nag-trade ng BNB/ETH ang mga user, puwede kang makatanggap ng mga reward sa bayad sa pag-trade.


11. Para pamahalaan ang iyong mga posisyon, pumunta sa tab na [Pool] mula sa navigation bar sa itaas at mag-click sa iyong posisyon para magdagdag o mag-alis ng liquidity.

Mapapansin mo na may ilang SLP token sa iyong wallet mula sa transaksyon. Ang mga SLP token ay mga LP token ng SushiSwap at kinakatawan ng mga ito ang parteng idineposito mo sa pool. May label na SLP ang lahat ng liquidity pool sa SushiSwap, pero sa totoo lang, iba't ibang pool ang kinakatawan ng mga ito.


Paano bumili o magbenta ng SUSHI sa Binance?

Maliban sa puwedeng kumita ng SUSHI mula sa SushiSwap, mabibili ang token sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance. Sa kabilang banda, kung gusto mong magbenta ng SUSHI na natanggap mula sa SushiSwap, puwede mong ilipat ang mga iyon sa iyong wallet at ibenta ang mga iyon sa mga palitan ng crypto gaya ng Binance.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] mula sa navigation bar sa itaas para piliin ang page ng classic o advanced na pag-trade.

2. Sa kanang bahagi ng screen, i-type ang “SUSHI” sa search bar para makita ang mga available na pares sa pag-trade. Sa halimbawang ito, SUSHI/BUSD ang gagamitin natin. Mag-click sa [SUSHI/BUSD] para buksan ang page sa pag-trade.
3. Mag-scroll pababa sa kahon ng [Spot]. Puwede kang bumili o magbenta ng SUSHI rito. Ilagay ang dami ng SUSHI na gusto mong bilhin o ibenta. Pagkatapos, piliin ang uri ng order para sa iyong order. Sa halimbawang ito, gagamit tayo ng Market order. I-click ang [Bumili ng SUSHI] o [Magbenta ng SUSHI] para kumpirmahin ang order.

Ligtas ba ang SushiSwap?

Laging may panganib ng mga bug ang pagdeposito ng mga pondo sa isang smart contract, kahit para sa mga na-audit at mapagkakatiwalaang proyekto. Hinding-hindi ka dapat magdeposito nang higit sa kaya mong mawala sa iyo at laging mag-DYOR bago mamuhunan. Dagdag pa rito, dahil sa malaking gastusin sa gas sa Ethereum, puwedeng marami-raming kailangang i-farm ang mas maliliit na deposito bago kumita ang mga ito.


Mga pangwakas na pananaw

Ang SushiSwap ay isang kapana-panabik na eksperimentong humahamon sa kalamangan sa kumpetisyon ng matagumpay nang protocol ng DeFi – ang Uniswap. Sa kabila ng pagiging fork ng Uniswap, nagdagdag ang SushiSwap ng mga bagong feature sa protocol nito, kung saan ang pangunahing pagkakaiba ay ang pamamahala ng komunidad. Noong 2021, nagpakilala rin ang SushiSwap ng platform ng NFT para samantalahin ang lumalagong merkado ng NFT. 

Mabillis na naungusan ng SushiSwap ang maraming ibang proyekto ng DeFi pagdating sa kabuuang halagang na-lock mula noong inilunsad ito, at puwede itong magpatuloy sa paglago pagdating sa kasikatan at traction. Gaano man kalaki ang makamit na tagumpay ng SushiSwap, nagpapakita ito na walang produkto o serbisyo ang may hindi natatalong kalamangan sa DeFi.