Mga Custodial vs. Non-Custodial Wallet: Ano ang Pinagkaiba?
Home
Mga Artikulo
Mga Custodial vs. Non-Custodial Wallet: Ano ang Pinagkaiba?

Mga Custodial vs. Non-Custodial Wallet: Ano ang Pinagkaiba?

Baguhan
Na-publish Mar 23, 2022Na-update Feb 9, 2023
8m

TL;DR

Naisip mo na ba kung paano at saan sino-store ang iyong crypto? Maraming iba't ibang uri ng crypto wallet na magagamit ng mga may hawak ng token para mag-store ng crypto. Pero sa pangkalahatan, puwedeng hatiin ang mga ito sa dalawang malawak na kategorya: ang mga custodial at non-custodial wallet. 

Ang custodial wallet, gaya ng Binance Custody, ay isang serbisyong nagmamay-ari sa pribadong key sa iyong wallet at may hawak sa mga asset mo sa kustodiya nito. Custodial wallet din ang iyong regular na account sa Binance. Sa kabaliktaran, kung gumagamit ka ng non-custodial wallet, ikaw lang ang may kumpletong kontrol sa iyong mga asset. Ang MetaMask at Binance Chain Wallet ay mga halimbawa ng mga non-custodial wallet.

Parehong may mga bentahe at kahinaan ang mga custodial at non-custodial wallet. Tuklasin natin ang mga pinagkaiba ng mga ito para malaman mo kung kailan dapat gamitin ang isang uri o ang isa pa.

 

Panimula

Kung nakagamit ka na ng Bitcoin o iba pang cryptocurrency, alam mo na mahalagang magkaroon ng digital wallet. Kakailanganin mo nito kung gusto mong magsagawa ng mga transaksyon, mag-trade sa isang palitan ng crypto, o gumamit ng mga blockchain application. Dahil dito, mahalagang maunawaan kung paano gumagana ang mga cryptocurrency wallet at ang pangunahing pinagkaiba ng mga provider ng non-custodial at custodial wallet.


Paano gumagana ang mga crypto wallet

Ang crypto wallet ay isang tool na nagbibigay-daan sa iyong makipag-interact sa isang network ng blockchain. Bukod sa iba pang bagay, magagamit mo ito para magpadala at tumanggap ng mga cryptocurrency o mag-access ng mga decentralized application (DApp).

Sa teknikal na usapan, hindi talaga sino-store ng mga crypto wallet ang iyong mga digital asset. Sa halip, binubuo ng mga ito ang impormasyong kailangan mo para makagamit ng crypto. Gayunpaman, ginagamit ng karamihan ng mga user ang pandiwa para mas padaliin ito para sa mga baguhan, kaya gagamitin natin ang termino sa kabuuan ng artikulong ito. 

Bukod sa iba pang bagay, binubuo ang crypto wallet ng dalawang pangunahing bahagi – isang pampublikong key at isang pribadong key.

Kung gusto kang padalhan ng crypto ng mga tao, puwede silang magsagawa ng transaksyon sa isa sa iyong mga address, na bubuuin ng pampublikong key ng wallet mo. Puwedeng ibahagi sa iba ang mga address ng wallet mo at ang iyong pampublikong key (kaya nga ito tinatawag na pampubliko). 

Gayunpaman, ang iyong pribadong key ay dapat ituring na kumpidensyal na password dahil nagsa-sign ito ng mga transaksyon at nagbibigay ito ng access sa mga pondo mo. Hangga't papanatilihin mong ligtas ang iyong pribadong key , maa-access mo ang iyong crypto mula sa anumang device.

Bagama't digital ang mga cryptocurrency , ang mga crypto wallet na humahawak ng mga pribado at pampublikong key ay puwedeng magkaroon ng iba't ibang opsyon – ang mga key ay puwedeng naka-print sa isang pirasong papel, i-access sa pamamagitan ng desktop wallet software, o i-store offline sa mga hardware wallet device.

Nag-aalok din ang ilang wallet ng opsyong mag-store at maglipat ng mga NFT, na mga non-fungible token na inisyu sa isang blockchain.

Pero anuman ang uri ng wallet, laging custodial o non-custodial crypto wallet ang mayroon ka.

 

Ano ang custodial crypto wallet?

Gaya ng iminumungkahi ng pangalan, ang custodial crypto wallet ay isang wallet kung saan nasa kustodiya ng iba ang mga asset mo para sa iyo. Ibig sabihin nito, may third party na hahawak at mamamahala ng mga pribadong key mo para sa iyo. Sa madaling salita, hindi ka magkakaroon ng kumpletong kontrol sa iyong mga pondo - o ng kakayahang mag-sign ng mga transaksyon. Pero hindi naman masamang gumamit ng serbisyo ng custodial crypto wallet.

Noong nag-uumpisa pa lang ang Bitcoin, kinailangan ng lahat ng user na gumawa at mamahala ng sarili nilang mga wallet at pribadong key. Bagama't maraming benepisyong dala ang "pagiging sarili mong bangko," posible itong maging hindi maginhawa at delikado pa nga para sa mga user na hindi pa masyadong sanay. Kung makokompromiso o mawawala ang iyong mga pribadong key, permanente ka nang mawawalan ng access sa iyong mga crypto asset. Ayon sa mga ulat ng pagsusuri sa blockchain, lampas 3 milyong BTC ang posibleng mawala habambuhay.

Nagkaroon na rin ng mga pagkakataon na hindi makuha ang mga pamanang crypto dahil ang orihinal lang na may-ari ng crypto ang may hawak ng mga pribadong key. Maiiwasan mong mangyari ang mga ganoong insidente sa pamamagitan ng pagbabahagi ng access sa iyong mga asset sa isang custodian. 

Kahit na makalimutan mo ang iyong password sa palitan ng cryptocurrency, dapat ma-access mo pa rin ang iyong account at mga asset sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa customer support. Gayunpaman, kung gumagamit ka ng non-custodial wallet, responsibilidad mong panatilihing ligtas ang iyong crypto.

Kaya naman, sa maraming sitwasyon, tama namang umasa sa serbisyo ng custodial wallet. Pero ibig sabihin din nito, ipinagkakatiwala mo ang iyong mga pribadong key sa isang third party. Kaya naman mahalagang pumili ng maaasahang palitan o tagapagbigay ng serbisyo.

Ilang impormasyong dapat tingnan kapag tumutuklas ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa kustodiya ang kung kontrolado ba ito, kung anong mga uri ng mga serbisyo ang makukuha mo, kung paano sino-store ang iyong mga pribadong key , at kung may insurance coverage ba.

Halimbawa, ang Binance Custody, na parehong kontrolado at nakakasunod, ay nag-aalok ng karaniwang insurance para sa mga corporate account sa Binance . Nag-aalok din ito ng insurance coverage para sa krimen at iba pang pasadyang kinakailangan sa insurance coverage na available kapag hiniling. Gumagamit din ang Binance Custody ng mga multi-signature wallet (multisig), na isang protocol na nag-aalis ng mga sentralisadong panganib sa pamamagitan ng paghiling sa maraming partido na mag-apruba ng mga transaksyon sa crypto bago maisagawa ang mga ito.

 

Ano ang non-custodial crypto wallet?

Ang non-custodial crypto wallet ay isang wallet kung saan ang may-ari lang ang may hawak at may kontrol sa mga pribadong key. Para sa mga user na gusto ng kumpletong kontrol sa kanilang mga pondo, ang mga non-custodial wallet ang pinakamahusay na opsyon. Dahil walang tagapamagitan, puwede kang mag-trade ng crypto nang direkta mula sa iyong mga wallet. Maganda itong opsyon para sa mga sanay nang trader at namumuhunan, na marunong mamahala at magprotekta ng kanilang mga pribadong key at seed phrase.

Mangangailangan ka ng non-custodial wallet kapag nakikipag-interact ka sa isang decentralized exchange (DEX) o decentralized application (DApp). Ang Uniswap, SushiSwap, PancakeSwap, at QuickSwap ay mga sikat na halimbawa ng mga decentralized exchange na nangangailangan ng non-custodial wallet.
Ang Trust Wallet at MetaMask ay napakagagandang halimbawa ng mga tagapagbigay ng serbisyo ng non-custodial wallet. Pero tandaan na sa mga wallet na ito, ikaw lang ang may responsibilidad na panatilihing ligtas ang iyong seed phrase at mga pribadong key .

 

Mga custodial vs. non-custodial wallet


Custodial na serbisyo

Non-custodial na serbisyo

Pribadong Key

Pagmamay-ari ng third party

Pagmamay-ari ng may hawak ng wallet

Pagiging madaling ma-access

Mga nakarehistrong account

Maa-access ng kahit sino

Gastusin sa Transaksyon

Karaniwang mas mataas

Karaniwang mas mababa

Seguridad

Karaniwang mas mababa

Karaniwang mas mataas

Suporta

Karaniwang mas mataas

Karaniwang mas mababa

Mga kinakailangan sa KYC

Oo

Hindi

 

Mga bentahe at kahinaan ng mga custodial wallet

Gaya ng natalakay, ang pangunahing kahinaan ng mga custodial wallet ay kailangan mong ipagkatiwala ang iyong mga pondo at pribadong key sa isang third party. Kadalasan, mangangailangan din ng pag-verify sa pagkakakilanlan (KYC) ang mga tagapagbigay ng serbisyo na ito. Gayunpaman, ang bentahe ay kapanatagan at kaginhawahan. Hindi mo kakailanganing mag-alala na baka mawala mo ang iyong pribadong key at puwede kang makipag-ugnayan sa suporta sa customer kapag nagkaproblema ka.

Kapag gumagamit ka ng mga custodial na serbisyo, siguraduhing pipili ka ng maaasahang kumpanya na nag-aalok ng mataas na seguridad at insurance coverage. Maghanap ng mga custodian na kontrolado at nakakasunod.

Ang ilang crypto custodian ay mayroon ding iba pang kinakailangan kung saan posibleng hindi ka kwalipikado. Halimbawa, ang Binance Custody ay isang tagapagbigay ng custodial na serbisyo na mga corporate user lang ang ino-onboard sa ngayon. Puwede mong tingnan ang FAQ tungkol sa Binance Custody para sa higit pang impormasyon.

 

Mga bentahe at kahinaan ng mga non-custodial wallet

Nag-aalok ang mga non-custodial wallet ng kumpletong kontrol sa iyong mga key at pondo nang walang third-party na tagapagbantay. Sa madaling salita, iyong-iyo ang mga asset mo at puwede kang maging sarili mong bangko. Dagdag pa rito, malamang na mas mabilis ang mga non-custodial na transaksyon dahil hindi mo kailangang maghintay ng pag-apruba sa pag-withdraw. Bilang pagwakas, kung walang custodian, hindi ka magkakaroon ng dagdag na bayarin sa custodial, na posibleng maging mahal depende sa pipiliin mong tagapagbigay ng serbisyo.

Gaya ng nakita natin, nauugnay ang isang kahinaan ng paggamit ng mga non-custodial wallet sa accessibility at dali ng paggamit. Karaniwang hindi masyadong madaling gamitin ang mga ito at malamang na magdulot ng problema ang mga ito para sa mga bago pa lang sa paghawak ng crypto. Habang nagbabago ang mga tagapagbigay ng non-custodial na serbisyo, dapat itong malutas sa hinaharap.

Siyempre, ikaw rin ang nag-iisang may responsibilidad sa iyong mga key at kailangan mong gumawa ng sarili mong mga hakbang sa pag-iingat kapag pinapamahalaan mo ang mga ito. Ibig sabihin nito, sa halip na ipagkatiwala mo sa iba ang iyong mga pondo, kailangan mong magtiwala sa sarili mo.

Para ma-secure ang iyong crypto at maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga hacker, dapat mong isaalang-alang ang mga sumusunod na panseguridad na hakbang: 
  • Paggamit ng malakas na password.

  • Pag-enable ng two-factor authentication (2FA) bilang dagdag na layer ng proteksyon. 

  • Pananatiling alerto sa mga scam at pag-atake ng phishing.
  • Pag-iingat kapag nagki-click ng mga link at nagda-download ng bagong software.

 

Aling uri ng wallet ang dapat kong gamitin sa crypto ko?

Parehong maganda ang dalawang uri ng wallet para sa pag-store ng iyong mga crypto asset, kasama na ang mga NFT. Ginagamit ng karamihan ng mga trader at namumuhunan ang dalawa sa iba't ibang sitwasyon. Gayunpaman, dapat mong siguraduhin na sinusuportahan ng gagamitin mong wallet ang uri ng crypto na gusto mong i-store. Hindi puwedeng i-store ang lahat ng ito sa iisang paraan.

May iba't ibang network ng blockchain na nagpapatakbo ng iba't ibang uri ng mga cryptocurrency. Puwede nating iklasipika ang mga ganitong uri ayon sa mga pamantayan sa token ng mga ito, pero tandaan na posibleng pare-pareho ang mga token na tumatakbo sa maraming blockchain sa ilalim ng magkakaibang pamantayan. Halimbawa, puwede mong makita ang BNB bilang BEP-20 sa BNB Smart Chain, pero bilang BEP-2 token din sa BNB Beacon Chain.

 Narito ang ilan sa mga pinakakaraniwang pamantayan sa token:

  • BNB Smart Chain: BEP-20, BEP-721, BEP-1155

  • BNB Beacon Chain: BEP-2

  • Ethereum: ERC-20, ERC-721, ERC-1155

  • Solana: SPL

Ang MetaMask, Trust Wallet, at MathWallet ay mga non-custodial wallet na tumatanggap sa mga pinakakaraniwan at pinakasikat na crypto asset. Kung hindi ka sigurado kung anong mga token ang sinusuportahan ng iyong wallet, tingnan ang opisyal na FAQ o dokumentasyon ng mga ito para sa higit pang impormasyon.

Kung minsan, ang mga wallet na laging nag-a-upgrade para matugunan ang mga demand ng mga user ng mga ito ay posibleng magbigay ng suporta sa mas maraming token sa paglipas ng panahon. Halimbawa, kasalukuyang sinusuportahan ng Binance Custody ang BTC, ETH, BCH, LTC, BUSD, BNB, CAKE, at ang marami pang ibang ERC-20 token. Unti-unting magsasama ang Binance Custody ng mas marami pang uri ng token para masuportahan ang demand ng user.


Mga pangwakas na pananaw

Custodial wallet o non-custodial wallet? Dalawa ang ginagamit ng karamihan ng mga crypto user, pero nakadepende itong lahat sa mga pangangailangan mo. Kung gusto mong magkaroon ng kumpletong kontrol sa iyong mga asset, o gusto mo lang gumamit ng teknolohiya ng blockchain para makipag-interact sa mga DeFi application, dapat mong pag-isipang gumamit ng non-custodial wallet. Gayunpaman, kung naghahanap ka ng tagapagbigay ng serbisyo na kayang mag-asikaso sa iyong mga pangangailangan sa storage habang nagte-trade o namumuhunan ka, puwede kang maghanap ng mga maaasahang tagapagbigay ng serbisyo ng custodial wallet. 

Tandaan na custodial o non-custodial wallet man ang gamit mo, lagi ka dapat mag-ingat at gumamit ng pinakamahuhusay na kagawian para mapaigting ang seguridad ng iyong mga pondo.