TL;DR
Ang Wrapped XRP ay isang token na naka-peg sa XRP na magagamit sa mga blockchain maliban sa XRP Ledger. Maipapapalit ang wrapped asset nang 1:1 sa XRP na hawak sa reserba ng isang custodian na nangangasiwa sa pag-wrap ng XRP at pag-unwrap ng wrapped XRP.
Naka-peg ang presyo ng wrapped XRP sa XRP dahil sa arbitrage. Kapag mas mataas ang presyo ng wrapped XRP, nira-wrap ng mga trader ang mas murang XRP at pagkatapos ay nagbebenta sila ng wXRP, na nagpapababa ng presyo nito. Kapag mas mababa ang presyo ng wrapped XRP, bumibili at nag-a-unwrap ng wXRP ang mga trader at nagbebenta sila ng XRP, na nagpapataas ng presyo ng wXRP. Gumagawa ito ng tuloy-tuloy na peg sa pagitan ng dalawang token.
Sa pag-wrap ng XRP, magagamit mo ang ecosystem ng DApp ng ibang blockchain at mada-diversify mo ang iyong portfolio sa chain na iyon. Kung gusto mong magsimula, puwede kang bumili ng ERC-20 Wrapped XRP (wXRP) ng Wrapped.com sa pamamagitan ng Binance. Ang mga reserba ng wXRP ay pinapamahalaan ng lisensyadong custodian na Hex Trust, at puwede mong simulang mag-wrap ng XRP sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang account sa Wrapped. Puwede kang gumamit ng wXRP para mag-stake sa mga liquidity pool sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa isang pares ng token sa mga platform, kasama na ang Uniswap at Sushiswap.
Ang isang karaniwang portfolio ng cryptocurrency ay malamang na may mga coin at token sa maraming blockchain. Gayunpaman, puwedeng maging mahirap pamahalaan at ipuhunan ang lahat ng asset na ito, lalo na kapag hindi interoperable ang mga blockchain. Isang paraan para malampasan ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga wrapped token para mag-bridge ng mga coin mula sa isang chain papunta sa isa pa. Bagama't madalas nang makita ang mga wrapped na bersyon ng Bitcoin (BTC) at Ether (ETH) sa mga platform at palitan ng Decentralized Finance (DeFi), mayroon tayo ngayong bagong wrapped asset na magagamit: ang Wrapped XRP (wXRP).
Kapag nag-wrap ka ng XRP, makakagamit ka ng
XRP sa
mga blockchain maliban sa native na XRP Ledger nito. Halimbawa, gamit ang XRP na na-wrap sa
Ethereum, makakapaglipat, makakapag-stake, at makakapagpapalit ka ng wXRP sa mga
DApp at
wallet sa Ethereum.
Bawat wrapped token ay puwedeng i-unwrap at i-convert sa orihinal na XRP sa 1:1 na ratio.
Naka-peg din ang wrapped token sa presyo ng XRP at ginagaya nito ang mga paggalaw ng presyo nito. Partikular na tumutukoy ang simbolo ng token na wXRP sa Wrapped XRP sa Ethereum na ginawa ng Wrapped. Puwede ring i-wrap ang XRP sa iba pang blockchain sa pamamagitan ng mga alternatibong wrapping provider.
Para mapanatili ang peg nito sa XRP, bawat wrapped XRP ay sinusuportahan ng isang XRP sa mga reserba. Kapag na-wrap ng mga user ang kanilang XRP, karaniwang ipinapadala nila ang kanilang mga coin sa isang
smart contract na nagbibigay ng mga wrapped token. Sino-store ang XRP at pagkatapos ay isinasauli ito kapag may ibang nag-unwrap ng wrapped token nila.
Ang kakayahang ito na malayang makapag-convert sa pagitan ng wrapped XRP at XRP ang nagpapanatili sa peg, tulad na lang ng
BUSD at ng US dollar (USD). Kapag bumaba ang presyo ng wrapped XRP kaysa sa presyo ng XRP, bibilhin ng mga trader ang mas murang wrapped XRP at ia-unwrap nila ito kapalit ng XRP na ibebenta. Sa
arbitrage na ito, tataas ang demand para sa wrapped XRP at mababawasan ang supply nito, na magpapataas ng presyo nito hanggang sa umabot ito sa peg. Kung magiging mas mataas ang wrapped XRP kaysa sa presyo ng XRP, magra-wrap ang mga trader ng XRP na ibebenta. Sa pagkilos na ito, tataas ang pressure na magbenta at supply ng XRP, na makakapagpababa ng presyo nito hanggang sa ma-peg ito.
Nagbibigay ang pag-wrap ng XRP ng ilang bentahe para sa mga may-hawak ng XRP at mga user sa target na blockchain:
1. Nagbibigay ang pag-wrap ng access sa mga protocol ng
DeFi at DApp sa iba pang blockchain. Halimbawa, ang Ethereum ay may malaking ecosystem ng DeFi na mahusay ang pagkaka-develop, at mase-stake at magagamit ng mga may-hawak ng XRP ang kanilang mga token sa mga bagong paraan. Gumagawa ang benepisyong ito ng mas marami pang mapaggagamitan ng XRP.
2. Puwedeng
mag-diversify ng mga portfolio nila gamit ang XRP ang mga namumuhunan na ang blockchain ng Ethereum lang ang ginagamit. Kumakain ng oras ang pamamahala ng mga asset sa maraming blockchain, at kadalasang nangangailangan ito ng iba't ibang wallet. Ang XRP ay isang sikat na coin na may
malaking cap, at sa pamamagitan ng pag-wrap, magdadala ito ng bagong audience na makakapag-access sa coin sa native na paraan sa napili nilang blockchain.
Ang Wrapped ay isang proyekto sa blockchain na nagbibigay ng mga ino-audit na serbisyo sa pag-wrap sa maraming iba't ibang blockchain at coin. Ang team ay binubuo ng Tokensoft at mga
custodian nito (Anchorage, Hex Trust, at Coinmetro) na nangangasiwa sa mga reserbang kailangan para mag-collateralize ng mga wrapped token.
Namamahala na ang Wrapped ng isang pangkat ng mga wrapped token at nag-aalok ito ng ERC-20 Wrapped XRP sa Ethereum mula pa noong Disyembre 2021. Ang mga reserba ng wXRP ay hawak ng Hex Trust, isang lisensyado at may insurance na custodian sa Asia, at madali mong maite-trade ang token sa Binance.
Kung gusto mong mag-wrap ng XRP o mag-unwrap ng wXRP, kakailanganin mong gumawa ng account sa Wrapped gamit itong
Typeform. Pagkatapos, makikipag-ugnayan ang Wrapped para magbigay ng higit pang detalye kung paano mo masisimulang i-convert ang iyong XRP at wXRP.
Kung gusto mong ipuhunan ang iyong wXRP, ang Ethereum ay maraming iba't ibang DeFi DApp na puwedeng i-explore. Puwede kang sumali sa isang
liquidity pool o gumamit nito gamit ang isang pares ng wXRP sa halos kahit anong
Decentralized Exchange (DEX). Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
liquidity, puwede kang magsimulang kumita ng bayarin mula sa mga user na nagsa-swap gamit ang pool.
Gayunpaman, huwag kalimutan na ang
pansamantalang pagkalugi ay puwedeng humantong sa pagbaba ng iyong mga idinepositong pondo kung magbabago ang ratio ng presyo ng pares. Isang posibilidad ang pag-stake sa pamamagitan ng
SushiSwap sa kanilang mga pares na wXRP/wETH at wXRP/USDC. Sa paggamit ng kilala nang pool na may mataas na liquidity, puwedeng mabawasan ang panganib ng pansamantalang pagkalugi. Ang
Uniswap ay mayroon ding mga gumaganang pool na puwede mong salihan gamit ang wXRP at isa pang token sa isang pares.
Ang pag-wrap ng mga token ay isang napakahusay na hakbang sa pagpapahusay sa cross-chain functionality at interoperability. Kung isa kang tagahanga ng DeFi ng Ethereum, may tsansa ka na ngayong mag-eksperimento sa paghawak ng XRP at pamumuhunan dito. Kung may hawak kang XRP, maraming pagkakataong puwedeng i-explore ngayong may access ka na sa ecosystem ng Ethereum. Saanmang grupo ka nabibilang, siguraduhing gumamit ng pinagkakatiwalaang wrapped token na nao-audit.