TL;DR
Tumutukoy ang GameFi sa mga play-to-earn blockchain game na nag-aalok ng mga insentibong pangkabuhayan sa mga player. Kadalasan, puwedeng makakuha ng mga reward na cryptocurrency at NFT ang mga player sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain, pakikipaglaban sa iba pang player, at pag-usad sa iba't ibang level ng laro.
Hindi tulad ng mga tradisyonal na video game, sa karamihan ng mga laro sa blockchain, naililipat ng mga player ang mga item sa laro mula sa virtual na mundo ng laro. Sa pamamagitan nito, naite-trade ng mga player ang kanilang mga item sa mga marketplace ng NFT at ang mga kinikita nilang crypto sa mga palitan ng crypto.
Panimula
Mabilis nang nauungusan ng GameFi ang industriya ng tradisyonal na gaming mula noong sumikat ang Axie Infinity. Hinihikayat nito ang mga gamer sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng pagkakataong kumita habang nag-e-enjoy. Ano ang GameFi, at paano ito naiiba sa mga video game kung saan tayo pamilyar?
Ano ang GameFi?
Kadalasan, puwedeng makakuha ng mga reward sa laro ang mga player sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain, pakikipaglaban sa iba pang player, at pag-usad sa iba't ibang level ng laro. Puwede rin nilang ilipat ang kanilang mga asset mula sa laro para i-trade sa mga palitan ng crypto at marketplace ng NFT.
Paano gumagana ang GameFi?
Kadalasan, magbibigay ang mga asset sa laro ng ilang partikular na benepisyo sa mga player, na magbibigay-daan sa kanilang makakuha ng mas maraming reward. Pero, nagtatampok din ang ilang laro ng mga avatar at cosmetic na visual lang at walang epekto sa gameplay at kita.
Depende sa laro, puwedeng makakuha ng mga reward ang mga user sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain, pakikipaglaban sa iba pang player, at pagbuo ng mga mino-monetize na istruktura sa lote nila. Sa ilang laro, puwede ring magkaroon ng passive na kita ang mga player nang hindi naglalaro, sa pamamagitan ng pag-stake o pagpapahiram ng kanilang mga gaming asset sa iba pang player. Tingnan natin ang ilan sa mga karaniwang feature sa GameFi.
Play-to-earn na modelo (P2E)
Sa sentro ng mga proyekto ng GameFi, nandoon ang play-to-earn (P2E) bilang rebolusyonaryong gaming mode. Medyo iba ito sa pay-to-play na modelong ginagamit ng mga tradisyonal na video game. Sa pay-to-play, kailangang mamuhunan ng mga gamer bago sila makapagsimulang maglaro. Halimbawa, sa mga video game gaya ng Call of Duty, kailangang bumili ng mga player ng mga lisensya o umuulit na subskripsyon.
Kadalasan, hindi kikita ng pera ang mga player sa mga tradisyonal na video game , at kinokontrol at hinahawakan ng kumpanya ng gaming ang kanilang mga asset sa laro. Sa kabaliktaran, nakakapagbigay ang mga P2E na laro sa mga player ng kumpletong kontrol sa kanilang mga asset sa laro habang nag-aalok din ng mga pagkakataon para kumita sila.
Gayunpaman, tandaan na nakadepende itong lahat sa modelo at disenyo ng laro na ginagamit ng mga proyekto ng GameFi. Ang teknolohiya ng blockchain ay kayang (at dapat) magbigay sa mga player ng kumpletong kontrol sa kanilang mga asset sa laro, pero hindi laging ganoon ang sitwasyon. Siguraduhing naiintindihan mo kung paano gumagana ang laro at kung sino ang nasa likod ng proyekto bago ka sumubok ng P2E na laro.
Ang isa pang dapat tandaan, ang mga P2E na laro ay puwedeng libreng laruin at magbigay pa rin ng mga pampinansyal na reward sa mga player, pero sa ilang proyekto ng GameFi , kinakailangan mong bumili ng mga NFT o cryptoasset bago ka makapaglaro. Dahil dito, laging mahalagang mag-DYOR at suriin ang mga panganib. Kung kailangan ng malaking puhunan bago ka makapagsimula sa isang P2E na laro at maliit ang mga reward, mas malamang na mawala sa iyo ang inisyal mong puhunan.
Puwede rin silang makakuha ng mga reward na AXS kung makakaabot sila sa isang partikular na PvP rank. Dagdag pa rito, puwedeng gamitin ang AXS at SLP para mag-breed ng mga Axie, na puwedeng gamitin sa laro o i-trade sa kanilang opisyal na marketplace ng NFT.
Maliban sa pagbili at pagbebenta ng mga Axie, puwedeng ipahiram ng mga player ang kanilang mga Axie sa iba pang player, na nagbibigay sa mga may-ari ng pagkakataong kumita nang hindi naglalaro. Scholarship ang tawag sa modelong ito ng pagpapahiram. Nagbibigay-daan ito sa mga scholar na gamitin ang mga hiniram na Axie para maglaro at makakuha ng mga reward.
Sa madaling salita, puwedeng magkaroon ng passive na kita ang mga may-ari ng Axie habang puwede namang maglaro ang mga scholar nang hindi namumuhunan. Pagkatapos, hahatiin ang mga nakuhang reward sa mga scholar at may-ari ng mga Axie.
Pagmamay-ari ng digital asset
Gaya ng natalakay namin, nagbibigay-daan ang teknolohiya ng blockchain sa pagmamay-ari ng digital asset, ibig sabihin, puwedeng i-monetize ng mga player ang kanilang mga asset sa laro sa maraming iba't ibang paraan.
Katulad sa mga video game, puwedeng magmay-ari ang mga player ng mga avatar, pet, bahay, armas, tool, at marami pang iba. Pero sa GameFi, puwedeng iisyu o gawin ang mga asset na ito bilang mga NFT sa blockchain (na kilala rin bilang pag-mint ng NFT). Nagbibigay-daan ito sa mga player na magkaroon ng kumpletong kontrol sa kanilang mga asset nang may authenticity at mave-verify na pagmamay-ari.
Mga DeFi application
Halimbawa, puwedeng bumoto ang mga player ng Decentraland sa mga patakaran sa laro at organisasyon sa pamamagitan ng pag-lock ng kanilang mga governance token (MANA) sa DAO. Kung mas marami silang token na ila-lock, mas mataas ang kapangyarihan nila sa pagboto. Nagbibigay-daan ito sa mga gamer na direktang makipag-ugnayan sa mga game developer at impluwensyahan ang pag-develop sa laro.
Itinuturing bang GameFi ang mga video game?
Ang mga player ng mga tradisyonal na video game ay puwede ring kumita ng currency sa laro at mangolekta ng mga digital asset para i-upgrade ang kanilang mga character. Gayunpaman, hindi puwedeng (o hindi dapat) i-trade ang mga token at item na ito sa labas ng laro. Kadalasan, ni wala ngang halaga ang mga ito sa labas ng laro. Kahit na mayroon, kadalasang pinagbabawalan ang mga player na i-monetize o i-trade ang kanilang mga asset sa totoong buhay.
Paano magsimula sa mga laro sa GameFi?
May libo-libong laro sa blockchain sa merkado, at magkakaiba ang paggana ng mga ito. Mag-ingat sa mga scam na proyekto at mga pekeng website. Puwedeng maging delikado ang pagkonekta ng iyong wallet o pag-download ng mga laro mula sa mga random na website. Mainam kung gagawa ka ng bagong crypto wallet na partikular na para sa layuning ito at kung gagamit ka lang ng mga pondong kaya mong mawala sa iyo. Kung kumpyansa kang ligtas ang nakita mong laro, sundin ang mga hakbang na ito para makapagsimula.
1. Gumawa ng crypto wallet
Puwede mo ring ikonekta ang iyong crypto wallet sa blockchain ng Ethereum at i-access ang karamihan ng mga larong gumagana sa network ng Ethereum . Gayunpaman, bubuo ng sariling wallet ang ilang laro gaya ng Axie Infinity at Gods Unchained para mabawasan ang gastusin at mapaganda ang performance.
2. Ikonekta ang iyong wallet sa laro
Para makapaglaro ng blockchain game, kakailanganin mong ikonekta ang iyong wallet. Siguraduhing kumokonekta ka sa opisyal na website nito at hindi sa pekeng kopya. Pumunta sa website ng laro at hanapin ang opsyong ikonekta ang iyong crypto wallet.
Hindi tulad ng mga tradisyonal na online na laro kung saan kinakailangan mong mag-set up ng username at password, ginagamit ng karamihan ng mga laro sa blockchain ang crypto wallet mo bilang gaming account, kaya malamang na hilingin sa iyong mag-sign ng mensahe sa wallet mo bago ka makakonekta sa laro.
3. Tingnan ang mga kinakailangan para makapaglaro
Sa karamihan ng mga proyekto ng GameFi, kakailanganin mong bilhin ang kanilang cryptocurrency token o mga NFT sa laro para makapagsimula ka. Nag-iiba-iba ang mga kinakailangan batay sa laro, pero lagi mo dapat isaalang-alang ang potensyal na kumita at ang mga pangkalahatang panganib. Siguraduhing tantyahin kung gaano katagal bago mo mababawi ang iyong inisyal na puhunan at bago ka kikita.
Kung wala kang pera o ayaw mong sumugal, pag-isipang maghanap ng scholarship program. Sa pamamagitan nito, makakahiram ka ng mga NFT na lalaruin, pero kakailanganin mong ibahagi ang kita mo sa mga may-ari ng NFT.
Ang hinaharap ng GameFi
Habang patuloy na nade-develop ang teknolohiya ng blockchain , inaasahang mabilis na magpapatuloy ang trend ng paglago ng GameFi. Dahil sa kakayahang magmay-ari ng mga asset sa laro at kumita sa mga laro, talagang nakakahikayat ang GameFi, lalo na sa mga umuunlad na bansa.
Mga pangwakas na pananaw
Mula noong nag-uumpisa pa lang ang Bitcoin, may mga tao nang sumusubok sa kanilang kapalaran sa mga simpleng laro sa browser, sa pag-asang kumita sa BTC. Bagama't mayroon pa ring mga laro sa BTC, talagang nagbago ang mundo ng blockchain gaming dahil sa pagsikat ng Ethereum at mga smart contract, at nakakapag-alok na ito ngayon ng mga mas detalyado at interesanteng karanasan.