Ano Ang Decentraland (MANA)?
Home
Mga Artikulo
Ano Ang Decentraland (MANA)?

Ano Ang Decentraland (MANA)?

Baguhan
Na-publish May 5, 2021Na-update Nov 18, 2021
4m


TL;DR

Ang Decentraland ay isang virtual na mundo at komunidad na batay sa teknolohiya ng blockchain. Gumagawa at nagmamay-ari ang mga user ng mga lote ng lupa, artwork, at Non-Fungible Token (NFT). Lumalahok din ang mga miyembro sa Decentralized Autonomous Organization (DAO) ng platform. 
Bilang isang DAO, binibigyan ng Decentraland ang komunidad nito ng kakayahang lumahok sa pamamahala sa proyekto. Nasa blockchain ng Ethereum ang katutubong cryptocurrency ng Decentraland, ang MANA, at ang lahat ng asset sa laro.


Panimula

Kung nakapaglaro ka na ng Second Life at nakapag-trade ka na ng cryptocurrency, posibleng maging interesado ka sa Decentraland. Mula noong nag-umpisa ito noong 2016, mula sa pagiging basic na 2D na eksperimento, umunlad na ang platform at naging napakalaking 3D na mundo.

Gumawa ang mga developer ng Decentraland na sina Esteban Ordano at Ari Meilich ng virtual na espasyong naglalaman ng mga digital na parcel, item, at iba pang nako-customize na asset sa real estate. Mabibili ang lahat ng ito gamit ang MANA, ang ERC-20 token ng Decentraland. 
Puwedeng bumili ng MANA ang mga Decentralander sa ilang palitan para sa crypto o fiat. Kinakatawan ng mga non-fungible token ng ERC-721 ang mga natatanging asset ng Decentraland, kasama na ang ari-ariang LAND at iba pang collectible na item.

Paano gumagana ang Decentraland?

Ang Decentraland ay isang online na espasyo kung saan pinagsasama ang virtual reality at teknolohiya ng blockchain. Hindi tulad ng karamihan ng mga online na laro, may direktang kontrol ang mga manlalaro sa mga panuntunan ng online na mundo. Nagbibigay-daan ang DAO sa mga may-ari ng token na direktang bumoto sa mga patakaran sa laro at organisasyon. Nakakaapekto sa lahat ang mekanismong ito, mula sa mga uri ng mga item na pinapayagan hanggang sa mga pamumuhunan para sa treasury ng DAO.


Kinakatawan ng mga non-fungible token ang mga collectible sa laro, kasama na ang mga damit, item, at ang virtual na real estate ng laro, ang LAND. Inilalagay ng mga user ang mga token na ito sa kanilang mga crypto wallet at ibinebenta nila ang mga ito sa iba pang user sa Decentraland Marketplace. Halimbawa, para maibili ang iyong sarili ng bagong facemask, kakailanganin mong magkaroon ng ilang MANA, ang katutubong cryptocurrency ng Decentraland.


Bukod pa sa pag-trade ng mga item at ari-arian, puwedeng punuin ng mga manlalaro ang kanilang personal na espasyo ng mga laro, aktibidad, at artwork na puwedeng gamitin ng iba. May opsyon ding pagkakitaan ang iyong LAND. Ang bawat manlalaro ang bahalang magdesisyon kung ano ang gagawin nila sa kanilang lote.

Nakasalalay ang kapalaran mo, ang iyong tagumpay, at ang paglalakbay mo sa iyo, sa mga pagsisikap mo, at sa iyong imahinasyon.

Maraming puwedeng paggamitan ang Decentraland, kasama na ang pag-advertise at pag-curate ng nilalaman. Pero sa mga bagong manlalarong gustong magsimula sa mga NFT, mataas ang halagang kailangan para makapasok. Sa bayarin sa gas ng Ethereum, nagiging halos doble ng presyo ang pagbili ng ilang cosmetic item. Nasa libo-libong dolyar din ang mga presyo ng lupa, kaya napakamahal magmay-ari nito para sa ilang manlalaro.

Ano ang LAND at MANA?

Gaya ng nabanggit, ang MANA ay ang katutubong cryptocurrency ng Decentraland. Hindi lang ito gumagana bilang digital currency, nagbibigay rin ito sa bawat ng may-ari ng MANA ng kakayahang bumoto sa DAO ng Decentraland.


Para makalahok sa pamamahala ng DAO, kino-convert ng mga user ang kanilang MANA sa wrapped MANA (wMANA) at nila-lock nila ito sa DAO. Kumakatawan ang bawat wMANA sa isang boto sa mga panukala sa pamamahala. Makakakuha ka ng MANA sa mga palitan o sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga collectible na item sa Decentraland Marketplace. Ang DAO ay mayroon ding sarili nitong treasury ng MANA para pondohan ang mga desisyon at pagpapatakbo nito.

Ang LAND ay isang non-fungible token na kumakatawan sa mga lote ng lupang pagmamay-ari ng mga manlalaro sa komunidad. Katulad ng MANA, nagbibigay rin ito ng kakayahang bumoto bilang bahagi ng protocol sa pamamahala ng Decentraland. 

Gayunpaman, hindi kailangang i-lock up ang LAND sa DAO at nagbibigay ito ng dalawang libong boto kada LAND token. Kung maraming lote ang mga manlalaro, puwede nilang pagsama-samahin ang mga iyon sa iisang Estate token, na may kakayahang bumoto na katumbas ng mga nilalamang lote.


Ano ang DAO ng Decentraland?

Isa sa mga interesanteng aspekto ng Decentraland ay ang pagtuon nito sa desentralisasyon. Gaya ng natalakay natin, kinokontrol ng komunidad ng mga manlalaro ang lupa, mga digital na asset, at mga pag-unlad sa Decentraland. 

Bilang Decentralized Autonomous Organization, gumagamit ng open-source code ang proyekto para kontrolin ang mga panuntunan nito. Puwedeng gumawa ng mga panukala at bumoto sa mga panukala ang sinumang nag-stake ng kanilang MANA o nagmamay-ari ng LAND.


Gumagana ang DAO ng Decentraland sa solusyong software ng DAO na Aragon, na gumagamit ng Agent na puwedeng gumamit ng mga smart contract ng Ethereum.

Mga paggagamitan ng Decentraland

Mula sa disenyo ng platform pa lang, isinaalang-alang na ng mga developer ng Decentraland ang potensyal nito para sa mga bagong paggagamitan sa mga komunidad na batay sa blockchain. Nakabalangkas sa whitepaper nito ang limang pangunahing paggagamitan:
Mga Application: Puwedeng gumawa ang mga user ng mga app at 3D na eksena gamit ang scripting language ng Decentraland, na nagbibigay ng mas mahuhusay na interaksyon.
Pag-curate ng Nilalaman: Nagkaroon na ng mga kapitbahayan sa Decentraland, na nakakahimok ng mga tagahangang may magkakaparehong hilig at opinyon, at nagpapalago ng mga organic na komunidad.
Pag-advertise: Humantong ang trapiko ng manlalaro sa mga kapitbahayan sa pagbili ng espasyo at pag-set up ng mga billboard ng mga advertising brand.
Mga Digital Collectible: Ang mga NFT item ay kinokolekta, ginagawa, at tine-trade sa Decentraland Marketplace, na nagbibigay sa mga user ng mga karapatan sa pagmamay-ari.
Social: Puwedeng makaranas ang mga komunidad sa mga social media platform o kahit mga offline na grupo ng mas interaktibong paraan ng pakikisalamuha sa kanilang mga kaibigan.  

Tulad sa karamihan ng mga larong naglalaman ng mga ekonomiya ng blockchain, may tsansang kumita ka ng kaunting pera. Pangkaraniwan ang maghaka-haka, kung saan naibebenta ang ilang pirasong in-demand na LAND sa napakalalaking halaga ng pera.


Paano mag-store ng MANA at LAND

Mangangailangan ka ng crypto wallet na naisasama sa iyong browser para ganap na magamit ang Decentraland. Kasalukuyang inirerekomenda ng development team ang MetaMask para sa pagtatago ng iyong mga MANA (ERC-20) at LAND (ERC-721) token.



Mga pangwakas na pananaw

Natatangi ang Decentraland pagdating sa mga virtual-reality na platform ng blockchain. Libre talaga itong siyasatin, kaya madali kang makakapagdesisyon nang mag-isa sa pamamagitan ng pag-log in sa mundo. Sa pagsisikap ng development team nito, mula sa pagiging maliit na proyekto, narating nito ang kinalalagyan nito ngayon pagkalipas ng mahigit limang taon, kaya naman may pagkahinog na ito kumpara sa iba pang proyekto ng crypto.