Ano ang Ethereum?
Home
Mga Artikulo
Ano ang Ethereum?

Ano ang Ethereum?

Baguhan
Na-publish Mar 18, 2020Na-update Dec 12, 2022
48m

Mga Kabanata

  1. Mga Pangunahing Kaalaman sa Ethereum
  2. Saan Nagmumula Ang Ether?
  3. Magsimula sa Ethereum
  4. Scalability, ETH 2.0 at ang Kinabukasan ng Ethereum
  5. Ethereum at Decentralized Finance (DeFi)
  6. Pakikilahok sa Ethereum Network


Kabanata 1 - Mga Pangunahing Kaalaman sa Ethereum

Mga Nilalaman


Ano ang Ethereum?

Ang Ethereum ay isang plataporma ng decentralized computing. Para itong laptop o PC ngunit hindi ito tumatakbo sa isang device lang. Sa halip, tumatakbo ito ng sabay-sabay sa libo-libong mga machine iba't-ibang parte ng mundo. Ibig sabihin wala nag-iisang may-ari nito.

Pwedeng mag-transfer ng digital na pera sa Ethereum, tulad ng Bitcoin at ang iba pang cryptocurrency. Ngunit marami pa itong pwedeng gawin –pwede kang mag-deploy ng sarili mong code at makipag-ugnayan sa mga application na ginawa ng ibang user. Dahil sa flexible ito, maraming sopistikadong program ang pwedeng ilunsad sa Ethereum.

Sa madaling salita, ang pangunahing ideya sa likod ng Ethereum ay pwedeng maglunsad ng code ang mga developer na pwedeng tumakbo sa isang distributed network at hindi sa isang centralized na server.


Ano ang pinagkaiba ng Ethereum at ether (ETH)?

Maaaring hindi ito intuitive, pero hindi Ethereum o Ethereums ang tawag sa mga unit na ginagamit sa Ethereum. Ang Ethereum ay ang tawag sa protocol ngunit ang currency na nagpapatakbo dito ay tinatawag na ether (o ETH).



Bakit mahalaga ang Ethereum?

Tinalakay natin na ang ideya ng Ethereum ay pwede itong magpatakbo ng code sa isang distributed na sistema. Dahil dito, hindi pwedeng kalikutin ng mga external parties ang mga program dito. Nadaragdag sila sa database ng Ethereum (i.e. ang blockchain) at pwede silang i-program para hindi mabago ang code. Dagdag pa dito, pwedeng makita ng kahit sino ang database kaya pwedeng ma-audit ng user ang code bago makipag-ugnayan dito.
Ang ibig sabihin nito ay kahit sino at kahit saan ay pwedeng maglunsad ng mga application na pwedeng madala offline. Higit pa riyan dahil ang native na unit – ang ether – ay nagtatago ng halaga, ang mga application na ito ay pwedeng magtalaga ng mga kondisyon sa kung paano malilipat ang halagang iyon. Tinatawag na smart contracts ang mga programs na gumawa ng mga application. Sa maraming kaso, pwede silang italaga para tumakbo nang hindi kailangang tulungan ng kahit sinong tao.

Ang ideya ng “programmable money” ay bumihag ng mga user, developer at mga negosyo sa iba't-ibang parte ng mundo.


Ano ang blockchain?

Ang blockchain ay nasa gitna ng Ethereum – ito ang database na naghahawak ng impormasyon na ginagamit ng protocol. Kung nabasa mo ang aming artikulo na Ano ang Bitcoin?, magkakaroon ka ng pangunahing pag-unawa sa kung ’paano gumagana ang blockchain. Parehas ang Ethereum blockchain sa Bitcoin ngunit ang datos na tinatago nito – at kung paano ito magtago – ay iba.
Makakatulong na isipin ang Ethereum blockchain bilang isang libro na pwede mong dagadagan ang pahina. Ang bawat pahina ay tinatawag na block at puno ito ng impormasyon tungkol sa mga transaksyon. Kung gusto nating magdagdag ng pahina, kailangan nating gumamit ng espesyal na value sa itaas ng pahina. Ang value na ito ay pmagpapahintulot sa kahit kanino na makita na may bagong pahina na nadagdag pagkatapos ng pahina bago ito, at hindi lang ito isiningit sa kahit saan sa libro.
Sa simpleng salita ito ay parang isang. numero ng pahina na nagpapakita ng pahina bago io. Sa pagtingin sa bagong pahina pwedeng sabihin ng may kasiguruhan na sinusundan ito ng pahina bago ito. Para magawa ito, may prosesong tinatawag na hashing
Kumukuha ng piraso ng datos ang Hashing – sa kaso na ito, ang lahat ng nasa pahina – at magbabalik ito ng natatanging pagkakakilanlan (ang ating hash). Ang pagkakataon na may dalawang piraso ng datos na magbibigay ng parehong hash ay masyadong mababa. Ito ay isang one-way na proseso din: pwede kang magkalkula ng hash ngunit halos imposible para sa'yo na i-reverse ang hash para makita mo ang impormasyong ginamit para magawa ito. Tatalakayin natin kung bakit ito importante sa mining sa mga susunod na kabanata.

Ngayon, may mekanismo na pwedeng mag-link ng mga pages sa tamang kaayusan. Ang kahit anong pagtatangka na mabago ang ayos nito o magtanggal ng pahina ay makikita agad na napakialaman ang libro. 

Gusto mo bang matuto ng higit pa tungkol sa blockchains? Huwag mong kalimutang tingnan ang gabay para sa mga nagsisimula sa blockchain na teknolohiya.


Ethereum vs Bitcoin – ano ang pinagkaiba?

Ang Bitcoin ay umaasa sa teknolohiya ng blockchain at mga insentibo na pananalapi para gumawa ng pandaigdigang digital cash system. Nagpakilala ito ng ilang mahalagang pagbabago na kung saan pwedeng makipag-ugnayan ang mga user sa iba't-ibang parte ng mundo nang hindi nangangailangan ng central na party. Sa pagkakaroon ng bawat kalahok na magpatakbo ng program sa kanilang computer, naging posible para sa mga user na sumang-ayon sa estado ng database ng pananalapi na hindi nangangailangan ng pagtitiwala at decentralized dahil sa Bitcoin.
Madalas tinuturing ang Bitcoin na first generation na blockchain. Hindi ito ginawa bilang isang napaka-kumplikadong sistema at isa yang kalakasan pagdating sa seguridad. Hinahayaan itong hindi pwedeng mabago para unahin ang seguridad. Ang smart contract language sa Bitcoin ay napakahigpit at hindi ito nagpapaunlak ng mga application sa labas ng mga transaksyon.
Ang second generation ng mga blockchain ay may higit pang kakayahan. Maliban sa mga transaksyong pananalapi, ang mga platapormang ito ay nagbibigay ng kakayanan para sa higit na programmability. Nagbibigay ang Ethereum ng higit na kalayaan sa mga developer na mag-eksperimento ng sarili nilang code at gumawa ng tinatawag na Decentralized Applications (DApps).

Ang Ethereum ay ang una sa mga second generation ng mga blockchain at nananatili itong pinakatanyag sa ngayon. May pagkakatulad ito sa Bitcoin at kaya nitong magsagawa ng parehong mga function. Pero makikita din na malaki ang pagkakaiba nila at ang bawat isa ay may benepisyo laban sa isa.


Paano gumagana ang Ethereum?

Maaaring talakayin ang Ethereum bilang isang state machine. Ibig sabihin nito, merong kang snapshot ng lahat ng balanse ng mga account at mga smart contracts sa kanilang kasalukuyang estado. May mga aksyon na pwedeng magbago sa estado, ibig sabihin, ang lahat ng nodes


Pagbabago sa estado ng Ethereum.


Ang mga smart contract na tumatakbo sa Ethereum ay gumagalaw sa pagsimula ng mga trasaksyon (mula sa mga user o sa ibang contracts). Kapag nagpadala ang user ng transaksyon sa isang contract, ang bawat node sa network ay gagalaw sa code ng contract at itatala nito ang output. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng Ethereum Virtual Machine (EVM) na nagco-convert ng mga smart contract sa instruksyon na mababasa ng computer.
Para ma-update ang estado, may espesyal na mekanismo na tinatawag na mining ay ginagamit (sa ngayon). Ginagawa ang mining gamit ang algorithm ng Proof of Work na katulad ng sa Bitcoin. Tatalakayin pa natin ito ng mas maigi maya-maya lang.


Ano ang smart contract?

Code lamang ang isang smart contract. Ang code na ito ay hindi "smart" at hindi din isang "contract" sa tradisyunal na kahulugan ng mga ito. Ngunit tinatawag natin itong smart dahil kaya nitong ipatupad ang sarili nito sa ilalim ng mga partikular na kondisyon at pwede itong ituring na contract dahil nagpapatupad ito ng mga kasunduan sa pagitan ng mga partido.

Pwedeng i-credit ang ideyang ito sa computer scientist na si Nick Szabo na nagmungkahi nito noong huling bahagi ng 1990s. Ginamit niya ang vending machine bilang halimbawa sa pagpapaliwanag ng konsepto kung saan pwede itong tingnan bilang panguna bago ang modernong smart contract. Sa kaso ng vending machine, may simpleng contract na ipapatupad. Naghuhulog ng barya ang user at bilang kapalit, naglalabas ang machine ng produkto na pinili ng user.

Ganito ang lohika sa mga smart contract sa digital na kapaligiran. Pwede kang tumukoy ng simpleng bagay sa code tulad ng ibalik “ Hello, World!” kapag may dalawang ether na pinadala sa contract na ito.



Sa Ethereum, gagawing code ito ng developer para pwede itong basahin mamaya ng EVM. Pagkatapos, ilalathala ito sa pagpapadala nito sa isang espesyal na address na irerehistro ang contract. Sa puntong ito, pwede itong gamitin ng kahit sino. Hindi pwedeng tanggalin ang contract, maliban lang kung may kondisyon na tinukoy ng developer nung isinulat ang code na ito.

Ngayon, may address na ang contract. Upang makipag-ugnayan dito, kailangan lang magpadala ang user ng 2 ETH sa address na iyon. Magti-trigger ito ng code ng contrat – patatakbuhin ito ng lahat ng computer sa network, makikita nila ang bayad sa ginawa sa contract at itatala nito ang output (“Hello, World!”).

Ang nasa itaas ay isa sa pinakapayak na halimbawa ng kung ano ang pwedeng gawin sa Ethereum. Mayrooon na – at pwedeng magkaroon pa – ng mga mas sopistikadong mga application na nagkokonekta sa mga contract.


Sino ang gumawa ng Ethereum?

Noong 2008, may isang hindi kilalang developer (o grupo ng mga developer) ang naglathala ng Bitcoin whitepaper sa ilalim ng sagisag na Satoshi Nakamoto. Binago nitong tuluyan ang mundo ng digital na pera. Ilang taon pa ang nagdaan, isang batang programmer na tinatawag na Vitalik Buterin ang nangarap ng paraan para lalong lumunsad ang ideyang ito at magamit sa kahit anong uri ng application. Ang konseptong ito ay tuluyang ginalugod at umusbong ang Ethereum.
Ipinanukala ng isang Buterin ang Ethereum sa isang blog post noong 2013 na pinamagatang Ethereum: The Ultimate Smart Contract and Decentralized Application Platform. Sa post niya, ipinaliwanag nniya ang ideya para sa isang Turing-complete na blockchain – isang decentralized na computer na kung bibigyan ng sapat na oras at kagamitan, ay pwedeng magpatakbo ng kahit anong application. 
Nang naglaon, ang mga uri ng mga application na pwedeng patakbuhin sa blockchain ay malilimitahan lamang sa hangganan ng imahinasyon ng mga developer. Naglalayong malaman ng Ethereum kung ang teknolohiya ng blockchain ay may mga mabisang gamit sa labas ng una nitong layunin na nakakahon lamang sa Bitcoin.


Paano ipinamahagi ang ether?

Inilunsad ang Ethereum noong 2015 na may paunang supply na 72 milyong ether. Higit na 50 milyon sa mga token na ito ay ipinamahagi sa publiko sa isang token sale na tinatawag na Initial Coin Offering (ICO). Pwedeng bumili ang kahit sino ng ether tokens kapalit ng bitcoin o fiat na currency sa panahon ng ICO.


Ano ang The DAO at ano ang Ethereum Classic?

Sa Ethereum, naging posible ang makabagong mga paraan ng pakikipagtulungan sa Internet. Halimbawa na lang ang mga DAO (decentralized autonomous organizations) na nagsisilbing samahan na pinangangasiwaan ng computer code na tulad ng sa computer program.
Isa sa mga pinakauna at pinakamapaghangad na tangka sa pagbuo ng organisasyong tulad nito ay ang “The DAO”. Pwede sana itong mabuo ng kumplikadong mga smart contract na tumatakbo sa Ethereum at gumagana bilang isang malayang venture fund. Ipinamahagi ang DAO tokens sa isang ICO at nagbigay ito ng stake na pag-aari kasama ng voting rights sa mga token holders.

Hindi nagtagal pagkatapos ng paglunsad na ito, may mga malisyosong mga taong sinamantala ang kahinaan nito at kinuha ang halos ikatlo ng pondo ng DAO. Dapat tandaan na sa panahon na iyon 14% ng kabuuang supply ng ether ay naka-lock sa DAO. Hindi naging maganda ang pangyayaring ito para sa umuusbong pa lang na network ng Ethereum.

Pagkatapos ng ilang pagtatalo, ang chain ay dumaan sa hard fork para maging dalawang chain. Sa isa, epektibong “nabaliktad” ang mga malisyosong mga transaksyon para maibalik ang mga pondo – ang chain na ito ay kilala bilang Ethereum na blockchain. Ang orihinal na chain kung saan ang mga transaksyon na ito ay hindi naibalik at napanatili ang immutability ay kilala bilang Ethereum Classic.
Ang pangyayaring ito ay isang masakit na paalala ng mga panganib sa teknolohiyang ito at kung paanong ang pagtitiwala ng napakalaking halaga ng kayamanan sa isang malayang code ay pwedeng mag-backfire. Ito ay interesanteng halimbawa din kung paano pwedeng maging hamon ang paghangad ng sama-samang desisyon sa isang open environment. Sa kabila ng mga kahinaan nito sa seguridad napakagandang halimbawa ang ibinigay ng The DAO sa potensyal ng mga smart contract sa pagpapagana ng trustless na kolaborasyon nang malawakan sa Internet.





Kabanata 2 - Saan nanggagaling ang ether?

Mga Nilalaman


Paanong ginagawa ang bagong ether?

Natalakay natin ng kaunti ang mining kanina. Kung pamilyar ka sa Bitcoin alam mo din na napakahalaga ang proseso ng mining sa pagseguro at pag-update ng blockchain. Parehas ang prinsipyo sa Ethereum: ang pagbigay ng reward ng ether sa mga user na nagmimina (na napakamahal).


Ilan ang ether ngayon?

Sa ngayon, February 2020, ang kabuuang supply ng ether ay nasa mga 110 na milyon. 
Hindi tulad ng sa Bitcoin, ang iskedyul ng token emission gn Ethereum ay sadyang hindi napagdesisyunan nung inilunsad ito. Hinangad ng Bitcoin na mapreserba ang halaga sa paglimita ng supply at unti-unting pababain ang halaga ng mga bagong coins na pwedeng lumabas. Sa kabilang banda, ang Ethereum ay naglalayong bumuo ng pundasyon para sa mga decentralized applications (DApps). Dahil hindi malinaw kung ano ang pinakamainam na iskedyul ng token emission, ang tanong na ito ay mananatiling nakabinbin.


Paano gumagana ang Ethereum mining?

Napakahalaga ang mining sa seguridad ng network. Sinisiguro nito na kayang i-update ang blockchain nang makatarungan at nagbibigay-daan ito na tumakbo ang network nang walang iisang nagdedesisyon. Sa mining, may subset ng nodes (na tinatawag na miners) ay naglalaa ng computing power sa paglutas ng cryptographic puzzle.

Nagha-hash ito ng isang set ng mga nakabinbin na mga transaksyon kasama ng iba pang datos. Para maturing na valid ang block, kailangang dumating ang hash sa mas mababa sa halaga nakatakda sa protocol. Kung hindi sila nagtagumpay, pwede nilang baguhin ang ilan sa datos at subukang muli.

Para makipagkumpitensya sa iba, kalangang maghash nga napakabilis ang mga miner – sinusukat natin ang kapangyarihan nito sa hash rate. Mas madaming hash rate sa network, mas mahirap masagot ang puzzle. Mga miner lang ang kailangang hanapin ang aktwal na solusyon – kapag nalaman ito, madali na lang na makita ng ibang kalahok kung valid ito.
Kung iisipin ito, ang tuloy tuloy na pag-hash sa napakabilis na paraan ay napakamahal. Para mabigyan ng insentibo ang mga miner sa pagseguro ng network, nabibigyan sila ng reward. Binubuo ito ng lahat ng singil para sa mga transaksyon sa block. Makakatanggap din sila ng bagong gawang ether – 2 ETH sa oras ng pagsulat.


Ano ang Ethereum gas?

Natatandaan mo ba ang aming Hello, World! na contract kanina? Madali lang patakbuhin ang programa na iyon. Hindi ito maituturing na computationally expensive. Ngunit hindi lang ito patatakbuhin sa PC mo – hinihiling mo na ang lahat ng sa ecosystem ng Ethereum ay patakbuhin din ito.
Kaya hahantong tayo sa tanong na ito: ano ang pwedeng mangyari kung libo libong tao ang nagpapatakbo ng mga sopistikadong mga contract? Kung nag-set ang isang tao ng contract para paikot-ikot ito sa parehas na code, ang bawat node ay kailangang patakbuhin ito ng walang hanggan. Magiging pabigat iyon sa sistema at maaari itong mag-collapse.
Sa kabutihang-palad, ipinapakilala ng Ethereum ang konsepto ng gas para maiwasan ang panganib na ito. Tulad ng sasakyan na hindi tatakbo ng walang gasolina, hindi din pwedeng mapatakbo ang mga contract ng walang gas. Nagtatakda ang mga contract ng halaga ng gas na kailangang bayaran ng mga user para matagumpay ang pagpapatakbo. Kung kulang ang gas, pwedeng tumigil ang contract. 

Sa makatuwid, ito ay isang mekanismong may singil. Ang konseptong ito ay parehas sa mga transaksyon: ang motibasyon ng mga miner ay sa makukuha nilang kita kaya maaari nilang hindi pansinin ang mga transaksyon na may mababang singil.

Tandaan na hindi parehas ang ether at gas. Naglalaro ang average na presyo ng gas at naiimpluwensyahan ito sa kung ano ang mapagdesisyunan ng mga miner. Kapag gumawa ka ng isang transaksyon, babayaran mo ang gas gamit ang ETH. Tulad ito ng sa singil sa Bitcoin – kung siksik ang network at maraming user ang gumagawa ng transaksyon, malamang tataas ang average na presyo ng gas.
Habang ang presyo ng gas ay nagbabago, ang bawat operasyon ay may nakatakdang halaga na kinakailangan. Ibig sabihin nito, mas mangangailangan ng malaki ang mga kumplikado contract kaysa sa ga simpleng transaksyon. Dahil dito, ang gas ay sukatan ng computational power. Sinisigurado nito na kayang maglaan ng sistema ng angkop na singil, depende sa kanilang gamit ng mga resources ng Ethereum.
Sa pangkalahatan, ang halaga ng gas ay maliit lang kumpara sa ether. Dahil diyan, gumagamit tayo ng mas maliit na unit (gwei) para dito. Ang isang gwei ay katumbas ng 1 bilyon ng isang ether.
Sumakatuwid, pwede kang magpatakbo ng programa na naka-loop ng matagal. Ngnut mabilis itong magiging mahal sa paggawa nito. Dahil diyan, kayang maiwasan ang spam ng ma node sa Ethereum network.


Ang average gas price sa gwei sa paglipas ng panahon. Source: etherscan.io


Gas and at mga limitasyon ng gas

Kunwari may ginagawang transaksyon si Alice sa isang contract. Aalamin niya kung magkano ang gusto niyang gastusin sa gas (kunwari, gamit ang ETH Gas Station). Pwede siyang magtakda ng mas mataas na presyo para magkaroon ng insentibo ang mga miner at isama ang kanyang transaksyon sa lalong madaling panahon. 
Ngunit magtatakda din siya nggas limit na magsisilbing proteksyon. Maaaring may mangyaring masama sa contract na magdudulot ng pagkonsumo ng gas na higit sa itinakda.Ang limitasyon sa gas ay itinatakda para siguruhin na kapag ang x na halaga ng gas ay ubos na, titigil din ang operasyon. Hindi magtatagumpay ang contract ngunit hindi kailangang magbayad ni Alice ng higit sa napagkasunduan niyang bayaran.

Maaaring mukhang nakakalito ang konsepto. Huwag mag-alala – pwede mong itakda ang presyo na kaya mong bayaran para sa gas (at ang limitasyon sa gas) nang mano-mano ngunit pwede mong ipaubaya ang trabahong ito para sa maraming uri ng wallet. Sumakatuwid, ang presyo ng gas ang tutukoy sa kung gaano kabilis kunin ng miner ang iyong transaksyon at ang limitasyon sa gas ang magtatakda ng maximum na halaga na kaya mong bayaran para dito. 


Gaano katagal ang mining ng isang Ethereum block?

Ang karaniwang oras na nakokonsumo para maidagdag ang bagong block sa chain ay nasa 12 hanggang 19 na segundo. Malaki ang posibilidad na mabago ito oras na lumipat na ang network sa Proof of Stake, na kabilang sa mga layunin ang mas mabilis na oras ng block. Kung gusto pang matuto tungkol dito, tingnan ang Paliwanag Tungkol sa Ethereum Casper.


Ano ang Ethereum tokens?

Ang functionality nito ang nagbibigay sa mga nagpapaunlad ng malawak na paglalaruan para mag-eksperimento sa mga application para sa mga pinakabago sa pananalapi at teknolohiya. Mula sa paglabas ng mga magkakaparehong token na nagsisilbi bilang in-app currency, hanggang sa paglikha ng mga katangi-tanging token na sinusuportahan ng mga pisikal na asset, malaking bagay ang flexibility ng disenyo. Malaki ang posibilidad na ang ilan sa mga pinaka magandang use case para sa mabilis at walang aberyang paglikha ng token ay hindi pa nalalaman sa ngayon. 





Chapter 3 - Pagsisimula sa Ethereum

Mga Nilalaman


Paano ako makakabili ng ETH?

Paano bumili ng ETH gamit ang credit/debit card

Pinahihintulutan ng Binance ang hindi naaantalang pagbili ng ETH sa iyong browser. Para gawin ito:


  1. Magtungo sa Bumili at Magbenta ng Cryptocurrency na portal. 
  2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong bilhin (ETH), at ang currency na gusto mong ipambayad.
  3. Mag-log in sa Binance, o magrehistro kung wala ka pang account.
  4. Piliin ang iyong paraan ng pagbabayad.
  5. Kapag sinabihan, ilagay ang detalye ng iyong card at kumpletuhin ang proseso ng beripikasyon ng iyong identidad.
  6. Tapos na! Mailalagay na ang iyong ETH sa iyong Binance account.


Paano bumili ng ETH sa peer-to-peer markets

Maaari ka ring bumili at magbenta ng ETH sa peer-to-peer markets. Pinapayagan ka nito na makabili ng coins mula sa ibang mga user, direkta mula sa Binance mobile app. Para gawin ito:


  1. Buksan ang app at mag-log in o magrehistro.
  2. Piliin ang Isang click na bumili magbenta, sinundan ng Bumili na tab sa kaliwang itaas na sulok ng interface.
  3. Makikita mo ang ilang iba’t iabng mga alok – i-click ang Bumili sa nais mong puntahan.
  4. Maaari kang magbayan gamit ang ibang cryptocurrency (ang Batay sa Crypto na tab) or fiat currency (ang Batay sa Fiat na tab). 
  5. Sa ibaba, itatanong sa iyo ang paraan ng iyong pagbabayad. Piliin kung anuman ang gustuhin.
  6. Piliin ang Bumili ETH.
  7. Kailangan mo na ngayong magbayan. Kapag tapos ka na, pindutin ang Markahang bayad na, at Kumpirmahin.
  8. Makukumpleto ang transaksyon kapag naipadala na sayo ng nagbebenta ang iyong mga coin.


Ano ang mabibili ko sa ether (ETH)?

Di tulad sa Bitcoin, hindi itinakda ang Ethereum para magamit lamang bilang isang cryptocurrency network. Isa itong plataporma para sa pagtatayo ng mga decentralized application, at bilang isang tradeable na token, ang ether ang nagpapatakbo sa ecosystem. Kaya ang pangunahing use case para sa ether ay masasabing ang paggamit na ibinibigay nito sa Ethereum network.

Dahil dito, maaari ring magamit ang ether nang tulad sa tradisyunal na currency, ibig sabihin ay makabibili ka ng mga produkto at serbisyo gamit ang ETH tulad din ng ibang mga currency.


Heatmap ng mga retailer na tumatanggap ng ether bilang pambayad. Source: cryptwerk.com/coinmap


Saan ginagamit ang Ethereum?

Maaaring gamitin ng mga tao ang sariling currency ng Ethereum, ang ETH, bilang digital na pera o collateral. Marami rin ang nakikita ito bilang isang store of value, pareho sa Bitcoin. Ganunpaman, di tulad ng Bitcoin, ang Ethereum blockchain ay programmable, kaya marami ka pang magagawa sa ETH. Maaari itong gamitin bilang buhay para sa decentralized financial applications, decentralized financial applications, decentralized markets, exchanges, mga laro, at marami pang iba


Paano kung nawala ko ang aking ETH?

Dahil walang kinalaman ang anumang bangko, responsable ka sa sarili mong mga pondo. Maaari mong itago ang iyong mga coin sa isang exchange, o sa sarili mong wallet. Mahalagang tandaan na kung gagamit ka ng sarili mong wallet, dapat mong alagaan ang iyong seed phrase. Panatilihin itong ligtas dahil kailangan mo ito para ibalik ang iyong mga pondo sakaling mawalan ka ng access sa iyong wallet.


Maaari ko bang bawiin ang mga transaksyon ko sa Ethereum?

Oras na maidagdag na ang data sa Ethereum blockchain, halos imposible na itong baguhin o tanggalin. Nangangahulugan ito na kapag gumawa ka ng transaksyon, isipin mong ito ay nakataga na sa bato. Kaya naman, lagi mong dapat muling i-check kung ipinapadala mo sa tamang address ang iyong mga pondo. Kapag nagpapadala ka ng malaking halaga, maaaring mas mainam na magpadala muna ng maliit na halaga para maging sigurado na ipinapadala mo ito sa tamang address.
Dahil sa isang hack sa smart contract, nag-hard fork ang Ethereum noong 2016, kung saan epektibo “nabaliktad” ang mga kahina-hinalang transaksyon. Ganunpaman, ito ay isang labis na hakbang sa isang pambihirang kaganapan, at hindi ang normal.


Pribado ba ang mga transaksyon sa Ethereum?

Hindi. Lahat ng mga transaksyon na idinadagdag sa Ethereum blockchain ay nakikita ng publiko. Kahit wala wala sa iyong Ethereum address ang totoo mong pangalan, maaari itong ikonekta ng isang nagmamasid sa iyong identidad sa pamamagitan ng ibang mga paraan.


Makagagawa ba ako ng pera sa Ethereum?

Dahil isa itong volatile na asset, makagagawa ka ng pera sa ETH sa parehong tiyansang mawala rin ang iyong pera rito. Maaaring hindi kayang panghawakan ng ibang mga tao ang kanilang ether nang pangmatagalan, at tumataya sa pagiging pandaigdigang, programmable na settlemengt layer ng network. Ang iba ay pumipiling i-trade ito laban sa ibang altcoins. Ganunpaman, ang parehong istratehiyang ito ay may dalang sariling pinansyal na panganib.
Bilang pangunahing haligi ng kilusang Decentralized Finance (DeFi), maaari ring gamitin ang ETH sa pagpapautang, bilang collateral sa pagkuha ng mga loan, pag-mint ng mga synthetic asset, at – sa anumang punto sa hinaharap – staking.
Maaaring ang iba namang mga investor ay nais lamang maghawak ng pangmatagalang mga posisyon sa Bitcoin, at hindi isinasama ang ibang mga digital asset sa kanilang portfolio. Salungat dito, maaaring piliin ng iba na panghawakan ang kanilang ETH at ibang altcoins sa kanilang portfollio, o maglaan ng partikular na porsyento nito sa shorter-term trading (halimbawa ang day trading o swing trading). Walang isang paraang nababagay sa lahat sa paggawa ng pera sa mga merkado, at ang bawat investor ay dapat magpasya para sa sarili kung ano ang pinaka nababagay na istratehiya para sa kanilang profile at sitwasyon.


Paano ko itatago ang aking ETH?

Maraming pagpipilian sa pagtatago ng coins, ang bawat isa ay may sariling kalakasan at kahinaan. Tulad sa anumang may kaakibat na panganib, ang pinaka magandang tiyansa para sa iyo ay ang pagiiba-iba sa pagitan ng mga mapagpipilian.
Sa pangkalahatan, ang mga solusyon sa storage ay maaaring custodial o non-custodial. Ang custodial na solusyon ay nangangahulugang ipinagkakatiwala mo ang iyong mga coin sa isang third party (tulad ng isang exchange). Sa kasong ito, kailangan mong mag-log in sa plataporma ng iyong custodian para makagawa ng mga transaksyon gamit ang iyong mga cryptoasset.
Salungat naman ang non-custodial na solusyon – pinapanatili mo ang kontrol sa sarili mong mga pondo, habang gumagamit ng cryptocurrecny wallet. Hindi hinahawakan ng iyong wallet ang iyong mga coin na tulad ng sa pisikal na wallet – sa halip, hinahawakan nito ang cryptographic keys na nagbibigay sa iyo ng pahintulot na i-access ang iyong mga asset sa blockchain. Mahalagang tandaan muli: dapat kang magkaroon ng backup ang iyong seed phrase kapag gumagamit ng non-custodial wallet!


Paano idedeposito ang iyong ETH sa Binance

Kung mayroon ka nang ether at gustong ideposito ito sa Binance, sundan lamang ang mga mabilis na hakbang na ito:

  1. Mag-log in sa Binance, o magrehistro kung wala pang account.
  2. Magpunta sa iyong Spot Wallet at piliin ang Deposito.
  3. Piliin ang ETH mula sa listahan ng mga coin.
  4. Piliin ang network at ipadala ang iyong ETH sa katumbas na address.
  5. Tapos na! Pagkatapos makumpirma ang transakyon, makikita na ang iyong ether sa iyong Binance account.


Paano itago ang iyong ETH sa Binance

Kung nais mong aktibong i-trade ang iyong ether, kailangan mo itong itago sa iyong Binance account. Ang pagtatago ng iyong ETH sa Binance ay madali at ligtas. At pinapayahan ka nitong madaling lubusin ang mga benepisyo ng Binance ecosystem sa pamamagitan ng pagpapautan, staking, airdrop promotions, at giveaways.


Paano i-withdraw ang iyong ETH mula sa Binance

Kung mayroon ka nang ether at gustong i-withdraw ito mula sa Binance, maaari mo lamang sundan ang mga mabilis na hakbang na ito:

  1. Mag-log in sa Binance.
  2. Magtungo sa iyong Spot Wallet at piliin ang Magwithdraw.
  3. Pillin ang ETH mula sa listahan ng mga coin.
  4. Piliin ang network.
  5. Ilagay ang address ng tatanggap at ang halaga.
  6. Kumpirmahin ang proseso sa pamamagitan ng email.
  7. Tapos na! Pagkatapos makumpirma ang transaksyon, makikita na ang ETH sa address na iyong ibinigay.


Paano itago ang iyong ETH sa isang Ethereum wallet

Kung nais mong itago ang iyong ETH sa sarili mong wallet, mayroon kang dalawang pangunahing opsyon: hot wallets at cold wallets.


Mga hot wallet

Tinatawag na hot wallet ang cryptocurrency wallet na konektado sa Internet sa anumang paraan. Kadalasan, isa itong mobile o desktop application kung saan ka maaaring mag-check ng iyong balanse, at magpadala o tumanggap ng mga token. Dahil online ang mga hot wallet, may tiyansang mas mahina sila sa mga pag-atake, ngunit mas madaling gamitin para sa pang-araw araw na pagbabayad. Ang Trust Wallet ay isang halimbawa ng madaling gamitin na mobile wallet na maraming sinusuportahang mga coin.

Mga cold wallet

Ang cold wallet ay isang crypto wallet na hindi nakalantad sa Internet. Dahil walang online attack vector, sa pangkalahatan ay mababa ang tiyansa ng pagkakaroon ng pag-atake. Ganun din, ang mga cold wallet ay kadalasang mas hindi kailangang pag-isipan sa paggamit kumpara sa hot wallets. Kabilang sa mga halimbawa ng cold wallets ang hardware wallets o paper wallets, ngunit ang paggamit ng paper wallets ay kadalasang hindi hinihikayat dahil itinuturing ito ng marami na luma at mapanganib na gamitin.
Para diskusyon tungkol sa uri ng mga wallet, tingnan ang Paliwanag Tungkol sa Mga Uri ng Crypto Wallet.


Ano ang logo at simbolo ng Ethereum?

Dinisenyo ni Vitalik Buterin ang pinakaunang sagisag ng Ethereum. Gawa ito ng dalawang pinihit na simbol ng summation Σ (Sigma mula sa Alpabetong Griyego). Ang pinal na disenyo ng logo (base sa sagisag na ito) ay binubuo ng hugis rhombus na tinatawag na octahedron na pinalilibutan ng apat na tatsulok. Pareho sa ibang mga currency, magiging kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng ether ng iisang Unicode symbol para maipakita ng mga app at website ang ether values. Bagamat hindi kasinglawak na ginagamit tulad ng $ para sa USD, ang pinaka karaniwang simbolo para sa ether ay Ξ.





Kabanata 4 - Scalability, ETH 2.0 at ang hinaharap ng Ethereum

Mga Nilalaman


Ano ang scalability?

Sa pinaka simpleng termino, ang scalability ay isang sukatan ng kakayahang lumago ng isang sistema. Sa computing, halimbawa, ang network or server ay maaaring i-scale para maghawak ng mas maraming demand sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan.

Sa cryptocurrency, tumutukoy ang scalability sa kakayahang lumago ng isang blockchain para tumanggap ng mas maraming user. Ang mas maraming mga user ay nangangahulugang mas maraming mga operation at transaksyon ang “nagkokompetensiya” para maisali sa blockchain.


Bakit kailangang mag-scale ng Ethereum?

Naniniwala ang mga nagpakilala ng Ethereum na ang susunod na pagsulpot ng Internet ay maitatayo sa plataporma. Ang tinatawag na Web 3.0 ay makapagdadala ng decentralized na topology na kabilang sa mga katangian ang kawalan ng mga tagapamagitan, pagtuon sa pagiging pribado, at paglipat papunta sa tunay na pagmamay-ari ng sariling mga datos. Ang pundasyon na ito ay itatayo gamit ang distributed computing sa anyo ng smart contracts at distributed storage/communication protocols.
Ganunpaman, para makamit ito, kailangan ng Ethereum na pataasin nang malaki ang bilang ng mga transaksyon na kaya nitong iproseso nang hindi napipinsala ang decentralization ng network. Sa kasalukuyan, hindi nililimitahan ng Ethereum ang volume ng transaksyon sa pamamagitan ng paghigpit sa laki ng block tulad ng ginagawa ng Bitcoin. Sa halip, mayroong block gas limit – tanging ang partikular na bilang lamang ng gas ang kasya sa isang block.

Halimbawa, kung mayroon kang block gas limit na 100,00 gwei at gustong magsama pa ng sampung mga transaksyon na may gas limit na 10,000 gwei bawat isa, gagana pa rin ito. Ganun din ang dalawang transaksyo na may 50,000 gwei. Anumang ibang mga transaksyon na isinumite kasama nito ay kailangang maghintay para sa susunod na block. 

Hindi ito mainam para sa isang sistemang ginagamit ng lahat. Kung maraming mga nakabinbing mga transaksyon kaysa sa espasyong magagamit sa isang block, maaari kang humantong sa pagkakaroon ng backlog. Tataas ang presyo ng gas, at kailangang malamangan ng mga user ang bid ng iba para unang maisama ang kanilang mga transaksyon. Depende sa kung gaano kaabala ang network, magiging masyadong mahal ang operasyon para sa partikular na mga use case.

Ang biglaang popularidad ng CryptoKitties ay isang mahusay na halimbawa ng limitasyon ng Ethereum sa aspetong ito. Noong 2017, ang larong ito na nakabase sa Ethereum ang nag-udyok sa mga user na gumawa ng mga transaksyon para makilahok sa pag-breed ng sarili nilang digital na pusa (kinakatawan bilang non-fungible tokens). Naging masyado itong popular kaya lumubo ang mga nakabinbing transaksyon, na nagresulta sa labis na pagkakapuno ng network sa matagal na panahon.


Ang Blockchain Scalability Trilemma

Tila ang simpleng pagtaas lamang ng block gas limit ang magpapahupa sa lahat ng problema sa scalability. Mas mataas ang ceiling, mas maraming transaksyon ang maaaring iproseso sa itinakdang panahon, hindi ba?

Sa kasamaang palad, hindi ito magagawa kung hindi isinasakripisyo ang mga mahahalagang katangian ng Ethereum. Iminungkahi ni Vitalik Buterin ang Blockchain Trilemma (inilalarawan sa ibaba) para ipaliwanag ang maselang balanse na dapat makamit ng mga blockchain.


Ang Blockchain Trilemma: Scalability (1), Seguridad (2), at Decentralization (3).


Sa pagpili na bigyang prayoridad ang dalawa sa tatlong mga nabanggit na katangian, magkukulang sa ikatlo. Ang mga blockchain tulad ng Ethereum at Bitcoin ay nagbibigay ng prayoridad sa seguridad at decentralization. Tinitiyak ng kanilang mga consensus algorithm ang seguridad ng kanilang mga network na binubuo ng libu-libong mga node, ngunit humahantong ito sa mababang scalability. Dahil maraming mga node na tumatanggap at nagbeberipika ng mga transaksyon, nagiging masyadong mas mabagal ang sistema kumpara sa mga centralized na alternatibo.
Sa ibang eksena, maaaring tanggalin ang block gas limit para makamit ng network ang seguridad at scalability, ngunit hindi itong magiging sing-decentralized. 

Ito ay dahil ang mas maraming transaksyon sa isang block ay nagreresulta sa malalaking mga block. Ganunpaman, ang mga node sa network ay kinakailangang magdownload at magparami ng mga ito paminsan-minsan. Malaki ang inilalaan ng prosesong ito sa hardware.

Bilang resulta, asahan mong ang mga node na hindi makakasabay ay malalaglag sa network. Sa pagpapatuloy sa ganitong kalakalan, maliit na bahagi lamang ng mga makapangyarihang nodes ang may kakayahang makilahok–  na humahantong sa pagiging mas centralized. Maaari kang humantong sa isang blockchain na ligtas at scalable, ngunit hindi decentralized.

Panghuli, maaari nating ipagpalagay ang isang blockchain na nakatuon ang pansin sa decentralization at scalability. Para maging parehong mabilis at decentralized, kailangang magsakripisyo pagdating sa ginagamit na consensus algorithm, na humahantong sa mas mahinang seguridad.


Ilang transaksyon ang kayang iproseso ng Ethereum?

Sa nakalipas na mga taon, madalang na malagpasan ng Ethereum ang ten transactions per second (TPS). Para sa isang platapormang layuning maging isang “pandaigdigang kompyuter,” nakagugulat ang pagiging mababa ng numerong ito.
Matagal nang bahagi ng roadmap ng Ethereum ang mga solusyon sa scalability. Plasma ang isang halimbawa ng solusyong ito. Layunin nitong pataasin ang pagiging mahusay ng Ethereum, ngunit ang technique na ito ay maaari ring gamitin sa ibang blockchain networks.


Ano ang Ethereum 2.0?

Para sa lahat ng potensyal nito, kasalukuyang walang malaking limitasyon ang Ethereum. Natalakay na natin ang isyu ng scalability. Sa maikling paliwanag, kung nais ng Ethereum na maging saligan ng bagong sistemang pinansyal, kailangan nitong kayanin ang pagproseso ng mas maraming transaksyon kada segundo. Kung isasaalang-alang ang distributed na katangian ng ng network, masyado itong malaking problema para malutas, at ilang taon na itong pinag-iisipan ng mga developer ng Ethereum.

Para maging sapat na decentralized ang network, kailangang magpatupad ng mga limitasyon. Mas marami ang requirement sa pagpapatakbo ng nodes, mas kaunti ang magiging kalahok, at mas nagiging centralized ang network. Kaya ang pagdagdag ng bilang ng mga transaksyon na kayang iproseso ng network ay maaring maging banta sa integridad ng sistema, dahil madaragdagan nito ang bigat na dinadala ng mga node.

Isa pang pagbatikos sa Ethereum (at ibang Proof of Work cryptocurrencies) ay masyadong malaki ang inilalaan nito sa resources. Para matagumpay na maidagdag ang isang block sa blockchain, kailangan nilang mag-mine. Para makagawa ng block sa paraang ito, kailangan nilang mabilis na magsagawa ng mga computation na malaki ang kinokonsumong kuryente.

Para harapin ang mga limitasyong nabanggit, isang malaking upgrade ang iminumungkahi, na kilala sa pangkalahatan bilang Ethereum 2.0 (o ETH 2.0). Oras na mailatag, dapat ay higit na mapabuti ng ETH 2.0 ang performance ng network.


Ano ang Ethereum sharding?

Tulad ng nabanggit sa itaas, ang bawat node ay nagtatago ng kopya ng buong blockchain. Anumang oras na palawigin ito, kailangang mag-update ng bawat node, na kumokonsumo sa kanilang bandwith at hindi nagamit na memory.

Gamit ang paraan na tinatawag na sharding, maaaring hindi na ito kailanganin. Ang pangalan ay tumutukoy sa proseso ng paghahati ng network sa mga subset ng nodes – ito ang ating shards. Ang bawat isa sa mga shard na ito ay magpoproseso ng sarili nilang mga transaksyon at contract, ngunit maaari ring magkaroon ng komunikasyon sa mas malawak na network ng shards kung kinakailangan. Dahil malayang nakakapag-validate ang bawat shard, hindi na nila kinakailangang magtago ng data mula sa ibang mga shard.


Ang network noong March 2020 kumpara sa network kung saan may implementasyon ng sharding.


Ang sharding ay isa sa mga pinakakumplikadong paraan sa scaling na nangangailangan ng maraming trabaho para sa disenyo at implementasyon. Ganunpaman, kung matagumpay ang implementasyon, ito rin ay magiging isa sa mga pinaka epektibo, na nagpapataas sa kapasidad sa throughput ng network sa pamamagitan ng malalaking orders.


Ano ang Ethereum Plasma?

Ang Ethereum Plasma ay ang tinatawag nating off-chain na solusyon sa scalability. Layon nitong palakasin ang throughput ng transaksyon sa pamamagitan ng pagtulak sa mga transaksyon palabas ng blockchain. Sa kasong ito, mayroon itong mga pagkakahalintulad sa sidechains at payment channels.

Sa Plasma, nakaangkla ang mga sekondaryang chain sa pangunahing Ethereum blockchain, ngunit pinapanatili nilang mababa ang komunikasyon. Tumatakbo sila nang mas malaya bagamat nakaasa pa rin ang mga user sa pangunahin chain para sa paglutas ng mga alitan o “pagkumpleto” sa kanilang mga aktibidad sa mga sekondaryang chain. Ang pagpababa sa laki ng data na dapat itago ng mga node ay mahalaga sa matagumpay na scaling ng Ethereum.

Ang Plasma na solusyon ay nagbibigay-daan sa mga developer na balangkasin ang paggana ng kanilang mga “batang” chain sa isang smart contract sa pangunahing chain. Pagkatapos, malayo na silang gumawa ng mga application na may mga impormasyon o prosesong masyadong mahal para itago/patakbuhin sa pangunahing chain.

Para sa mas komprehensibong panimula sa Plasma, tingnan ang Ano ang Ethereum Plasma?


Ano ang Ethereum rollups?

Pareho ang rollups sa plasma sa kadahilangan layunin nilang i-scale ang Ethereum sa pamamagitan ng pagtulak sa mga transaksyon palabas ng pangunahing blockchain. Paano gumagana ang mga ito?  
Ang isang contract sa pangunahing chain ay nagtatago ng lahat ng mga pondo sa sekondaryang chain at nagtatago ng isang cryptographic proof sa kasalukuyang estado ng kanyang chain. Ang mga operator sa sekondaryang chain, na naglagay ng bond sa mainnet contract, ay tumitiyang na ang mga may bisa lamang ng mga state transition ang naka-commit sa mainnet contract. Ang ideya sa likod nito ay habang pinapanatili ang estadong ito nang off-chain, hindi kinakailangang magtago ng data sa blockchain. Ang pangunahing pagkakaiba ng rollups sa Plasma ay nasa paraan kung paano isinusumite ang mga transaksyon sa pangunahing chain. Gamit ang espesyal na uri ng transakyon, ang malaking bilang ng mga transaksyon ay maaaring “i-roll up” (pagbungkusin) nang magkakasama sa isang espesyal na block na tinatawag na Rollup block.   
May dalawang uri ng rollup: Optimistic at ZK Rollup. Tinitiyak ng pareho ang pagiging tama ng estado ng mga transition sa magkaibang paraan. 
Nagsusumite ng mga transaksyon ang ZK Rollups gamit ang cryptographic verification na paraan na tinatawag na zero-knowledge proof. Partikular na ang approach dito na tinatawag na zk-SNARK. Hindi na natin ito masyadong idedetalyer, ngunit narito ang kung paano ito magagamit sa mga rollup. Isa itong paraan para sa iba’t ibang partido na patunayan sa isa’t isa na mayroon silang partikular na piraso ng impormasyon nang hindi inilalantad kung ano ang impormasyon ito. 

Sa kaso ng ZK Rollups, ang impormasyong ito ay ang state transitions na isinusumite sa pangunahing chain. Isang malaking kalamangan nito ay ang agarang pagsasakatuparan ng proseso, at walang tiyansang ma-corrupt ang pagsumite ng mga estado. 

Ang Optimistic Rollups ay nagsasakripisyo ng scalability para sa flexibility. Sa pamamagitan ng paggamit ng virtual machine na tinatawag na Optimistic Virtual Machine (OVM), pinapayagan nila ang mga smart contract na tumakbo sa mga sekondaryang chain na ito. Sa kabilang banda, walang cryptographic proof na tama ang isinumiteng state transition sa pangunahing chain. Para maagapan ang isyu na ito, mayroong bahagyang pagkaantala para pahintulutan ang mga user na hamunin at tanggihan ang mga invalid na block na isinumite sa pangunahing chain. 


Ano Ang Ethereum Proof of Stake (PoS)?

Ang Proof of Stake (PoS) ay isang alternatibong paraan sa Proof of Work sa pagpapatunay ng mga block. Sa isang Proof of Stake na sistema, hindi mina-mine ang mga block, sa halip ay mini-mint (minsang tinutukoy na forging). Imbes na naglalaban ang mga miner sa hash power, ang isang node (o validator) ay paminsan-minsang pinipili sa random na paraan para mag-validate na isang kandidato sa block. Kung nagawa nang tama, makatatanggap sila ng lahat ng mga singil sa transaksyon ng block na iyo at, depende sa protocol, posibleng isang block reward.

Dahil walang kinalaman ang mining, itinuturing na mas hindi nakapipinsala sa kapaligiran ang Proof of Stake. Hindi malaki ang konsumo sa enerhiya ng mga validator di tulad ng sa miners, at sa halip ay maaaring mag-mint ng mga block sa consumer-grade na hardware.

Nakatakdang lumipat ang Ethereum mula sa PoW papunta sa PoS bilang bahagi ng Ethereum 2.0, na may kasamang upgrade na tinatawag na Casper. Bagamat wala pang pormal na petsa, ang unang pagpapakilala ay maaaring ilunsad sa 2020.


Ano ang Ethereum staking?

Sa Proof of Work protocols, ang seguridad ng network ay tinitiyak ng miners. Hindi nandaraya ang miners, dahil aksaya ito sa kuryente at magdudulot sa kanilang pagmintis sa mga potensyal na reward. Sa Proof of Stake, walang ganitong game theory, at ilang mga cryptoeconomic na hakbang ang itinakda para tiyakin ang seguridad ng network.
Sa halip na ang panganib sa pagsasayang, nagiging hadlang sa hindi matapat na pagkilos ang panganib ng pagkawala ng pondo. Dapat magpresenta ang mga validator ng stake (ibig sabihin ay token holding) para pumasa sa validation. Ito ay ang itinakdang halaga ng ether na nawawala kapag tinangkang mandaya ng node, o dahan-dahang nauubos kapag hindi sumasagot o offline ang node. Ganunpaman, kung nagpatakbo ng karagdagang nodes ang validator, maaari silang makakuha ng mas maraming reward.


Gaano karaming ETH ang kailangan kong i-stake sa Ethereum?

Ang tinatayang pinakamababang stake para sa Ethereum ay 32 ETH para sa bawat validator. Itinakda ito nang ganito kataas para gawin ding mataas ang kakailanganin para makagawa ng 51% attack.


Gaano karaming ETH ang maaari kong kitain sa pag-stake sa Ethereum?

Hindi ito isang simpleng katanungan para sagutin. Base ito, syempre, sa iyong stake, ngunit pati rin sa kabuuang halaga ng ETH na naka-stake sa network at ang inflation rate. Sa pagtataya, ang kasalukuyang mga kalkulasyon ay nagpapakita ng 6% na taunang kita. Tandaan na isa lamang itong estimasyon, at maaari pang magbago sa hinaharap.


Gaano katagal naka-lock up ang aking ETH sa staking?

Magkakaroon ng pila sa pag-withdraw ng iyong ETH mula sa iyong validator. Kung walang pila, ang pinakamabilis na oras ng withdrawal ay 18 oras, ngunit nagbabago rin ito depende sa kung gaano karaming validators ang nagwi-withdraw sa ibinigay na oras.


May panganib ba sa staking ng ETH?

Dahil isa kang validator sa network na responsable sa pagpapanatili ng seguridad ng network, may mga panganib na dapat isaalang-alang. Kung matagal na nag-offline ang iyong validator, maaaring mawala ang malaking bahagi ng iyong deposito. Ganun din, kung ang iyong deposito ay bumagsak at naging mas mababa sa 16 ETH sa anumang punto, matatanggal ka sa set ng validator.

Mahalaga ring isaalang-alang ang mas systemic na dahilan ng panganib. Hindi pa kailanman naimplementa ang Proof of Stake sa ganitong scale, kaya hindi tayo ganap na nakatitiyak hindi hindi ito papalya. Laging magkakaroon ng bugs at kahinaan ang mga software, at maaari itong magkaroon ng nakapipinsalang epekto – lalo na kung bilyong dolyar na halaga ang naka-stake.





Kabanata 5 - Ethereum at Decentralized Finance (DeFi)

Mga Nilalaman


Ano ang Decentralized Finance?

Decentralized Finance (or simply, DeFi) is a movement that aims to decentralize financial applications. DeFi is built on public, open-source blockchains that are free to access by anyone with an Internet connection (permissionless). This is a crucial element for onboarding potentially billions of people to this new, global financial system. 
Sa lumalagong mundo ng DeFi, nagkakaroon ng interaksyon ang mga user sa mga smart contract at sa isa’t isa sa pamamagitan ng peer-to-peer (P2P) networks at Decentralized Applications (DApps). Isang malaking kalamangan ng DeFi ay habang ginagawa nitong posible ang lahat ng ito, napapanatili pa rin ng mga user ang pagmamay-ari sa kanilang pondo sa lahat ng oras. 

Sa madaling sabi, ang kilusang Decentralized Finance (DeFi) ay may layuning lumikha ng bagong sistemang pinansyal na malaya sa mga limitasyon ng kasalukuyan. Habang nangyayari ito, dahil sa mataas na antas ng decentralization at malaking developer base, karamihan sa mga DeFi ay kasalukuyang itinatatag sa Ethereum. 


Saan magagamit ang Decentralized Finance (DeFi)?

Maaaring alam mo na, ngunit isa sa mga pinaka malaking kalamangan ng Bitcoin ay ang kawalan ng pangangailangan ng isang central party para sa koordinasyon ng pagpapatakbo ng network. Ngunit paano kung gagamitin natin ito bilang pinaka-sentrong ideya at gumawa ng programmable na mga application sa ibabaw nito? Ito ang potensyal ng mga DeFi application. Walang central coordinators o mga tagapamagitan, at walang single points of failure. 

Tulad ng nabanggit sa itaas, isa sa mga malaking kalamangan ng DeFi ay ang open na access. May bilyon-bilyong tao sa buong mundo na walang access sa anumang uri ng pinansyal na mga serbisyo. Naisip mo ba kung paano mo mairaraos ang bawat araw nang walang katiyakan sa iyong pinansyal na aspeto? May bilyon-bilyong mga tao sa mundo na namumuhay nang ganito, at higit sa lahat, ito ang demographic na sinusubukang pagsilbihan ng DeFi.


Maaabot ba ng Decentralized Finance (DeFi) ang mainstream?

Mukhang maganda naman itong lahat pakinggan, ngunit bakit hindi pa nakapaghahari sa mundo ang DeFi? Sa kasalukuyan, karamihan sa mga DeFi applications ay mahirap gamitin, hindi matibay, madalas bumagsak, at masyadong experimental. Napag-alaman na ang pagbuo sa mga balangkas ng ecosystem na ito ay masyadong mahirap, lalo na isang isang distributed development environment.

Ang paglutas sa lahat ng mga hamon sa pagbuo ng DeFi ecosystem ay isang mahabang biyahe pa na lalakbayin ng mga software engineer, game theorist, mechanism designer, at marami pang iba. Dahil dito, hindi pa masasabi kung maaabot nga ng mga DeFi na application ang mainstream.


Ano ang mga mayroong application ng Decentralized Finance (DeFi)?

Isa sa mga pinaka popular na use case ng Decentralized Finance (DeFi) ay stablecoins. Ang mga ito ay mga token sa isang blockchain na may mga halagang nakapako sa mga totoong asset tulad ng fiat currency. Halimbawa, ang BUSD ay nakapako sa halaga ng USD. Nagiging madaling gamitin ang mga token na ito dahil umiiral sila sa isang blockchain kaya naman madali silang itago at ilipat.
Isang kilalang uri ng application ay lending. Maraming mga peer-to-peer (P2P) na serbisyo na pinapayagan kang ipahiram ang iyong mga pondo sa iba at mangolekta ng bayad sa interes bilang kapalit. Sa katunayan, isa sa mga pinaka madaling paraan sa paggawa nito ay sa pamamagitan ng Binance Lending. Ang kailangan mo lamang gawin ay ilipat ang iyong mga pondo papunta sa iyong lending wallet, at maaari ka nang magsimulang kumita ng interes sa susunod na araw.
Ganunpaman, maaaring sabihin na ang pinaka nakasasabik na bahagi ng DeFI ay ang hirap sa pag-uuri ng mga application sa mga kategorya. Kabilang dito ang lahat ng mga uri ng peer-to-peer at decentralized na mga merkado, kung saan ang mga user ay maaaring magpalitan ng mga katangi-tanging crypto-collectibles at ibang digital items. Maaari rin nilang paganahin ang paglikha ng mga synthetic asset, kung saan ang sinuman ay makalilikha ng merkado para sa lahat ng anumang may halaga. Kabilang din sa ilang mga gamit nito ay ang prediction markets, derivatives, at marami pang iba.


Decentralized Exchanges (DEXs) sa Ethereum

Ang Decentralized Exchange (DEX) ay isang lugar kung saan maaaring magkaroon ng direktang trade sa pagitan ng mga user wallet. Kapag ikaw ay nag-trade sa Binance, isang centralized exchange, ipinapadala mo ang iyong mga pondo sa Binance, at itini-trade ito sa pamamagitan ng kanyang mga internal na sistema.
Iba ang Decentralized Exchanges. Sa pamamagitan ng mahika ng mga smart contract, maaari kang direktang mag-trade mula sa iyong crypto wallet, kung saan natatanggal ang posibilidad ng exchange hacks at iba pang mga panganib.
Isang magandang halimbawa ng decentralized exchange ang Binance DEX. Ilan sa mga dapat tandaang halimbawa na itinatag sa Ethereum ang Uniswap, Kyber Network, at IDEX. Marami rin ang papayag na makapag-trade ka mula sa iyong hardware wallet para sa maximum na seguridad.


Centralized kumpara sa decentralized exchanges.


Sa itaas, ipinakita natin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga centralized at decentralized exchange. Sa kaliwa, makikita natin na ang Binance ay nasa gitna ng mga transaksyon sa pagitan ng mga user. Kaya kung gustong mag-trade ni Alice ng Token A para sa Token B ni Bob, dapat muna nilang ideposito sa exchange ang kanilang mga asset. Pagkatapos ng trade, muling maglalaan ng alokasyon ang Binance ng kanilang mga balanse ayon sa nararapat.

Sa kanan naman ang isang decentralized exchange. Makikita mo na walang third party na may kinalaman sa transaksyon. Sa halip, ang token ni Alice ay direktang ipinapalit sa token ni Bob sa pamamagitan ng paggamit ng smart contract. Sa ganitong paraan, hindi kailangang magtiwala ng parehong partido sa isang tagapamagitan, dahil ang mga termino ng kanilang mga contract ay awtomatikong ipinatutupad.

Sa ngayon, (February 2020), kadalasang pinaka ginagamit na application ang mga DEX sa lahat ng mga itinatag sa Ethereum blockchain. Ganunpaman, maliit pa rin ang trading volume kumpara sa mga centralized na exchange.





Kabanata 6 - Paglahok sa Ethereum Network

Mga Nilalaman


Ano ang Ethereum node?

Ang “Ethereum node” ay isang termino na maaaring gamitin para ilarawan ang isang programang may interaksyon sa Ethereum network sa anumang paraan. Ang Ethereum node ay maaaring anuman mula sa simpleng mobile phone wallet application hanggang sa isang kompyuter na nagtatago ng buong kopya ng blockchain. 

Ang lahat ng mga node ay gumagana bilang punto ng komunikasyon, ngunit may iba’t ibang uri ng mga node sa Ethereum network.


Paano gumagana ang Ethereum node?

Di tulad ng Bitcoin, walang iisang programa ang Ethereum bilang kanyang batayan sa implementasyon. Kung saan may Bitcoin Core ang Bitcoin ecosystem bilang kanyang pangunahing node software, ang Ethereum ay may range ng mga indibidwal (ngunit naaayong) mga programa base sa Yellow Paper nito. Ilan sa mga popular na opsyon ang Geth at Parity.


Ethereum full nodes

Para makapag-interface sa Ethereum network sa paraang pinapayagan kang mag-validate ng blockchain data nang malaya, kinakailangan mong magpatakbo ng isang full node gamit ang software na tulad ng mga nabanggit sa itaas. 

Magda-download ng blocks ang software mula sa ibang mga node at beberipikahin kung tama ang mga kabilang na transaksyon. Patatakbuhin din nito ang lahat ng smart contracts na tinawag para tiyaking pareho sa iyong mga peer ang natatanggap mong impormasyon. Kung ang lahat ay gumagana tulad ng itinakda, maaari nating asahan ang bawat node na magkaroon ng magkakaparehong kopya ng blockchain sa kanilang mga gadget.

Mahalaga ang mga full node sa pagtakbo ng Ethereum. Kung wala ang iba’t ibang mga node na nakakalat sa buong mundo, mawawalan ang mga network ng censorship-resistant at decentralized na mga katangian.


Ethereum light nodes

Ang pagpapatakbo ng full node ay nagbibigay sa iyo ng pahintulot na direktang makapag-ambag sa kalusugan at seguridad ng network. Ngunit ang full node ay kadalasang nangangailangan ng hiwalay na makina para makatakbo at ganun din para sa paminsang-minsang pagpapanatili nito. Maaaring mas magandang opsyon ang light nodes para sa mga user na hindi kayang magpatakbo ng full node (o ayaw lang talagang gawin ito).

Base na rin sa pangalan, ang mga light nodes ay magaan – gumagamit sila ng mas kaunting resources o maliit lamang ang inookupahang espasyo. Dahil dito, maaari silang tumakbo sa mga device na may mababang specifications tulad ng mga mobile phone o laptop. Ngunit may kaakibat ang mga ito na kapalit: hindi kaya ng mga light node na tustusan ang sarili. Hindi sila buong naka-sync sa blockchain at samakatuwid ay nangangailangan ng full nodes para bigyan sila ng makabuluhang impormasyon.

Kilala ang mga light node sa mga negosyante, mga serbisyo, at mga user. Malawak silang ginagamit sa pagbibigay at pagtanggap ng mga bayad sa mga pagkakataon kung saan nakikitang hindi kinakailangan at masyadong magastos patakbuhin ang mga full node.

Ethereum mining nodes

Maaaring full client o light ang isang mining node. Ang terminong “mining node” ay hindi ginagamit na tulad ng sa mundo ng Bitcoin, ngunit ganunpaman ay mahalagang tukuyin ang mga kalahok na ito.

Para mag-mine sa Ethereum, kinakailangan ng mga user ng karagdagang hardware. Isang karaniwang gawi ay may kinalaman sa paggawa ng isang mining rig. Gamit ang mga ito, pinagkokonekta ng mga user ang ilang mga GPU (graphics processing units) sa isa’t isa para mabilis na mag-hash ng data.
May dalawang opsyon ang mga miner: pag-mine nang mag-isa, o sa isang mining pool. Nangangahulugan ang solo mining na mag-isang nagtatrabaho ng miner para gumawa ng blocks. Kung sila ay matagumpay, hindi nila ibinabahagi sa sinuman ang kanilang mga mining reward. Sa kabilang banda, kapag sumasama sa isang mining pool, isinasama nila ang kanilang hashing power sa ibang mga user. Mas mataas ang tiyansa nilang makahanap ng block, ngunit kailangan din nilang ibahagi ang kanilang mga reward sa ibang miyembro ng pool.


Paano magpatakbo ng Ethereum node

Isa sa mga mahalagang aspeto ng blockchain ay ang open access. Ibig sabihin nito ay maaaring magpatakbo ng Ethereum node ang sinuman at palakasin ang network sa pamamagitan ng pag-validate ng mga transaksyon at blocks. 

Tulad sa Bitcoin, may ilang mga negosyo na nag-aalok ng plug-n-play Ethereum nodes. Maaaring ito ang pinaka magandang opsyon kung gusto mo lamang na magpatakbo ng isang node – ganunpaman, dapat maging handa ka sa dagdag na bayad para sa madaling paggamit.
Tulad ng nabanggit, ang Ethereum ay may ilang mga magkakaibang node software implementation, tulad ng Geth o Parity. Kung nais mong magpatakbo ng sariling node, kailangan mong maging pamilyar sa proseso ng setup para sa implementation na gusto mong patakbuhin.
Maliban lamang kung gusto mong magpatakbo ng espesyal na node na tinatawag na archival node, sapat na ang consumer-grade laptop para magpatakbo ng Ethereum full node. Ganun din, pinakamainam na huwag gamitin ang iyong pang-araw araw na gadget, dahil maaari itong bumagal nang sobra. 

Ang pagpapatakbo ng sarili mong node ay pinakamainam sa mga device na laging online. Kung nag-offline ang iyong node, maaaring masyadong matagalan bago ito ma-synchronize sa network oras na muling mag-online. Dahil dito, pinakamagandang solusyon ang mga device na murang buuin at madaling panatilihin. Halimbawa, maaari kang magpatakbo ng light node maging sa isang Raspberry Pi.


Paano mag-mine sa Ethereum

Dahil malapit nang lumipat ang network sa Proof of Stake, hindi ang mining sa Ethereum ang pinakaligtas na taya sa pangmatagalan. Pagkatapos magawa ang paglipat, maaaring ilaan ng mga Ethereum miner ang kanilang mining equipment sa ibang mga network o ibenta ito nang buo.
Ganunpaman, kung gusto mong makilahok sa Ethereum mining, kakailanganin mo nang espesyal na hardware, tulad ng GPU o ASIC. Kung naghahanap ka ng makatuwirang kita, maaaring kailanganin mo ng pinasadyang mining rig at koneksyon sa murang kuryente. Dagdag pa rito, kakailanganin mong magset up ng Ethereum wallet at i-configure ang mining software para magamit ito. Kailangan nito ng malaking puhunang oras at pera, kaya dapat mahalagang isipin kung kaya mo ang hamon. 


Ano ang Ethereum ProgPoW?

Ang ProgPoW ay nangangahulugang Programmatic  Proof of Work. Isa itong ipinapanukalang extension ng Ethereum mining algorithm, ang Ethash, na dinisenyo para gawing mas competitive ang mga GPU sa ASICs.  
Ang ASIC-resistance ay naging mabigat na paksa ng debate sa loob ng maraming taon sa parehong komunidad ng Bitcoin at Ethereum. Sa kaso ng Bitcoin, nangibabaw na pwersa ng mining ang ASICs sa network. 

Ganunpaman, sa Ethereum, nakikita ngunit hindi nangingibabaw ang ASICs – malaking bahagi ng mga miner ay gumagamit pa rin ng GPUs. Maaaring malapit nang magbago ang sitwasyong ito habang parami na nang paraming mga kompanya ang nagdadala ng Ethereum ASIC miners sa merkado. Ngunit paano nagdadala ng problema ang ASICs? 

Isang dahilan ay malaking napapababa ng ASICs ang decentralization ng network. Kung hindi kumikita ang GPU miners at kailangang patayin ang operasyon ng kanilang mining, maaaring mailaan ang hash rate sa kamay ng iilang mga miner. Dagdag pa rito, ang pagdevelop ng mga ASIC chip ay magastos, at ilang mga kompanya lamang ang may kapasidad at mapagkukunan para gawin ito. Dahil dito, nagkakaroon ng banta na monopolisasyon sa manufacturing sa pamamagitan ng potensyal na pag-centralize ng industriya ng Ethereum mining sa kamay ng iilang mga korporasyon.
Ang integrasyon ng ProgPow ay naging kontrobersyal simula pa noong 2018. Habang iniisip ng ilan na maganda ito para sa kalusugan ng Ethereum ecosystem, tutol dito ang iba dahil sa potensyal na pagdulot ng hard fork. Dahil sa papalapit na paglipat sa Proof of Stake, hindi pa makita sa ngayon kung may implementasyon ng ProgPow sa network.


Sino ang developer ng Ethereum software?

Tulad ng Bitcoin, ang Ethereum ay open-source. Malaya ang sinuman na lumahok sa pagpapaunlad ng mismong protocol, o gumawa ng applications sa ibabaw nito. Sa katunayan, ang Ethereum ang may pinakamalaking komunidad ng developer sa blockchain sa kasalukuyan.
Ang resources tulad ng Mastering Ethereum ni Andreas Antonopoulos at Gavin Wood at Developer Resources ng Ethereum.org ay mga mahusay na simula para sa mga developer na gustong makilahok. 


Ano ang Solidity?

Unang inilarawan ang smart contracts noong 1990s, ngunit ang pagpapagana sa mga ito sa ibabaw ng blockchains ay nagpakita ng bago at ibang mga hamon. Iminungkahi ni Gavin Wood noong 2014 ang Solidity, at mula noon ay naging pangunahing programming language na ito para sa pagdevelop ng smart contracts sa Ethereum, Sa usaping syntax, may hawig ito sa Java, JavaScript, at C++.
Ginagawang posible ng Solidity para sa mga developer na magsulat ng code na hindi nahahati-hati sa mga panutong naiintindihan ng Ethereum Virtual Machine (EVM). Kung nais pang mas maintindihan kung paano ito gumagana, magandang simula ang Solidity GitHub.
Dapat tandaan na ang Solidity ay hindi ang nag-iisang language na magagamit ng mag Ethereum developer. Isa pang popular na opsyon ang Vyper na mas hawig ang syntax sa Python.
Share Posts
Magrehistro ng isang account
Gamitin ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa Binance ngayon.