TL;DR
Ang The Sandbox ay isang play-to-earn na laro kung saan pinagsasama-sama ang teknolohiya ng blockchain, DeFi, at mga NFT sa isang 3D metaverse. Sa virtual na mundo nito, ang mga player ay makakagawa at makakapag-customize ng mga laro at digital asset nila gamit ang mga libreng tool sa pagdidisenyo. Ang mga virtual na produktong nagawa ay puwedeng i-monetize bilang mga NFT at ibenta kapalit ng mga SAND token sa The Sandbox Marketplace.
Ang SAND token ay ang katutubong token ng The Sandbox. Ginagamit ito bilang batayan ng lahat ng transaksyon at interaksyon sa laro. Puwedeng kumita ng SAND sa pamamagitan ng paglalaro at pagsali sa mga contest sa The Sandbox o puwede itong bilhin sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
Panimula
Ano ang The Sandbox?
Noong Nobyembre 2021, nakalikom ang The Sandbox ng $93 na milyong pondo mula sa mga mamumuhunan, sa pangunguna ng bigatin sa mobile sa Japan, ang SoftBank. Nakahimok din ang laro ng mahigit sa 50 pagtutulungan, kasama na ang Atari, isang sikat na kumpanya ng gaming, CryptoKitties, The Walking Dead, at ang hip-hop star na si Snoop Dogg.

Larawan mula sa website ng The Sandbox
Paano gumagana ang The Sandbox?
Ang Sandbox ay isang dynamic na virtual na mundo na may mga gawang mula sa mga user. Ang mga player ay puwedeng bumuo at gumawa ng sarili nilang mga NFT, kasama na ang mga avatar, virtual na produkto, at maging mga laro gamit ang VoxEdit at Game Maker. Hindi lang nila magagamit ang mga virtual na produkto para makipag-ugnayan sa iba pang player, puwede rin nilang i-monetize ang mga NFT na ito sa pamamagitan ng pag-trade sa The Sandbox Marketplace.
VoxEdit
Ang VoxEdit ay isang madaling gamiting software kung saan magagawa ng mga artist at player na gumawa, mag-rig, at mag-animate ng mga voxel-based NFT nila. Ang mga voxel ay mga parisukat na 3D pixel na mukhang mga lego block. Mabilis mae-edit ang mga ito sa VoxEdit para bumuo ng iba't ibang hugis. Halimbawa, ang mga user ay puwedeng gumawa ng equipment na nakatuon sa avatar gaya ng mga damit o armas, o magdisenyo ng mga hayop, halaman, tool sa laro, at produktong gagamitin sa The Sandbox. Tapos, puwedeng i-export at i-trade ang mga virtual na produktong ito sa Sandbox Marketplace bilang mga NFT.

Larawan mula sa website ng The Sandbox
Game Maker
Sa Game Maker, ang mga user ay makakabuo at makakapag-test ng kanilang mga natatanging 3D na laro sa metaverse ng Sandbox. Isa itong simpleng programang hindi nangangailangan ng anumang kaalaman sa pag-code para magamit. Puwedeng magdisenyo at mag-ayos ang mga user ng iba't ibang elemento at object, kasama na ang mga NFT na ginawa gamit ang VoxEdit, sa isang environment na tinatawag na LAND. Halimbawa, puwede silang mag-edit ng terrain, maglagay ng mga character at gusali, at mag-curate ng mga quest mula sa library ng mga resource na binuo ng komunidad. Puwede rin nilang ibahagi ang mga gawa nila sa komunidad ng Sandbox.

Larawan mula sa website ng The Sandbox
The Sandbox Marketplace
Ang The Sandbox Marketplace, na inilunsad noong Abril 2021, ay isang marketplace ng NFT kung saan makakapag-trade ng mga asset sa laro (ASSETS) ang mga user kapalit ng SAND, ang katutubong cryptocurrency ng The Sandbox. Puwedeng isama sa LAND ang mga makukuhang ASSETS gamit ang Game Maker para makagawa ng mga natatanging laro. Ang mga NFT ay posibleng mga entity, gusali, wearable, at higit pa, na lahat ay magagamit sa The Sandbox.
Gaya ng nabanggit, gumagamit ang The Sandbox ng ilang iba't ibang token sa ecosystem nito para maka-ugnayan ng mga player ang platform, kasama na ang SAND, LAND, at ASSETS.
Ano ang Sandbox (SAND)?
Ang Sandbox (SAND) ay ang katutubong token ng The Sandbox. Isa itong ERC-20 token na may kabuuang supply na 3 bilyong SAND.
Dagdag pa rito, puwedeng mag-stake ng SAND sa laro ang mga may-hawak para makakuha ng mga reward, kasama na ang bahagi sa kita mula sa lahat ng transaksyon sa mga SAND token. Pinakamahalaga sa lahat, sa pag-stake ng SAND, puwedeng lumaki ang tsansang makakita ng mahahalagang GEM at CATALYST, ang mga resource sa laro na kailangan para sa paggawa ng ASSETS na may mas mataas na rarity.
Puwedeng makakuha ng SAND sa pamamagitan ng paglalaro ng iba't ibang game at pagsali sa mga contest sa The Sandbox o puwede itong bilhin sa mga palitan ng cryptocurrency gaya ng Binance.
Ano ang ASSETS?
Ang ASSETS ay mga NFT na binuo ng user. Ito ay mga voxel asset na ginawa gamit ang VoxEdit, na ina-upload sa The Sandbox Marketplace at kino-convert sa mga NFT para ibenta.
Magagamit ang ASSETS sa laro sa iba't ibang paraan. Ito ay puwedeng mga pangkapaligirang asset gaya ng gusali, gumagalaw na hayop, o sasakyan. Puwede rin itong i-attach sa avatar bilang mga damit o armas. Para sa mga gumagawa ng laro nila sa Game Maker, puwedeng magdisenyo ng ASSETS para magbigay ng mga natatanging karanasan sa paglalaro.
Ano ang LAND?
Ang LAND ay isang digital na piraso ng real estate sa platform ng The Sandbox. Isa itong natatanging ERC-721 token sa blockchain ng Ethereum. Puwedeng bumili ng mga LAND ang mga player para bumuo ng sarili nilang bersyon ng mga laro dito sa pamamagitan ng ASSETS gamit ang Game Maker tool. Puwede rin silang magsama-sama ng maraming LAND para makabuo ng ESTATE, kung saan posibleng hanggang 24x24 ang laki.
Nagbibigay-daan ang LAND sa mga player na i-monetize ang karanasan nila sa paglalaro. Halimbawa, puwede nilang singilin ang iba pang player na bumibisita sa kanilang LAND o naglalaro ng kanilang mga game, puwede silang makakuha ng mga reward na SAND sa pamamagitan ng pag-host ng mga content at event, o puwede rin nilang ibenta o parentahan ang naka-customize nilang LAND.

Screenshot mula sa website ng The Sandbox
Paano bumili ng SAND sa Binance?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Mag-trade] sa bar sa itaas para pumunta sa page ng classic o advanced na pag-trade. Sa tutorial na ito, [Classic] ang pipiliin natin.
2. Pumunta sa kanang bahagi ng screen, i-type ang “SAND” sa search bar para magbukas ng listahan ng mga available na pares sa pag-trade ng SAND. Gamitin natin ang SAND/BUSD bilang halimbawa. Mag-click sa “SAND/BUSD” para buksan ang page sa pag-trade nito.


Mga pangwakas na pananaw
Ang The Sandbox ay isang platform ng content na mula sa user kung saan makakakagawa at makakapag-ambag sa metaverse ang mga user. Hindi tulad ng iba pang sikat na play-to-earn na laro, walang paunang natukoy na mundo ng gaming ang The Sandbox. Gumagamit ito ng flexible na diskarte para ma-customize ng mga user ang lahat gamit ang mga libre at madaling gamiting tool. Ang content na ginagawa ng mga user ay puwede ring i-monetize bilang mga NFT o gamitin para pagandahin ang kanilang karanasan sa paglalaro.