Mga Use Case ng Blockchain: Digital na Pagkakakilanlan
Home
Mga Artikulo
Mga Use Case ng Blockchain: Digital na Pagkakakilanlan

Mga Use Case ng Blockchain: Digital na Pagkakakilanlan

Baguhan
Na-publish Jul 8, 2019Na-update Apr 29, 2021
5m
Sa maraming umuusbong na mga use case ng teknolohiyang blockchain, ang digital na pangangasiwa sa pagkakakilanlan marahil ang may pinakamalaking potensyal. Nito lamang 2018, bilyon-bilyong tao sa mundo ang naapektuhan ng paglabag sa personal na impormasyon. Hindi maitatanggi ang pangangailangan sa mas ligtaas na paraang ng pag-tago, paglipat, at pagberipika sa sensitibong impormasyon. Sa kontekstong ito, maaring makapagbigay ng makabuluhang solusyon ang sistemang blockchain sa ilan sa mga problemang kinakaharap ng mga sentralisadong daluyan ng impormasyon.


Paano magagamit ang blockchain sa mga sistema ng digital na pagkakakilanlan?

Sa madaling sabi, kapag ang isang dokumento ay naitala sa sistema ng blockchain, natitiyak ang pagiging tunay ng impormasyon sa pamamagitan ng maraming nodes na siyang nagpapanatili ng network. Kung ibang termino ang gagamitin, ang “batch of claims” mula sa magkakaibang mga user ay sumusuporta sa validity ng mga naitalang datos.

Sa ganitong pagkakataon, ang nodes ng network ay pwedeng kontrolin ng mga pinahihintulutang ahensya o ng mga ahensya ng gobyerno na responsable sa pagpapatunay at pagpapatotoo sa mga digital records. Ang bawat node ay maaaring “makapaboto” tungkol sa pagigiting tunay ng datos para ang file ay magamit na tulad ng isang opisyal na dokumento ngunit may mas mataas na antas ng seguridad.


Ang gampanin ng cryptography

Mahalagang maintindihan na ang sistema ng pagkakakilanlan na nakabase sa blockchain ay hindi nangangailangan ng direkta o lahad na pamamahagi ng sensitibong impormasyon. Sa halip, ang digital na datos ay maaring ipamahagi at mapatunayan sa pamamagitan ng paggamit ng mga cryptohraphic technique, tulad ng hashing functions, digital signatures, at zero-knowledge proofs.

Sa pamamagitan ng paggamit ng hasing algorithms, ang anumang dokumento ay pwedeng gawing isang hash, isang mahabang serye ng mga titik at numero. Sa kasong ito, ang hash ay kumakatawan sa lahat ng impormasyong ginamit para likhain ito at nagsisilbing isang digital fingerprint. Bukod pa rito, ang mga ahensya ng gobyerno at iba pang pinagkakatiwalaang establisimyento ay maaring makapagbigay ng digital na signature para opisyal na patotohanan ang isang dokumento.

Halimbawa, ang isang residente ay maaring makapagbigay ng dokumento sa isang awtorisadong ahensya na siyang namang makalilikha ng hash na walang katulad (digital fingerprint). Ang ahensyang ito ay maaring gumawa ng digital na lagda na siyang magpapatotoo sa pagiging tunay ng hash na iyon. Ibig sabihin, pwede na itong magamit bilang isang opisyal na dokumento.

Bukod pa riyan, ang zero-knowledge proofs ay magagawang makapagbahagi at makapagpatunay ng credentials at pagkakakilanlan nang hindi nagbubunyag ng anumang impormasyon tungkol sa kanila. Nangangahulugan ito na kahit pa encrypted, mapatutunayan pa rin ang pagiging totoo nito. Kung gayon, maari mong magamit ang zero-knowledge proofs para patunayang nasa legal na edad ka para makapagmaneho ng sasakyan o pumasok sa isang club nang hindi ibinabahagi ang eksaktong petsa ng iyong kapanganakan.


Ganap na kalayaan sa pagkakakilanlan

Ang kosepto ng ganap na kalayaan sa pagkakakilanlan ay tumutukoy sa modelo kung saan ang bawat isang gumagamit ay may ganap na pamamahala sa kanyang datos, na siya namang maaring itago sa mga personal wallet (kagaya ng mga crypto na wallet). Sa kontekstong ito, pwedeng makapagpasya ang isa kung kailan at paano niya ibabahagi ang kanyang impormasyon. Halimbawa, ang isang tao ay makapagtatago ng impormasyon tungkol sa kanyang credit card sa isang personal wallet at makagagamit ng pribadong susi para lumagdan sa transaksyon na magbabahagi ng impormasyon. Sa pamamagitan nito, mapatutunayan niyang siya nga ang totoong may-ari ng credit card.

Habang ang teknolohiya ng blockchain ay kadalasang ginagamit para magtago at makipagpalitan ng cryptocurrencies, pwede rin ito magamit para makapagbahagi at makapagpatunay ng personal na mga dokumento at lagda. Halimbawa, maaaring makapagpalagda ang isang tao sa isang ahensya ng gobyerno para patunayan ang kanyang estado bilang isang kinikilalang namumuhanan at pagkatapos ay ililipat ang kumpirmasyon ng patotohanang ito sa isang brokerage sa pamamagitan ng ZK proof na protocol. Dahil dito, ang isang brokerage ay makatitiyak na ang namumuhunan ay dumaan sa tamang proseso ng pagkilala, kahit pa walang detalyong impormasyon inilabas tungkol sa netong halaga at kinikita ng namumuhunan.


Mga posibleng benepisyo

Ang implementasyon ng cryptography at blockchain sa digital na pagkakakilanlan ay makapagdudulot ng hindi bababa sa dalawang benepisyo. Una rito ang ang pagkakaroon ng mas maayos na pangangasiwa ng gumagamit nito pagdating sa kung paano at kailan ipagagamit ang kanyang personal na impormasyon. Mapabababa nito ang mga panganib na iniuugnay sa pagtatago ng sensitibong datos sa mga sentralisadong daluyan ng impormasyon. Ganun din ang kapasidad ng blockhain networks na makapagbigay ng mas mataas na antas ng privacy sa pamamagitan ng paggamit ng mga sistemang cryptographic. Tulad ng nabanggit, ang mga zero-knowledge proof protocol ay magbibigay ng kakahayan sa mga gumagamit nito na mapatunayan ang bisa ng kanilang dokumento nang hindi nagbabahagi ng mga detalye tungkol sa kanila.

Ang ikalawang benepisyo niyo ay ang katotohanan na ang digital ID systems na nakabase sa blockchain ay mas maaasahan kung ikukumpara sa mga mas tradisyunal na sistema. Halimbawa, ang paggamit ng digital na lagda ay mas magpapadali sa pagpapatunay ng salaysay ng isang source tungkol sa isang user. Sa pamamagitan din ng sistemang blockchain, mahihirapan ang isang tao na pekehin ang isang impormasyon, at epektibo nitong makapagbibigay ng proteksyon ang anumang uri ng datos laban sa mga panloloko.


Mga posibleng limitasyon

Tulad sa maraming kaso ng paggamit ng blockchain, may mga kaugnay na pagsubok ang paggamit ng teknolohiyang para sa digital na sistema ng pagkakakilanlan. Maaaring sabihin na ang pinakamabigat na problema ang katotohanan na ang mga sistemang ito ay may kahinaan pagdating sa isang uri ng nakapapahamak na aktibidad na tinatawag na synthetic identity theft.

Ang synthetic identity tumutukoy sa pagsasama ng mga totoong impormasyon mula sa iba’t-ibang tao para makagawa ng bagong pagkakakilanlan. Dahil ang bawat piraso ng impormasyon na ginamit para gumawa ng synthetic identity ay totoo, maaring malinlang ang ibang sistema na kilalanin ito bilang totoo. Ang pag-atakeng ito ay malawakang ginagamit ng mga kriminal sa ilegal na paggamit ng credit card. 

Ganunpaman, ang problemang ito ay maaaganap sa pamamagitan ng paggamit ng digital na signature nang sa gayon ang gawa-gawang kombinasyon ng mga dokumento ay hindi maging katatanggap-tanggap bilang tala sa isang blockchain. Halimbawa, maaaring magbigay ang isang ahensya ng gobyerno ng indibwidal na digital na lagda para sa bawat dokumento, ganun din ang iisang digital na lagda para naman sa mga dokumentong rehistrado sa iisang indibwidal.

Isa pang dapat pagtuunan ng pansin ang posibilidad ng 51 porsyento ng mga pag-atake, na maaring mangyari sa isang maliit na blockchain network. May kakayahan ang 51 percent attack na baguhin ang ayos ng isang blockchain. Sa ganitong pagkakataon, nababago ang kanyang talaan. Ang problemang ito ay nakababahala lalo na sa mga pampublikong blockchain, kung saan kahit sino ay maaring sumama sa proseso ng pagpapatunay at pagpapatotoo sa mga block. Sa kabutihang-palad, napabababa ng mga pribadong blockchain ang ganitong pag-atake dahil pinahihintulutan lamang nila ang mga pinagkakatiwalaang establisimyento at tagapagpatunay. Ganunpaman, kumakatawan ang sistemang ito sa mas sentralisado imbes na mas demokratikong modelo.


Pangwakas na ideya

Sa kabila ng mga sagabal at limitasyon, malaki ang potensyal ng teknolohiyang blockchain na baguhin ang pamamaraan kung paano pinapatunayan, iniingatan, at ibinabahagi ang digital na datos. Habang maraming kumpanya at mga nagsisimula pa lang ang interesado na sa pagsaliksik ng mga posibilidad nito, marami pa rin ang dapat pagtuunan ng pansin. Ganunpaman, tiyak na mas marami pa tayong makikitang mga serbisyong nakatuon sa digital na pangangasiwa ng pagkakakilanlan sa mga susunod na taon. Malaki ang tiyansa na malaking bahagi nito ang blockchain.