Paano Gamitin ang Avalanche Wallet?
Home
Mga Artikulo
Paano Gamitin ang Avalanche Wallet?

Paano Gamitin ang Avalanche Wallet?

Baguhan
Na-publish Jan 28, 2022Na-update Sep 1, 2022
7m

TL;DR

Ang Avalanche Wallet ay isang cryptocurrency web wallet sa Avalanche blockchain. Nagbibigay-daan ito sa mga user na gamitin ang Avalanche ecosystem ng mga decentralized application (DApp).

May tatlong uri ng mga address ang Avalanche Wallet: X-Chain, C-Chain, at P-Chain. Puwede kang mag-store ng mga cryptocurrency sa alinman sa tatlong chain para sa iba't ibang layunin. Sa madaling salita, pangunahing ginagamit ang X-Chain sa pag-store ng mga asset, nagbibigay-daan sa iyo ang C-Chain na makipag-interaksyon sa mga smart contract, at ginagamit ang P-Chain para sa pag-stake. Puwede mo ring ilipat-lipat ang iyong mga token sa lahat ng tatlong chain sa loob ng Avalanche Wallet.

Kapag naglalabas ng iyong mga asset mula sa Avalanche Wallet mo, siguraduhing gumamit ng chain na compatible sa iyong destinasyong wallet. Halimbawa, C-Chain wallet lang ang compatible sa MetaMask at Binance wallet. Puwede mong ilipat ang iyong mga Avalanche token papunta sa C-Chain wallet gamit ang cross-chain na function.


Panimula

Ang Avalanche ay isang open-source platform para sa Mga Decentralized Application (DApp) na naglalayong pahusayin ang scalability, interoperability, at usability sa tatlong chain nito. Kung gusto mong mag-explore at makipag-interaksyon sa Avalanche ecosystem at mga DApp, kailangan mo ng Avalanche Wallet.


Ano ang Avalanche Wallet at paano ito gumagana?

Ang Avalanche Wallet ay isang non-custodial cryptocurrency browser wallet para sa pakikipag-interaksyon sa Avalanche ecosystem. Puwede kang mag-store, maglipat, at mag-stake ng daan-daang iba't ibang cryptocurrency, at puwede ka ring gumawa ng sarili mong mga NFT (non-fungible token). Puwede ka ring mag-swap ng mga DeFi token mula sa Binance Smart Chain, Ethereum, Polygon, at iba pang chain sa Avalanche gamit ang mga serbisyo ng bridge, gaya ng MultiChain (dating AnySwap).
Gaya ng nabanggit, may tatlong uri ng blockchain ang Avalanche network: ang Exchange Chain (X-Chain), ang Contract Chain (C-Chain), at ang Platform Chain (P-Chain). Ang X-Chain ay isang decentralized platform sa paggawa at pag-trade ng native token ng Avalanche na AVAX at iba pang cryptocurrency. Nagbibigay-daan ang C-Chain na makagawa ang mga user ng mga smart contract at makipag-interaksyon sa mga DApp at serbisyo ng DeFi. Kinokoordina ng P-Chain ang mga validator ng network at puwede itong gamitin sa pag-stake sa Avalanche Wallet. Mababasa mo ang higit pa tungkol sa kung paano gumagana ang tatlong chain na ito sa Ano ang Avalanche (AVAX)?.

Puwede kang mag-store ng mga cryptocurrency sa alinman sa tatlong chain para sa iba't ibang layunin. Gawin nating halimbawa ang AVAX: puwede itong ma-store at ma-trade sa X-Chain, gamitin sa C-Chain para magbayad ng transaksyon at makipag-interaksyon sa mga smart contract, o ma-stake sa P-Chain para kumita ng mga reward. Mukha itong kumplikado sa una, pero mabilis kang makakapagpalipat-lipat ng mga token sa mga chain gamit ang cross-chain na function ng Avalanche Wallet.

Tandaang may sariling address at format ang bawat chain. Lahat ng X-Chain wallet address ay nagsisimula sa “X,” habang sa “P” naman nagsisimula ang mga P-Chain address. Nagsisimula sa “0” ang mga C-Chain address, gaya ng mga Ethereum o Binance Smart Chain (BSC) address.

Para maglipat ng mga token mula o papunta sa iyong Avalanche Wallet, dapat mong piliin ang naaangkop na chain address. Halimbawa, sa C-Chain lang compatible ang Binance at MetaMask wallet. Maging maingat at tiyaking i-double check ang mga address bago makipagtransaksyon. Puwede mong mawala ang mga pondo mo kung magpapadala ka ng mga token sa network na hindi compatible.


Paano gumawa ng Avalanche Wallet?

1. Pumunta sa opisyal na website ng Avalanche Wallet at i-click ang [Gumawa ng Bagong Wallet]. Mag-ingat sa mga pekeng website na gawa ng mga scammer. Tiyaking nasa opisyal kang URL bago ka magsimula.


2. I-click ang [Bumuo ng Key Phrase] para ipakita ang key phrase.


3. Makakakita ka ng 24 na salita sa screen. Ito ang key phrase (o seed phrase) ng wallet mo. Kung mawawala mo ang key phrase, hindi mo maa-access ang iyong wallet. Hindi na mababawi pa ang nawalang key phrase.

Isulat ang 24 na salita sa eksaktong pagkakasunod-sunod at lagyan ng check ang kahon. Dapat mong itabi palagi ang iyong key phrase sa ilang secure na offline na lokasyon at huwag na huwag mo itong ibabahagi kahit kanino. I-click ang [I-access ang Wallet] para magpatuloy.


4. Hihilingin sa iyo ng system na ulitin ang ilang partikular na salita mula sa key phrase para matiyak na na-back up mo ito nang tama. Ilagay ang mga nawawalang salita sa iyong seed phrase at i-click ang [I-verify].


5. Handa na ang iyong Avalanche Wallet. I-click ang [I-access ang Wallet] para pumunta sa wallet mo.


Paano magpadala ng AVAX mula Binance papuntang Avalanche?

Bago ka makapagsimula sa pakikipag-interaksyon sa mga DeFi DApp sa Avalanche, kailangan mo muna ng mga AVAX token sa iyong Avalanche Wallet bilang pambayad sa transaksyon. Puwede kang makakuha ng AVAX mula sa mga palitan gaya ng Binance at puwede mong ipadala ang mga ito sa iyong Avalanche Wallet.

Tingnan natin kung paano maglipat ng AVAX mula Binance papuntang Avalanche. 

Tandaan na C-Chain lang ang compatible sa palitan ng Binance. C-Chain lang ang puwede mong magamit sa paglilipat ng AVAX mula Binance papunta sa Avalanche Wallet mo. Mag-ingat! Kung maling chain ang pipiliin mo, baka mawala sa iyo ang mga token mo.

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Pangkalahatang-ideya ng Wallet] - [Mag-withdraw].


2. Piliin ang [AVAX] sa listahan ng token.


3. Pumunta sa iyong Avalanche Wallet at i-click ang [C] para hanapin ang iyong C-Chain wallet address at kopyahin ito.


4. Bumalik sa Binance at i-paste ang address sa ilalim ng [Address]. Pagkatapos, i-click ang [Network] para piliin ang Avalanche C-Chain network [AVAXC].


5. Ilagay ang halagang ililipat at i-click ang [Mag-withdraw].


6. Basahin nang mabuti ang babala ng panganib bago i-click ang [Kumpirmahin].


7. Tingnan ang mga detalye ng pag-withdraw mo.


8. Ngayon, i-verify ang 2FA ng pag-withdraw mo at i-click ang [Isumite]. Ipapadala ang iyong AVAX sa Avalanche C-Chain wallet mo.


Paano maglipat ng mga token sa pagitan ng Avalanche X-Chain, C-Chain, at P-Chain?

Para ilipat ang iyong mga pondo mula sa isang chain patungo sa iba, kailangan mong gamitin ang cross-chain na function sa paglilipat. Halimbawa, para magpadala ng AVAX sa iyong MetaMask wallet, kailangan mo munang ilipat ang mga token papunta sa iyong C-Chain wallet, dahil C-Chain lang ang compatible sa MetaMask. Kung maling chain ang pipiliin mo, baka mawala sa iyo ang mga token mo at hindi na mababawi ang mga ito. 

Sa halimbawang ito, gagamitin natin ang cross-chain function para maglipat ng AVAX mula X-Chain papuntang C-Chain.

1. Mag-log in sa iyong Avalanche Wallet at tingnan ang balanse ng wallet mo sa itaas. Sa ganitong pagkakataon, nasa X-Chain wallet ang ating mga AVAX token.


2. I-click ang [Cross Chain] sa kaliwang menu bar.


3. Piliin ang [C Chain] bilang destinasyong chain at ilagay ang halagang gusto mong ilipat. I-click ang [Kumpirmahin] para magpatuloy. Tandaan na kakailanganin mong magbigay ng maliit na bayad sa transaksyon sa tuwing maglilipat ka ng mga asset sa pagitan ng mga chain.



4. Nasa C-Chain wallet mo na ang iyong mga AVAX token. Puwede mo nang ilipat ang mga ito sa MetaMask o sa iba pang compatible na wallet.


Paano gumagana ang pag-stake ng AVAX (validator vs. delegator)?

Puwede ka ring mag-stake ng AVAX gamit ang iyong Avalanche Wallet para kumita pa ng mga AVAX token. May dalawang paraan para kumita ng mga AVAX reward: puwede kang maging isang validator o delegator. 
Ang mga validator ay mga aktibong node na nagva-validate ng mga transaksyon at nagse-secure sa blockchain. Kung mas marami kang ise-stake na AVAX token, mas malaki ang tsansa mong mapili bilang block validator. 

Hindi nagpoproseso ng mga transaksyon ang mga delegator pero sinusuportahan nila ang gawain ng mga validator. Kapag natanggap ng mga validator ang kanilang mga reward, puwedeng makakuha ng bahagi ang mga delegator batay sa AVAX na na-stake nila.

Hanggang Enero 2022, narito ang mga kinakailangan sa pag-stake:


Mga Validator

Mga Delegator

Minimum na Kinakailangan

2,000 AVAX

25 AVAX 

Tagal ng Pag-stake

Minimum: 2 linggo

Maximum: 1 taon

Minimum: 2 linggo

Maximum: 1 taon

Nangangailangan ng higit na teknikal na kaalaman ang pagiging isang validator at kailangan mong magpagana ng Avalanche node gamit ang partikular na software sa iyong computer. Hindi natin tatalakayin ang mga teknikal na detalye sa tutorial na ito, kaya naman sumangguni sa opisyal na dokumentasyon ng Avalanche para sa higit pang impormasyon.


Paano mag-stake ng AVAX bilang delegator gamit ang Avalanche Wallet? 

Bago ka magsimula, kailangan mo munang ilipat sa P-Chain wallet ang hinihinging halaga ng mga AVAX token para sa pag-stake.

1. Mag-log in sa iyong Avalanche Wallet at i-click ang [Kumita] sa menu bar sa kaliwa.


2. I-click ang [Magdagdag ng Delegator].


3. Makakakita ka ng listahan ng mga aktibong validator. Piliin kung kanino mo gustong i-delegate ang iyong mga AVAX token sa pamamagitan ng pag-click sa [Piliin].


4. Piliin ang tagal ng pag-stake at ilagay ang halaga ng mga AVAX token na ise-stake. Tandaan na hindi mo puwedeng itakda ang tagal ng pag-delegate mo nang lampas sa petsa ng pagtatapos na itinakda ng validator.

Tingnan ang address ng reward mo. Dapat nitong ipakita ang iyong P-Chain wallet address. I-click ang [Kumpirmahin].


5. Pagkatapos, makikita mo ang mga detalye ng pag-delegate at magsisimula ka nang kumita ng mga reward sa AVAX.


Mga pangwakas na pananaw

Sa pamamagitan ng Avalanche Wallet, magagamit mo ang lumalawak na koleksyon ng mga DeFi DApp sa Avalanche ecosystem. Sa loob ng iisang wallet interface, maa-access mo ang tatlong Avalanche chain, na may kanya-kanyang pinaggagamitan at layunin. Para basahin ang higit pa tungkol sa Avalanche blockchain, pakitingnan ang Ano ang Avalanche (AVAX)?.